webnovel

Chapter 78: Malaking Pagkakamali 5

Nawala ang trident ni Neptuno at tinulungan siya ni Arnie upang mabawi ito. Narinig din ni Arnie na ang kidlat at maso ni Zeus ay nawawala, nabanggit niya ito kay Neptuno kung kaya sila ay nag tungo ng Olympus upang tumulong na maibalik kay Zeus ang kidlat at maso.

Pagka tapos kumain ni Arnie ay nag tungo siya sa bulwagan upang hanapin ang mag kapatid na si Zeus at Neptuno. Natagpuan niyang nag uusap ang mga ito sa hardin ng Olympus.

Arnie: Bathalang Neptuno...... bathalang Zeus..... ikinalu lugod ko na makarating sa inyong tahanan.

Bathalang Neptuno??? maayos na ba ang iyong pakiramdam??? tingin ko ay may malubha kang dinaramdam kanina. Ang muling baling na tanong nito kay Neptuno matapos batiin ang mag kapatid.

Neptuno: ah...... eh...... oo maayos na ang aking pakiramdam, marahil ay hindi lamang ako sanay mag lakbay gamit ang portal. Ang napakamot sa kanyang balbas na sagot ni Neptuno.

Arnie: Ah!!! Ganoon ba??? naku pasensiya ka na bathalang Neptuno, mabuti naman at maayos na ang iyong pakiramdam. Balak ko na sanang ipasok kang muli sa portal upang ibalik sa Atlantis. Ang paghingi ng paumanhin at sagot ding muli ni Arnie.

Neptuno:😬😬😬

Zeus: 😬😬😬

Ah!!! wala kang dapat alalahanin sa aking kapatid, malakas pa sa balyena ang katawan niya. Ang singit naman ni Zeus sa usapan.

Siya nga pala, nais ko sanang mag pahanda ng piging para sa iyo. Nais kong ipakilala ka sa lahat ng aking nasasakupan at aking mga anak, ang muli ay saad ni Neptuno.

Arnie: Ah???....... Ang piging ay karapat dapat mong ituloy, magpa handa ka ng marami at ibat ibang putahe ng pagkain.

Ngunit huwag mo na akong ipakilala sa lahat, mas makabubuting hindi nila ako kilala upang maging palagay ang loob nilang lahat sa akin.

Mas mabuti rin na hindi nila alam na naparito ako upang tumulong sa pag hanap sa iyong kidlat at maso. Baka maalarma ang sinumang kumuha nito at baguhin niya ang kanyang plano. Ang dere deretso at walang prenong pagsa salita ni Arnie.

Chương tiếp theo