webnovel

Chapter 78: Malaking Pagkakamali

Dali-daling tinungo ni Zeus ang silid kung saan naroon ang nakaba batang kapatid. Inabutan niyang kata tapos lang nito mag palit ng kasuotan at nag ha handa ng lumabas ng silid.

Zeus: Neptuno aking kapatid, maari ba tayong mag usap sandali? Ang agad na tanong nito kay Neptuno.

Neptuno: Oo naman, aking nak tatandang kapatid. Sandali lamang at susunod na ako sa iyo sa labas. Ang sagot naman ni Neptuno

Zeus: hindi mo na kailangang lumabas pa, ang nais ko sana ay dito na lamang tayo mag usap ng sarilinan.

Ang maagap na tugon ni Zeus at tumuloy na ito sa loob ng silid. Naupo ito sa isang upuang naro roon bago hinarap ang naka ba batang kapatid na si Neptuno na noon ay naupo na rin sa gilid ng kanyang higaan.

Neptuno: Ano ang pakay ng aking naka tatandang kapatid at tila yata napaka halaga ng ating pag uusapan? Sinadya mo pa ako sa aking silid na hindi mo dating ginagawa? Ang naka taas ang isang kilay na tanong ni Neptuno kay Zeus.

Zeus: ah...... mahalaga nga ang aking pakay sa iyo aking kapatid. Ang pasimulang saad ni Zeus na bantulot kung deretsong tatanungin na ang kapatid o hindi.

Neptuno: At ano naman iyon? Ang napa kunot noong tanong muli nito, nag tataka sa inaasal ng kapatid.

Zeus: Neptuno aking kapatid, ano ang pakay mo at naparito ka sa Olympus ngwalang abiso???

Nabigla si Neptuno sa tanong na iyon ng nakata-tandang kapatid. Hindi niya maintindihan kung bakit ito nag tanong ng ganito.

Neptuno: Kapatid ko, hindi ba at dati naman na akong pumupunta dito ng walang anumang pa abiso? Hindi ba at tahanan ko rin naman ito???

Zeus: Na may kasamang mga tikbalang mula sa mundo ng enkanto? At mortal na tila may kaka ibang kapangyarihan at kumakain ng tao??? Ano ang dahilan mo at naparito ka kasama ang mga nilalang na iyon???

Tila natulig ang dalawang tainga ni Neptuno sa narinig na sinabi ni Zeus..... Si Arnie??? kumakain ng tao??? oo nga at matakaw ang binibining ito, ngunit nungkang kumain ito ng tao....

Neptuno: Sino ang nag sabi sa iyo ng mga bagay na iyan??? ano ang ginawa mo kay Arnie??? ang kinakabahang usig ni Neptuno kay Zeus.

Zeus: ah..... Arnie pala ang pangalan ng mortal na iyon? Sa ngayon ay naka kulong siya sa kanyang silid at hindi namin pinabayaang lumabas, mukhang gutom na ang mortal na kasama mo at nagawa niyang sirain ang mga muwebles sa silid na iyon sa talim ng kanyang ngipin.

Sabihin mo nga sa akin, isa nga ba siyang mortal? o isang makapangyarihang Titans na gaya natin? Paano niya nagawang ikubli ang kanyang katauhan??? Ang sunod sunod na tanong muli ni Zeus kay Neptuno.

Chương tiếp theo