webnovel

Bakit Ganon?

October XX, 20XX

SUBJECT: Bakit ganon?

Infinity Janine Ramos <infinityramos@ymail.com>

Mahal,

Nanalo ako ng award. Hindi ko nga alam kung matutuwa ba ako o maiinis. Kasi yung award ko tragic writer award. Pinapatayo na nga ako nila Pipay at Robin kasi sabi nila wala naman na daw mananalo sa category na yon kundi ako. Sila pa nga daw ang aangal kung hindi ako ang mananalo.

Sa totoo lang, sobrang hirap. Pero kada araw, kahit papaano gumagaan, kasi may mga kaibigan akong kagaya nila. Hindi man nila alam ang buong detalye ng nagyari satin, alam ko naman na hindi nila ako pababayaan at iiwan.

Tatay June is a father to me, actually to all of us. Nakakalungkot man dahil malapit na siyang mag-retire, pero alam ko hindi naman niya kami iiwan agad. Saka mukang magaling din naman yung papalit sa kanya.

Umiyak ako habang nagsasalita ng acceptance speech ko. Para nga akong sira! Feeling ko nasa FAMAS ako at nanalo ang storya ko as best script. Sa totoo lang hindi ko din alam kung bakit ako umiyak. Pero habang nagsasalita ako, naalala kita. Naisip ko, kung nandoon ka siguro habang kinukuha ko yung award ko sobrang proud mo siguro sakin.

Ikaw yung kauna unahang taong hindi nagmaliit sa kakayahan ko, sa gusto ko, at sa mumunti kong pangarap. Ikaw ang naging ilaw ko, naging gabay ko sa buhay. Kaya siguro alam mo kung bakit ako nagkakaganito. Simula ng mawala ka nangangapa ako sa dilim. Hindi ko alam kung saan direksyon ba dapat ako maglakad. Nawala ka, nawala ang liwanag ko. Kaya kahit na pinipilit kong maglakad sa kahit anong landas, nadadapa ako. Nasasaktan, kaya ngayon puro na ako sugat at galos.

Sana pwedeng ibalik yung panahon no? Sana. Kung pwede lang sana.

Pagkatapos ng awards program, nagkaroon ng salo salo. May kaunting sayawan at katuwaan.

Alam mo ba, sa lahat ng kanta na pwedeng i-play sa program na iyon yung theme song pa nating dalawa. Hindi ko alam kung nananadya ba ang tadhana o gusto lang talagang mang inis.

Hindi ko alam kung bakit sa Walong bilyon na tao sa buong mundo, ako pa ang madalas na paglaruan nito. Puwede bang ibang tao naman? Yung kaya pang makipagbiruan sa kanya? Kasi ako, ubos na ubos na. Hindi ko na alam kung saan ako kakapit, kung saan ako pupunta para lang makaiwas sa trip niya.

Sobrang miss na kita.

Ikaw lang at patuloy na nangungulila sayo,

- Infinity

Chương tiếp theo