webnovel

IV

CHAPTER 4

Leaves will soon grow from the bareness of trees

And all will be alright in time

From waves overgrown come the calmness of seas

And all will be alright in time

Wounds of the past will eventually heal

And all will be alright in time

'Cause all of this comes with a love that is real

You never really love someone until you learn to forgive.

- Leaves, Ben&Ben

***

MAKIKITA ang isang matandang nakasandal sa kanyang sariling upuan sa tabi ng kanyang higaan, nakatingin ito sa malayo. Tila may malalim na iniisip.

Ang kulubot nitong balat ang siyang buhay na ebidensya ng katatagan. Nakaupo naman sa isang bangkito ang isang binata. Habang nakatingin sa malayo ang matanda ay nakatitig naman ito dito.

Halo-halong emosyon ang makikita mo sa binata.

Tampo, hinanakit, pero mas kitang-kita ang pagmamahal at pagka-miss dito.

Pagmamahal sa taong nagsilbi niyang pangalawang ina. Sa totoo lang ay ito ang mas nagpaka-ina sa kanya kaysa sa kanyang sariling ina. The old lady took care them, ito ang nagpalaki, nagpangaral at nagbuhos ng atensyon sa kanilang magkakapatid.

Kaya ganoon na lang din ang pagka-miss niya dito. Dahil nandito man ito sa tabi niya physically. Matagal na naman ng kinain ng sakit na alzheimer's ang matanda. Nang huli niya itong makausap ng matino ay noong pinaalam nitong na-diagnose siya ng alzheimer's. Nagpaalam sa kanya itong papasok sa isang institute na para sa mga matatandang walang kakalinga.

Tumandang dalaga na kasi ito sa pag-aalaga sa kanila. At ang mga kamag-anak nito ay may iba't-iba ng buhay. Ang pamilya na nila ang naging pamilya nito. Ayaw niya itong payagan. Gusto niya itong alagaan kagaya ng pag-aalaga nito sa kanya noong bata pa siya. Pero ayaw nitong maging pabigat kahit kanino.

Hindi niya ito napigilan.

Kaya kahit na hindi naman na siya nito naaalala minsan, kagaya ngayon, ay dinadalaw niya ito. Kinu kwentuhan ng mga bagay na nangyari sa kanya, kapag pagod siya o di kaya ay nagsusumbong siya dito. Kahit madalas ay wala itong reaksyon. Minsan naman ay hahawakan ng dalawang kamay nito ang kanyang mukha. Nakikipag titigan, pagkatapos ay may dadaan sa mga mata nitong emosyon. Una ay galit, naging lungkot...pagkatapos ay awa.

Kung para sa kanya ay hindi niya alam. Dahil mula ng nilamon ito ng sakit ay hindi na niya alam kung ano talaga ang tumatakbo sa isip nito.

"Alam mo 'Nay, may nakilala ako 'nong surprise wedding ni JM. Pinagkamalan ko pa nga siyang chicks ni JM kasi naglalasing." Natatawa niyang pang sabi dito, paano ay naaalala niya mismo ang reaksyon ng dalaga nang sabihin niyang nagpapakalasing ito dahil sa kaibigan.

"Pero hindi naman daw. Naniniwala naman ako sa kanya. Kasi… Kasi nung tinitigan ko siya may iba akong naramdaman. As if we know each other for a long time." Bigla naman siyang nailing.

"Alam mo nay feeling ko nga na-weirduhan siya sa'kin. Ako din na-wierduhan sa naramdaman ko 'nong araw na 'yon."

Nagbaba siya ng tingin, forcing himself to remember what he felt the moment their eyes met.

Hindi niya ma-explain. Basta ang weird. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Pinawisan siya ng malamig.

His body reacted to her, not in a lustful way, but his body reacted to her as if he missed her presence so much.

"Iba 'yong feeling eh. Alam mo 'yong at the back of your mind you know something is really different inside you the moment we land each other's gaze. H-Hindi ko talaga ma-explain. Nakaka-frustrate." Napasabunot pa siya sa buhok dahil sa sobrang frustration na hindi niya ma-explain.

Para siyang tangang natatawa na naiinis.

"I just wish we see each other again. Well, she is a writer on The Journal. And I am planning to invest on Patrick's idea of book printing. Kaya siguro magkikita kami ulit. Malaki ang chance na masama ang mga storya niya sa unang batch na mapi-print for paperback. She's a good writer, though all her stories are heartbreaking." Natatawa pa niyang sabi dito.

The old lady stays emotionless.

And sadness officially took him ng mag-angat ulit ng tingin sa kausap. Wala pa din itong reaction. She's been looking at the trees outside since the moment he entered her room.

Sobrang miss na niya ang ngiti nito, ang halakhak. Kahit nga ang mga pangaral nito sa kanya. Oo nga at nandito ito ngayon sa harap niya, pero hindi na ito kagaya ng dati. Ang pinagtataka pa niya, simula ng lamunin ng alzheimer's ang matanda ay hindi na siya nito kinibo. Tila ba may hinampo ito sa kanya.

Ganoon kasi ito, hindi magsasalita o hindi siya nito kiki buin kung nagtatampo ito sa kanya.

Pero wala naman siyang natatandaan na ginawa na maaaring kinatampo nito.

Nagbuga siya ng hangin.

He just went here to inhale some fresh air. This past few days feeling niya ay ang sikip sikip ng lahat. Burn out? Siguro. Ang dami din niya kasing trabaho nitong mga nakaraang araw.

He just wanted to see an old face.

"Nay, aalis na po muna ako. Kumain po kayo ng madami. Magsabi lang po kayo kay Nurse Jhen kung anong gusto niyo. Siya na po ang bahalang magbigay sa inyo. Dadalaw nalang po ako ulit." Naghahanda na siyang tumayo ng may dalawang kamay na pumigil sa kanya sa pamamagitan ng paghawak nito sa kanyang mukha.

Nagulat pa siya 'nong una pero agad kumalma ng mapagtantong walang ibang gagawa 'non sa kanya kundi ang matanda.

"B-Bakit po 'nay?" Tanong niya dito. Baka may gusto itong pabili? O bilin?

"Kumain ka na." Sabi ng matanda. Hindi iyon isang tanong, kung hindi isang utos.

"O-Opo, nay! Kumakain ako lagi sa tamang oras." Sagot niya dito.

"Hindi maganda ang nagpapalipas ng gutom. Lagi mong tatandaan ang mga bilin ko sa'yo." Patuloy nito.

"Lagi mo ding tatandaan na may kakampi ka. Nandito pa ako. Hindi kita pababayaan."

He can't help but be emotional on the things she is saying. Mga pangaral at pagmamahal na binigay nito sa kanya. Na kahit siguro sa sarili niyang pamilya ay ipapangaral din niya.

Maya maya pa ay tumigil na ito sa pagsasalita. Pero naka titig pa din sa kanya ang matanda.

Pinakatitigan siya nito, 'yong tingin na puno ng pagmamahal. Pero hindi ito nagsasalita. Hinawakan niya ang kamay nitong nasa kanyang muka pa rin, pagkatapos ay marahan iyong inabot ng kanyang labi at hinalikan.

"N-Nay." Punong-puno ng emosyong tawag niya dito. "Miss na miss na kita." Pagkatapos ay tuluyan na siyang umalis sa kwarto nito.

For a better reading experience, the writer urges you to play the songs included per chapter. Please visit my Facebook page for the Playlist on Spotify, feel free to listen to them while reading!

Please wash your hands regularly, humans!

Thank you so much for giving time to my story! Appreciated! Will work hard more for your reads :) Please do leave a rating/comment! I am reading them :)

Comments? Reactions? Feel free to comment on them down below :)

Follow me on my social media platforms!

Facebook Page: RNL Stories

https://www.facebook.com/RNLStories

Twitter: @RomanceNovelist

Instagram: @romancenovelist_wp

e-mail: romancenovelistlady@gmail.com

RomanceNovelistcreators' thoughts
Chương tiếp theo