webnovel

Here to Stay [Filipino]

Tác giả: RomanceNovelist
Thanh xuân
Đang thực hiện · 129.1K Lượt xem
  • 23 ch
    Nội dung
  • số lượng người đọc
  • NO.200+
    HỖ TRỢ
Tóm tắt

Promises are meant to be broken. Iyan ang paniniwala ni Infinity. Simulat sapul kasi walang taong tumupad ng pangako sa kanya. Hanggang sa nasanay na rin siyang hindi na umasa, dahil sa huli ay hindi rin naman ito matutupad. Until one man change her beliefs. Lahat nang sinabi at pinangako nito sa kanya ay tinupad nito. Now she begin to hope, to believe, to trust, and to love once again. Pero masyado ata siyang mahal ng tadhana. The man behind her smiles and leaves her hanging. That turned her life to nothingness once again. Dahil dito ay tanging masasakit na istorya na lamang ang kanyang nasusulat. Kaya nga binansagan siyang The Tragic Writer ng The Journal. Pagkatapos noon ay sinimulan niyang buoin ulit ang sarili. From scratch and pain, kinaya niya…kinakaya niya. But the past keeps haunting her. Until someone came who made her feel alive again. Made her believe that she is not alone, that she was worth it. Na may bilang siya sa mundo. Is he her saving grace? Or he is another heartbreak?

Thẻ
1 thẻ
Chapter 1S I M U L A

***

MALUNGKOT na nakatingin si Infinity sa nakasarang pintuan ng ICU.

Sabi nila: hindi nagbibigay ang Diyos ng problemang hindi mo kayang lagpasan.

She really believe that. Alam ng Diyos na matatag siya kaya siya binibigyan ng ganitong problema. Pero sana…isa isa lang. Dahil kapag pinagsabay sabay ay hindi na siya sigurado kung kakayanin pa ng puso niya.

"Infinity, magpahinga ka kaya muna? Aba'y ni pikit ata ay hindi mo pa nagagawa." Sermon sa kanya ng matandang kasambahay.

Siya si Manang Carmen, parang totoong nanay na ang turing niya dito. At parang anak na din ang Turing sa kanya ng matanda.

"O-Okay lang po ako Manang Carmen."

"Anong okay? Namumutla ka nanaman." Tinabihan siya ng matanda, itinabi nito sa gilid ang tungkod na siyang alalay dito para makapag lakad. Pareho nilang tingnan ang nakasarang pintuan ng ICU.

"Kumain ka na ba?" Mahinahong tanong nito.

"H-Hindi po ako gutom." Pilit niyang tinatatagan ang boses.

Sa totoo lang ay wala pa siyang kain maghapon pero hindi siya nakakaramdam ng gutom.

"Infinity! Ang kulit mo talagang bata! Sa tingin mo ba ay matutuwa si Elroy sa ginagawa mo?"

Ayaw na ayaw nitong niyang nalilipasan siya ng gutom.

"Eh gumising na k-kasi siya! Bakit hindi pa din siya bumabangon? T-Tumayo na siya d-diyan! Pagalitan…pagalitan na niya ako!" Mabilis na nag-unahan ang kanyang mga luha.

Agad naman siyang niyakap ng matanda. Comforting her to one of the darkest time of her life.

It has been 4 days already. Pero hindi pa din nagbabago ang lagay nito.

"Tahan na iha. Sige na please, magpahinga ka nalang. Hindi matutuwa ang alaga ko na hindi ka tumitigil sa pag-iyak." Pag-aalo pa din nito sa kanya.

"Ayoko p-pong matulog manang. Natatakot ako…natatakot po akong tuluyan ng m-mawala sa paningin ko si Elroy. Natatakot ako na pag-gising ko hindi ko na siya makita o mahawakan man lang. Hindi ko po alam…hindi ko po alam kung kakayanin ko" Walang tigil ang pagbagsak ng luha niya habang nasa bisig ng matandang nagsilbi ng kanyang ina.

And she is saying those words as if it is her saving grace. Na tila ba sa pagbigkas niya sa pangalan nito ay nakasalalay ang kanyang buhay. Well that's true. He is her life line.

"Sa t-tingin mo ba ay hahayaan ka ng alaga kong umiyak maghapon? G-Gising din 'yon. Tapos papagalitan ka 'non ng paulit-ulit d-dahil hindi ka nanaman kumakain sa oras."

Kinagat ni Infinity ang labi para pigilan ang sarili sa pag hagulgol.

Kahit oras oras siyang pagalitan nito ay okay lang. Basta…basta gumising lang ito.

"Tahan na iha. Sige na please, magpahinga ka na. Hindi matutuwa ang alaga ko kapag nakita ka niyang nagkakaganyan. Ako ng bahala dito." Patuloy pa rin ang pangungumbinsi ng matanda sa kanya.

"Hindi na po talaga manang, kaya ko pa po."

"Ang kulit mo talagang bata ka! Parehong-pareho kayo ng alaga ko. Kaya magkasundong magkasundo kayo eh. Oh shaaa… ano na lang ang gusto mo? Kape? Candy? Biscuit? Magkalaman man lang tiyan mo."

As a smile formed on her face, hinawakan nito ang impis na tiyan. Magkalaman? Only if nanay Carmen knew. Siguradong matutuwa ito.

As she held her tummy, memories of the past kept on repeating in her head. As if it happened yesterday. How she wished she could go back to that moment and stay there forever. But she can't. She just can't.

Pinunasan niya ang mga luha at hinarap ito.

"Okay lang po talaga ako nanay. Kayo po, kung anong gusto niyo."

Nagpakawala ang matanda ng buntong hininga. Tila pagsuko sa katigasan ng kanyang ulo.

"Iwanan muna kita dito, Infinity." Dahan dahan umalis ang matanda. Muli na naman siyang naiwang mag-isa.

Tumayo siya sa kinau-upuan at sinilip ang loob ng kwarto.

Nakita niya ito, nakahiga sa hospital bed at walang kakilos kilos. Iba't-ibang cords ang nakakabit dito. Meron din itong tubo sa bibig para makahinga.

Ang pagbaba at pagtaas ng mga linya sa isang monitor ang siyang nagbibigay ng pag-asa sa kanya. Tanda iyon na lumalaban ito.

"Dad." Bulong niya dito, para siyang baliw na ngumingiti habang umiiyak sa maaaring reaksyon ng asawa sa oras na marinig nito ang balita. "Gising ka na, please."

Bumuhos na naman ang kanyang mga luha. Hinawakan niya ang salamin, animong nahahawakan din niya ang mukha nito.

"Y-You promised you will never leave me. Bangon ka na please. Please." Nilamon ng hikbi ang bawat pakiusap niya.

Paulit-ulit. Baka sakaling marinig nito ang bawat hinagpis niya at maisipan na nitong gumising.

But suddenly her tears stopped falling… as well as her world.

When the monitor got flat-lined.

Bạn cũng có thể thích

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Thanh xuân
4.7
303 Chs