webnovel

Wala

Chapter 27. Wala

NAGKAAYOS ang tatlong magkakaibigan nang araw ding iyon na nagpunta si Rellie sa mga dela Paz. Masaya siya na naliwanagan sila bago pa makaalis ang mga ito sa bansa. Cham would live with her mom in New Zealand while Jolene would go to medical school in America. Nagkawalay man ay masaya siya na maganda ang magiging kinabukasan ng mga ito. Si Hapi na lang ang naiwan sa Pilipinas pero hindi niya mahagilap. Paano'y lagi na lang travel nang travel ang huli.

Sa ngayon ay maluwag ang schedule niya. Though she got scouted by lots of entertainment agencies locally and international, she humbly declined and informed them that she'd like to focus being a model. Masyadong magulo ang show business industry para sa kaniya. At isa pa, mas lalo siyang mawawalan ng oras sa hobby niya kapag tumanggap kahit isa man lang sa mga offer.

Ngayon ay katatapos lang ng wrap-up dinner party ng shooting nila para sa new endorsement niya na isang clothing brand. Wala ang driver nila kaya ang ama niya ang sumunod sa kanila ng ina.

"Bakit ikaw ang sumundo, 'Pa? Nasaan si Kuya?" bungad niya matapos humalik sa pisngi ng ama niya. Sumakay na siya sa backseat ng sedan habang ang mama niya ay sa passenger seat.

"He said he's busy. Anyway, let's go home? I want to take a rest already."

"'Ku, gusto mo lang makipag-inuman na kay Tae Ho," kantiyaw ng mama niya. Tae Ho was her uncle. Nagbakasyon ang mag-anak at sa mansiyon pinatuloy ng mga magulang niya.

"I haven't seen him in a while. Alam mo bang gusto nang magkaapo? Natawa na lang ako kasi ang bata-bata pa ni Juan Miguel," komento naman ng ama niya. Juan Miguel, or JM, was her cousin.

"'Pa, kung bata pa si Kuya JM, siguro fetus pa lang ako sa paningin ninyo," bulalas naman niya. Paano ay parang na-stuck 'ata sa ama niya na teenager pa rin ang pinsan niya. Parang ang Kuya Arc lamang niya ang nagkaka-edad dito. Siguro kasi ay palagi namang nagkikita ang dalawa sa tuwing may meeting sa kumpanya. Parehong malalaki ang share ng mga magulang niya sa isang logistics company, bukod pa sa mga museum na pagmamay-ari ng mga ito.

"Ah, right," komento nito na natawa pa sa sarili.

"Alam n'yo, since balak naman nang mag-settle nina Tita Juana rito sa Pinas, bakit hindi n'yo na lang alukin na tumira sa mansiyon?" suhestisyon niya.

Parehong natigilan ang mga magulang niya.

"Why, love?" ang mama niya ang unang bumasag sa katahimikan. "Are you planning on getting married?"

"Me? Getting married? No, 'Ma!" hindi makapaniwalang bulalas niya. Ano bang konekta niyon sa sinabi niya? She added, "I'm just suggesting things since you all are close. Mas mainam na rin para sa atin. Madali na lang na magtitipon-tipon, hindi ba?"

"That's a good idea." Sumulyap ang ama niya sa rear view mirror at bahagyang tumango.

The blue eyes of her brother and hers were from their father's genes. Ang lolo nila ay may asul ding mga mata, pero ang sa ama nila at kulay-tsokolate. Matangkad din si Mr. Prietto at kahit may katandaan ay maganda ang pangangatawan. Ito talaga ang dahilan kung bakit bata pa lang sila ng kuya niya ay nasanay na silang mag-exercise. She could say that her dad was a fan of healthy living.

Kabaliktaran naman ng sa mama niya na halos lahat 'ata ng matataas sa calories na pagkain ay paborito nito. Tamad ding mag-exercise at hindi madalas na umiinom ng tubig. Kung hindi lang ito nagpapa-derma at tadtad ng skin products, pati ng food supplements, nunca maging healthy ang skin. Her mom also gained weight that's why her dad was always telling her to lose some. Not because he did not like her being a bit overweight; it's for health purposes, of course.

Nang makauwi ay nakahapag na ang mga pagkain sa dining. Kahit galing silang dinner party ng mama niya ay pumwesto pa rin sila roon dahil ang tita niya ang nagluto para sa kanila.

Bumati siya sa mga ito at nang makapaghugas na ng kamay ay naupo na siya. Nasa katapat na upuan niya ang pinsang si JM. Sa katunayan ay ilang buwan lang ang tanda nito sa kaniya pero itinuturing pa rin niyang Kuya.

Hindi sa pagmamayabang ay may hitsura rin ang pinsan niyang ito. Nasa lahi na 'ata nila nag biniyayaan ng natural na ganda ng facial features.

"Don't tell me you're thinking of painting my portrait again?" Napangiwi pa ito nang pukawin ang atensiyon niya.

Natawa siya bigla. Paano'y noong huling ipinta niya ang mukha nito ay sinadya niyang pangitan ang gawa. At nagdahilan na abstract kasi ang forte niya.

"I heard that nowadays, you're into nude?" Sumeryoso ito at tumango naman siya. "You better take care, 'san. Baka mamaya, nananamantala lang pala ang mga nakukuha mong modelo."

"Ha? Bakit naman?" takang-anong niya.

"I have this friend in Gangnam—" Sa South, Korea iyon kung saan tumira ang mag-anak nang hayskul na ito. "—his model musterbated in front of him while they're having a painting session. He even tried to force him to have sex with him. Nakapanlaban lang ang kaibigan ko kaya nakatakas."

Aww... Na-touch siya sa pag-aalala nito sa kaniya. "Don't worry, propesyonal ang mga kukunin ko sa susunod."

"Tama na iyan at magpasalamat na muna tayo sa biyayang bigay ng Maykapal." Ang tita Juana niya ang nagsalita.

Iyon na nga ang ginawa nila at saka nagsimula na sa pagkain. Nasa kalagitnaan na nang hanapin ang kuya niya.

"Nasaan na ba ang pamangkin kong si Archibald? Aba'y tatlong araw na kami rito pero hindi ko pa rin nakikita kahit anino niya," baling ng tita niya sa kaniyang ina.

"Abala na naman sa pagpipinta iyon. Hayaan mo at pauuwiin ko bukas," sagot naman ng kaniyang ina.

As if on cue, her brother appeared. Minsan talaga ay parang multo ang kuya niya. Ni hindi sila nakarinig ng kaluskos o ingay sa pagdating nito. "Miss me, Ninang Ganda?" Nag-pose pa ito na parang Mr. Pogi. His thumb and his forefinger were up and he put his chin in between the gap of those two fingers.

Siya naman ay kaagad na naningkit nang may mapansin dito. "Bakit may sugat ka na naman?" May tahi ito sa kaliwang noo.

Napansin niyang nagdududang tumingin si JM sa kuya niya, at ganoon din siya.

"Nadisgrasya lang. Nadulas sa banyo at heto, pumutok ang noo," paliwanag nito.

"Pati ang labi mo, pumutok?" si JM. Iyon din ang gusto niyang pansinin.

"Mamaya n'yo na gisahin ang Kuya Arc ninyo," ang tita niya iyon.

"Favorite talaga ako ni Ninang!" Lumapit ito sa mga nakatatanda at bumeso.

"Maupo ka na rito at sabayan mo na kami. Ako ang nagluto nitong bistek," ang kaniyang tita.

In fairness naman sa beef steak, talagang malinamnam ang pagkakaluto.

Nagkwentuhan pa silang mag-anak hanggang sa matapos nang kumain. Ang mga haligi ng tahanan ay tila nagkaroon na ng sariling mundo sa balkonahe nang pumanhik na. Mukhang umpisa na ng inuman session ng mga ito.

Siya naman ay pumanhik na sa kwarto at naligo. Nagpapatuyo pa siya ng buhok nang hilahin siya ng antok at nakatulog.

Bandang lagpas alas onse nang malingat siya at kaagad na hinanap ang cellphone upang tawagan si Sinned. Pero busy tone lang ang bumungad sa kaniya na pinagtakhan niya.

Bakit busy?

"Hindi kaya kausap niya si Candace via long distance call? O ibang babae siguro?"

"Akala ko ba, single siya?"

"Single, pero maraming nagpapainit sa kama niya?"

She frustratingly pulled her hair to stop those unwanted thoughts from flooding her mind. Hindi na 'ata mawawala ang pagdududa sa kaniya, at wala naman siyang magawa dahil ano nga ba siya ng lalaki?

Wala.

   

    

NAGTAKA si Sinned kung bakit ang kuya ni Rellie ang tumatawag sa kaniya, samantalang ang babae ang inaasahan niyang tumawag kanina pa. Pero oras na rin naman kaya nakatulog na siguro, kaya sinagot na rin niya ang tawag ni Arc.

"Damn, Ash, what should I do?"

"I told you to stop calling me Ash," pansin kaagad niya. "I don't do codenames."

"O, sige, Dennis Immanuel."

Binaba niya ang tawag. Mukhang manggugulo lang naman pala ito. Pero wala pang ilang segundo ay tumawag ulit ang huli. Hindi na sana niya sasagutin pero naisip niya na hindi ito tumatawag nang biglaan kung hindi importante.

"Ito naman, hindi mabiro," bulalas nito pagkasagot niya.

"What is it?"

"It's about my cousin. He's been asking me on what do I do these days. Nadulas ako at sinabing nagtatrabaho ako sa Phoenix." At sinabi nitong wala nang nagawa at kinwento na ang tungkol sa trabaho.

"So?" Wala namang problema. Pwede naman nilang ipagsabi na agent sila sa Phoenix, basta huwag lang iyong mga detalye tungkol sa trabaho. Especially those crucial informations.

"He wants to fucking enter the agency."

That got his attention. "Babae ba o lalaki?"

"Lalaki. May dugong Koryano."

"Eh, 'di, i-recruit mo."

"Ang pinoproblema ko ay si Rellie. Mukhang nakakatunog na rin sa mga ginagawa ko."

"I-recruit mo rin," labas sa ilong na suhestisyon niya. "Para matigil sila sa katatanong, ipasok mo, nang malaman nila ang tinatrabaho natin."

"Gago, hindi ko ipapasok sa delikadong pamumuhay ang kapatid ko. Prinsesa namin iyon."

"Prinsesa? What the fuck!" Natawa siya hindi dahil sa hindi mukhang prinsesa si Rellie. Jesus, she could even be a queen!

Kaya siya natawa ay hindi niya mapigilang maisip na ang corny ni Arc. Ganoon pala ito sa kapatid. Hula niya ay masyado nitong in-spoil si Rellie, kaya tuloy lumaki na parang madaling mauto ang babae.

Walang sabing tinapos niya ang tawag para makapagpahinga na. Pero pagkababa niya ng tawag ay napansin niyang may text message si Rellie:

Gabi na, ah? Sinong babae ang kausap mo?

Imbis na mahiga sa kama ay sumandal siya sa headboard ng kama. He tilted his head while staring at that SMS. As if that position would let him interpret the message from a different perspective. Pagkuwa'y may kasunod iyon:

I mean, gabi na kasi. Dapat, matulog ka na. Good night! Imy.

"Imy?" takang-basa niya sa huling kataga. Na-wrong send siguro at para sa kaibigan ang text na iyon. Hindi naman Imy ang pangalan niya.

He tried calling her but her phone was already turned off. Ma-lowbat na siguro kaya nag-charge na, at saka nakatulog na ulit.

Kaninang hinintay niya ang tawag, hindi ito tumawag. Kung kailan may nakausap lang siya sandali ay saka naman ito tumawag. Napailing na lang siya at nag-reply sa text message nito. Mababasa naman nito pagkagising kinabukasan. He typed in:

I'll sleep now. Text me your schedule tomorrow, I'll wait. Good night.

He waited for it to be sent before he put the phone on the bedside table, then, he lied on the bed so he could finally have some sleep. Pero bago pa makatulog ay binulabog na naman siya ni Arc sa tawag.

When he woke up the next day, there was not any text messages from Rellie.

Omg, na-miss ko bigla si JM!

jadeatienzacreators' thoughts
Chương tiếp theo