webnovel

Vlog

Chapter 2. Vlog

  

    

GUSTONG mapamura ni Romano nang mabasa ang text message ni Glaze. She also called him thrice but he didn't answer since his phone was on silent mode. Nanood kasi siya ng movie kanina. Hindi tuloy niya nalamang hindi na pala ito makakasama.

He phoned her.

"Hey, is Kasey already there?" bungad nito.

That's the reason why he's used to call Nami as Kasey. Nasanay siya sa pagtawag ni Glaze sa huli.

"Hindi ka kasi sumasagot kanina kaya pinakiusapan ko na lang siyang samahan ka ngayon para hindi masayang ang oras mo."

"Hindi masasayang ang oras ko sa iyo."

"Ayan ka na naman. O, sige na. Busy pa ako. I know you're still awkward with my sister but you can use this chance to know her better."

"Why would I?" takang-tanong niya.

"Well, obviously, you're my best friend and she's my only sister. I want you two to get along with each other. Ang pangit naman na ang dalawang taong malapit sa akin, e, hindi nagpapansinan, hindi ba?"

"But we're good."

"Oo na. Papatayin ko na ito. Bye, chickboy!"

Napailing na lang siya. That was before, when he's still in denial with his feelings towards her. Sa sobrang pagtanggi niya sa sariling may gusto siya sa kaibigan ay kung sino-sino ang ipinakikilala niyang babae rito noon na girlfriend niya, o nililigawan.

Noong huling dalawang taon na sa college nang mapagtanto niyang hindi lang pagkakaibigan ang turing niya kay Glaze. But she was still too young, so he waited until she turned eighteen. Na hindi rin naman natuloy ang kaniyang panliligaw kasi naging abala na siya sa pag-aaral dahil graduating na.

Pero ngayon, desidido na siyang ligawan ito. Iyon nga lang, nasira ang diskarte niya dahil ang kakambal nito ang makakasama niya. Balak kasi sana niyang dalhin si Glaze sa rooftop restaurant mamayang gabi saka ipapaalam na manliligaw siya. He even asked his friends if was that a great idea. They agreed, and recommended him some good places. At iyong rooftop restaurant nga ang napili niya.

Bumuntong-hininga siya at sinuot na ang sneakers saka kinuha ang susi ng sasakyan. Nasa sasakyan na rin naman ang gamit niya't pitaka kaya okay na siya.

Pababa na siya ng hagdan nang mapansing humikab si Kasey. Mukhang nainip na sa tagal niyang magbihis. Nag-isip kasi siya kung itutuloy pa ba ang lakad o hindi. Pero nang maisip na nandoon na rin naman ito ay nagpasya na siyang tumuloy.

"Let's go," aniya kaagad na nagpapitlag dito. Dahil nakatalikod sa kaniya ay hindi namalayan ang pagbaba niya.

"Okay."

Man, say sorry for taking too long first, Kastigo niya sa isipan.

"Wala ka na bang nakalimutan?" she asked. Though she's casual towards him, he could still feel she's a little bit stiff, or probably, awkward.

Umiling siya. Hindi na natuloy ang paghingi ng paumanhin dahil medyo nagtagal siya.

Tumayo na ito kaya napadako ang tingin niya sa mga paa nito't nangunot ang kaniyang noo.

"Why did you remove your sandals?" Hindi niya napansin iyon kanina. Mukhang tinanggal nito iyon nang makapasok na.

"Ha? Nadumihan ko iyong tiles kanina."

Napamaang siya sa dahilan nito, at hindi na mawala ang tingin niya sa paa ng babae, sa mga kukong maayos na naka-trim at may disenyo pang iba't ibang kulay ng nail polish, kaya hindi niya nasundan ang tinuro nitong dumi sa sahig.

Lumakad na ito at dumiretso sa front door. Doon pa lamang niya napansing may mala-alikabok nga sa tiles. But, that's alright. Malilinis naman iyon.

Yumuko ito para masuot nang maigi ang sandals. His eyes were glued on her million-dollar pair of legs. She's wearing a maong skirt that's why he had a nice view of her legs.

When he realized where he was looking at, he glanced sideways and cursed himself silently.

"Akala ko ba aalis na tayo?" she got his attention.

Bumalik ang tingin niya rito nang bumaling ito sa kaniya. "Ah, oo."

Hanggang sa sasakyan ay hindi sila nagkikibuan. Nasa kalagitnaan na ng biyahe nang magtanong ito.

"Bakit pala sa Montreal? Hindi pa ba nakapunta si Glaze doon?"

"Hindi pa. She was always busy whenever I asked her," sagot niya.

"Ah, yes. She's always busy nga since she joined the club." Karate club ang tinutukoy nito.

"How about you?" Natanong niya bigla kahit ang itatanong niya sana ay kung ano pang pinagkakaabalahan ni Glaze.

She shrugged. "I don't belong in any clubs. Kaya nga I always have free time."

"Why?"

Tumahimik ito saglit. Tinatantiya kung sasagot ba o hindi.

"Hindi ka pa ba nakakapag-decide?" he added. He wanted her to talk more about herself. Maybe, he's curious since she's the only sister of the woman he'd court.

"Nakapag-decide naman na. Pero baka kasi wala na akong time na mag-vlog kapag sumali ako sa drama club."

"Vlog?" He glanced at her. He noticed her cheeks glowed. Like she's excited to talk about it.

"Oo."

"What is it?"

"You don't know what a vlog is?" Hindi makapaniwalang bumaling ito sa kaniya.

He knew. He just wanted to go on with the conversation. Ano nga ba kasi ang dapat na idugtong sa sagot nitong "oo"?

"It's like a blog, pero more on videos kaya vlog."

"Yes, I get it."

Tumango lang ito.

Come on, speak more.

Tumikhim ito. Bumaling siya saglit at napansing tila may bigla itong naisip pero nahihiyang magsabi.

"What is it?"

"Uh, c-can I shoot some videos sa agency? Isasama ko sa content ng next vlog ko."

"Okay. Just don't shoot everything."

On his peripheral vision, he noticed she smiled widely. Hindi niya namalayang napangiti rin siya.

"Are you going to include me on your video just like what other couples do?" Binagalan niya ang pagtakbo ng sasakyan para mas humaba ang biyahe nila at usapan. This was the first time they're talking about her interests, and the first time they talked comfortably.

She was taken aback. "Why?"

Napamaang siya at ibinalik ang tingin sa daan. Bakit nga ba? Bago makasagot ay nagsalita ito.

"I will include you, of course. Ikaw ang nagdala sa akin doon."

He cleared his throat and decided to ask another question. "Since when did you start doing vlogs?"

Medyo awkward na nang sumagot ito pero hindi niya gaanong narinig. He's too preoccupied on how to make the conversation lighter and comfortable again. Bakit ba kasi niya nabanggit-banggit pa iyon?

"A year?"

Umiling ito. "Half a year. Pero ngayon pa lang talaga may nanonood sa mga videos ko."

"Is it hard?"

Umiling ulit ito.

Tumahimik tuloy sila dahil medyo naasiwa na ito. Kung bakit ba kasi nabanggit niya pa ang couples couples kanina, pwede namang itanong kung masasali lang siya sa video. 'Yan tuloy, patay ang usapan nila.

Gusto pa niyang itanong kung nag-e-enjoy ba ito sa ginagawa, kung mahirap bang mag-edit ng videos, mag-shoot, at iba pang mga bagay na tungkol dito.

Again, he cleared his throat.

"By the way, I'm going to court Glaze."

Matagal bago ito sumagot. "Why are you telling me this? Why don't you just tell her?"

Teka, bakit nga ba? Was it because he needed her approval? Nah. He just ran out of topic.

"Are you that dismayado na hindi siya ang kasama mo ngayon? Don't worry, hindi na ako papayag sa susunod na pakiusapan niya ako."

"I did not mean it that way..." Too late. She's already not in the mood.

Bumulong-bulong pa ito. "Kaya lang naman ako pumayag dahil akala ko mami-meet ko ang Eclipse."

He didn't glance at her anymore. Oo nga naman. Bakit ito papayag kung siya ang kasama, e, hindi naman sila magkaibigan? They just knew each other because of her twin sister.

"Just drive me home. I'll just tell Glaze I'm not feeling well."

"Why?" Nag-aalalang bumaling siya rito. "May masakit sa iyo?"

Naningkit ang mga matang ginantihan siya niyo ng tingin habang nag-iwas naman siya ng tingin at ibinalik ang atensiyon sa kalsada.

He got it. She's just making an excuse. Pero hindi pwedeng hindi sila matuloy. He noticed how excited she was when she asked if she could take a video...

"Tumuloy na tayo. Malapit na rin naman tayo," he said with conviction.

Chương tiếp theo