webnovel

Eavesdrop

Chapter 11. Eavesdrop

    

    

"IT looks like he wanted to say more, eh?"

Hindi talaga maintindihan ni Jinny ang sinabing iyon ni Bree habang lulan sila ng elevator pababa sa basement parking. Mahigpit na ang seguradidad sa gusali at wala na ang mga press sa main entrance pero siniguro pa rin ni Bree na hindi sila roon dadaan.

"My brother's waiting for half an hour already. Sakto namang nasa Maynila siya kaya nagpasundo ako, t-in-ext ko siya kanina," pagbibigay-alam nito sa kanya kanina.

"Wala na, ay. Nasabi na niya, 'di ba?"

"Pero parang may sasabihin pa kasi talaga siya, eh. Kilala ko ang lalaking iyon," a short pause. "Balikan natin?"

Napailing siya dahil pinilit talaga nito na may sasabihin pa si Rexton sa kanya at baka nakaligtaan lang ang bagay na iyon.

"Huwag na. Iyon lang siguro iyon. 'Tsaka akala ko ba nasa basement na ang kuya mo?" she reminded her. She met her brother twice—first was during their debut tour, second was when they attended Bree's birthday party when they were still trainees.

"I'll just text him or call him and say he should wait a bit. Sanay iyong maghintay nang mas matagal pa, 'no! Don't be bothered about it."

And they went up again. Bree dialled on her phone and really told her brother to wait.

"Kuya, wait lang, ah, may nakalimutan kasi sa office ni Rexton." Ni hindi na nito hinintay pa na makatugon ang nasa kabilang linya dahil pinatayan kaagad ng tawag. Napailing na lamang siya. Kung hindi lang siya sanay rito ay iisipin niya na spoiled brat ito. Ay, teka, spoiled brat naman pala talaga si Bree.

Nang nasa tamang palapag na sila at nasa tapat ng opisina ni Rexton ay parehas silang natigilan nang mapansing may kasama ito sa loob. Bahagya kasing nakabukas ang pinto at makikita sa maliit na siwang ang receiving area ng opisina.

"Wait, isn't that Estacio?" bulong ni Bree sa kanya. Irritation could be felt out. Parang gusto niyang ipagtanggol ang lalaki sa harap ng kaibigan niya.

Pero napabusangot kaagad siya dahil naalala na naman niya ang sinabi ng lalaki kanina.

"Bakit nandito pa siya? I thought he already left a while ago."

Kumunot ang noo niya. Why did the two of them have to meet discreetly? Were they keeping a secret?

"Does Rexton have a girlfriend?"

"Wala," Bree answered immediately. "Focused iyan masyado sa pagpapalaki kay—" Hindi niya narinig ang sumunod na sinambit nito dahil naglaro na naman sa kaniyang isipan ang kakatwang bagay na kanyang naisip kanina.

"What if they have a relationship?"

"It's ridiculous! Are you insane?" natatawang komento ni Bree hindi dahil sa nakakatawa ang sinabi niya. She just laughed because of how ridiculous her thinking was. "Rexton is not a gay. And that guy is known a womanizer since then. Grabe iyang mangwasak ng puso noon. 'Lam mo naman ang nangyari roon sa friend ko, hindi ba? Pati pagkababae't dignidad, winasak."

She stayed still. Bigla yatang sumama ang pakiramdam niya. Parehas naman silang natigilan ni Bree nang marinig ang mga sumusunod na kataga:

"I thought you liked Sunshine's guitarist before?" si Rexton ang nagsabi niyon. Dumagundong ang kaba sa kaniyang dibdib dahil sa narinig. Wala namang ibang kausap si Rexton, si Timo lang. Si Timo ang may gusto sa gitarista nila? At... siya iyon, hindi ba? Not that she was hopeful. Nainis na nga siya rito kaya bakit naman siya aasang siya ang gusto nito?

"What?" Bree muttered.

Pero paano kung ang bass guitarist pala ang tinutukoy na gitarista? Natahimik lalo sila ni Bree, mukhang nag-iisip din ito.

"That was before I knew she has a kid. I never wanted to have some intimate relationships with single mothers."

Her eyes immediately widened because of that statement from Timo. Siya nga ang tinutukoy ng dalawa na gusto nito! Pero noon iyon. Naguguluhan siya kung ano na ba talaga ang kinaiinisan niya ngayon, kung tungkol ba sa sinabi nito kanina o sa narinig niyang sinabi nito ngayon-ngayon lang? She gritted her teeth because she realized that Timo's kind of a jerk. Or... what if there's a reason why he disliked single moms?

I mean, may K naman siyang mag-inarte lalo pa't single, gwapo, matipuno, may pinanghahawakang pangalan...

"Ay, gago." Hindi napigilang mapamura ni Bree sa narinig.

"You fucking want her. You were ogling with her hot body everytime you look at her."

Napalunok siya nang marinig ang pahayag na iyon ni Rexton. Bigla namang tumahimik si Bree at siya'y lalong hindi na umimik. They were even half-bending forward as they were eavesdropping and peeping. Nasa likuran siya nito habang nilalakihan nila ang mga tainga nila.

Tumikhim si Bree. "Kaloka ka, Jinny! Ang lakas talagang makahatak ng mga sexy mommies na katulad mo. I bet luluwa ang mata niyang Estacio na iyan kapag nakita niya ang boobs mo! Parang hindi ka nanganak kasi tikwas na tikwas pa rin!" Bahagya niyang tinampal ang balikat nito. Humagikgik lang ito.

She was so lost when she immediately pictured Timo ogling at her nudity... Natigil ang pag-iisip niya nang may nagsalita ulit.

"If you find her hot, then, why don't you court her?" sabi naman ni Timo at sa totoo lang ay nadismaya siya. Parang mas lalo na naman siyang nainis sa lalaki.

"Sure. I'd do that," agad na sagot ni Rexton.

"What the heck!" bulalas kaagad ni Bree. Napansin niyang lumingon si Rexton sa banda nila at mabilis naman niyang nahila paatras si Bree.

Pagkuwa'y nagsalita ulit si Rexton. "You don't like single mothers because you don't want to father their kids, but, I'm fine with single mothers. So I think Jinny is fine, too. Mabait na, maalaga pa."

"Fuck..." Bree muttered a soft curse.

"Umalis na tayo," yaya niya kaagad kay Bree nang mapansing nag-iba ang timpla ng mood nito. Hindi siya manhid at malinaw pa sa sikat ng araw na higit pa sa kababata ng turing nito sa CEO nila. Kasehodang may anak nang ilang taong gulang na.

Hindi ito umimik nang lumulan ulit sila sa elevator habang siya ay hindi alam kung ano ang sasabihin. Pagkuwa'y tumikhim ito at pabirong tinapik ang balikat niya.

"If ever he courts you, don't think of me, okay? This is just a phase. I'll definitely move on from him. Crush ko lang naman siya kasi napakasipag."

She chuckled awkwardly because she didn't know how to respond to that. Parang ngayon lamang niya narinig na umamin itong may paghanga ito kay Rexton hindi gaya noon na todo deny ito.

"Don't be too serious! It's normal for him to like you. Tama siya. Mabait ka, maalaga, talented, maganda, sexy... at sinabi niya ring hot ka, hindi ba? T-totoo naman iyon..."

Her heart sank when she noticed her eyes suddenly pooled with tears. She knew her friend, she wasn't a crybaby. A crying Brianna Lei meant that she was crying for real... hurting for real.

Chương tiếp theo