webnovel

Losyang

Chapter 24. Losyang

        

           

KINABUKASAN ay laking-gulat ni Nicolea at ng team nang i-raid ang mall, at hindi sila ang may gawa niyon. Nasama rin si Hugh sa mga dinakip.

She was also surprised when she saw Rexton, who easily found her place. She was standing near the stairs, watching the bad guys being arrested one by one. Titig na titig naman si Rexton sa kanya.

Napalunok siya't pasimpleng umeskapo, dadaan na lang siya sa Fire Exit. Pero hindi pa naman nakakalayo ay may humawak sa magkabila niyang braso. Dalawang armadong lalaki at bago pa makapag-amok ay may pinaamoy ang isa sa kanya na basang panyo na agad na nagpahina sa kanya.

She was still groggy when she came up. She realized she was brought to a dark room. Maliit na bombilya lamang ang nagsisilbing ilaw sa loob ng silid.

Nang masanay ang paningin ay nakita niya si Hugh na nakaupo rin sa silya, ngunit hindi gaya niya'y nakabusal ang bibig nito.

"Sino kayo?" tanong ng pamilyar na tinig sa kanila. Bumaling siya't nakitang nakaupo si Rexton sa pang-isahang sofa. Alam niyang may iba pa itong kasama.

"Anong ibig sabihin nito, Kuya Rexton?" matigas na tanong niya.

Lumapit ito sa kanya at bahagyang tumungko. "What happened to that young and sweet Nicolea?" Bahagya nitong pinaglandas ang likod ng palad sa kanyang pisngi.

Hugh kept on mumbling some words but couldn't be understood.

"I'll give you a chance, Nicolea. What were you two doing in my mall?"

Nagtangis ang bagang niya. It never crossed into her mind that she'd be caught in this mission.

Tumayo ito at kinuha ang kanyang baril na nasa bag. Kinasa ni Rexton at tinutok sa gilid ng kanyang upuan, pagkuwa'y pinutok.

"W-Why don't you just surrender us to the police?"

Nagtangis ang bagang nito.

"Isang tanong, isang sagot, Nic. Ano'ng ginagawa ninyo sa mall?"

"Magsa-shopping kami ng gamit para sa baby namin!" sigaw niya.

"Bullshit!"

Napatili siya nang barilin nito ang braso ni Hugh.

"Hugh!"

He then pulled the trigger and another bullet pierced through Hugh's right thigh.

"We aren't your enemies!"

Suminghap si Hugh at nag-ingay. Pinipigilan siyang magsalita.

"What do you mean by that?"

"We have the same target..."

Hindi siya nagkamali ng hinala nang hindi man kang nagtanong si Rexton kung ano o sino ang tinutukoy niya.

"Pakawalan n'yo sila."

Doon lumabas ang iba pang mga kasamahan nito at kinalas ang pagkakatali nila.

"Gamutin n'yo ang lalaki," utos pa nito.

"Bilisan ninyo!" hiyaw niya nang mapansing marami na ang dugong tumatagas sa mga tama nito.

"Do not touch the dela Costas, Nic. I will protect what's mine."

Nakauunawang tumango siya.

Si Hugh ay pinatulog muna dahil nagpupumiglas ito. Habang siya'y naiwang nakaupo kahit pa nga nakalas na ang pagkakatali sa kanya.

"I knew there's something wrong when I saw you at the CCTVs, roaming inside the mall."

She kept still. Tama na ang sinabi niya kanina.

"I thought you were one of the syndicates that's why we kidnap you. I'm sorry about that."

She didn't answer.

"Does my cousin know about this little secret of yours?"

Nag-angat siya ng tingin at matalim na tumitig dito. Tumawa lang ito ng malakas.

"I guess not, huh?" Ngumisi ito ng malapad at nag-iwas siya ng tingin.

"Uuwi na kami ni Hugh."

"How would you explain his gunshot wounds to your parents?"

"Kami nang bahala roon."

"We will keep him. In case you are a spy. At least, we have a hostage."

Sinasabi na nga ba niya't hindi ito tuluyang naniwala sa sinabi niya kanina. She gritted her teeth.

She went home and told her parents that Hugh had an emergency and he needed to go back to the hospital where he's working at. Which was in US.

"Gaano ba ka-importante iyon at hindi man lang nagpaalam ng maayos?"

She knew her dad wasn't in favor with Hugh so she came up with a reason.

"It was her younger sister. She's in her death bed," she lied.

"Oh!" it was her mom.

"I'll go to my room. Good night."

Okupado ang isipan niya kung paano babawiin si Hugh sa kamay ni Rexton.

She called her boss and told him everything.

"Don't worry, Leigh. Everything was settled. Hugh is safe and he'll be flying to London for his next mission."

"How can we be sure that they let him go safe and sound?"

"Trust me. The man whom I talked with is from Phoenix. Bago lang sila pero magagaling at talaga namang matitinik. Kaya huwag na nating galawin ang dela Costa. Kaya na nilang tugisin ang mga gumagawa ng anomalya roon."

"Ganoon ka kakampante?"

Buga ng hangin ang narinig niya sa kabilang linya. She's guessing he was smoking cigarette.

"Sorry, Boss, hindi ako makakampante. Pupuntahan ko sa opisina bukas si Kuya Rexton para makasiguro."

"Kuya Rexton, eh?"

Nagtangis ang bagang niya. "I told you, I'm close with the dela Costas."

"Kaya ka ba niya pinalagpas?"

"Ano'ng...?" Saglit siyang natigilan nang may maisip. The Rexton he saw last night was different from the bubbly and jolly Rexton she knew. Last night, he looked like he'd fucking kill without blinking an eye.

"As promised, you're vacation is extended. Enjoy the most out of it!"

Hindi na siya nakasagot dahil pinatayan na siya nito ng tawag.

Kinabukasan ay hapon na siyang gumising dahil inumaga na siya sa pagtulog.

"Nikki, what would you like to eat?" her mom worriedly asked.

"Sa mall na lang po ako kakain."

"Anak," pigil nito sa kanya. "You should take care of yourself... of your health more."

Oo nga pala, buntis dapat siya. "Sorry, 'Ma. Na-miss ko lang si Hugh," dahilan niya. "But promise, it won't happen again. I will sleep early from now own."

Nakontento ito sa sagot niya. Pumayag na rin siya nang ipagpilitan nitong magpahatid siya kay Karding imbes na siya ang magmaneho.

Since she did not have a good sleep, it was obvious on her dark circles under her eyes. Nangangalummata rin siya. At dahil hindi na nag-ayos at isinuot na lang ang kung anong sundress na nakuha niya sa cabinet. Kahit ayaw na niyang nagdi-dress ay pinili niya iyon para mabilis siyang makapagbihis. Nagmukha tuloy siyang mas matanda ng ilang taon kaysa sa edad niya. Idadag pa ang hindi maayos na pagkakapusod niya sa sariling buhok. At naka-flip-flops lang pala siya!

Dumaan muna siya sa banyo para ayusin ang buhok. But she ended up tying it in a messy bun.

"Bwisit na lalaking iyon. Siguraduhin lang niyang ligtas si Hugh."

She already chatted and emailed him this dawn and he said he'd be available in the afternoon. Kaya nga ba hindi siya nakatulog ng maayos ay dahil iniisip niyang baka masobrahan siya sa tulog.

Alas tres y media nang tahakin niya ang daan patungong opisina nito sa mall. He's occupying the top floor of the mall, kung saan malapit ang sky park.

"This way, Ma'am. He's already expecting you," anang sekretarya nito't iniwan na siya nang nasa hallway na.

Tumaas-baba ang dibdib niya dahil sa inis na nadarama, pagkuwa'y pabalya niyang binuksan ang pinto. Nakasalubong ang mga kilay niya nang makita itong nakaupo sa swivel chair habang nakatalikod sa kanya, nakatitig ito sa glass wall kung saan 'kita ang parte ng sky park.

"Kuya Rexton—"

"Akala ko ba matata... galan..."

Sabay silang natigilan ng nagsalita nang pumihit ito at magkatitigan silang dalawa.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya't napasinghap nang mapagtantong hindi siya namamalikmata lamang.

Kung siya'y napalitan ng gulat ang pagkakunot ng kanyang noo, ito nama'y unti-unting nagkasalubong ang mga kilay habang pinapasadahan siya ng tingin.

"J-Jave," she uttered. Bakit ba nauutal siya? At bakit hindi siya nag-ayos ngayon! She was a mess!

"Nic," his baritone was monotonous, yet it made her feel the familiar tingle in her heart.

"Si Kuya Rexton?"

"He has a meeting. Why?"

"Wala. Babalik n-na lang ako."

"Why don't you take a seat first? I'll make a coffee. You look..." She felt offended when he cut his words. Pakiramdam niya'y kaunti na lang ay sabihin nitong mukha siyang losyang.

"I know. I look haggard. I didn't do my hair and makeup because I thought I was already late."

Nag-angat siya ng tingin at bahagya itong nagtaka sa sinabi niya. Agad siyang nag-iwas ng tingin dahil nang magkatitigan sila ay kabaliktaran ang naramdaman niya kaysa sa naisip.

She felt like a goddess while being stared by him. And he was godlike.

Napakurap-kurap siya nang mapagtantong naka-uniporme pa ito. She had never seen him in uniform before! And she must say, it suited him the best.

"C-Congrats. Nakapasok ka na pala sa Navy."

Bahagya lang itong tumango at tumayo sa swivel chair. "Maupo ka muna."

"Hindi na. Nagmamadali rin naman ako. Babalik na lang ako mamaya."

Pagkatalikod ay buo na ang loob niyang bibili ng damit na pampalit at magpapa-makeup sa salon! Ipapaayos na lang din niya ang pagkaka-bun ng kanyang buhok.

Damn it! Why did we have to meet today?!

Chương tiếp theo