webnovel

Friend

Chapter 8. Friend

         

           

TWO DAYS after, Nicolea's friend, Yvonne, along with her mom, Arabella Esguerra, came. Hindi na siya sumama sa pagsundo dahil sinabi ni Yvonne na hintayin na lamang nila ang mga ito sa villa. Tuwang-tuwang binati niya ang kaibigan matapos magmano sa ginang.

Ang dahilan kung bakit naging malapit din siya sa mga Esguerra bukod pa sa magkapitbahay sila noon, ay dahil may business ang Papa ni Yvonne na pagawaan ng mga barko o kung anu-ano pang sasakyang pandagat.

While her family, the Punzalan, were well known in their luxury cruise ships. Sa katunayan nga ay magku-cruise sila sa mga susunod na araw.

"Yvonne!" masiglang tawag niya sa kaibigan.

Her friend tried so hard not to squeal but still, she did. Agad na humingi ito ng paumanhin at bumati sa kanyang ina kahit pa nga gusto na siya nitong lapitan.

"It's alright. You can play with my daughter now." Bahagyang tumatawa ang kanyang ina nang sambitin iyon. Para silang mga bata.

Patakbong lumapit ito sa kanya at yumakap.

"Tumangkad ka na!" pansin nito.

"You grew, too!" malisyosang untag niya at nakatingin sa dibdib nito. Agad na tinampal nito ang kanyang balikat.

"Halika sa kwarto! May ibibigay ako." Ngumisi siya nang may maalala. Wala siyang balak na umamin pa rito tungkol sa prank niya noong nakaraang taon. She's still enjoying her reactions and she had her reasons, too.

Agad na sumunod ito at nang isarado niya ang pinto ay may kinuha siya sa ilalim ng kama. May inilabas siyang maliit na kahon.

"What are those?"

Yvonne curiously opened the box. Tumambad dito ang ilang hubad na mga litrato ng mga modelong nasa cover ng iba't ibang adult magazines.

"Hey, Nic! Why do you have these? Sure, you're seventeen but still, you are a minor!"

"I have my ways," nakangising untag niya. Nakaligtaan na ni Jave ang mga adult magazines nito na dinekwat niya noon.

Maang na napatitig ito sa kanya.

"I wanted to show you these. Para may pagkakataon ka pang umatras sa pagiging magkaibigan natin."

"Ang drama mo!" Magaang tinampal nito ang balikat niya. "Kahit magbago pa ang preferences mo, you will always be my best friend!" Inakbayan siya nito.

"Kahit type ko ang mga tulad mo?"

"Gaga! Off-limits ako." Mabilis na lumayo ito at napalingon ulit sa kahon.

Ngumuso siya. "You can't blame me, Yvonne. Gumanda ang pangangatwan mo. Gusto na yata kitang gawing girlfriend." Sa loob niya'y humalpak na siya ng tawa.

"Nakakadiri ka!"

"Joke lang!" At nag-peace sign siya.

Lumapit siya sa closet at may kinuhang damit doon.

"Here. Regalo ko sa iyo." May inabot siyang isang paper bag at nang buksan nito iyon ay tumambad ang isang pulang floras sundress. Iyon ang binigay sa kanya ni JM noong nakaraan.

Yvonne removed her jeans and shirt to change into that comfortable dress. Walang malisya rito ang paghuhubad sa harap niya. Well, they practically grew up together at alam naman nitong wala itong epekto sa kanya. And if her friend would know she already had a boyfriend... Napailing siya. Paniguradong puputaktihin siya nito ng kurot sa singit kapag nalaman nito.

"Paano kung makita ni Tita ang mga magazines na ito? Ang se-sexy ng katawan, ah. Body goals." Kinuha nito ang isang magazine at binuklat iyon.

The nude model they're looking at had bronze skin. Bilugin ang dibdib at ganoon din ang pang-upo. Wala sa sariling napahawak si Yvonne sa sariling dibdib.

"Kailan lumaki ang mga ito?" Wala sa sariling komento nito.

Ang lakas ng halakhak niya.

"Sinasabi ko na nga ba. Hindi ka aware sa kagandahan ng katawan mo. Damn, girl! You have the right curves at the right places! To think na magsi-sixteen ka pa lang!" she praised.

Ngumuso lang ito at pinamulahan ng mukha.

"Magbihis ka na! Kung hindi lang kita kaibigan ay iisipin kong inaakit mo ako." Nakakaloko ang ngisi niya nang sabihin iyon.

"Heh! Mandiri ka. Hindi tayo talo."

"Bakit? Bakla ka ba?"

"Gaga ka talaga!"

"Seriously, Yvonne..."

"What?"

She noticed that Yvonne started to feel a bit uncomfortable. Sinadya niyang titigan ang katawan nito na animo'y may halong pagnanasa.

"Bakla ka, 'no?"

"Sira!"

Mabilis na nagbihis ito ng dress at niyayang lumabas ang kaibigan.

Nang makababa ay niyaya sila sa hapag ng isang kawaksi. Naghihintay na raw roon ang kanilang mga ina. Their dads were still at the ship dock. May inaasikaso pa ang mga ito kaya hindi na makakasalo sa hapag-kainan. Mayroon din kasing pagawaan ng barko ang mga Esguerra sa Davao, at ang ama niya ay naging business partner na rin ng Papa ni Yvonne.

Bahagyang siniko siya nito mapansing si JM.

"Sino siya?" bulong nito.

"Nah, just an annoying guest."

Nagkibit-balikat siya at dumiretso sa hapag.

"O, nariyan na pala kayo. Come on, let's eat," ang mama niya. They found their place at the Spanish-type long table.

"Salamat po, Tita Lea," si Yvonne.

Shortly after they uttered the grace before meal, they started eating.

"By the way, who's this fine young man here?" tanong ni Tita Ara kay Tita Lea.

Gusto niyang humalakhak nang mapansing kanina pa masama ang tingin ng binata kay Yvonne. Partikular na sa suot nitong sundress.

"This is my friend's son, JM," pakilala ng kanyang ina. "Dito sila nakatira sa Pilipinas noon bago lumipat ng Korea. Koryano kasi ang papa ni JM."

Halata kay Yvonne na may nais pa itong itanong. Napangisi siya sa naisip. Para tantanan na siya ni JM ay ima-matchmake niya ito kay Yvonne.

Napansin niya ang pamumula ng kaibigan habang sinisipat si JM. Nasa harap nila si JM at si Yvonne ay nasa tabi niya. Ang kanyang ina at Tita Ara ay nasa kaliwang banda ni JM, abala sa pagkukwentuhan.

Naunang matapos kumain si JM sa kanila at magalang na nagpaalam. Nakamaang na sinundan ni Yvonne ng paningin ang papalayong bulto ng binata.

"Bakit po nandito iyong anak ng kaibigan ninyo, tita?" kaswal na tanong ni Yvonne sa kanyang mama. Marahang siniko niya ito para tudyuin pero hindi siya napansin, o mas tamang sabihing hindi siya pinansin.

"He'll stay here for the whole winter. Masyado raw kasing binuhos sa pagpa-practice ang oras niya kaya nag-aalala ang nanay niya."

"Practice po saan?"

"I'm not really sure. Hindi ko na tinanong ng maayos, I just agreed because I thought that maybe, my princess will like him."

Diniinan ang salitang my princess.

"A prince and a princess, huh?" mapaklang komento ni Yvonne.

"A prince, you say?" Ngumisi siya. Mukhang tinamaan ang kinse-anyos noyang kaibigan.

"Uh, well... I... just thought of it. Kung prinsesa ka, malamang, prinsipe siya."

"O baka naman talagang iyon ang description mo sa kanya?"

"I can't blame my daughter. She is right. That guy looks like a prince. Ang tindig ay talaga namang nababagay sa royalties. Hindi na ako magtataka kung prinsipe siya sa Korea."

"'Ma, wala nang prinsipe sa Korea ngayon." Gusto niyang matawa dahil sa reaksiyon ni Yvonne.

Chương tiếp theo