Mikay's POV
Totoo 'yun.
Genie nga si Gino.
Pero nang magising ako nung sumunod na araw, medyo kinatamaran ko pang bumangon dahil wala naman akong nakuhang matinong tulog sa nagdaang gabi.
Paano ba naman kasi 'yung genie na 'yon, sobrang gulo. Kahit nakapikit na ang mga mata ko para matulog, nararamdaman ko naman s'yang lumulutang sa paligid ko at nagpapa-ikot-ikot. Nararamdaman ko 'yung pwersa ng hangin na nagagawa n'ya. Tapos kapag nadidilat naman ako para tingnan s'ya, nakikita ko naman s'yang nakatitig sakin tapos nakangiti. While saying, 'May kailangan ka ba, master?'
Ang creepy lang e. Daig pa 'yung engkantong naninirahan sa Balete Drive kung manakot.
"Grabe ka namang maka-engkanto sakin, Mikay. Gwapo kong 'to, engkanto?"
Napahawak ako bigla sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat. Bigla ba naman kasi s'yang lumitaw sa harapan ng aparador ko nung bubuksan ko na sana 'yun para maghanap ng maisusuot ko sa school.
"Talagang nababasa mo nasa isip ko." sabi ko nang makabawi ako sa pagkagulat. Pero bigla s'yang nawala sa harap ko at naramdaman ko na lang na nakalutang na s'ya sa likuran ko.
"Medyo. Kaya ingat-ingatan mo iniisip mo tungkol sakin. Nababasa ko 'yan. At nahuhurt din ako."
Siningkitan ko s'ya ng mata ko nang makita kong nakapout s'ya sa may likuran ko. At talagang may palungkot-lungkot effect pa s'ya doon. Parang tuta na ipinamigay sa iba ng amo n'ya.
"Edi wow." 'yun na lang ang sinabi ko at dumeretso na ako sa banyo para maligo.
Nang mapatingin ako sa 3 empty bottles ng shampoo na nakakalat sa sahig ng banyo, parang gusto ko na naman ulit magmura. Bakit ba naman kasi nakalimutan kong bumili ng shampoo kahapon e! Ayoko nang magshampoo gamit ang feminine wash! Baka maging itsurang pubic hair na talaga ang buhok ko!
Sumilip ako sa labas ng pinto at mabilis akong lumabas. Buti na lang hindi pa ako nakakapaghubo.Naabutan ko doon 'yung genie na nakalutang sa ibabaw ng kama ko. At 'yung paglutang n'ya pa ay 'yung ilang inches na lang mauuntog na s'ya sa kisame.
Kinuha ko yung 6 pesos na nakakalat sa ibabaw ng study table ko.
"Huy, Gino.." tawag ko sa kanya. Nakapikit e habang naka cross legs na lumulutang. Natutulog ata, o nagyoyoga. O namamalimos.
Tumingin s'ya sakin at ngumiti. "Oh, master. Bilis mo namang maligo. Kaya mukha ka pa ring mabaho e." tumawa s'ya.
Pero 'di ko na lang s'ya pinatulan dahil may pabor ako na hihingin sa kanya. Pinilit kong 'wag sumigaw, suminghal, o tignan man lang s'ya nang masama.
"May hihilingin sana ako, labas ka naman oh. Tapos bili mo ko sa tindahan ng isang sachet ng shampoo. Ito pera." inabot ko sa kanya 'yung pera pero nahirapan pa ako nang sobra dahil ang taas-taas ng pwesto n'ya. Bigla tuloy akong nairita at binato ko na lang tuloy sa kanya 'yung barya.
"Aray naman, Mikay!" hinawakan n'ya 'yung noo n'yang tinamaan ng barya pero 'di ko na pinansin kasi nasalo n'ya naman 'yun nung bumagsak.
"Aanhin mo ba shampoo, ha?" tanong n'ya.
Napakagat na lang ako nang madiin sa labi ko.
"Ipangsisipilyo ko, Gino." nagdabog-dabog na naman ako doon na parang bata dahil ang aga ng pang-iinis n'ya. "Dali na kasi, lagpas alas otso na oh. May klase ako ng alas nuebe baka malate ako. Kailangan ko na 'yung shampoo at maliligo na ako!"
"Ah, hindi ka pa pala ligo. Ikaw naman, master oh. 'Di mo sinabi agad. 'Yun lang pala kailangan mo." umiling-iling s'ya doon at saka ngumiti. "Your wish, is my command.."
Pagkasabi n'ya nun ay biglang may lumitaw na bote ng shampoo sa kaliwang kamay n'ya. Mabilis n'yang hinagis papunta sa akin iyon at kung hindi lang ako naging maagap, sa bibig na talaga ako tatamaan non.
Tinignan ko 'yung shampoo na hinagis n'ya sakin at unti-unti na naman akong nanggigil.
"Clear Shampoo? For Men? Menthol scent? Ha, Gino? Seryoso ka? Talagang panlalaki, tapos menthol pa? E humahapdi ang nguso ko sa menthol e!?" nagtitimping sabi ko.
"Hindi mo naman kasi inispecify e, malay ko ba kung anong gusto at ayaw mo." sumisipol-sipol pang sabi n'ya.
Wala na nga akong nagawa at mas pinili ko na lang talagang 'wag patulan ang isang 'to dahil mas mahalaga na makapasok ako nang maaga ngayon. Research subject ang klase ko ngayong 9am at hindi ako pupwedeng malate.
Mabilis na lang akong naligo kahit naramdaman ko na agad 'yung paghapdi ng ilalim ng ilong ko dahil sa shampoo. Nang matapos ako ay mabilis akong nag-ayos at nagbihis. Hindi ko na pinansin 'yung genie na 'yon na biglang nawala. Basta ang ginawa ko na lang, inayos lahat ng gamit sa backpack ko at nagsuot ako ng face mask para takpan 'yung pamumula ng nguso ko.
Nung ready na akong umalis, nagpunta na ako sa pinto para lumabas. Pero laking gulat ko naman nang biglang lumitaw doon 'yung makulit na genie. At ang mas lalo pang ikinagulat ko ay iba na naman ang outfit na suot n'ya.
Umalis s'ya sa harap ko at umupo doon sa isang upuan sa gilid ng kama ko.
"Ganda ng porma natin, ah? Ang aga mo para sa prom 2020." pang-iinis ko.
"Kasalanan ko bang classy lang talaga akong pumorma? Tara na nga lang, pumasok na tayo." pag-aaya n'ya at talagang may props pa s'ya na leather bag.
"Hmm, pardon? Papasok? Tayo? Kasama ka?" pagkiclear ko.
"Oo, bingi ka ba? Kailangan mo ng cotton buds?"
Inirapan ko s'ya.
"Alam mo, Gino, wala akong time para sa biruan dahil malelate na ako. At kung pinaplano mo ring sumama sakin, isang malaking NO ang sagot ko dahil hindi ka makakapasok sa loob ng campus. Wala kang i.d. Dito ka nalang. Matulog ka, magbasa ng books ko, or maglaba ng damit ko. Gawin mo lahat para 'di ka mabore, okay? Bye na, 'di ako gagabihin mamaya." 'yun na lang ang sinabi ko at dumeretso na ako sa pintuan. Pero bago ko pa mahawakan 'yung doorknob, mabilis na s'yang lumapit sa akin at hinaltak ang bag ko.
"Ano? Papasok na ako, Gino." medyo naiirita ko nang tanong.
"Sige, hindi na ako sasama. Pero bago ka umalis, magwish ka ulit ng isang bagay na kailangang-kailangan mo. Ibibigay ko."
Gusto ko sanang magalit dahil sa pangungulit n'ya. Pero hindi ko na nagawa nang makita ko 'yung malalim na sincerity sa mga mata n'ya.
Pinikit ko na lang ang mga mata ko pero idinilat ko rin agad nang maalala ko 'yung kailangan kong bayaran ngayong araw na 'to.
"Okay, sige. Kailangan ko ng 987.65 pesos ngayon para sa thesis namin."
Lumawak ang ngiti ni Gino at maya-maya pa..
"Your wish is my command, master."
Pagkasabing-pagkasabi n'ya ng mga salitang 'yun, bigla ko na lang naramdaman ang biglaang pagbigat ng backpack ko. Napasandal at napakapit pa talaga ako sa pintuan dahil sa sobrang bigat. Kaya dali-dali kong hinubad 'yun para silipin.
Napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok nang tumambad sakin ang isang plastic bag na puno ng tig-lilimang pisong barya. Nagtitimpi akong tumingin kay Gino na ngayon ay nakalutang na ulit sa hangin at nakaiwas ng tingin sa akin.
"Siguraduhin mo lang na hindi 'to kulang dahil sigurado ring sa ilog kita palulutangin pag-uwi ko." inayos ko ulit ang backpack ko at gigil na gigil na binagsak ang pinto pagkalabas ko.
* sa school..
Kahit hindi naman talaga kami seatmates ng crush kong si Allen Richwell, pinilit ko pa rin na sa kanya tumabi. Humahangos pa ako pero pinilit kong icompose ang sarili ko para sa pakikipagusap sa kanya.
"Allen, pwede bang kunin mo na 'tong contribution ko para sa thesis natin?" bungad ko agad sa kanya pagkaupong-pagkaupo ko. E paano ba naman kasi, anak ng punyetang tahong at talaba. Pakiramdam ko makukuba na talaga ako sa sobrang bigat ng bag ko kanina. At talagang tumakbo pa ako papunta dito para lang 'di malate.
Binigyan ako ni Allen ng ngiti n'yang sobrang lawak. 'Yung tipong kakasya ka sa loob ng bibig n'ya sa sobrang lawak. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang mga dimples n'yang malalim na sa sobrang lalim, pwede nang gawing compost pit.
Napabalik ako sa sarili ko nang magsalita s'ya ulit.
"Nako, Mikay. Kahit mamaya or bukas mo pa naman 'yun ibigay. Yung tatlo rin nating kagrupo, 'di pa 'yun ngayon magbabayad."
Tengene. Tama ba rinig ko, Allen? Kahit bukas pa ko magbayad? Samantalang kahapon, todo tapal ka sa mukha ko nung listahan ng bayarin na due kamo ngayon?
"Eh, Allen. Sige na, please. Para mabawasan—"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil saktong pumasok na 'yung prof namin sa research. Parang gusto ko ring bigyan ng isang suntok sa mukha si Allen pero naisip kong wala nga pala s'yang kasalanan. Ang dapat kong bigyan ng sapak ay 'yung lalaking naghihintay sa dorm ko. Dahil kasalanan n'ya kung bakit sobrang sakit ng likod ko ngayon, kung hindi lang sana s'ya palpak, hindi barya ang maibibigay n'ya sakin.
Haaayy.
May genie nga ako, palpak naman. Anong silbi non? Sasakit lang ulo ko dito e..
Puro explanation lang ang diniscuss nung prof namin sa research. Pinaliwanag n'ya lang yung coverage ng first 3 chapters ng research paper at pinaliwanag n'ya rin na kailangan na naming tapusin ngayong sem 'yung chapters 1 to 3. Dahil at the end of this sem, magkakaron kami ng title defense.
Nakakainis. Madadagdagan na naman tuloy ang mga bayarin dahil starting sa Saturday daw, mag-uumpisa na kaming magmeeting at magpa consult sa adviser namin.
Haaay. I don't hate the research itself. Just the expenses following it.
Pero pagkaalis na pagkaalis nung prof namin sa research, pinagpilitan ko na agad na ibigay kay Allen yung contribution ko dahil I swear, ikamamatay ko na agad-agad kung bibitbitin ko pa rin sa likod ko 'tong mga barya na 'to hanggang mamaya. E sino ba namang hindi? E more than 900 pesos worth ng tiglilimang pisong barya ang pasan-pasan ko?
Pinagtawanan pa nga ako ng taga ibang grupo nung makita nila akong nagbabayad kay Allen e. Nangrob daw ba ako ng computer shop kaya baryang-barya ang pinambayad ko. Hindi naman ako nagpatinag sa pang-aasar nila at sinabi kong sila nga walang pambayad e, kapal naman ng mukha nilang inisin ako. Ayun nanahimik sila.
Nung dumating 'yung prof namin para sa pangalawang subject namin today, hindi pa rin nawawala ang pagkalutang ko dahil sa pag-iisip sa mga nag-aabang pang bayarin. Hindi ko na rin tuloy namalayan na biglaan s'yang may paquiz samin.
Ang bongga talaga ng school namin e. Second meeting pa lang, may paquiz na agad 'yung ibang prof. Anong iqquiz namin? Tungkol sa 'introduce yourself' shit at orientation shit?
Mas lalo pa akong nabadtrip nang pagbayarin n'ya kami ng sampung piso para lang sa isang page na quiz n'ya. Ano ba 'to? Gawa ba sa ipot ng balinsasayaw 'yung papel na prinintan n'ya kaya sobrang mahal? Grabe s'ya ah!
Salamat na lang kasi may sobrang sampung piso 'yung binigay ni Gino kung kaya hindi ko na magagalaw 'yung inilalaan kong pamasahe para sa Sabado. Kapag nagpa consult kami sa thesis adviser namin. Taga kabilang bundok pa ata 'yung location nun e. Kaya kailangang mamasahe pa kami.
Joke. Manila lang din ang location namin.
Nung matapos 'yung quiz namin, pinacheckan din agad ng prof namin 'yon. Kaya ayun, nalaman tuloy agad ng buong klase na ako na naman ang highest. Wala e, masyado akong ginalit ng mamahaling one-page quiz ni ma'am kaya ayan tuloy, pinerfect ko 'yung exam. So easy.
Mabilis pa ako sa cheetah na lumayas sa classroom namin pagkadismiss na pagkadismiss ng klase. Hanggang 3pm lang talaga ako today kaya magagawa kong maagang makauwi.
Pero bago 'yon, bibili muna ako ng kakainin ko sa hapunan para kapag pagkauwi ko, deretso tulog nalang ako at aral before midnight. Hindi na ulit ako lalabas para bumili at hindi na rin ako mahihinto sa pagrereview.
Tatalon-talon akong dumeretso sa cafeteria namin para bumili ng siomai rice sa siomai stand. Isang order, ayos na sakin. Maliit lang naman sikmura ko e. Saka tipid. Hehehe.
Lumabas agad ako ng cafeteria pagkabili ko. May nasalubong pa nga akong dalawang babae na sa sobrang high sa pagchichismisan nila, hindi na nila namalayang nabangga na nila ako at muntik nang malaglag 'yung pagkain ko. Sinamaan ko sila ng tingin pero hindi pa rin nila ako napansin. Nung huminto sila sa paglalakad, napahinto rin ako at hindi ko naiwasang mag eavesdrop sa chismisan nila.
"You saw that pogi, right? Guess what, sa akin s'ya nakatingin. Siguro iniisip non kung may boyfriend na ba ako." sabi nung babaeng eyeballs na lang n'ya ang walang makeup.
Biglang inis na sumabat 'yung kasama n'ya. Na para namang ginagawang candy ang gluta.
"Or siguro napatingin s'ya sayo kasi iniisip n'yang sa ilusyon ka lang nabubuhay."
At 'yung pagchichismisan nila kani-kanina lang ay nauwi na ngayon sa pagtatalo. Mukhang magsasabunutan pa nga ata kaya umalis na ako sa malapit sa kanila. Baka pati buhok ko mahablot nila e! Mga luka-lukang 'yon! Ginive-up friendship nila dahil lang sa nakita nilang pogi? Parang mga gagita!
"I swear, I've never seen him before dito sa building natin. Alam n'yo naman na malakas ang radar ko pagdating sa pogi but I swear seriously, fresh s'ya sa eyes ko."
May nadaanan naman akong mga babaeng nagchichismisan nang madako ako sa building ng nursing. At mukhang tulad nung dalawang nakasalubong ko kanina, lalaki rin ang pinag-uusapan ng tatlong 'to. 'Yun nga lang, parang wala namang chance na mauuwi sa pagtatalo at sabunutan 'yung usapan nila. Kalmado lang sila e.
"Baka naman transferee satin? Or, taga ibang course?"
"I dunno. Walang suot na i.d e, tapos naka civilian pa. Pero hmm. Ang sexy ng porma n'ya ha? Bad boy look."
Naghagikgikan sabay-sabay 'yung tatlong babae kaya mabilis akong lumayo sa kanila. Ang creepy e! Para silang mga manananggal na maya-maya lang mahahati na katawan tapos lilipad na sa ere.
Pero bakit parang LANDI is on the air naman ata ngayong araw? Sabay-sabay din bang sinapian ng malalanding kaluluwa 'yung mga babae na 'yun kaya ganon sila? Parang mga bulateng inasnan with suka, bawang, at sili.
Nagdere-deretso na lang ako papunta sa gate na pinakamalapit sa dorm ko. Pero bago pa ako makalabas, hindi nakaligtas sa magagandang mata ko 'yung parang pamilyar na mukha sa may 'di kalayuan.
Maingat pa akong lumapit nang kaunti at ayun nga. Confirmed. S'ya nga 'to
Sa tapat lang mismo nitong dulo ng Nursing Building ay nakatayo si Gino na iba na naman ang suot. Denim jacket na may nude shirt na pangloob. Naka shades pa s'ya na parang akala mo tirik na tirik ang araw, samantalang cloudy naman sa mga oras na 'to.
At capable din palang kumerengkeng ang mge Genie? Itong lalaki kasi na 'to, damang-dama 'yung pag-aligid ng ilang mga babae at bakla sa kanya. May nalalaman pa s'yang pagkunot-noo doon with matching hawak-hawak pa sa ilong n'ya habang bahagyang nakanganga. Halata mong nagpapacute talaga!
Hindi n'ya ako nakikita ngayon dito sa pwesto ko kaya hindi n'ya rin nalalaman susugurin ko na s'ya.
Mabilis akong naglakad papunta sa kanya tapos lahat ng nakaharang ay pinaghahawi ko na lang. Nung finally nasa harapan ko na talaga s'ya, mabilis ko s'yang hinaltak palabas ng gate. Narinig ko pa 'yung ibang bulungan ng mga babae, bakla, pusit, tahong, talaba, at hipon.
"Epal ah? Girlfriend n'ya 'yon?"
"Ate n'ya ata."
"Or baka tutor. Running for laude sa course nila 'yung girl e. Matalino 'yun."
Gigil akong napaismid sa mga pinagsasabi nila. Kaya nang mapatingin ako sa lalaking nakatayo sa tabi ko, sa kanya ko naibuhos na lang lahat ng gigil ko. Binigyan ko s'ya ng isang mariin na kurot sa tagiliran n'ya.Namilipit s'ya sa sakit dahil doon.
"A-aray! Alimango ka ba?" sabi n'ya na nakahawak pa rin sa tagiliran n'ya. Pero mas lalo ko s'yang pinandilatan ng mata.
"Alimango ha? Alimango!? Bakit nandito ka!?" sigaw ko.
"Kasi sobrang nabore ako kakahintay? Kaya naisipan kong sunduin ang master ko?" patanong na sagot n'ya kaya mas lalo pa akong nainis.
"Paano ka nakapasok? E wala ka namang id?"
"Sus. Dali-dali lang e. Edi nagteleport ako!"
Mabilis kong tinakpan 'yung bibig n'ya. Isigaw daw ba na nagteleport s'ya? Napatingin tuloy 'yung isang guard samin. Particularly sa kanya na lumabas ng gate at walang suot na i.d.
"Lintek naman, Gino. Saan ka nagteleport!? Malilintikan ka kung may nakakita sa'yo. Ipapatawas ka! Sasabuyan ka ng asin! Papausukan ka ng insenso!" sigaw ko na pabulong. Medyo marami na rin kasing naglalabasan sa gate tapos may iba pang babae at bakla na nagmamalandi lang. Naghahabol ng tingin sa lalaking pinapagalitan ko.
"D'yan sa rooftop ng nursing building. Wala namang nakakita sa akin no. Saka, hello? Genie ako, hindi espirito. Hindi ako tatablan ng mga ritwal n'yong tao. Powerless nga kayo e.."
May narinig pa akong ibinulong n'ya under his breath pero hindi ko na lang s'ya pinansin. Basta hinaltak ko na lang s'ya pabalik sa dorm dahil naiirita na rin ako dun sa mga babae, bakla, pusit, tahong, talaba, hipon, na grabeng makatingin sa kanya. Ngayon lang ba nakakita ng gwapo at mabangong lalaki ang mga 'to? Kikire!
Marahas kong binuksan ang pinto ng dorm ko at nagulat pa ako na hindi pala nakalock 'yun. Tinignan ko nang masama si Gino pero umiwas lang s'ya ng tingin tapos nagsipol-sipol. Napailing na lang ako tapos tinulak ko na s'ya papasok.
Nilapag ko agad 'yung siomai rice na binili ko doon sa study table ko. Napansin ko rin agad na biglaang luminis ang ibabaw non pati na rin yung sahig at kabuuan ng kwarto ko. Binigyan ko ng nagdududang tingin si Gino at mukhang nagets n'ya naman agad 'yun dahil sumagot agad s'ya.
"Nilinis ko, wala akong magawa e. Pero 'wag kang mag-alala. Hindi ko tinapon 'yung mga nakakalat d'yan. Tinago ko lang. Kaya iwish mo lang anytime, maibabalik ko rin sayo anytime." ngumiti s'ya nang malawak pero napa tss na lang ako.
Umupo ako sa kama ko at ganon din ang ginawa n'ya. Tumabi s'ya sakin. Umusod naman ako ng ilang inches palayo sa kanya.
"Nakikita ka rin pala ng ibang tao? Akala ko, ako lang." pag-iiba ko ng usapan.
"You ain't special, Mikay. Pogi kong 'to? Tapos ikaw lang makakakita? Sayang naman, 'diba? Saka sabi ko nga sa'yo, genie ako. Hindi espirito. Kaya nakikita pa rin ako ng ibang tao."
Inambaan ko s'ya ng kurot dahil sa panglalalastangan s'ya sakin gamit ang salita. Pero mabilis s'yang umiwas at tumawa.
"Biro lang. Ito naman e."
"Pero delikado pa rin 'yung ginawa mo, Gino. Kung may nakakita sa'yo na bigla ka na lang lumitaw doon? Nako, gagawa ka ng kakaibang plot twist sa history naming mga tao." natigilan ako dahil may bigla akong naalala. "Pero ayun tanong ko lang, ano nga bang mangyayari kapag nalaman ng mankind 'yung existence ng mga tulad n'yo?"
Pinukulan ko s'ya ng tingin dahil bigla s'yang natahimik sa tabi ko. Bumuntong-hininga muna s'ya bago sumagot.
"Napakaliit lang ng chance na malalantad kami fully sa inyo. Kasi 'yung theory n'yo pa nga lang about sa amin, hinaharang na agad ng science n'yo e. Kasi majority ninyong mga tao, nakakulong ang isip sa cage ng science. Kaya hindi n'yo nakikita lahat ng bagay outside of it. Kapag may theories na kumalat, kokontrahin agad ng science n'yo. Kapag walang scientific explanation na naipakita para sa isang certain phenomenon na nangyari, tulad na lang ng teleportation, kontrado agad. Kaya almost impossible talaga, Mikay." paliwanag n'ya.
"E, paano naman 'yung mga naging master n'yo? 'Diba sabi mo, kayong mga genies ay may mission which is tulungan nga 'yung masters n'yo na igrant ang wishes nila. Pero paano 'yun? Alam nila 'yung existence n'yo. Ako, ako mismo. Alam ko na 'yung existence n'yo?" naguguluhang tanong ko.
"Yun ba? Gaya nga ng sabi ko, kahit naman may iilang tao na nakakaalam ng existence namin, hindi rin naman nila mapapatunayan 'yun nang buong-buo dahil kokontrahin na agad 'yun ng mga scientists n'yo. Ng mga philosophers n'yo. At isa pa.." tumigil s'ya sa pagsasalita at tumingin sa bintana na katabi lang ng study table ko. "Once na matapos na ang mission namin sa master namin..
..mabubura na kami sa alaala nila.."
Deretso akong napatingin sa kanya nang sabihin n'ya ang mga salitang 'yun.
Nabubura ang mga genies sa alaala ng masters nila kapag natapos na ang mission nila sa kanila?
Parang sobrang lungkot naman non. Kahit 'di s'ya nakatingin sa akin, sobra kong tumagos sa dibdib ko 'yung sinabi n'ya. Para bang ang lungkot-lungkot talaga ng feels nang sabihin n'ya 'yon. Sobrang dami ring bagay na pumasok sa isip ko, na gusto kong itanong sa kanya. Para na rin malinawan ako. Kaso, bigla namang naagaw parehas ang atensyon namin dahil sa mga sunod-sunod na katok mula sa pinto ko.
Napatingin din tuloy sa akin si Gino. Mabilis ko naman s'yang hinaltak papunta likod ng pinto at sinenyasan na 'wag s'yang maingay.
Dahan-dahan kong binuksan nang maliit na pinto at sumilip ako doon.
"Uy, Mikay. May kasama ka ba d'yan? Parang narinig kasi kita na may kausap d'yan e." bungad sa akin ni Susanna na mukhang kakagising lang. May muta pa nga sa bibig e. Tapos may panis na laway sa mata.
"Ah, may tumawag lang sa cellpho—"
Hindi ko na natuloy ang pagsisinungaling ko dahil naramdaman kong umalis si Gino sa likod ng pinto at pumunta na sa gilid ko. Sa pwesto na kitang-kita na s'ya ni Susanna.
Ngumiti s'ya nang malawak. At ang kumekerengkeng na genie? Nakuha pa talagang mag..
"Hi, Susanna!"
Ibinalik ko ang tingin ko kay Susanna. Only to find out na nakakanganga na s'yang nakatingin sa kerengkeng na genie sa tabi ko.
*to be continued..