Harriette Kobayashi's POV
"Uyyy.. Wowww. Sibuyas con corned beef! Ito pala yung naaamoy ko mula sa labas. Hihihi." lumapit si Crissa sa naghihiwang si Renzo at niyakap niya yun mula sa likuran. "Ayieee pwede ka nang mag asawa, bestfriend. Bigyan mo ako niyan ha? Nagugutom ako ehhh---- wait. Bakit umiiyak ka bestfriend? Sino umaway sayo!?" nakapamewang si Crissa at pilit na sinisilip ang mukha ni Renzo na panay naman ang iwas.
Kaya hindi na ako nag tatlong isip at umepal na rin ako para makasegway sa eksenang nakakadurog puso na to.
"A-ah eh, Crissa, dun muna tayo sa kwarto natin! Tulak mo ko. Hehehe. Kanina pa kasi naghihiwa ng sibuyas yan si Renzo kaya iyak nang iyak. Kita mo oh, ako rin nahahapdian na ang mata." sabi ko na pilit siyang hinahaltak para sakin tumingin. Napangiwi naman si Lennon sa likod niya at tumango sa akin. Alam kong nagegets niya ang nangyayari kaya tumango rin ako sa kanya.
Habang tinutulak ako ni Crissa papunta sa kwarto naming mga babae, saglit pa akong lumingon sa likod. At doon nakita ko, ang isa sa pinaka malungkot na tagpo na nasaksihan ko sa buong buhay ko.
Si Renzo, malungkot na nakatanaw kay Crissa habang tahimik na umiiyak.
Crissa Harris' POV
Dahil na rin siguro sa mahaba at makabuluhang pagchichikahan namin ni Harriette at Fionna, ay nakatulog ako.
Hindi na rin naman maitatanggi at maitatago pa sa kanila kung bakit ganon yung unang tagpo na nangyari kanina,na nakita nila nung nakauwi na kami ni Tyron. Magkahawak ang kamay namin at may kakaibang tinginan at ngitian. Kaya hindi na rin ako nagdamot na ikwento pa sa kanila kung anong nangyari.
Si Fionna, over na over ang pagkakilig dahil may patili tili pa siya habang nagkkwento ako. Samantalang si Harriette naman, masaya rin kaso kita kong hindi pa siya fully makangiti. Parang may lungkot pa siyang kaunti. Baka siguro dahil na rin sa may iniinda pa siyang matinding sakit kaya ganon.
Medyo mahaba ang naitulog ko dahil paggising ko, magtatanghalian na. Tapos yung dalawang babae naman ang tulog ngayon. Nabanggit din nilang lumabas pala ang kakambal ko kasama si Sed at yung dalawa pang babae para magrun. Kaya ayun, napagpasyahan kong lumabas muna sa playground para magswing at doon, naabutan ko si Tyron na tahimik lang din na nagsswing. Yung iba kasing lalaki, lumabas din daw para turuan si Russell na humawak ng baril.
Well, okay lang naman sa akin yun. Para maaga palang e, matutunan na talaga nung bata na depensahan ang sarili niya. Mahirap na, wag naman sana pero kailangang paghandaan kung saka sakaling magipit kami at madehado sa laban.
Umupo ako sa swing na katabi ng inuupuan ni Tyron at as soon as makaupo ako doon, ay itinulak ko na ang sarili ko para gumalaw.
Napatingin ako sa lalaking katabi ko dahil napansin kong nakatitig pala siya sakin. Nang magkatinginan kami, sabay din kaming napangiti nang malawak.
Isn't it supposed to be awkward at first? Na kapag nag aminan yung dalawang tao na mahal nila ang isat isa, medyo nagkakahiyaan pa sila tungkol sa mga nasabi nilang sweet nothings nung nagcoconfess palang sila?
Pero bakit kami ni Tyron? Ganito? Wala man lang awkwardness towards each other?
Kanina kasi nung lahat sila inasar kaming dalawa, nahiya ako at naging awkward talaga. Lalo pa nung pansinin nila yung magkahawak naming kamay. Kaya napabitaw tuloy kami at naglayo nang konti.
Pero bakit pag kaming dalawa nalang ni Tyron, okay na okay naman kami?
"Naninibago lang talaga tayo. Pati sila. Kasi hindi sila sanay na makita tayong sweet, at hindi rin tayo sanay na makita nila tayong sweet. Kasi diba? Puro pag aaway at pag aangasan ang nakikita nila sating dalawa simula pa lang noon una tayong nagkakilala at nagkausap. Kaya doon sila mas sanay. Hayaan mo, masasanay din sila." he reached out for my hand nung tumigil na ang pagswing ko.
Napangisi naman ako at the thought na parang nababasa na naman niya ang isip ko.
"Konting konti nalang talaga at iisipin ko nang may twinepathy na rin tayong dalawa." natatawang sabi ko.
"Bakit? Kasi, feeling mo, nababasa ko isip mo? Hahaha. You are wrong. Sadyang madali ko lang talagang mabasa ang expression ng mukha mo."
"Why tho? Am I easy to read!" tumayo ako at nagpapadyak sa harapan niya. "Please, tell me. Baka ito pa kasi ang maging dahilan ng worst downfall ko!"
Nagpapadyak pa rin ako sa harapan niya. At naghysterical na sumigaw nang mahina. Nung nakita ko siyang tumatawa na doon at halos hindi na makahinga sa sobrang ligaya, sinamaan ko siya ng tingin.
"Why laugh!?" nakangusong sabi ko. Tumayo naman siya sa pagkakaupo sa swing at ako ang pinaupo niya doon. Saka siya pumwesto sa likod ko at itinulak yun.
"Nothing, ang cute mo lang kasi. Para kang nagdadance revo pero wala sa beat hahaha." sasapukin ko na sana siya pero natigilan ulit ako sa sumunod na sinabi niya. "No, you aren't easy to read. Actually, unpredictable ka rin. But kaya ko lang nababasa ang expression mo kasi, namaster ko na. I mean, its just that.." tumigil siya sa pagtutulak sa akin. At nung huminto lang ang swing na sinasakyan ko, saka lang siya nagsalita ulit. Pumwesto siya sa harapan ko at lumuhod. Para na rin kapantay ko ang mukha niya.
".. It is just that sa sobrang tagal ko nang pinagmamasdan ka nang palihim, nakabisado ko na talaga ang expressions ng mukha mo.. Pati tuloy yung nararamdaman at iniisip mo, nafifeel at nahuhulaan ko na. " seryosong sabi niya habang nakatingin sa mata ko.
That stare was so breath taking. Parang literal na naubos ang hininga dahil bukod na rin sa tiyig na iyon, sobrang malaman pa ng sinabi niya.
Matagal na niya akong pinagmamasdan nang palihim? Ibig sabihin ba nito, matagal na siyang may gusto sa akin?
Napatitig ako lalo sa magagandang mata niya at gusto ko na sanang kiligin. Pero bigla ring nalipat ang tingin ko doon sa may likuran niya. Kasi sa tapat ng gate ay huminto nalang bigla ang isang hindi familiar na kulay maroon na van.
"T-ty.." bulong ko at takha niyang sinundan ng tingin yung tinitignan ko.
Hindi ko na mabilis na nasundan ang nangyari dahil naramdaman ko na lang agad ang paghaltak sakin ni Tyron para magtago sa likod nung kalapit na puno.
"S-shit, who are they?" sabi ko habang sinisilip at inaantay yung kung sinong bababa sa loob ng van at kung ano bang gagawin nila.
"I don't know either. But it is so reckless of you na hindi siguruhing may dala kang armas bago pumunta at lumabas dito sa bakuran na to." masungit na sabi niya at nagkasa ng baril niya.
Napangisi naman ako. "Sus, love love mo naman ako kaya sure naman akong di mo ko pababayaan no."
Bumuntong hininga lang siya sa tabi ko at inabot sakin ang pistol na hawak niya. May sukbit pa kasi siyang assault rifle e.
Inabot ko yun at itinutok sa van. Iba na ang handa. Mabuti nang maging alerto dahil baka bigla nalang kung anong gagawin ng mga taong laman niyan pagkababa nila. Baka batuhin kami ng granada or ng diaper na may laman na tae ng baby.
Nang may bumabang isang batang babae sa van, medyo lumuwag ang pagkakahawak ko sa baril ko. Hanggang sa sunod sunod na ang mga bumabang mga bata kasama ang ilang mga lolo at lola. Tapos kasunod din nun ay bumaba si..
RENZY AT ALESSA?
PATI SI CHRISTIAN AT SEDRICK NA NASA DRIVER AT PASSENGERS SEAT!?
"Eh.. Anong nangyayari?" tanong ko kay Tyron pero hinaltak niya lang ako palabas ng pinagtataguan namin.
Nakangiti si Renzy at Alessa habang binubuksan yung gate. Si Sedrick naman ay muling sumakay sa van at dinrive papasok yun. Kasunod nun ay ang pagpasok din nung mga bata at matatanda. At may isang babae pa na sa laki ng tiyan, mahahalata agad na buntis ito at malapit na ang kabuwanan.
Ano ba talagang nangyayari? At sino tong mga kasama na to nila Christian? Naguguluhan na ako ha. Ano ba to? Fieldtrip? Or something like excursion? May feeding program ba? Or may libreng pa seminar ang kakambal ko about kung paano makakasurvie sa zombie apocalypse?
Hindi pa rin ako fully nakakarecover sa pagtataka ay agad nang lumapit sa akin ang nakangiting si Christian.
"Where's Russell? Go ahead, tawagin mo siya, kambal."
Ninais ko pang magtanong sa kakambal ko pero napansin niya agad yun kaya nagsalita ulit siya. "Wag ka munang magtanong. Basta gawin mo nalang ang sinasabi ko." sabay wink.
Saka ko lang naman biglang naalala na nasa labas nga pala yung bata kasama yung ibang mga lalaki para turuan siya ng paghawak ng baril.
"Eh kambal, wala sila---"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla ko nalang narinig ang matinis na sigaw ni Russell mula sa labas.
"Ate Rosette!! Tita ko!!!" kasabay nito ay ang mabilis na pagtakbo papasok ni Russell para yakapin yung babaeng buntis at yung batang babae na katabi nito.