webnovel

Chapter 43

Crissa Harris' POV

Day 17 of zombie apocalypse..

"Okay na ba lahat ng gamit mo?.."

"Aba, sakin pa tinanong. E ikaw nga tong nag-ayos ng bag ko." masungit na sabi ko kay Christian habang sinusuot yung combat boots ko. Ay, kay Zinnia nga pala to. Hahahaha.

"Fine. Tara na. Tayo nalang ang iniintay nila sa baba. Ready na yung mga kotse."

"Eh, hindi man lang ba tayo mag-aalmusal muna? Wala pa namang 7am oh?.."

"Pwede namang magsikainan nalang sa byahe e. Tara na." lumabas na ng kwarto si Christian kaya sumunod na rin ako sa kanya.

Napakacaring talaga nitong kambal ko oh. Magkabila yung mga bitbit nya. Pati rin kasi yung bag ko sya may dala e. Wag daw muna akong magbubuhat ng mabigat para iwas binat. Huhuhu.. Sweet twin brother nu?.. Love na love ako e..

Pagkalabas namin sa may garahe nila Renzo, nandun na nga silang lahat. At shocked and at the same time amazed ako nang makita kong lahat sila, may bitbit nang mga matataas na kalibre ng baril.

"Ayieee, namiss ka namin Crissa." nakangiting sabi ni Renzy at lumapit silang tatlong babae sakin. Napangiti naman ako habang pinagmamasdan yung mga UZI Submachine Gun na nakasukbit sa balikat nila.

"Namiss ko rin kayo. Bagay na bagay sa inyo yang mga baril ah?.. Fierce. Hehehe." puri ko. Kinilig naman silang tatlo. Halos bumula nga bibig ni Alessandra e.

"Ay Crissa, may sasabihin nga pala ako.." bulong ni Harriette. Tatanungin ko na sana sya kung ano yun nang biglang lumapit naman sakin si Alex at Elvis kaya naitaboy sya palayo.

Parehas naman nila akong pinagtatapik sa ulo.

"Wow. Magaling na sya oh." - Alex

"Pustahan, magpapasaway nanaman yan." - Elvis

Sinuntok ko naman sila parehas.

"Tsk. Wag nga kayo! Yayabang nyo e. Porke may hawak na kayong ganyan. Barilin ko kayo parehas e." natatawang sabi ko at natawa nalang din sila. Pero ang astig lang oh. Si Alex, may hawak na SPAS-12 Shotgun tapos si Elvis naman Sniper Rifle.

Nalipat naman ang tingin ko dun kay Lennon at Sedrick. Parehas silang nakangiti sakin. Napangiti rin ako nung makita kong parehas din silang may bitbit na Sniper Rifle. Sa isang sulok naman, andun si Renzo at nakangiti rin sakin. May hawak syang assault rifle.

"Wow. Astig natin bestfriend. Namiss kita. Huhuhu.." sabi ko sabay yakap kay Renzo. Namiss ko talaga sya e. Hindi ko makakalimutan na isa sya sa nag-alaga sakin nung may sakit pa ako.

"Namiss din kita. Hahaha.." niyakap nya ako pabalik. Sa sulok ng mata ko, parang may nakita akong nakatingin samin. At nung paglingon ko, nandun si Tyron sa may gilid pero sabay iwas naman sya ng tingin nya.

Namiss ko si Renzo pero ewan ko dahil parang pakiramdam ko, mas namiss ko to si Tyron..

"Wait lang, Renzo. Hehehe." bumitaw ako sa kanya tapos lumapit ako nang dahan-dahan kay Tyron. Kaya tuloy nung pagharap nya, medyo nagulat pa sya sakin.

Nung magtama naman ang tingin namin, medyo nahiya at kinabahan ako. Napaka intimidating talaga ng personality at aura nya. Parang galaxy, napakahiwaga. Pilit nalang akong ngumiti para hindi nya mahalata.

"Hi Ty---" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil naramdaman ko nalang ang malakas na pwersang tumama sakin. Sa sobrang lakas, tumalsik ako kay Tyron at napayakap ako sa kanya. Habang sya naman, nakita kong namula ang mukha

Jusko. Ang gwapo nya talaga kapag malapitan. Ang bago pa nya. Amoy future husband ko..

TEKA. ANONG SABI KO!?

Mabilis akong napabalikwas. Sino ba yung lintek na nagtulak sakin!? Lumingon ako sa likod at nakita kong nakatayo dun si Renzo na may di maipaliwanag na itsura.

"Ikaw nagtulak sakin bestfriend!?" sigaw ko.

"Hindi ako. Si Christian yun. Tinulak lang ako." nakangusong sagot nya habang tinuturo yung likuran nya.

Pero wala na dun yung magaling kong kakambal. Andun na sa likod ni Harriette. Kung makapagtago akala mong di ko sya kita. E halos hanggang balikat nya nga lang kami ni Harriette e.

Binatukan ko agad sya pagkalapit ko.

"Problema mo ha!? Bat ka nanunulak. Tumalsik tuloy ako kay Tyron."

"Pffftt.. Hahaha.."

"Wag mo kong tawanan. Peste ka." inis na sabi ko pero lalo lang syang tumawa. Napailing nalang ako at nilayasan ko na sya. Nitong mga nakaraang araw, parang sinasapian talaga yan. Ewan ko kung anong nangyari.

Pumunta nalang ako dun sa may pick-up. At nung papasok na ako, pinigil agad ako ni Lennon.

"E-eh Crissa, pwede bang dun nalang ako sa van sasakay?" halata ang hiya sa sinabi nya.

"Bakit, ayaw mo na ba sakin?"

"A-ah, hindi naman. Kaso andun sa van si ano e.. si Harriette.." nagkakamot ng batok na sabi nya habang may mangilan-ngilan ng butil ng pawis ang tumutulo sa noo nya.

Sumulyap ako kay Harriette. Pasimple syang umusulyap-sulyap samin. Or, baka dito lang sa kausap ko.

Hmmm.. Mukhang alam ko na ang nangyayari ah.. Hihihi..

"Sige ba! Dun ka na dali.. Hihihi.." kinikilig na sabi ko habang kinukurot sya sa tagiliran.

Hindi na sya nakasagot sakin dahil sabay itunulak ko na sya ng malakas papunta doon kay Harriette na panay pa rin ang sulyap. Samantalang halatang-halata naman.

"Nakita ko yun. Match Maker ka pala ha. Hahaha.."

Napalingon ako dun sa biglang sumulpot sa may bandang likuran ko. Si bestfriend Renzo pala.

"Ssshh.. Wag kang maingay. Bagay naman sila diba? Tignan mo nga oh. Hihihi.." bulong ko habang pinagmamasdan sila Harriette at Lennon. Ang cute nila parehas habang nagkkwentuhan.

"Oo. Bagay nga.."

"Kaya ikaw na rin ang papalit sa pwesto ni Lennon sa van. Dun ka na ha?.."

"Sige. Sabi mo e." sabi nya sabay ngiti.

Yehey!! Okay lang na wala si Lennon dahil andito naman si Renzo. Saka mas mukhang okay naman na sya doon sa van e. Hihihi.. Nandun kasi crush nya.

"7am na. Mabuti nang umalis na tayo. Para wag naman tayong gabihin sa daan. Elvis, dun ka na pala kay Crissa sasama." sabi ni Christian na nakakuha ng atensyon naming lahat.

"Teka Christian, kumpleto na kami samin. Ako, si Sed, si Ty tapos si Renzo. Umalis na si Lennon samin kaya si Renzo nalang ang ipinalit ko." pag-aalma ko.

"Edi no choice ka pa rin. Pipili ka ng isa dyan kila Sed at Ty kung sinong gusto mong maalis." nakangiting sabi nya. Ngiti na parang nangloloko.

Kakaiba rin yung way nang pagkakasabi nya ah? Parang double meaning. Hmm.. At ang hirap isipin at pagdesisyunan.. Hindi ba pwedeng parehas nalang silang nandito? Pero mali e. Para sa isang tao nalang yung pwesto. Hindi pwedeng dalawa ang nandoon. Dapat isa lang. Kasi mahirap at masikip. Baka maipit sila at parehas masaktan..

Parang pagmanahal lang yan e. Kailangan isa lang talaga. Kasi pag pinilit mo na dalawa sila na laman ng puso mo, hindi lang yung sarili mo ang niloloko mo. Pati rin silang dalawa. Nasaktan ka na nga, nakasakit ka pa ng iba.

"Pffftt.. Ano na Crissa? Kung makapag-isip ka naman, parang akala mo yung puso mo ang pinag-aagawang pwesto. Upuan lang yan oh.. Hahahahaha!" tumatawang sabi ni Alex. Binatukan agad sya ni Harriette at ewan ko kung bakit.

"Wag ka nang mamili. Ako nalang ang aalis." bulong sakin ni Tyron tapos naglakad na paalis. Hahabulin ko na dapat sya nang may biglang humawak sa braso ko at pigilan ako.

"Sed?.."

"Ako nalang dun. Tutal naman, andun na rin si Lennon." nakangiting sabi nya tapos hinabol na si Tyron at pinabalik.

"Ang galing. Para akong nanonood ng koreanovela." sabi ni Elvis na may hawak na popcorn. Teka, san nya nakuha yon?

"Oo, yung tipong dalawang lalaki na nagmahal ng iisang babae. Hahaha. Tapos magbestfriend pa sila. Saklap nun no? Kailangang magparaya nung isa. Hahaha.." sabat naman ni Alex habang nakikikuha ng popcorn kay Elvis.

Nakatanggap sila parehas ng malutong na batok mula kay Harriette. Hmm. Ang hilig nya atang mambatok ngayon? Pero okay na rin yun. Mukhang may toyo lang kasi to si Alex at Elvis e. Gawin daw bang katatawanan yung sitwasyon samantalang ang hirap kayang pumili ng paaalisin. Parehas kong kaibigan yun e. Huhuhu..

Pero ewan ko lang dahil kahit hindi man nagvolunteer ang kahit na isa kila Sed at Ty, mas pipiliin ko pa na si Ty yung magstay kasama namin.

"Sige na, sige na. Pumasok na kayo. Wag nang madrama. Aalis na tayo." sabi ni Christian habang naglalagay ng isang kahon ng corned tuna sa may passenger seat sa pick-up. Pati di rin yung bag ko, dun nya nilagay. Halos punuin nya nung kung anu-ano yun.

"Oy! Bat ka naglalagay dyan? Pwesto ni Tyron yan e." saway ko sa kanya.

"Edi dun nalang sya sa backseat."

"Dun na kami ni Renzo. Pang-dalawahan lang yun."

"Eh ano? May batas ba na hanggang dalawa lang ang pwedeng umupo sa backseat? Tss. Wag ka na ngang matanong. Pumasok ka na. Si Elvis na bahalang magdrive." itinulak nya ko kaya pumasok na nga ako dun sa may backseat. Umalis na si Christian tapos pumunta sa van nila.

Maya-maya lang din, pumasok na si Renzo at umupo sa kaliwa ko. Pagbaling ko naman sa kanan, pumasok na rin si Tyron at umupo. Hindi naman ganun kasikip pero feeling ko, sandwich kami tapos ako yung palaman na inipit.

Si Christian kasi e. Tinambakan yung passenger seat. E pwede namang sa likod nalang ng pick up yun. Nahihirapan pa tuloy kami dito. Saka ang luwag-luwag sa van nila e. Dapat dun nalang. Tsk. Kawawa kaming tatlo dito.

"Nasisikipan ka ba? Gusto mo, dun nalang ako sa may labas?.."

Dahan-dahan akong lumingon kay Tyron. Hindi sya sakin nakatingin at doon sa may labas. Pero nakikita ko na sobrang kalmado nung mukha nya.

"H-hindi. Dito ka nalang. Tabi-tabi tayo ni Renzo." nakangiting sabi ko at tumango naman sya.

Ayaw ko namang umalis sya. Parang gusto ko din sya dito sa tabi ko e.

Lumarga na yung van nila Christian kaya sumunod na rin kami. Naghabol pa ng tingin si Renzo ng saglit hanggang sa nakalayo na kami sa bahay nila. Hindi naman sya mukhang malungkot. Parang tanggap nya na rin na wala na talaga kaming permanenteng malulugaran sa panahon ngayon. Kailangan na naming magpalipat-lipat at maglakbay.

So, our journey continues..

***

9:30 am na pala. Halos 3 hours na kaming bumabyahe. Hindi ganon kabilis yung pagmamaneho ni Elvis at sa hula ko, nasa 30kph lang sya. Hindi rin naman kasi sya pwedeng magmabilis dahil ang daming nakahambalang na kung ano-ano sa daan na dapat iwasan. Mga abandonadong sasakyan, mga katawan ng undead at mga kalat. Baka mabangga pa kami.

Kumakalam na simura ko. Hindi pa nga pala kami nag-aalmusal. Wala bang balak huminto sila Christian? Tsk. Ayokong kumain habang umaandar yung sasakyan dahil baka magkalat ako ng suka dito. Nakakahiya sa kanila.

Tumingin ako sa kanan ko. Deretso lang na nakatingin sa labas si Tyron. Tahimik at as usual, naka pokerface lang. Sa loob ng 3 hours na byahe namin, puro si Elvis at Renzo lang ang nadadaldal ko. Tumahimik nga lang to si Renzo dahil nakatulog kani-kanina lang. But actually, kahit nga tulog, ang ingay pa rin e. Nagsasalita. Sabi ba naman, 'Hi, sexy..' sabay yakap sakin. Hahaha. Di ko maimagine kung ano panaginip nito. Paniguradong kabastusan lang e.

*kruuu kruuu..

Ay shemay! Nag-iingay na yung tiyan ko! Nakakahiya. Huhuhuhu..

Tumingin ako kay Elvis. Deretso pa rin syang nakatingin sa daan at mukhang

wala namang narinig. Eto namang si Renzo sa kaliwa ko, tulog na tulog pa rin habang nakasandig sa balikat ko yung ulo nya.

E si Tyron kaya, narinig?

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya only to find out na nakatingin na rin pala sya sakin. Yung mukha nya, parang natatawa na talaga pero pinipigilan lang.

Ang cute nya. At ngayon ko lang sya nakitang ganito. Para syang bata..

"Nagugutom ka na pala hindi ka nagsasalita dyan." ngiting-ngiting sabi nya.

"Pinagtatawanan mo pa ako? Gutom na nga yung tao e.." nakangusong sabi ko.

Umiling sya at nagsmirk. Nakita ko nalang din na binuksan nya yung bintana sa tabi nya at inilabas nya yung kalahati ng katawan nya doon. Kumaway sya sa van nila Christian na nauunahan na namin ngayon. At maya-maya pa, huminto na rin sila sa may gilid.

Chương tiếp theo