webnovel

Chapter 29

Crissa Harris' POV

Hindi ko maiwasang mapangiti kapag inaalala ko yung eksena namin kanina na kaming tatlo nila Renzy at Alessandra ang bida. Wala akong idea kung ano yung reaksyon nung mga lalaki. Pero base sa kwento ni Harriette, wala naman daw syang nakita na certain reaction sa mga mukha nila.

But well, wala muna akong pakialam sa kanila dahil may gagawin pa kaming apat na babae. Nagpahinga lang kami saglit pagkatapos naming mag lunch tapos dinuscuss ko na agad sa kanila yung sunod naming gagawin.

Tuturuan ko silang humawak at gumamit ng baril. And ang mas nakakaexcite pa, I've decided na sa labas kami ng mansyon magttraining. Para mas madama at ma-absorb naman namin yung atmosphere nung nangyayari sa paligid. And at least doon, hindi na mabibitin tong tatlo sa bago nilang kinaaadikan. Sure na marami-rami yung mga undead don kaya sure din na marami-rami rin silang mapapatay. Magsawa silang tatlo. Hahaha!

At ngayon, nandito kami sa may pangatlong kwarto sa basement. Kumukuha ng pistol dahil nga yung baril ko ay binigay ko kay Danna nung isang araw tapos yung kay Harriette ay inagaw naman nung magaling kong kakambal kahapon.

"Crush mo si Sedrick no?" gulat akong napatingin kay Harriette at mabilis kong tinakpan yung bibig nya.

"Ano ka ba naman? Baka marinig ka ni Renzy at Alessa." mabuti nalang at hindi nila kami napansin. Busyng-busy kasi silang dalawa sa pagtingin dun sa ibang mga weapon at baril na nasa kabilang table.

"Sabi ko na e. Halata naman kasi sa mga reactions at expressions mo na may gusto ka sa kanya." nakangising sabi ni Harriette at pinagtutusok ang tagiliran ko.

Wala naman nang saysay pa na magsinungaling pa sa babae na yan dahil kilalang-kilala na nya ko. I-deny ko man, hindi ko talaga mapapapaniwala yan. Daig pa nyan ang FBI. May pinagmanahan kasi e.

"Halata sa reactions at expressions ko?"

"Hmm. Hindi naman gano. Sadyang nahalata ko lang dahil alam mo na, anak ako ni Inspector Kai Kobayashi."

Sinamaan ko sya ng tingin.

"Hindi nga? Seryoso, pano mo nalaman?"

"Yun nga, dahil sa anak ako ni Inspector Kai Kobayashi, napansin ko. Ang amo at ang bait mo kaya kapag si Sedrick ang kausap mo. Tapos iba yung ngiti mo."

"What? So halatang-halata ba talaga?" naghi-hysterical na sabi ko. What if pati yung mga lalaki, napapansin na din yun? Tapos pati si Tyron? Baka asarin ako nun! Huhuhu.

Kinurot naman uli ako ni Harriette.

"Wag kang OA. As what I've said, hindi naman masyadong noticeable. Sadyang napansin ko lang talaga dahil taglay ko ang natural instinct ni daddy."

Nakahinga ako ng sobrang luwag dahil sa sinabi nya. Buti naman kung ganon. Kailangan ko pang mag-ingat lalo para wala ng ibang makaalam. Dapat kami lang ni Harriette.

"Pero ganito, kung ayaw mong may makaalam, dapat sa lahat ng lalaki na kasama natin nice ka. Para wala na ring makapansin na may special treatment ka kay Sed." tumango-tango nalang ako.

May point si Harriette. Pero next time nako magiging nice sa ibang lalaki. Kapag naayos na yung sitwasyon namin. Kami pa ba mag-aaproach sa kanila? Aba aba. Sumusobra naman ata sila.

"But ito lang Crissa, mukhang parehas lang naman kayong dalawa e."

"Sinong kami?"

"Kayo ni Sedrick."

"Parehas na ano?" takhang tanong ko. Hindi ko naman kasi magets yung sinasabi nya e.

Pero teka. Hindi kaya ang ibig nyang sabihin na parehas ay, parehas kaming may gusto ni Sed sa sarili nya? Crush ko si Sed tapos crush din ni Sed si Sed? Jusko. Napakahigpit naman ng karibal ko. Pano ko mapapalitan ang pwesto ni Sed sa puso nya?

Hindi na nakasagot si Harriette dahil lumapit na samin si Renzy at Alessandra. Kaya para hindi nila mahalata na may pinag-uusapan kaming confidential, sinusian ko nalang yung bunganga ni Harriette tapos hinaltak ko na sila paalis dun.

Tanghaling tapat, magte-training kami sa ilalim ng init ng araw. Pero who cares? Walang mai-mainit kung gusto mong maka-survive. Saka isa pa, magiging exciting naman na to lalo pa at itong tatlong babaeng kasama ko, natuto na talaga. Na-overcome na nila yung takot nila kaya I believe, this is just the start.

Malayo pa kami sa main gate ay may natanaw na agad kaming nakatayo doon. At habang unti-unti kong nakikilala kung sino yun, unti-unti rin akong napapangiti. Napansin rin siguro ni Harriette kaya pinaulanan nya na ako ng kurot.

"Harriette, umayos ka baka makahalata sila." bulong ko.

"Ikaw ang umayos at pigilin mo yang kilig mo. Wagas ka nanamang makangiti e."

Binawasan ko ng konti yung ngiti ko gaya nga ng sinasabi nito na pigilin ko yung kilig ko. Nung makalapit kami kay Sed, inunahan na agad ako ni Harriette na magsalita.

"Oh Sed, ginagawa mo dyan?"

"Lumabas sila Christian e. Sabi nila dito nalang daw ako."

"Lumabas? San daw sila pupunta?" seryosong sabat ko.

"Iki-clear tong buong village."

Iki-clear tong buong village? Grabe lang ang trip nila ngayon ah? At balak pa talaga nila kaming ubusan ng undead na mapagpapractice-an. Hindi ako papayag.

"Harriette, Renzy, Alessa, tara." hinaltak ko silang tatlo palabas dun sa may pinto na nasa guard house.

"San kayo pupunta, Crissa?" sabi ni Sed habang sinusundan kami. Hinawakan pa nya ako sa braso.

"Training. Dyan ka nalang Sed. Okay lang kami. Hindi naman kami lalayo." hindi ko na sya hinantay pa na makasagot tapos tumakbo nako. Sinundan naman agad ako nung tatlo.

"Crissa, san tayo pupunta?"

"Kahit saan." sumunod lang sila sakin sa pagtakbo. Kailangan namin ng open field sa gagawin namin. Although may silencer naman yung mga baril namin, mas safe pa rin kapag sa open field talaga.

Saka ayokong magkasalubong kami nila Christian. Kaya joke lang yung sinabi ko kay Sed na di kami lalayo. Pero award ang reaction ni Sed kanina ah? Todo hawak pa sa braso ko. Parang ayaw talaga kaming paalisin. Hihi. Bait talaga.

Prumeno ako sa pagtakbo nung madaan kami sa clubhouse nitong village. This place is perfect. Kahit may bubong sya, at least open naman at hindi confined.

"Dito na tayo." dere-deretso kaming pumasok don. Napangiti naman kami ng nakakaloko nung biglang may nagsulputan na undead. Sabay-sabay pa silang umungol nung makita nila kami.

"Welcome daw sabi nila." sabi ni Harriette habang pinapaikot nya yung

sibat na hawak nya.

"1, 2, 3, 4. Oh walo lahat. Saktong tigda-dalawa tayo." - ako

"Hindi no. Tig-tatlo kami ni Renzy. Tas tig-isa na kayong dalawa." - Alessandra

"Oo nga. Paubaya mo na samin yung iba, Crissa." - Renzy

"Yoko nga! Basta hating kapatid. Natuto lang kayo we, ayaw nyo nang magshare! Hahaha." sabi ko sabay baril dun sa dalawang undead na pinakamalapit sakin. Pumupuslit e, muntik nakong mahablot. Porke busyng-busy kami dito sa pag-uusap.

Nung tumumba yung dalawa sa sahig, tumayo nalang ako dun sa may gilid at pinanood ko nalang yung tatlo na tapusin yung ibang undead. Sa kilos nila ngayon, walang maniniwala na kanina lang sila natrain. Although hindi pa ganon ka-polished at ka-sleek yung galaw nila, kita na agad yung nakatagong galing nila.

"Good job! Ang bilis nyong na-master yang weapons nyo. I think, ready na talaga kayong humawak ng baril." hinaltak ko sila at isa-isang pinahilera dun sa may gitna.

"Get ready, we will start now."

At dahil wala naman kaming pwedeng mainam na gawing improvised target dito, yung proper handling muna ng baril ang ituturo ko. Wala akong alam sa paggamit talaga ng baril actually, pero ewan ko rin dahil nararamdaman ko na parang may alam talaga ko. Yung natural knowledge ba? Siguro dahil na rin sa pagiging adik ko sa GTA kaya confident na confident ako sa mga ganitong bagay. Pero hay, di bale na. Ituturo ko nalang kung ano yung alam kong tama.

"Game, safety reminders muna. You always need to keep the gun pointed downrange when handling it. Dahil kapag itinutok mo yun pataas tapos aksidente mong naiputok, for sure may matatamaan yun pagbulusok nung bala pababa. Kaya it is really important din na palaging iche-check if it is loaded or not. And whether it is loaded or not, it is not safe na itutok yon sa ibang tao kahit na biro lang. Masyadong delikado pa rin." hinawakan ko yung baril ko at nakihelara na rin ako sa kanila.

"Holding the gun. Yung dominant hand mo ang dapat may hawak sa baril tapos yung non dominant hand mo naman ang nakaalalay at nakasapo sa bigat nung baril. The grip should be firm, not tight. Baka sa sobrang higpit ng hawak mo ay magshake na yung kamay mo, syempre pati rin yung baril magsshake. Hindi mo mako-control yun. And while holding the gun, just make sure na yung daliri mo, hindi nakapatong sa may slide. May tendency kasi na maipit ka dyan. Next, yung proper firing stance. Just like this." idinemonstrate ko sa kanila at ipinorma ko yung katawan ko base dun sa mga nakikita kong porma nung mga professional na bumabaril.

"Yung paa, it should be shoulder-width apart. At kung ang dominant hand mo ay yung kanan, the foot opposite to it should be placed a step past. Lean forward slightly with your knees bent, making sure it is firmly balanced." tumigil ako saglit at tiningnan ko yung ginagawa nila.

"Tama naman yung mga positions nyo kaya lang, nanginginig yung mga kamay nyo."

"Sorry! Pasmado ako." sabi ni Harriette at pinunasan saglit ang kamay nya.

"Ok lang yan. Masasanay din kayo. Next, hahanap naman ako ng pwedeng gawing target. Dyan lang kayo. Keep your guards up."

Naglakad-lakad ako dun sa paligid ng clubhouse. Ano bang mainam na gawing improvised na traget? Tss. Kung bakit naman kasi wala akong makitang pagala-galang undead dito bukod dun sa walong napatay namin kanina. Pinanindigan na ba talaga nila Christian yung pagki-clear nila dito sa buong village? Aba, mga adik sila.

May nakita akong pusa at asong ligaw na dumaan kanina pero hindi naman ako masamang tao para idamay yung mga inosente at walang muwang na hayop. Mas gugustuhin ko pa ngang pumatay ng tao pag nagkataon e.

Naglakad ako dun sa may likod na part ng clubhouse. Nakuha kasi nung swimming pool yung atensyon ko. Parang may nararamdaman ako na kung ano dun. At nung malapitan at makita ko na nga, napangisi nalang ako.

Chương tiếp theo