webnovel

Chapter 11

Crissa Harris' POV

"Anak ng corned tuna naman oh! Ano nanaman bang problema mo!?" halos pabulong na sigaw ko. Nung isasara ko na kasi yung pinto, hindi ko na naituloy dahil may humarang na paa. At pagkalingon ko nga, tumambad agad sa akin ang expressionless na pagmumukha ni Tyron.

"San ka pupunta? Ipapahamak mo nanaman ba sarili mo, ha?.." bulong nya sakin habang hawak-hawak ang braso ko.

Nagpumiglas ako at ginantihan ko yung seryoso nyang pagkakatitig sakin. Tinaasan ko sya ng kilay.

"Please lang. Wag kang makialam, okay? May dala na kong weapon ngayon. Sisilipin ko lang yung quarters ni Bud."

Kunwari pang tatahi-tahimik tong lalaki na to, napakapakialamero naman pala. Sarap hambalusin ng lamesa.

Tinalikuran ko sya pero nahawakan na nya uli yung braso ko.

"I will go with you." mariing sabi nya.

What the. Ilang beses kaya tong iniri?

For the last time, nagpumiglas ako sa pagkakahawak nya at nagtitimpi akong nagsalita.

"Bakit? Sa tingin mo ba hindi ko kaya ang sarili ko? Fvck. Can't you just fvcking leave me alone, huh? Wag kang umasta dyan na para bang malaki ang malasakit mo sakin. Hindi kita kailangan FYI lang." bago pa sya makasagot ay mabilis na kong tumalikod sa kanya at umakyat nako sa second floor. Ang lakas makapang-badtrip ng isang yun. Akala mong kung sino.

Nagdere-deretso nalang ako sa may hallway na nasa west part. Inalerto ko nalang din yung sarili ko dahil kahit na clear na namin tong floor na to, baka may lumitaw nanamang undead out of nowhere.

Dahan-dahan akong naglakad papunta dun sa quarters ni Bud. Pinihit ko yung doorknob pero naka-lock pa rin yun mula sa loob. Idinikit ko nalang yung tenga ko sa may pinto para pakinggan kung may ingay uli.

Confirmed. Meron nga. Posible kayang nandito sa loob si Bud at buhay pa sya? Hindi ko naman malalaman yun kung hindi ko titignan. Pero pano ko mabubuksan yung pinto? Hindi naman pwedeng pukpukin ko to dahil gagawa ako ng ingay. Baka hindi lang sila Christian ang makarinig. Baka pati na yung ibang undead.

Idinikit ko uli yung tenga ko sa may pinto at marahan akong kumatok.

"Bud, ikaw ba yang nasa loob? Please naman oh. Kung hindi ka pa undead, lumabas ka na dyan. Si Crissa to.. Kailangan ka namin ni Christian.."

No response. Pero bigla namang nawala yung ingay.

"Oh? Bakit nawala yung ingay? Nandyan ka talaga sa loob no? Pinagtataguan mo ba kami, ha? Unfair ka. Hayaan mo namang mahanap ka namin.. Wag mong ilock yung pinto.."

No response..

Nag-intay pa ako ng ilang minuto para sa sagot. Pero wala na talaga akong narinig pa. Kaya lumayo na ko dun sa may pinto at inilagay ko nalang sa isip ko na siguro, andyan nga sa loob si Bud. Pero, undead naman na sya. Syempre, kung buhay pa sya, bakit nya naman kami pagtataguan pa diba?

"Miss Crissa, I'm sorry po.."

Ilang hakbang palang ang nagagawa ko nang mapatigil uli ako.

Boses ni Bud yun. Hindi ako pwedeng magkamali. Dinig na dinig ko yun. Yung hikbi sa dulo ng sinabi nya. Umiiyak sya..

Dali-dali akong tumakbo pabalik sa may pintuan at pinilit kong pihitin yung doorknob.

"Wag ka nang magdeny, Bud. Alam kong nasa loob ka. Narinig kita no. Buksan mo to. Wag mo kaming pagtaguan. Gusto mo bang magalit sila mommy sayo dahil sa ginagawa mo?"

No response..

"Bud! Isa pa! Hindi ka na nakakatuwa! Bakit mo ginagawa samin to, ha? Bakit mo kami pinagtataguan? Ikaw dapat ang nagtatanggol samin ngayon, diba? Lumabas ka dyan---"

Gulat na gulat ako nang biglang bumukas yung pinto at tumambad sakin si Bud. Umiiyak sya.

"S-sorry.. Ms. Crissa.." nakayukong sabi nya.

"B-bud? Buhay ka naman pala e. Anong ginagawa mo dyan sa loob?" hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at napaiyak na rin ako.

Pinagmasdan ko syang mabuti. May iba sa kanya. Nanginginig ang katawan nya at parang namumutla sya. Hinawakan ko ang braso nya pero iniwas nya naman yun.

"W-wag po Ms. Crissa.. Umalis na lang po k-kayo.. Hayaan nyo na ko dito.."

"Anong hayaan? Pwede ba namang hayaan ka nalang namin dito? Sasama ka sakin." mariing sabi ko at hinaltak ko sya sa braso. Hindi na nya nagawa pang makaiwas.

Pero napatakip nalang ako sa bibig ko nang tumambad sakin yung braso nya. Merong.. merong kagat..

"Kaya po mas pinili ko nalang na magkulong dito. Nakagat na ako kaya pag namatay ako, magiging ganun na rin ako.."

"Anong sinasabi mong magiging ganon ka? Hindi pwede! Hindi ako papayag! Nursing student ako. Pati na rin si Harriette kaya pwede pa nating gawan ng paraan yan. Kung hindi makuha ng paggamot, puputulin natin. O-okay na yung maputulan ka ng b-braso kesa naman mamatay ka B-bud.. Wag namang p-pati ikaw oh.. W-wala na si Olga.. Pati si Y-yaya Nerry.. Please.. Dapat m-mabuhay ka.." umiiyak na sabi ko habang hinahaltak syang pilit. Nanatili lang syang nakatayo doon at nakatungo.

"Hindi na po pwede, Ms. Crissa---"

Natigilan kami parehas nang may biglang sumulpot na undead sa may gilid at dahang-dahang lumapit sa amin. Inangat ko agad ang club ko pero hindi ko na nagawang ipagtanggol ang sarili ko..

.. Dahil si Bud na ang gumawa nun. At ginawa nya yun sa paraan na hindi ko inaasahan.

Nanlumo akong habang pinagmamasdang kainin nung undead si Bud matapos nyang yakapin yun. Isinakripisyo nya ang sarili nya para iligtas ako. Pero bakit ganon ang ginawa nya?

Nanghina nalang bigla ang tuhod ko. Pero pinilit ko pa ring makatayo para gumanti sa walanghiyang halimaw na lumalapa kay Bud ngayon. Walang kamalay-malay ang security na to na yung head at boss na pala nila ang kinakain nya ngayon.

Madiin kong pinikit ang mata ko habang umiiyak. Pagdilat ko, hindi ko na nagawang patayin yung undead dahil inunahan nako ni Tyron na bigla nalang sumulpot mula sa kung saan. Hinigit nya patayo yung undead saka nya hinataw gamit yung katana nya.

Nabaling nalang ang atensyon ko sa katawan ni Bud na nakahandusay sa sahig. Naiyak nalang uli ako habang pinagmamasdan yung balikat nya na halos maputol na hanggang sa leeg dahil sa kagat nung undead.

Naramdaman ko naman ang paglapit sakin ni Tyron. Hinawakan nya ko sa balikat at tinignan nya ko na para bang nanghihingi sya sakin ng permiso.

"Crissa, we have to kill him too. He's bitten."

Mas lalo lang akong naiyak ng ibinulong nya sakin yun. Sumenyas naman ako sa kanya na ako na ang bahala.

Kahit alam ko naman na parang hindi ko ata kakayanin.

Nilapitan ko yung katawan ni Bud at pikit mata kong kinuha yung pocket knife sa bulsa ko.

"S-sorry Bud.." yun nalang ang sinabi ko bago ko itinusok ng marahan yung pocket knife sa may noo nya.

Pinandigan nya talaga yung sinabi nya sakin nung isang gabi. Na kahit buhay nya pa ang kapalit, hindi sya magda-dalawang isip na ibuwis para lang maligtas kami..

Pinunasan ko ang luha ko at tumayo ako.

"T-tyron, ipasok natin yung katawan nila sa kwarto."

"Okay ka lang ba? Kung gusto mo, ako nalang ang gagawa?.."

"H-hindi. Okay lang ako." nagkibit-balikat nalang ako at pinagtulungan nalang namin na buhatin yung dalawang katawan sa loob ng kwarto.

Nung mailock namin yun at nalagyan ng cleared, nagpasya na kaming bumaba. Ni isa samin, wala nang nagsalita.

"San kayo galing?"

Tumigil kami sa pagbaba sa kalagitnaan ng hagdan. Sa may last step sa baba, nandun naka upo si Christian. Hindi ko mabasa ang reaksyon nya dahil medyo madilim.

Teka. Anong ipapalusot ko ngayon? Sasabihin ko ba na tumakas nanaman ako? Pero ayoko. Baka tuluyan nakong paghigpitan nitong kakambal ko at lagi na kong bantayan.

"Nauuhaw nanaman daw to si Crissa kaya nagpasama sakin. Nagkataon kasi na gising ako nung time na yon. Pero nung pabalik na kami, nakarinig kami ng ingay sa second floor. E ayun, undead pala." napatingin ako kay Tyron dahil sa sinabi nya. Sa tono ng pagsasalita nya para bang akala mo, totoong-totoo yung sinabi nya. Sabay nya namang ipinakita yung katana nya na may dugo.

Naghikab naman si Christian at saka tumayo.

"Okay. At least, hindi na nag-adventure mag-isa tong kambal ko. Maganda na yung may kasama sya para if ever atakihin nanaman sya ng katangahan nya." tumatawang sabi nya habang naglalakad na uli papasok sa may living room.

Naiwan nalang kami doon ni Tyron na nakatayo sa may hagdan. Tinignan ko sya at as usual, suot suot na naman nya ang stern look nya.

"Tyron.."

Tumingin sya sakin na parang nag-iintay lang uli sa sasabihin ko. Yumuko naman ako at pinunasan ko yung combat knife gamit yung dulo ng damit ko.

"Kahit hindi ko naman talaga kailangan yung tulong mo kanina, salamat pa rin kasi dumating ka.."

Natahimik kami saglit pero agad din naman syang nakabawi. Narinig ko na napangisi sya.

"Yabang. Tss. You should've thank me twice."

"Twice!? Bakit naman?" takhang tanong ko.

Hindi naman sya sumagot at naglakad nalang sya pababa. Sumunod naman ako sa kanya hoping na sasagutin nya yung tanong ko.

"This is not the first time I saved you.."

"Ha!? Hindi ko nadinig yung binulong mo!!" sigaw ko sa kanya. Hindi ko naman namalayan na nandito na pala kami sa loob ng living room kaya may ilang nagreklamo sa ingay ko.

"Ssshhhh.." - mga babae

"Sino yung sumigaw? Hahalikan ko." - Renzo

"Ako pare. Dali kiss mo na ko." - Alexander

"Yuck, gago! Pasuin ko ng sandok nguso mo e." - Renzo

"Wuuu. If I know, minomolestya mo tong labi ko pag tulog ako." - Alex

"Gago." - Renzo

"Kwago." - Alex

"Tarantado." - Renzo

"Tarantula." - Alex

Tumigil lang yung dalawang baliw nang kapwa bumangon ang mga kapatid nila at sabay silang tinutukan ng combat knife. Nanahimik sila after nun so I supposed na baka tinuluyan na sila ng mga kapatid nila.

Humiga na rin ako pero nagulat naman ako nang biglang may tumabi sakin. Pagdilat ko, yung magaling kong kakambal ay nakahiga na rin sa tabi ko.

Inis ko syang tinulak pero wala namang nangyari dahil ang bigat nya.

"Dito ako matutulog. Wala akong tiwala sayo. Baka tumakas ka nanaman."

Sasagot palang sana ako nang bigla syang magsalita uli.

"You know Crissa, you really can't hide from me. I'm your twin. And I know what really happened."

Alam nya yung nangyari? Alam nya rin kaya na isa si Bud ang napatay namin?

Chương tiếp theo