webnovel

Chapter 3

Crissa Harris' POV

Nagising nalang ako dahil sa init. Tagaktak yung pawis ko sa noo at leeg tapos grabe din yung uhaw ko. Nung tignan ko yung phone ko, malapit na palang mag 7am.

Pero bakit patay yung mga ilaw? Pinatay ba nila Harriette?

Bumangon ako nang dahan-dahan dahil masyadong madilim. Basement to kaya walang maaasahan na liwanag na galing sa sinag ng araw. Ginamit ko nalang yung phone ko para magkaron ng source ng ilaw.

Tulog pa naman si Harriette pagkatingin ko. Nung silipin ko naman si Alessa at Renzy sa 2nd deck, parehas din silang tulog. Pawisan na rin silang tatlo.

Hinanap ko agad yung switch ng ilaw. Naka-on naman e. Pero bakit madilim? Nasira na ba? Pinuntahan ko yung aircon. Nakasaksak din pero hindi naman gumagana. Tss. Mukhang wala pa ata kaming kuryente. First time nangyari nito ah.

Lumabas ako ng kwarto namin. Wala nga ring ilaw sa hallway ng basement. Pumunta ako dun sa kwarto nila Christian pero mukhang tulog pa sila dahil nakalock pa yung pinto nila.

Umakyat ako papuntang ground floor para tignan kung talaga bang wala kaming kuryente o sadyang may sira lang yung mga wiring sa basement. Pagkaakyat ko, nakakabinging katahimikan agad ang sumalubong sakin. Wala yung mga kasambahay namin na kadalasang naglilinis na ng ganitong oras.

Dumeretso ako sa may kusina at na-confirm kong wala nga kaming kuryente. Nakasaksak din kasi yung ref pero hindi naman malamig. Nagkalat na rin sa sahig yung tulo ng tubig na galing sa natunaw na yelo sa freezer.

Kumuha ako agad ng mop para lampasuhin yung sahig. Mahirap na, baka si Yaya Nerry pa madulas dito. Buti kung si Christian lang ang madudupilas dito nang una ang mukha e, edi natuwa pa ko.

Tumigil ako saglit nang may mapansin akong silver na bagay na nasa sahig malapit dun sa papuntang family dining room. Lumapit ako para pulutin sana pero bigla akong binalot ng matinding kaba nung ma-recognize ko kung ano ba yun.

Ito yung kwintas na binigay ko kay Yaya Nerry kagabi.. At may bahid to ng.. natuyong dugo..

"Y-yaya Nerry? Nasan ka? O-olga? Bud, Jackson, n-nasan kayo?" tawag ko. Pero kahit yung hangin, hindi ako sinagot.

Tumakbo ako papuntang family dining room.

"Nasan na ang mga tao dito? B-bakit walang s-sumasagot? Yaya N-nerry?"

Napatingin ako sa sahig. May bahid ng natuyong tulo ng kung anong likido na kulay reddish-brown. Mas nadagdagan pa lalo ang kaba ko nung mapagtanto kong hindi lang basta kung ano yun dahil dugo yun.

Sinundan ko yung mga patak. Habang patagal nang patagal, palaki pa nang palaki ang mga yon. At pasariwa na rin nang pasariwa. Naging matingkad na kulay red na rin yun.

Huminto yung mga patak sa harap ng bathroom 1 sa ground floor at napatakip agad ako ng ilong dahil sa kakaibang lansa na naamoy kong nanggagaling sa loob nun. Hindi nakasarado ang pinto at merong awang ng kaunti.

Gusto ko nang umatras dahil sa matinding kaba na nararamdaman ko. Alam kong hindi ko magugustuhan ang makikita ko once na itulak ko pabukas ang pinto. Pero hindi. Gusto kong magpaka positibo at gusto kong makumpirma na baka nagkakamali lang ako ng iniisip.

Nanginginig ang kamay ko nang itulak ko iyon. Pero hindi ko na nagawang buksan ng todo yung pinto dahil agad nang tumambad sakin ang kinatatakutan ko.

Napaatras ako ng ilang hakbang. Bigla ko nalang ding naramdaman ang panlalambot ng tuhod ko at tuluyan na akong napaupo sa sahig. Unti-unting humirap at bumigat ang paghinga ko. Parang biglang nawalan ng hangin ang baga ko.

Hindi halos maproseso ng utak ko ang nakikita ko ngayon. Gusto kong sumigaw, gusto kong umiyak. Pero hindi nakiayon ang bibig at mata ko. Gusto ko ring tumakbo pero hindi rin nakisama ang paa ko at nanatili lang ako sa ganong posisyon.

Hindi ko maatim na pagmasdan ang tanawin na nasa harapan ko.

Si Yaya Nerry..

Nakahandusay sa sahig ang katawan nya at naliligo sya sa sarili nyang dugo. Parang nilaslas pa ang leeg nya. At yung katawan nya.. yung katawan nya, halos maputol na dahil sa malaking wakwak sa tiyan nya. Parang hinalukay ang mga laman-loob nya.

Nanginginig ako sa sobrang kilabot. Nakatitig lang ako doon at halos hindi kumukurap ang nanlalaking mga mata ko.

Sino ang gumawa nito?

Pinilit kong tumayo kahit na parang gulay na ang tuhod ko. Nakita ko nalang ang sarili ko na tumatakbo papuntang basement. Unti-unti nang nanlalabo ang mata ko dahil sa namumuong luha. Dahil na rin sa walang ilaw, kaya napatid na ako at gumulong papaba.

Naramdaman ko ang matinding sakit sa tuhod ko pero pinilit ko pa ring tumayo at maglakad papuntang kwarto nila Christian. Binuksan ko yung flashlight ng cellphone ko para makita ko na ang dinadaanan ko.

Kumatok ako nang kumatok. Pinagkakalampag ko yung pinto dahil hindi ko magawang magsalita. Naramdaman kong malapit na ring magsitulo ang luha ko. Malakas ang pagkatok ko pero wala pa ring nagbubukas ng pinto. Kaya pumunta na ako sa kwarto namin para kuhanin yung malaking shovel na binili ko.

Isang malakas na hampas lang ang ginawa ko sa doorknob at nasira na agad yun. Tumakbo ako papasok sa kwarto nila Christian at nakita ko na agad sya na nakatingin sakin na gulat na gulat.

Hindi ko napigilan ang sarili ko. Nanghihina pa rin ang tuhod kong tumakbo papunta sa kanya. Buti nasalo nya agad ako dahil hindi ko na talaga mabalanse ang katawan ko sa sobrang takot.

Yung luha na kanina ko pa pinipigil, sa wakas naibuhos ko na. Humagulgol ako ng iyak sa kanya.

"H-hey? Bakit ka umiiyak?"

Hindi ko magawang sumagot kay Christian. Puro hikbi nalang ang nagawa ko.

"C-crissa, magsalita ka nga. Kinakabahan nako s-sayo.." sabi nya habang yakap pa rin ako..

Huminga ako ng malalim at bumitaw sa kanya. Pinilit kong magsalita.

"P-pinasok ata tayo n-nung.. nung mga gustong p-pumatay satin.. C-christian.. Si Yaya N-nerry kasi e.. n-nandun sa b-banyo.. t-tapos.."

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang umalis si Christian sa harapan ko.

Biglang nagliwanag ang buong kwarto at nakita ko si Elvis na may bitbit na emergency light. Nakita ko rin yung iba na pare-parehas nang nakatayo. Halatang naguguluhan sila.

"Crissa, kalma muna. Ito oh.." lumapit si Sedrick sa akin at inabutan ako ng mineral water.

"S-salamat.." kinuha ko yun. Pero lahat naman ng nainom ko ay nailuwa ko din dahil hindi ko magawang lumunok.

"Oh, a-ayos ka lang?" sinenyasan ko naman si Sedrick na ayos lang ako. Pero nag-umpisa nanamang tumulo ang luha ko at napaupo nalang ako dun sa isang kama.

Sakto namang lumabas si Christian galing sa banyo at nakita kong may hawak sya na kung ano. Hindi ko lang maaninag dahil hindi masyadong umaabot sa kinaroroonan nya yung ilaw.

"Dyan lang kayo. Pati ikaw Crissa. Elvis, sumama ka sakin."

Mabilis naman akong humarang sa kanya. At nakita ko na kung ano ba yung hawak nya.

"S-san galing yang baril, Christian?.. At saan ka p-punta?"

"Sa taas. Wag kang susunod samin."

"A-anong wag? H-hindi ako papayag!" pagkatapos non ay tumayo na ako. Pero nakakailang hakbang palang ako nang mapatigil uli ako at namilipit na ko sa sakit.

"A-ang laki ng sugat mo sa tuhod, Crissa.. Maiwan ka na dito. Alex, Sed, hawakan nyo sya."

"C-christian naman e.. Please, sasama ako.."

Nakita kong napakagat ng madiin si Christian sa labi nya.

"Okay fine. Alex, tawagin nyo yung mga babae sa kabilang kwarto at papuntahin nyo dito. I-lock nyo yung pinto. And in case lang na may kumatok, buksan nyo yung cabinet sa banyo. May limang baril don." yun nalang ang sinabi ni Christian at inakay na nya ko palabas. Sumunod naman si Elvis at umakyat na kami papuntang ground floor.

Harriette Kobayashi's POV

"Uy, gising.." dumilat ako at nakita ko si Alex na may dalang rechargeable na lamp.

"Ano Alex!? Wala akong papautang sayo! At paano ka nakapasok dito ha!?"

"Wag ka nang mag-inarte dyan at bumangon ka na. Hoy, Alessandra, bumangon ka na rin. Bilisan mo." pumunta naman sya kay Renzy at pinagtatapik. "Renzy, gising.."

Tumayo na ako. "Bakit ba Alex? Anong problema mo? Saka bakit walang kuryente?"

Bumangon na rin si Alessa at Renzy. Katulad ko, nagtataka rin sila sa pinaggagagawa nito ni Alex.

Humarap naman sya samin. "Wag na muna kayong magtanong, okay? Basta sumunod na kayo sakin." dere-deretso na syang lumabas at pumasok dun sa kwarto nila. Sumunod nalang din kami sa kanya.

Pagkapasok naman namin, nilock agad ni Alex yung pinto.

"Nasan si Crissa? Pati si Christian at Elvis?" tanong ni Alessa sa kuya nya. Pero hindi naman sya sumagot.

Sakto namang lumabas galing sa banyo si Tyron, Renzo at Sedrick. At may dala-dala silang mga..

baril!?

Okay. Parang may nangyayari atang hindi maganda.

Inabot ni Renzo yung isang baril kay Alex. At pagkatapos naman, nilahad nya rin ang kamay nya sakin na may hawak na baril.

"O-oy! Wala akong ginagawang masama sayo ha?.." sabi ko pero hindi naman nya ako pinansin at inalis na lang nya yung kamay nya na nakalahad sa akin.

"Kung ayaw mo, wag." narinig kong bulong nya. Bigla namang nagkasa ng baril si Alex at seryosong humarap sa aming tatlo nila Alessa at Renzy.

"Pinasok ata tong mansyon nung mga gustong pumatay sa pamilya nila Christian. At base sa kwento kanina ni Crissa, mukhang napatay si yaya Nerry.." nagcrack ang boses ni Alex pero nagpatuloy pa rin sya. "Kaya ngayon, nasa taas silang kambal. At kasama nila si Elvis. Sabi ni Chris, dito lang tayo. Pero, papayag nalang ba tayo na umupo nalang dito habang silang tatlo, nanganganib doon sa taas? Syempre hindi. Kaya pag 15 minutes, wala pa sila, susunod na kami ni Renzo doon. At maiiwan kayong tatlo dito kasama si Sedrick at Tyron."

Tumulo na ang luha ko matapos kong marinig yung sinabi ni Alex.

Wala na si Yaya Nerry.. At sila Crissa, delikado sila ngayon..

Crissa Harris' POV

Nagulat kaming tatlo nang hindi na namin makita yung katawan ni Yaya Nerry dun sa may bathroom 1.

"Pero dyan ko talaga nakita Christian.." bulong ko.

"Baka nandito pa yung gumawa nun. At inilipat nila yung katawan."

"Bakit pa? Para itago yung krimen? Hindi pwede. Andito pa yung bakas ng dugo oh."

Natahimik kaming dalawa. Paano nangyaring may nakapasok dito? Napakahigpit ng security namin. At alam ko ang kakayanan ni Bud sa pamumuno sa strategy ng security. At madaming nakakalat na mga guard sa buong compound na to. Paano sila nakalusot?

Pare-parehas naman kaming nagulat nang marinig namin yung tahol ng aso namin sa may garden.

"Bilis.. Dun sa labas.." bulong ni Christian.

Dahan-dahan naman kaming nagpunta sa may garden habang si Elvis na ang umaakay sa akin. Nauunang maglakad si Christian samin. Nagtago sya sa likod ng malaking statue ng angel kaya sumunod kami sa kanya.

At mula doon nakita namin si Olga na nakaluhod sa harapan nung alaga ni Bud na k9 dog habang patuloy syang kinakahulan non.

Napatakip nalang ako ng bibig sa sobrang gulat dahil dun sa sumunod na nangyari. Kitang-kita naming tatlo na sinakmal nung k9 si Olga dahil hinawakan nya bigla. Pero hindi yun ang ikinagulat ko talaga. Dahil pagkatapos nun, parang hindi man lang naapektuhan si Olga at hinawakan nya yung leeg ng aso at kinagat nya bigla. Sumirit ang maraming dugo at tuluyan nang napahiga yung aso.

"C-christian, bakit.." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Nanlaki ang mata ko habang tinitignan kung paano dinukot ni Olga yung laman-loob nung aso nang gamit lang ang kamay nya at pagkatapos ay kinain nya.

Hindi ko na napigilan at tuluyan nakong napaduwal. Napaubo rin ako ng malakas na naging dahilan para makuha ko ang atensyon ni Olga. Tumingin sya sa gawi namin at naglakad ng pasuray-suray.

Habang unti-unti syang lumalapit, unti-unti ko ring nakita na hindi na sya yung dating Olga na anim na taon na naming kanang kamay sa maraming bagay. May malaking sugat sya sa leeg pero hindi na nagdudugo. Napakaputla rin ng kulay ng balat nya. Yung mata nya, naging sobrang light na at hindi na kulay brown. Umuungol din sya ng paulit-ulit habang may tumutulong dugo sa bibig nya.

Undead, living dead, damned, infected, or just simply a ZOMBIE? Ako yung klase ng tao na matibay ang paniniwala na hindi totoo yung mga ganung klaseng supernatural na bagay at pangyayari. Pero dahil ngayon na nakita ko na ng harap-harapan,

naniniwala nako..

And si Olga, ganyan na sya ngayon..

Undead..

Chương tiếp theo