webnovel

Chapter 29: Second gift

After her graduation. May maliit na salu salong inihanda sa kanilang bahay.

"Congratulations babe. Finally.." niyakap ko sya ulit nang nasa sala nila kami. Abala ang lahat sa paghahanda ng makakain. Nandito lahat ng tropa. At, ang hindi alam ni Bamby. Umuwi ang kuya Mark nya.

"Thank you.." makikita ang saya sa kanyang mata. Unti unti na ring natutupad ang kahilingan nya. Pangarap nya talaga kasing sumunod sa mga yapak ng kanyang ama. Masyado syang bilib kay Tito. At ako rin sa kanya.

Niyakap ko sya saka inayos ang kanyang buhok. Kumalas ako ng yakap bago inabot ang regalo ko sa kanya. Isa itong necklace na hugis puso. Muli. Nagpasalamat ulit sya. "My gift also.." ani Lance sa kanyang likuran. Square yun na malaki. Di ko mahulaan kung anong laman. "Thanks kuya.." nagyakapan silang dalawa.

"May gift pa ako sa taas. Wanna see?.." tanong ni Lance nang maghiwalay sila.

"Sure. Why not?.." excited na sabi nito sa kapatid. Sinenyasan ako ni Lance na kuhanin yung video recorder sa tabi ng tv saka sumunod sa kanila. Kanina pa pala may recorder doon. Susmaryosep!. Mabuti nalang di nagtagal yung halikan namin.

"Ano ba kasi yun kuya?.."

"You'll see later.." nagpatuloy nga sila sa silid ni Lance. Naabutan ko rin silang kumakatok doon. Nagtaka pa sya kung bakit kailangan pa nyang kumatok eh silid naman daw nya iyon. Sabay lang kaming natawa ni Lance.

"Congratulations Bamblebie!.." isang bata ang nagbukas ng pinto sabay talon at hiyaw ng ganun. Ang cute nya!.

"O my God!. Jacob!.." agad nya iyong kinarga at niyakap. Tumatawa ang bata habang iniikot nya. "I miss you so much.." pinaulan nya ng halik ang pisngi nito.

Hula ko'y nasa tatlo o apat na taon na sya. Maputi at medyo mataba. Walang gamit na sapin sa paa saka walang suot na salawal. "Congratulations Bamby!.." sunod naman na lumabas si Mark at ang asawa nito.

"O gosh!!. Kuya!!!.." she screamed. Agad kinuha ni Lance ang bata saka nya niyakap ang panganay nila. Namiss nga nya ito ng sobra. Been years naman kasi noong huli nilang pagkikita. Di kasi sila laging nagbabakasyon ng Australia. Pag di lang sila busy tuwing summer. Iyon lang.

Binati nila ako pagkatapos ng mahaba nilang usapan. I closed the camera at iniabot kay Lance. "Salamat pare.." anya at tinapik ang balikat ko. Sa tuwing ganun ang ginagawa nya. Parang pakiramdam ko. Ang laki ng naitulong ko sa kanila. Tinanguan ko na lamang sya.

Lumabas na rin ako pagkatapos noon. Tumulong ako sa iba para iset ang lamesa at ang iba pa.

"Boy, nakapgregister ka na ba duon sa review center?.." tanong ni Kian sakin. Pareho naming inaayos ang videoke para mamaya.

"Sa lunes nalang.. ikaw ba?.." ang tinutukoy namin na review center ay ang in house. "Ganun din. Good luck sa review.." itinaas pa nya ang mikropono na hawak.

"Good luck satin.." sagot ko. Good luck talaga. Kahit wala pa ang exam. Kinakabahan na ako. Sana makapasa ako. Sana maging enhinyero na ako.

Muling lumipas ang oras at nag-uumpisa nang sindahan ang mga ilaw sa poste. Inilawan na rin namin ang Christmas bulbs na nilagay namin sa puno at alambre. Pati rin sa gitna ng mesa at halaman sa gilid.

Sabay silang lumabas ni Mark at ng pamilya nito. Pinagkaguluhan ng lahat si Jacob. Ngunit dumiretso sya sakin. "Thank you babe.." ngiti nya sa kabila ng mga braso nyang nakayakap saking baywang.

"All for you.." ngumuso ako at dinampian nya naman ng isang mabilis na halik iyon.

Ilang minuto muna ang nagdaan bago sya nagbigay ng speech sa lahat.

"Good evening guys.." binati namin sya pabalik. Ngumiti sya. Eto na naman yung puso kong kahit ilang ulit nang nakikita ang maganda nyang ngiti. Natutunaw pa rin. "Thank you sa inyong lahat at nakarating kayo rito.."

"Thank you rin sa pagkain.." nagtawanan ang lahat sa naging tugon ni Winly. Di pa rin sya nagbabago.

Panahon lang ang lumipas.

"Kumain na tayo. Alam kong napagod kayo kaya di ko na pahahabain pa to.." sumang-ayon naman ang lahat.

Inalalayan ko sya saka binigyan ng plato. "Nagustuhan mo ba yung gift ko?.." bulong ko.

"Grabe ka gurl... hahaha.." tinawanan nya ang ginawa ni Winly kay Aron. Nilagay nya yung isang buong manok sa plato nito. "Hmm.. basta galing sa'yo.. gustong gusto ko.."

"Really?.."

"Hmm.."

"May gift pa ako.. wanna see?.." naglakad kami pabalik ng upuan. Hinila ko ang upuan para sa kanya bago ako umupo. "Yeah.. ang yaman mo huh?.. hahaha.." tawa nya.

Nginisihan ko sya. Kami palang ang unang nakaupo sa mesa na may anim na upuan. Pahaba iyon. Abala pa ang lahat sa pagkuha ng pagkain at pangungulit kay Jacob.

Kinapa ko ang kupitang nasa ilalim ng aking bulsa. Kinakabahan ako. Inilabas ko iyon saka inihalad sa kamay nyang naghihintay sa ilalim ng mesa. Agad umangat ang kaliwa nyang kamay upang takpan ang kanyang labi. "Babe?.." di sya makapaniwala.

"Gusto kong ibigay sa'yo to para sabihin sayong seryoso ako sa future kasama ka."

"Shit!.." nagmura pa sya sa sunod nyang mura. Hinawakan ko ang mga kamay nya sa ilalim. Sinusuportahan para di mangalay. "Gusto kong malaman mo na.. ikaw lang ang mamahalin ko ngayon, bukas at habambuhay.."

Kumislap ang mata nya. Umiiyak sya. Shit!. Pinunasan ko ang luha nya. Yumuko sya at binuksan ang pulang kupita. Tumambad ang kumikinang na singsing na may batong emerald sa gitna nito. "Maghihintay ako kahit gano pa katagal.."

Noon ko lang natanto na wala nang maingay sa paligid at lahat sila ay nakatuon na sa amin. Susmaryosep!!. Lalo akong kinabahan.

"What if I say yes?.." umawang ang labi ko sa naging tugon nya. I don't really know what to say baby. Just say yes and I'll marry you asap.

"Babe?.." parang bangag ko pang tanong.

"Yes baby.. I want to marry you.." nangilid ang luha saking mata at nag-unahan sila pababa. Di ako makapaniwala. Ang tanging plano ko lang muna ay ibigay sa kanya yun. Expect the unexpected ika nga nila.

Naghiyawan at nagtilian ang lahat sa paligid. Nanlalabo ang aking matang kinuha ang singsing sa kupita saka inilagay iyon sa palasingsingan nya. Yes it fits!.

"I love you.." niyakap ko sya ng mahigpit. Sobrang higpit.

Chương tiếp theo