webnovel

Chapter 79: Sana

Umuwi ako ng bahay matapos dumating sina tita. Duon sana ulit ako matutulog subalit tumawag sakin si kuya. Kailangan ko raw umuwi muna. May pupuntahan raw kami. Tinanong ko kung saan pero binabaan nya lang ako ng linya. Kita ko kung paano bumalatay ang pag-aalala sa mata ni Jaden. Matapos nyang umiyak sa balikat ko. Niyakap nya akong muli ng mahigpit. Hinde ako makahinga sa higpit nuon. "Bamby.." pangalan ko lamang ang kanyang binanggit ngunit para itong isang pana na tumama na naman saking puso. Nagdiwang agad ito. Sa unang pagkakataon. Tinawag nya ako sa pangalan kong iyon. Namiss kong pakinggan mula sa kanya ang tawagin nya akong Bamby. Kaya, nung oras na yun, bumaon talaga saking puso.

"Bamblebie, asan ka na?.." naiinis nang himig ni kuya. Pasakay palang ako. Kakalabas ko lang ng ospital. Nung nagpaalam kasi ako sa kanyang uuwi muna ako. Hindi sya pumayag. Gusto nyang nasa tabi nya lang daw ako. Tumalbog ng ilang ulit ang puso ko. Wala na ba syang amnesia? Kilala na nya ba ako? Katanungan na bumabagabag sakin hanggang ngayon. Natagalan bago sya nakatulog. Kaya ngayon lang rin akong bumaba.

"Pauwi na po.." mahinahon kong sagot. At iyon, binabaan na ako ng tawag.

Hay!.. Saan na naman kaya kami pupunta ngayon?. Nagagalit sya na para bang may nagawa akong mali. Kung sana, sinabi nya agad na may lakad kami. E di sana, alam ko ang oras ko. Naku naman talaga oo.

I wonder kung bakit sya galit ngayon. Is it about his lovelife?. Or their love issues?. Gusto kong tanungin kaso hundred percent sure akong di nya ako sasagutin through phone call lang. Saka nalang siguro pag nakauwi na ako.

Isang mahabang daan pa ang tinahak ko para lang makaiwas sa traffic but unlucky. Traffic pa rin. Kaya nung dumating ako ng bahay. Nadatnan ko syang nakasimangot at nakahalukipkip na. Matalim pa ang matang binigay sakin.

Damn!. what's the matter?.. Gustong gustong itanong ito ng utak ko subalit mariin ko rin pinigilan para di na madagdagan pa ang mood swings nya. Crazy tsong!. "Where are we going?.." iyon nalang ang sinabi ko. Tumayo sa mismong harapan nya upang ipakitang sinsero akong samahan sya sa kung saan man sya magpunta.

"May balak ka bang tumira dun?.." imbes sagutin ako. Sarkastiko pa nyang binalik sakin ang tanong. OH dude!. Why you're so mad!?.

"Ayaw kasi akong paalisin ni Jad--.."

"Get in.." bumuntong hininga muna sya bago naglakad ng padabog papunta sa kanyang sasakyan. Kahit di pa ako tapos na magsalita kanina sinapawan na ako. Hayst!.

Pinaandar na nya ang sasakyang gagamitin. Imbes, magpapalit pa sana ako ng damit dahil pakiramdam ko ang lagkit ko na. Wala akong magawa nung naisip ko yung mukha nya kanina. Hindi maipinta. No choice nalang ako. Sumunod sa loob ng kanyang sasakyan.

Mabilis na nyang pinatakbo ang kawawang sasakyan. Grabe!. May problema nga tong si tsong!. Malaman nga mamaya.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot saming dalawa. Hindi ko sya tinanong o kinulit muli. Hahayaan kong sya ang unang magsalita.

"Kay Joyce tayo.." bigla ay sambit nya. See?. Sya rin nagsabi.

Wait!.. What!?.. Whoa!.. I knew it!!..

Sabi ko na nga ba eh. Di yan basta basta magagalit nang walang dahilan. Either his lover or his damn broken heart. Iyon lagi ang nakikita kong dahilan nya. Wala nang iba.

Sa Antipolo mall kami dumiretso. So ibig sabihin. Andito si Joyce?. Really?. Suskupo!. Naeexcite akong makita sya. Lalo na silang dalawa. Wiw!.

"Anong meron kay Joyce?.." tanong ko nang papasok na kaming mall. Tinapunan nya lang ako ng tingin saka umiling.

"Gusto ko syang kausapin.." what the hell!. Biglang nagbago ihip ng hangin. Naging mahinahon na itong magsalita. Presko pa kung maglakad sa mall. At syempre, marami na namang leeg ang nabali kakatingin sa kanya. Tsk.

Luminga ako habang pinapanood sya.

"About what?.." walang pakialam sa mga matang nakamasid samin.

Nag-iwas sya ng tingin. Kinagat ang ibabang labi bago nya ako sinagot. "Tungkol samin.." Ahhh!!.. Kyah!.. Waa!!.

Lihim kong tili. Damn dude!. Is he serious?. He is tsang!. Tsong is damn serios 'bout his half heart. Whoa!. I'm so excited. And I don't want to hide it!.

"Oh damn!!. Dude you're inlove.." di ko na talaga napigilan pa ang sarili. Ngayon ko lang nakitang nagkamot sya ng ulo sabay iling. Nahihiyang umamin. Gosh!!. "Oh my God!. kuya. Bakit di mo agad sinabi sakin to?. E di sana, kasal ka na.." ngumisi sya sakin sabay kaagt ng labi. Inlove nga. Gosh!.

"Crazy.. wala pa yan sa plano ko.. ang tanging gusto ko lang ngayon ay kasiguraduhan.."

"Assurance of what?.. gosh!.. gaano na ba kayo katagal?.."

"Kasiguraduhang mahal nya talaga ako.." what?. Anong ibig nyang sabihin Doon?. Huminga sya ng malalim bago nagpatuloy. "Almost four years na kami pero pakiramdam ko, wala pa rin syang tiwala sakin.."

O my goodness!!.

Four fucking years?.. Seriously. Matagal na nga sila.

"At iyon, ang gusto kong patunayan sa kanya ngayon.."

"How?.." huminto sya sa paglalakad. Kaya huminto rin ako sa mismong harapan nya. May kinuha sya sa kanyang bulsa. Nag-init agad ang luha saking mata. Mukhang may ideya na nga ako kung anong gagawin nya. Gosh!. At iyon nga. Bumungad sakin ang pulang kupita na may lamang singsing. Nalaglag ang panga ko habang nakatitig doon. Isang kulay ginto na may batong kumikinang sa gitna nito. Ganun na sya kaseryoso sa kanya?. Hindi pa rin ako makapaniwala. Si kuya Lance, na maliit ang pasensya. Gustong alukin ang babaeng walang tiwala sa kanya para lang maipakitang mahal nya ito. Damn dude!. That was lit!.

"Gosh kuya!!.." pinunasan ko ang naglandas na luha saking mata. Parang natakot pa sya ng tignan ako. "Sorry kung naiiyak ako.. di lang ako makapaniwala na, naiisip mong magpakasal na sa kanya.." inilapit nya sa kanyang mukha ang kupita. Tinitigan nya rin ito.

"Wala akong ibang maisip kundi ito lang.. gusto kong bigyan sya ng singsing na nagpapatunay na, mahal ko talaga sya.. na wala nang iba.. kundi sya lang.."

Napanganga na naman ako. Akala ko, uunahan ko pa syang magpakasal. Wala kasi syang nababanggit na kasintahan nya samin. Tapos ngayon dude. Gusto na nyang magpakasal. Ang tanong ko lang ngayon. Tatanggapin ba ni Joyce ang alok nya?. Damn!. kinakabahan ako. Sana lang. Sana.

At sana rin. Bumalik na rin ang alaala ni Jaden. Gusto ko na syang bumalik sa dating Jaden ko.

Chương tiếp theo