webnovel

Chapter 39: Home

Dalawang araw pa akong tumira sa ospital bago tuluyang pinayagan ng doktor na umuwi na. Niresetahan ako ng mga gamot. Si Papa ang lumabas para bumili. Sina kuya Mark at ate Cindy naman ang nag-asikaso ng bill ko. Naiwan si mama at kuya Lance para alalayan ako.

Si Jaden, nagpadala ng mensahe na di na raw nya ako maihahatid pa sa amin dahil iniwan daw sa kanya si Klein at Niko. Naintindin ko naman yun. I replied him that. Ayos na sakin na pinaalam nya kung anong dahilan nya para di na ako mag-isip pa. Ayokong maging baliw sa mga bagay na wala namang basehan.

"You ready, Bamblebie?..." tanong sakin ni kuya. Nakatalikod sya sa akin. Inaayos nito ang mga gamit na nasa mesa. Inilalagay sa isang kahon.

"Ready.. namiss ko na ang bahay.."

Tumawa sya. Tinapos ang paglalagay bago humarap sakin. "Ang bahay lang ba ang namiss mo?. what about us?.." pag-iinarte nito. Oh well!.. Here we go again. I slightly rolled my eyes at him. He then, laughed at my remarks. "Syempre, kayo rin.. ano ba?.." pang-aasar ko rin sa kanya. This is how we tease each other. And, this is how we show the love for one another. By bullying.

"Bat parang napipilitan ka lang?..." namaywang pa ito sa mismong harapan ko. Sumandal sa railings ng higaan. At pinagkrus ang mga binti.

"Gosh!.. ganito ba ang isasalubong mo sakin sa bahay kuya ha?.." humalukipkip din ako. I saw the not so evil smirk on his lips.

I knew it!.. Nang-aasar na naman ito.

"Tama na yan.. mamaya mag-aaway na naman kayo.." saway samin ni mama na galing banyo. Inayos nito ang ilan pang gamit at nilagay sa isang itim na bag na nakaupo sa couch.

"Di naman kami nag-aaway ma.." kuya said while wearing a half smile.

"Mag-aaway?.. oo, kung patuloy ka na naman dyan sa pang-aasar mo.. ikaw Lance ha.. pag nasa Korea kayo, ikaw ang aasahan kong magbantay dyan.. hindi ang awayin.." paalala sa kanya ni mama na nginingisihan nya lang. Nagagawa nya ito dahil nakatalikod si mama sa gawi namin. Pero syempre pag nakaharap, aba. Hindi nya magagawa yun dahil isang ngisi lang nyan. Paniguradong may pingot at kutos sya sa noo at tainga..

"Sya, iuna mo nang ibaba tong mga gamit para makaalis na tayo." sabay abot nya sa kanya nung bag at mga paper bag. Lihim akong humalakhak sa itsura nya nang itapon sa kanya ni mama yung ibang mga gamit. Konti nalang, iiyak na sya. Hay!. Bat ang cute nya lang pag pinagsasabihan?. Sarap nyang asarin kapag ganyan sya. Pero naisip kong wag ngayon. Saka nalang pag nagkataon.

Inikot nya muna ang wheelchair na sinasakyan ko bago tuluyang lumabas. Loko talaga!..

"Lance!?.." inis na sita sa kanya ni mama pero itinaas nya lamang sa ere ang kanang kamay habang naglalakad paalis. "Ang batang iyon, oo.." bulong bulong ni mama. Inayos muli ang wheelchair ko. Hinila at tinabi sa gilid kung saan di nya nasasagasaan.

"Kapag nakita kong ganyan kayo bago umalis patungong Korea.. babawiin ko ang ticket nyo.."

"Ma naman?.." hay bwiset!.. Bat ako nadamay?. Sya lang naman yung nang-aasar ah. Kuya!!..

"Di ako nagbibiro binibini... Isa pang away nyo.. Wala nang pupunta ng Korea.. kahit umiyak pa kayo sa harapan ko.. wala.." she's giving me a warning shot. Damn!..

No way!!..

Bumuntong hininga nalang ako at piniling wag syang sagutin. Galit eh. Baka mas lalong magalit kapag sumagot pa ako. My goodness!.. Wag naman sanang maudlot ang Korea ko.. please..

Ilang minuto pa bago bumalik ang mag-asawa. Kasabay nun ay ang pagdating rin ni papa. Di na namin hinintay pa si kuya. Hinawakan na ni papa ang likod ng wheelchair saka ako tinulak paalis sa kwartong iyon.

Sumalubong sakin ang hangin na matagal ko nang di nalalanghap. How I miss the outside world. Kakaiba kasi ang amoy ng ospital. Hindi ko gusto.

"Bumaba na pala kayo?.." Ani kuya Lance na walang pumansin sa kanya. That hurts me. Mas lalo sya. Kaya noong nasa loob na kami ng sasakyan. I tried to talk to him. "Kuya, shopping tayo later?.." kalabit ko. Sinighalan lang ako.

"Bamby, you're not totally okay.." agarang pigil sakin ni papa.

"I'm fine pa.."

"Still a no..."

"But pa?.. I need to shop para sa trip namin.." inilingan nya lamang ako. Sumubok ako kay mama but still. Hindi pa pwede. "Saka na, pagkatapos ng dalawang araw. di ka pa nakababalik ng bahay, aalis ka ulit.. no.. sa bahay muna tayong lahat.. even you Lance.."

May nabuo nang desisyon kaya tahimik na Bamby. Wala ka nang magagawa pa kundi magpahinga nalang muna.

Hanggang bahay. Tahimik na si kuya Lance. May hinandang kaunting salu salo para sakin. Pero mas pinili kong dumiretso na sa aking kwarto.

"Kuya, sorry kanina.." tungkol dun sa hindi nila pagpansin sa kanya. Totoong naawa ako.

"About what?.." inaalalayan ako paakyat ng hagdan kahit kaya ko naman.

"Basta.. sorry.."

"Tsk.. whatever.." arte neto.. Ako na nga concern sa kanya eh. Bakla!.

"Anong gusto mong kainin?.." tanong nyang muli nang nakaupo na ako sa aking malambot na kama. Nakatayo sya sa harapan ko. Nakapamaywang.

"Nothing.. ikaw, anong gusto mo.."

"Ang maging okay at masaya ka.."

"Eh?. why so cheesy huh?..." tudyo ko. Nagsalubong lang ang mga kilay nya.

"Psh.. Ewan sa'yo.. magpahinga ka na nga.. inaantok na ako.." tumalikod na sya't iniwan ako.

Namiss ko syang asarin. Ang bahay. Ang amoy ng kwarto ko. Parang ang bilis lumipas ng panahon. Parang kanina lang nangyari ang lahat.

Now, I'm home.

Chương tiếp theo