webnovel

Chapter 29: Promise ring

Pakiramdam ko, parang ako ay nakasakay sa ulap. Walang maramdaman na emosyon o kahit na ano. Namanhid ako dahil sa mata nyang nagniningning habang nakatingin sakin. At sa ngiti nyang parang dyamante. Nagrereflect ang saya na makikita sa kanyang mukha. Hindi ko tuloy maiwasang panoorin ang pag-upo nya saking tabi.

"You look surprised.." binulong nya sakin ito nang may halong ngiti sa labi. Malakas ang tugtog ng karaoke kung kaya't hindi kami magkarinigan.

Doon lang din ako natauhan. Bumalik sa normal ang aking pag-iisip.

"Nanggugulat ka naman kasi.." I look into his eyes. He stared at me and just winked.

"Plano ko talaga yun para surpresahin ka. Di mo ba nagustuhan?.."

Umayos ako ng upo. Huminga ng malalim para maibsan ang kaba. Nabasa ko sa mata nya ang takot.

"Hinde..." sa sobrang kaba. 'Hinde' ang nasabi ko na namiss interpret nya ata.

I hold his hands to calm the fire that are getting to blow up. "I mean. Nagustuhan ko. I'm surprised babe... sobra.." pinisil ko ang hawak kong kamay nya.

Hinawakan nya ang kamay kong nakahawak pa rin sa kanyang kamay. "Tinakot mo naman ako eh.." I saw how scared he is. Damn Bamby!..

I hold his hand tightly. "Sorry babe..." Nginitian ko sya. Assuring him that I'm really surprised.

Umusong sya ng kaunti pa sa tabi ko kahit sobrang lapit na namin. "Hhmmm.. babe.." pikit mata nya itong sinabi. Di ko na napigilan pa ang aking sarili. I caressed his jaw. "Yes babe.." Magkaharap kami.

Tumitig ito agad sakin nang imulat nya ang mga mata nyang parang mga tala. Kumikinang. "I love you.." he smiled. Sweetly.

Sinuyod ng aking daliri ang kanyang panga. Napapikit pa ito. I wonder why?. Pumunta sa ilong pababa sa kanyang labi. "I love you too.. babe..." I murmured.

Naging isa ang linya ng kanyang labi. Pinipigilang ngumisi. Hinawakan ang kamay ko nang hindi inaalis ang titig sakin. Oh damn boy!.. Mauubusan ako ng hangin neto.

Nilaro nya ang mga daliri kong hawak nya habang nakapatong sa kanyang hita.. "I love you more.."

"Hahahahahaha.." di ko maiwasang matuwa o kiligin sa mga pa-I love you nya. Lintek na pag-ibig!. Parang kidlat!. Sapul na sapul ako. "Alam ko po. Mas mahal po kita.."

Parang di pa rin sya naniniwala. Boy, pareho lang tayo. Kaya nga siguro meant to be tayo. Parehong pangarap ang isa't isa. Then eventually, nakuha ang nais maabot. Being with each other's side.

Whoa!.

Sa kabila ng kantahan. Di namin inalintana ang ingay. Pakiramdam namin. Nasa kabilang mundo kami na kaming dalawa lang ang nakatira. Walang pakialam sa nangyayari sa paligid.

"Love bird's!. Hello!.. We're here.." inanunsyo ito ni Winly sa mikropono dahilan para bumalik kami sa tamang ulirat. Sabay namin syang tinignan habang nakangiti.

"Huh!.. Bitter si bakla!.." isinigaw naman ito ni Karen na bahagyang itinaas pa ang hawak na baso bago tinungga ang laman nito. Katabi nya si Kian na agad kinuha ang baso sa kamay nya at inilayo sa kanya.

May naispatan akong lovebirds din. KIREN!.

"Kantahan mo nga ako ulit.." gusto ko pang marinig ang boses nya habang kumakanta. Hindi sya gumalaw. Hindi nya ata ako narinig dahil malakas nga ang karaoke. Hinila ko ang kamay nyang nakahawak pa rin sa kamay ko. Magkahawak sa ilalim ng mesa. Sa hita nya pinatong. Duon lang din nya ako tinignan.

"Kanta ka ulit please.." nagpacute ako sa kanya.

"Mamaya babe.."

"Gusto ko ngayon na.."

"Later babe.."

"Bakit naman mamaya pa?..I want to hear your singing voice again.." hinila ko ang kamay ko sa kanya. Pero agad nyang hinabol ito at pinagsalikop muli ang aming mga palad.

Bumuntong hininga sya. Hinalikan ang magkahawak naming kamay at may kinuha sa kanyang bulsa. Nang ibaba nya ang aming kamay. Agad nyang isinilid ang singsing sa gitnang daliri ko.

Namamangha ko itong pinanood habang sinusuot nya. Seriously?.. A Promise Ring?. Gosh!!.. I'm so damn happy and lucky at the same time..

"I promise you that I will always love you..." hinawakan nito ang pisngi ko.

"Babe.." I'm so damn speechless.

My voice cracked. And an unshed tears strung my eyes. To my surprise, He hugged me while my.tears are pouring down.

"I love you..." bulong nya habang pinapatahan ako sa pag-iyak. Ang sabi pa nya. Mamahalin nya raw ako habang buhay. Damn!.

Narinig kong nagkantahan na ang lahat. Kami, wala paring pakialam sa kanila. Sapat na ang bisig ng bawat isa.

"I love you too.." yakap ko pa rin sya kahit pa wala nang luha ang aking mga mata. Sana lang, di kami sitahin ni kuya.

I'm so happy!.. And contented.

Chương tiếp theo