webnovel

Chapter 24: Pogi

Nasa daan palang kami pero pakiramdam ko, kanina pa ako nakalutang sa ere. The way he smiled at me before we finally went on the road, is damn melting me. Nanghina ako ng sobra. Di ko nga alam kung saan ko pa nakuha ang lakas na tumayo sa harapan nya. Sya rin ata ang dahilan. And also my kryptonite. Pero kung nagkataong tumagal ang usapan nilang tatlo, baka nawalan na talaga ako ng malay. Ganun ako kahina pagdating sa mga titig nya. Nakakalusaw.

"Kanina ka pa tahimik. Are you okay?.." baling sakin ni kuya habang nagmamaneho. Napansin nyang wala akong masabi ngayon. Sinasabi ko nga. Di pa ako nakakaget-over sa ngiti at titig nya. So how will I speak?..

"Gutom ka na ba huh?.." boses nag-aalala ito. Inilingan ko sya at nginitian. "I'm fine. I'm just tired.." pagsisinungaling ko. Damn it!. Di dapat ganito eh. Lying is not a good habit. I know right!. I don't know if this is the right time to be true but maybe, I need to. Ngayon lang naman ito. Hindi lagi. Kung pagsisinungaling ang makapagliligtas sa'yo, then lie sometimes.

"You look like not.." singhal nito sakin sabay pa ng nakakaloka nyang ngisi.

"What do you mean?.." Mula sa pagkakasandal, tumuwid ako ng upo at sinimangutan sya.

"Mukha kang-.." binitin sa ere ang sasabihin. Palaka!.. He really loves hanging his words.. Why bruh?..

"Mukhang what?.." I make face. Lumiko sya sa barangay nila Jaden. Nilagpasan ang aming village.

"Mukha kang tinamaan ng matinde sa taong iyon.." ngumuso sya. He's pertaining to the one whom we're following now. "Am I right?.." mahina pa syang tumawa. "Just tell me if I'm wrong.." kibit balikat pa nya. Damn him!.. Anong isasagot ko?. Na tama sya. Baliw nga ako sa kanya. O mali sya, dahil higit pa sa pagkabaliw ang makita ang ngiti nya. Suskupo Bamby!. You're really insane.

Tulala ako sa kanyang harapan. Walang mahanap na salita upang ipaliwanag ang sinasambit ng isip ko. Naguguluhan. Sa dami ng gustong sabihin, wala akong nabanggit kahit isa. Tanaw ko nang lumiko si Jaden sa kanila kaya napaayos ako ng upo. Huminga ng malalim para maibsan ang namumuo nang kaba. "Chill.. I'll support you for that.. Baba na.." Hindi ko naintindihan ang ibig nyang sabihin. Matapos kong tanggalin ang tali ng aking buhok. Bumaba na ako gaya ng gusto nya kahit sobra na ang aking kaba. Pagdating kasi sa bahay nila. Nauna syang bumaba sa kanyang motor at hinintay kami sa gilid.

Sabay kaming pumasok sa kanilang bahay. Nahiya talaga ako nang nadatnan pa silang kumakain ng hapunan. Tumanggi kami ng todo sa alok nilang pagkain ngunit wala rin kaming nagawa nang bantaan kami ni tito. Di na nya raw kami papasukin muli sa kanilang bahay kung di kami sasabay sa kanila. Ang hard ba. Para wala na rin silang masabi. Kumain na rin kami kahit kaunti. Bahagya pa akong nailang nang tabihan nya ako sa upuan. Nasa gitna nila ako ni kuya. Sa kabilang side naman ang buo nyang pamilya. Gosh!.. Kahit ata ilang ulit akong humarap sa pamilya nya. Di na mawawala pa ang kaba sakin.

After ng kaunting kwentuhan sa hapag. Lumabas sila sa may kubo at dun pinagpatuloy ang nabitin na usapan. Tumulong ako sa pag-aayos sa mesa ngunit sinuway nila ako. Hinayaan nila si Jaden na maghugas ng mga ginamit at iniwan nalang. Tuloy, di ko maiwasang panoorin ang kanyang likod habang ginagawa ang mga iyon. Hindi ko pinahalata na nasa likod nya ako. Kinuha ko ang nasa bulsa na cellphone at kinuhanan sya ng litrato na ganun ang posisyon. Nang makitang patapos na sya sa ginagawa. Nagmadali akong bumalik ng sala nang walang ginagawang ingay at nagpanggap na tinitignan isa isa ang mga nakasabit na larawan. Eksaktong sa isang larawan pa nya ako nahinto.

Nang maramdaman ko ang presensya nya sa aking likod. Nagsalita na ako bago pa nya ako unahan. "Di mo ba dala cellphone mo kapag nasa school ka?.." lagi kasing gabi na ito kung magreply. Nakakatampo nga e. Pero naiintindihan ko rin sya ng sabihin nyang ayaw raw ni tito na idala nya ito sa school.

Lalo pa itong lumapit sakin. "Gwapo ba?.." tanong nya nang di sinasagot ang nauna kong tanong.

Palihim ko syang tinignan. "Psh.. Asa.." mahina kong bulong. I heard him chuckle. Nasabi nya siguro iyon dahil kaharap ko ngayon ang isa nyang larawan na walang damit pang-itaas. Hawak ang gamit nya sa archery ngunit sa ibaba ito nakatutok.

"Talaga lang ha?. Bat tinitigan mo pa rin yan?. Hindi naman pala gwapo?.." nanindig mga balahibo ko nang maramdaman ang mainit nitong hininga sakng tainga. Damn boy!.. Sobrang lapit na nya.

"Stop hitting on me Jaden. Baka hindi mo magustuhan kung ako ang mantrip sa'yo.." nasabi ko lang ito para lumayo sya ng kaunti sakin. Suskupo!.. Kaunti nalang kasi. Bibigay na ako. Haharapin ko na sya at yayakapin ng mahigpit. Whoa!!. Relax Bamby!.

"Bakit bawal ba?. Tsaka wala na akong pakialam kung pagtripan mo ako.." then he murmured some words na di ko na narinig.

Gosh!.. Ano kaya yun?.

"Oo. Wala ka pang permiso eh.." naglakad ako at tinignan ang ibang larawan.

Sinundan nya ako at nagsabi nang, "Bigyan mo ako ng permiso kung ganun.." lihim kong kinagat ang ibabang labi sa narinig. Natutuwa sa mga sinasabi nya.

"Pag-iisipan ko.." pakipot pa more gurl..

I heard him breathe.

"Bakit hindi palang ngayon?.."

ang dami pa nyang sinabi. Hanggang dumating sa punto na kailangan ko na syang harapin.

"Mahirap magdesisyon ngayon. Di pa kasi ako pinapayagan e.. You know my bro's.." paliwanag ko. He nodded slowly while wearing his usual smile.

"So, papayagan mo ako kung ganun?.."

he paused a little bit then continued.

"Kakausapin ko si tito at mga kuya mo. Payagan lang ako.." nilapitan at hinawakan nito ang magkabila kong balikat. Natigilan ako noon. Natameme.

Ilang segundo pa muna ang lumipas bago ako nakapag-isip ng sasabihin.

"Talaga gagawin mo yun?.." di makapaniwala. Gagawin nya yun para sakin?. Really?. Ang swerte ko naman.

"Para sa'yo, gagawin ko. Di ba sinabi kong gusto pa rin kita. Kaya lahat gagawin ko. Makuha lang kita.." dito na ako natulala.. Damn boy!. Bakit kailangan mo akong pakiligin ng ganito?. Ask me now, and I'll answer you. Immediately.

Chương tiếp theo