webnovel

Chapter 11: Late again

Nabulabog ako sa ingay ng katok. "Jaden!. Bumangon ka na dyan!. Di ka ba papasok?.." dulo lang ng boses ni Mama ang huli kong dinig. Bumalikwas ako. Tinalukbong ang manipis na kumot na nasa aking tyan saking mata. Iniiwasan ang sinag ng araw na tumatama sakin. Ang bigat ng katawan ko. Lalo na ng talukap ng mga mata ko. Hindi ko na matandaan kung anong oras na ba ako nakatulog kagabi. Basta ang natatandaan ko lang ay madaling araw na nung bumalik ako ng higaan.

"Nak!. hindi ka ba papasok?. Pasado alas syete na..." muling boses ni Mama ang nasa likod ng pintuan. Mabibigat na ang katok na ginawa nya di tulad kanina.

"Po?!!.." natataranta kong tanong sabay ng agarang pagbangon. Dumapo agad sa wall clock ang mata ko. At ilang minuto nalang late na ako.

Parang akong ipu-ipong pumasok ng banyo. Nagpalit at ngumuya ng pandesal. Sabay labas at takbo papuntang high way.

Kamot na ang ulo sa kawalang pag-asa. Late na talaga ako kahit anong gawin ko. Walang dumadaan na jeep. Kapag meron naman. Puno na. Madami pang tao na nakapila.

Hay Jaden!.

"Tanga mo Jaden.." di ko mapigilang murahin ang sarili dahil sa katangahan. Kung bakit ba kasi di agad natulog kagabi. Tuloy, late ka na ngayon.

Mabuti nalang at may dumaan ng jeep. Nagtext na si Ryan. Kanina pa raw nag-umpisa ang klase. Naman!!!..

Nakipagsiksikan na ako. Nakipag-unahan at tumakbo papasok ng room.

"Mr. Bautista?.." tawag pansin sakin ng aming guro ng nasa pinto na ako. Abala na itong nagsasalita sa harapan.

Huminga muna ako ng malalim. Hiningal kasi ako dahil sa pagtakbo. "Sorry Ma'am. I'm late." nahihiya kong sambit.

"Go to your sit now." Anya. Agad naman akong dumaan sa likod at tinungo ang upuan ko. Tabi ng bintana.

"Late ha?.." tudyo ni Dave sakin ng sa wakas ay nakaupo ako. Duon lang rin ako nakahinga ng normal. Hindi na kasi normal ang takbo ng paghinga ko kanina nang malaman na late na ako. Sus!. May babayaran na naman akong fee neto. Bawat late o hindi paglinis. May bayad. Yun ang rule sa room namin. Para lahat ay pamasok sa tamang oras. Pati ang maglinis. Walang excuse kahit anak ka pa ng mayaman na negosyante. Ang funds naman ay mapupunta rin samin after graduation. Parang savings kumbaga. Ganun raw dapat sabi ng adviser namin para maging responsable kami sa lahat ng bagay na nakaatas sa amin. Lalo na pagdating sa pera.

"Good bye ma'am.." paalam ng iilan sa kanya matapos nitong magturo.

"Bat ka late?." tapik sakin ni Billy sa likod.

"Wala.." ikli kong sagot dito. Abala sa pagsusulat sa notebook. Tingin sa board tapos sa notebook.

Nasa likod nito si Bryle. Kung kaya't rinig ko rin ang sinabi nya. "Pre, pasensya na kahapon ha. Joke lang talaga namin yun.."

Tinaasan ko lang sya ng thumb ng hindi lumilingon. Pinapakitang okay na sakin yun.

"Tsk. Tsk. Tsk.." dinig ko ring himig ni Ryan. Hindi ko sila pinansin hanggang matapos ang ikalawang subject.

Recess time.

"Pre, bakit ka late ha?.." tudyo pa rin sakin ni Dave habang nagliligpit ng gamit. Kita ko sa gilid ng aking mata na nakaakbay na rin sa kanya si Kian.

"Late nagising eh.." ayoko ngang sabihin kung ano talagang dahilan. Pagtripan pa ako eh.

"Late nagising o late natulog dahil--.." hindi tinapos ni Kian ang gustong sabihin ng sikuhin sya ni Dave.

"May party raw sa mga Eugenio bukas. Sama ka?.." pag-iiba ni Dave ng topic habang papuntang canteen. Sina Billy nauna na dahil kanina pa raw sila gutom. Mga patay gutom na unggoy!.

"Tignan ko lang.." Hindi siguradong sagot ko. Hindi ko talaga alam kung pupunta ba ako o hinde. Nagdadalawang isip ako dahil alam ko sa sarili ko na hindi pa ako handang marinig ang tungkol sa kanya o sa kanila ng kasintahan nya. Kung totoo man. Bahala sila. Basta ayokong kumpirmahin. Nakatatak pa kasi saking diwa ang pagreply nya. Inaamin kong kalahati sakin ang ayaw pumunta dahil baka masaktan lang ako.

E di ba nasaktan ka na Jaden kahit wala ka pang naririnig na paliwanag nila?. What now?.

"Sus!. Para ka namang iba nyan. Pumunta ka na. Pupunta ang buong tropa. Kaya hindi ka lang mag-isa.." Ani Billy. Nasa pila na kami.

"Pag-iisipan ko.." tugon ko.

"Naku pare. Ano nalang ang iisipin ng iba kung hinde ka pupunta ha?. Sina Lance?. Magtataka sila kung bakit wala ka. Apat na taon tayong di nangkita kita tapos di ka pupunta?. Alam mo naman na ang tropa. Kapag absent ang isa, tampulan na ng tukso yun.."

"Di naman sa ayaw ko. Nagdadalawang--.."

"Wag ka ng magadalawang isip pa. Pumunta ka na. Wala naman sya dun eh. Kaya anong problema?."

Kaya nga. Anong problema mo Jaden?..

"Okay. Pupunta ako.." ginulo lang nila ni Kian ang buhok ko.

Hindi naman sa bitter ako. Sadyang, kinakabahan lang ako sa katotohanang maririnig ang tungkol sa kanya. Lalo na kung totoo ang balita tungkol sa kanya.

Hindi naman ako umaasa pero itong puso ko, ayaw paawat kahit masaktan pa.

Chương tiếp theo