webnovel

Chapter 98: Iwas

"Gurl, may despedida raw sa bahay nyo mamaya?.." sinalubong ako ni Winly papasok ng aming room. Tatlong araw na simula nung birthday ko. Simpleng salu-salo lang ang ginawa ni Mama. Kasama sina Winly Karen at Joyce. Wala ng inimbitahan na iba.

"Ah oo eh. Punta kayo.." sa linggo na ang alis namin papuntang Australia. Kaya gusto nina kuya na magparty muna sa bahay bago kami tuluyang aalis

"Sure. why not!.. sigurado akong pupunta rin si Jaden dun. Okay na ba sila ng kuya mo?.."

Nagkibit balikat ako.

"Parang.." Yun ang sagot ko dahil hindi ko pa naman sila nakikita ni kuya Lance na nag-uusap. Basta ang sabi ni kuya sakin nung birthday ko, ay di na sya galit sa kanya. Kaya malay ko kung bati na nga silang talaga.

"Bakit parang di ka sigurado?.. ano ba gurl?.." tinapik pa ang aking balikat.

"Eh kasi di ko naman sya nakakausap lately. Masyado syang mailap."

"Pansin ko nga rin eh. Bakit kaya?." sabay kaming napaisip tungkol kay Jaden.

Medyo nadismaya ako nung birthday ko kasi hindi nya man lang ako binati. Basta nginitian at tinanguan nya lang ako, tapos na. Hindi naman ako naghahangad ng iba mula sa kanya. Isang bati lang sana, ayos na sakin. Solb na ako dun .Kaso wala. Wala kahit na ano mula sa kanya. Damn!. Sobrang nag-expect ata ako, kaya medyo nasaktan ako sa katotohanang wala syang pake sa akin. O well. That's life. Di ko naman sya pwedeng pilitin sa mga bagay na ayaw nyang gawin. Mas masakit kung ipipilit ko pa ang sarili ko sa kanya kung ang totoo ay ayaw nya naman. Hanggang ngayon, di nya ako nilalapitan o kinakausap man lang. Damn!. Ngayong okay na kami ni kuya. Sya naman ang di ko magets ang kilos. Isang araw mahuhuli ko nalang syang nakatitig o nakatingin sakin. Tapos isang araw naman, dedma lang sya kahit katabi o nadaanan ko sya. Ang hirap nyang basahin. Nakakainis.

"Bamby, computer lab daw tayo ngayon.." kalabit samin ni Karen. Katatapos lang ng recess time namin.

"Bakit daw?. Diba, subject ni sir Pete ngayon?." Ani Winly sakanya.

"Busy daw kasi si sir Pete. Kaya pinapupunta muna tayo sa computer lab para makisit in sa mga section A.." paliwanag nya habang inaayos ang mga gamit nyang nasa armrest.

Di ko mapigilang kagatin ang aking labi sa narinig. Really?. Makakasama ko sya sa isang subject?.. Goodness!..

"Oh!. bat parang nagulat pa kayo?.." pagtataka nya sa pananahimik namin ni Winly. Palipat lipat ang kanyang paningin. May halong pagtataka.

"Alam ko na. Si Jaden noh?.." namaywang ito sa aming gilid. Halos sabay pa kaming tumango ni Winly. Damn this!..

"Pwes. Sorry kayo. Wala sya dun..." pinag-ikutan pa kami ng mata.

"What!??.." nagugulat na himig ni Winly. Halos mapatayo pa. Dinaig nya ako. Suskupo!. May gusto rin ata sya kay Jaden. Pusang bakla!. No way!..

"Ang oa mo naman gurl. ikaw ba si Bamby para magreact ka ng ganyan?. hahaha.."

"Ikaw!.." hinampas nito ng pamaypay si Karen na mabilis naman umilag.

"Curious nga ang bakla. Di ko alam na masama na pala ang magtanong ngayon. Bwiset ka!.." irap nya kay Karen na pinagtatawanan lang sya.

"Don't worry. Wala naman syang sakit. Nasa field sila kasama ni sir Pete. Nagpapractice ng archery.." paliwanag ni Karen sa kabila ng kanyang tawa.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Basta tungkol sa kanya, agarang tumataas tainga ko. Tumatalon. Nakikibalita, masaya man yan o hinde. Masaktan man ako o hinde. Basta Jaden. Buo ang loob kong marinig ang tungkol ng lahat sa kanya. No more rooms for another.

"Tara na nga. Baka malate pa tayo eh. Di na tayo papasukin." hinigit na nya ang aking braso saka hinila palabas ng room. Iniwan ang baklang umaatungal sa loob.

"Wag kang mag-alala. Bago kayo umalis. Aamin yun sa'yo..." bigla ay bulong nito sakin.

"Ano?!!". agad nyang tinakpan ang aking bibig. Kaya sa lalamunan ko ito nasabi. Bwiset lang!...

"Wag ka ng magtanong. Basta. Hahaha.." Hindi ko na magawang magtanong muli dahil nasa loob na kami ng computer lab. At bawal ang maingay dun.

O Great God!.. Ayokong mag-expect pero di ko mapigilan. Damn this feeling!.. Malalim na nga ata. At gustong gusto ko ang pakiramdam. So fetch!.

Chương tiếp theo