webnovel

Chapter 69: Apology Letter

Wanna scream and shout. Naman kasi. Sinalubong ako ng pusang bakla. "Antagal nyo naman. Uminit pwet ko kakaantay sa inyo?. Oh Anu na?.. cease fire na kayo?.." tinulungan kong umupo si Joyce saka nginitian si Winly.

"Mga pusa kayo. Mga dramahan nyo, daig nyo pa best actress. May paiyak pa more. Susko!. Ang pusa.." tinampal ko ang kamay nito dahil sa mga pilantik nya. Baka tamaan ako ng pamaypay nya e. Masira mukha ko. Char lang...

Hanggang matapos ang klase. Suot ko pa rin ang magandang ngiti. Walang dahilan para hindi ako ngumiti. Kung si Ace man, di ko tinururing na problema yung samin. Gusto ko lang sundin ang utos ni Kuya. Baka kasi mas lalo akong pagbawalan kapag sinuway ko.

Swear. Mahirap maging isang anak na babae sa pamilya. Lahat sila nakabantay sa mga galaw mo. Lalo na sa mga lalaking lumalapit sa'yo. Pero syempre kung may negative effect ang mag-isang babae sa pamilya. Meron ring positive. Tulad nalang ng, marami kang taga hatid, taga bitbit, taga bantay, taga alalay. at tagapagtanggol sa lahat. Tulad ko, mahirap pero masarap rin sa feeling yung lagi kang safe. Kaya kung may kapatid kang lalaki na ayaw kang makipagkilala sa lalaki nyang kaibigan. Pakinggan mo nalang. Dahil boys will be boys. Alam nila bawat takbo ng bituka ng kapwa lalaki nila.

"Kuya, si Joyce nga pala.." official kong pakilala sa dalawa. Nagkamayan naman sila.

"Bati na kayo?.." naghalukipkip sya.

"Bating bati na. hehe.. Ah. kuya pwedeng sa bahay muna sya tumira?.." nalaglag agad ang kanyang panga. Kahit hindi na sya magsalita, alam ko na ang isasagot nya. No!.

Pero saan sya titira kung hindi sa bahay?. Kaya kailangan kong magpaliwanag. "Naghiwalay parents nya. Binenta pa ari-arian nila. Wala syang matuluyan. Paano ko sya tutulungan?.." short cut na para mabilis. Ayaw nya ng paikot ikot na paliwanag e. Konti lang kasi pasesnya nya. Kapag nagsalubong na ang kanyang kilay, signal na yun ng mahirap na syang kumbinsihin.

"Bat mo sakin tinatanong?. Tanungin mo kaya kay Mama.. Tara na nga.." mabilis na syang pumasok ng sasakyan. Iniwan kaming dalawa na paika ika ang isa. Sarap talagang guluhin buhok nya. May chance lang ako mamaya. Makikita nya.

Anong gagawin ko?. Tsk. Bahala na nga. "Get in Joyce." binuksan ko ang pintuan sa likod saka tinulungan syang umupo. Tong loko kong kapatid, di man lang tumulong. Suskupo!. Asan kaya napunta gentleness nya?. Naiwan ata sa room nila.. Sarap sapakin.

Nang naupo ako sa harapan. Lihim kong kinurot ang kanyang braso.

"Aw!.. What's that for?."

Inirapan ko lang ang kaartehan nya. Bwiset ka!..

Mabilis nyang pinatakbo ang sasakyan. Nakikipag-unahan sa kanyang harapan. Damn him!..

Wala pang kalahating minuto, nasa bahay na kami. Para kaming nakasakay ng jet plane. Ang bilis.

"Oh Joyce, kamusta hija.." sinalubong agad sya ni Mama ng yakap. Si Kuya ang nagbuhat ng gamit namin papasok.

"Tinext ako ni Lance, totoo bang dito ka muna samin titira?.." nagulat ako. Tinanaw ko ang kanyang likod na paakyat na ng hagdan. Si Kuya?. Wahh!..

"Kung pwede lang po sana..hehe..."

"Aba. Why not?.. bestfriend ka ng anak ko. At ayaw kong may mangyaring masama sa'yo. Kaya okay lang sakin. Dito ka na muna.." naiyak pa sya.

Agad syang dinala ni Mama sa guest room. Tabi ng kwarto ni Kuya Mark. Iniwan ko sila dahil magbibihis ako.

Noon ko lang naalala na may kailangan pala akong basahin. Yun papel na bigay ni Bryle. Sino kayang nagbigay?.

"Tungkol kahapon. Sorry. Hindi ko nakontrol sarili ko. Nadamay ka pa.. pero sana mapatawad mo ako. Tsaka yung kay Denise, hindi talaga kami at mas lalong hindi rin naging kami dahil hindi mangyayari yun. Kaya pasensya ka na, nadamay ka pa sakin. Bye. Sana okay ka lang.. Jaden.."

What the hell!!.. Kay Jaden galing yung sulat?.. My goodness!!.. Anu raw ulit Bamby?. Hindi naging sila. May pag-asa ka pa. Ampusa!.. Ang sarap matulog!.

Chương tiếp theo