webnovel

Chapter 48: Lutang

Hindi ako umoo o tumanggi sa gustong gawin ni Ace. Hindi naman sa ayaw kong malaman kung sinong nagpakalat nun. Sadyang, umiiwas lang ako sa gulo, sa isyu, sa hot spot, sa apple of the eye kuno. Allergy kasi ako sa mga ganung lagay. Tsaka ayoko ring mandamay ng ibang tao kapag involved ako sa gulo . Oo. Alam ko. Di naman maiiiwasang may madamay. Lalo na yung mga taong dinadamay na hindi naman talaga damay. Ganun.

Pabalik na kaming room. Nauna na si Ace kanina dahil may guro na raw sila. Tinext sa kanya. Ngayon, naglalakad kami pabalik ng sikuhin ako ni Winly. Tinaasan ko sya ng kilay. Nagtatanong kung para saan yung siko nya.

"Si Papa. Paparating.." Ampusa!. Di ko nagets.

"Huh?.." lutang pa rin ako dahil Kay Ace. Saka ko lang napagtanto ang tinutukoy nya. May inginuso sya. Sa kabilang side kasi ako nakatingin. Sa banda ni Karen, dun sya galing. Si Jaden. May buhat na isang malaking kahon na kulay puti. Puno ng mga cartolina.

Habang sya ay papalapit. Nag-uumpisa na ring dumagundong sa kaba Ang aking dibdib. Umuulan ng pawis ang palad ko kahit sobrang init. Damn!.

Nang makalapit sya.. Ngumiti ito sakin. Ay mali!. Samin pala. Assuming Bamby!. Wake up you little fool!.

"San punta mo Jaden?.. Ang dami nyan ha?.." Ani Winly. Agaw eksena sa matang nakatingin sakin. Ampusa!. Ang gwapo nya talaga. Magulong buhok. Medyo pawisang ilong. Kagat ang labi. O gosh!. Air please. Damn his lips!.. I want to kiss.. Ssshhhhh!...

Tinignan nito ang hawak saka sumagot. Medyo itinaas pa ang kahon. "Ah. Sa teacher's hall."

"Activity nyo?.." usiserang bakla. Nilapitan pa mismo saka tinignan ang loob ng kahon. Wala talagamg hiya.

Ngumiti na naman sya bago tumango. "Kayo?. Wala kayong klase?.." grabe!. Ako tinatanong nya. Sakin nakatingin e. Tara Mcdo!. Celebrate tayo. Lol.

My heart skipped a bit.

"Sa canteen. Nagutom mga alaga ko e..hehe.." himas pa ang tyan na busog na. Iba sya.

Tinanguan nya lang si Winly. Pero ang sumunod na eksena di ko na kinaya.

"Hmm... Bamby, okay ka lang?.." tulala ako. As in..Totoo ba to?. Tinanong nya ako?. O gosh!. Nag-init buong mukha ko. Kung wala pang kurot sa kung sino man sa daalwa ang likod ko baka pinagtawanan na nya ako.

"Lutang yan kaya ganyan.." basag ni Winly.

"Huh?. Bakit, may problema ba?.." Anya. Nagtataka na. Kumurap kurap ako sa mukha nya. Kumunot ng di oras ang noo ko.

Nagkibit nang balikat ang bakla. Walanghiya!.. Di na nga ako nagsasalita e. Dumadaldal pa. Naku!. Sarap kulutin ang imaginary nyang buhok tapos hilahin ng paulot ulit. Savage.

Naglinis ako ng lalamunan. Inaagaw ang eksena ng bakla.

"Wala Jaden. Ayos Lang ako.." daig pa sa bagong lutong kanin ang init ng mukha. Feeling ko, ang pula na talaga. Suskupo!..

"Sa lagay na yan... maayos ka talaga gurl?.. Ang weird ha?.." nginisihan pa ako.

"Tsk. wag ka ngang maingay.." bulong ko dito. "Ah, Ja-jaden. Mauna na kami. Sige bye." kahit nangangatog ang tuhod ko pinilit ko pa rin itong igalaw para lumayo sa kanya. Tsaka. Yung dila ko na naman. Lagi nalang akong pinapahiya. Mabuti nalang mabilis Ang lakad namin. The air is suffocating for me. Lalo na't sumeryoso na ang kanyang mukha. Si Jaden.

"Aray ku naman gurl!..." reklamo ni Winly. Kinaladlad ko kasi ito papuntang room. Si Karen, tumatawa lang sa likod namin.

"Ano ba?.." winasiwas na nito ang hawak kong braso nya.

"Kasi naman gurl. Si prince charming yun. Bat sinabi mo pa sa kanya?.." singit ni Karen. But I pa sya. Haist!.

"Wala naman akong sinabi ah.." namaywang pa. Pareho na namin syang hinarap ni Karen.

"Anong wala?. Kung di pa kita kinaladkad dun baka may nasabi ka na."

"Ayaw mo nun?. Para malaman nya?.."

"Hindi nya kailangang malaman pa.."

"Bakit naman gurl e involved sya?.."

"Hindi lahat ng bagay ay kailangan nyang malaman Winly, kahit kasali pa sya dun.."

"I don't get it.."

"Just trust me, okay?. Ako ng bahala." matagal muna bago sya tumango. At magpasyang pumasok na ng room. Iniwan kami.

May mga bagay talaga na hindi dapat sabihin o hindi kailangang sabihin. Kung kaya mong ilihim. Itago mo. Saka mo nalang ipangalandakan sa buong mundo kapag permanente na ito.

Chương tiếp theo