webnovel

18

HINDI sigurado ni Joelle kung anong nangyari ngunit pagkatapos nang araw na nakasama niya si Ridge sa beach lot ng pamilya nito at ibahagi nito sa kanya ang tungkol sa ina nito ay parang natibag ang pader na itinayo niya sa pagitan nila. Kasabay niyon ay ang pagiging komportable niyang kasama ito. Hindi na rin siya naiinis sa tuwing ito ang susundo sa kanya at hindi ang driver nila. Kahit sa tuwing iimbitahan ito ng Daddy niya na kumain sa kanila ay hindi na siya nakakaramdam ng inis sa halip ay nagagawa na rin niyang makipagkuwentuhan at makipagbiruan dito. At aminin man niya o hindi, she had gotten used to his presence. Maging ang paminsang pagbilis ng tibok ng puso niya sa tuwing malapit ito ay nakasanayan na niya kahit pa hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maipaliwanag iyon.

Kaya naman hindi na siya nagreklamo pa nang maging sa family outing nila sa Resort na pag-aari ng pamilya nila ay nakasabit din ito.

"Tumulong ka kaya rito." Hirit ng Kuya Brix niya na abala sa pag-iihaw ng mga pagkain nila habang siya naman ay pinapanood lamang ang ginagawa nito. Ang iba naman niyang kapatid ay hindi na niya alam kung saan na napadpad. Pupusta siyang nagpapa-cute na ang mga iyon sa mga magagandang babaeng naglipana sa resort. Mala slang ng Kuya Brix niya dahil nang magbato-bato-pik ito at ang mga kapatid niya ay talunan ito kaya ito ang natoka sa pagluluto ng pagkain nila.

"Ayoko nga. Sinabi ko na kasing mag-order na lang tayo ng pagkain sa restaurant dito, ayaw niyo naman." Sagot niya sa kapatid.

"Hindi na exciting kapag ga'non."

"Exciting pala eh, edi ikaw ang mag-ihaw diyan." Sagot niya saka nginisihan ito na umiling iling lang naman.

"Can't you be a good little sister to your handsome brother?" nagpapa-cute pang hirit ng kapatid niya.

"Handsome ka diyan! Baka nakakalimutan mong may atraso pa kayong tatlo sa akin."

"Wala akong alam sa sinasabi mo." Kaila ng kapatid.

"Haha! Remember that engagement? Kayo kaya ang may kagagawan n'on. And my wardrobe upgrade, pati itong pagsama ni Ridge sa outing!"

"Atraso bang matatawag 'yon?"

"Eh ano pala?"

"Isang malaking pabor mula sa mapagmahal mong mga kapatid." Kinindatan pa siya nito nang sabihin iyon.

"Asan ang pabor doon aber? Eh pinag-trip-an niyo lang naman ako."

"Tsk, tsk. Nagsasalamin ka ba lately?" out of nowhere ay tanong nito sa kanya.

"Eh?" Umiling iling pa ito sa clueless na ekspresyon niya bago itinuon ang pansin sa ginagawa nito. Mukhang wala na itong balak pang i-elaborate ang sinabi nito. "Kuya!" tawag niyang muli sa atensiyon nito.

"I guess we know you better than you know yourself." Kibit-balikat namang sagot nito.

"So what's that supposed to mean?" taas ang kilay na tanong niya.

"That's for you to find out." Nag-angat pa ito ng tingin sa kanya saka siya nginitian ng nakakaloko.

"Ah ewan ko sa'yo! Goodluck na nga lang sa ginagawa mo!" pairap na sabi niya rito saka pairap na tumayo at lalayasan na sana ito.

"Hey, would you mind looking for Ridge? Kanina ko pa kasi inutusan ang isang 'yon na kunin ang sunod na batch ng iihawin. Hindi na bumalik." Pahabol nito sa kanya.

"Eh bakit ako?"

"Alangan namang ako? Eh di nasunog ang mga ito." Tukoy nito sa niluluto.

"Fine, fine..." sagot na lamang niya saka naglakad nang palayo.

Natagpuan niya ang sariling hinahanap nga si Ridge ngunit sa lahat ng pwedeng daanan nito ay hindi niya ito nakita kaya naman nakaabot siya hanggang sa parking lot at hinanap doon ang sasakyan nila. Hindi pa man siya tuluyang nakakalibot doon ay nakita na niya ang komosyon sa isang bahagi niyon.

Mga nagkukulumpunang babae? Malayo pa siya ay masama na ang kutob niya kaya naman naglakad na siyang palapit doon.

"Pa-picture din ako, Mr. Eliseo!" kumunot ang noo niya nang marinig ang matinis na boses na iyon. And true enough, nakita niya sa gitna ng kulumpon na iyon ang timawang lalaki, nakaakbay sa isang babaeng nandoon habang nakangiti at nagpapakuha ng larawan. Bigla parang gusto niyang dumampot ng bato doon at batuhin ang lalaki. Kaya pala hindi na nito nabalikan ang kapatid niya dahil nag-eenjoy na itong dinudumog ng mga babae? Hanggang dito ba naman?

Waring naramdaman nitong may nakatingin ng masama rito kaya bumaling ang tingin nito sa direksiyon niya. Nagtama ang mga tingin nila at hindi niya pinalampas ang pagkakataong pagtaasan ito ng kilay. Natigilan naman ito at bumitaw sa inaakbayan nito.

Hindi niya alam kung bakit ngunit pakiramdam niya ay gusto niyang pagbuhol-buhulin ang mga taong naroon kasama na ang malanding lalaki. Ang lakas ng loob nitong i-claim na ito ang fiancé niya pagkatapos ay umali-aligid sa kanya iyon pala ay gusto din nitong dinudumog ng iba pang mga babae? At may pa-akbay-akbay pa itong nalalaman?

Bago pa ito makapag-react ay tumalikod na siya at nagmartsang pabalik sa loob ng resort. Baka makapatay lang siya ng gwapong lalaki at isang dosenang babae kapag nanatili pa siya roon. Isa pa ano naman kung ine-entertain nito ang mga babaeng iyon? Wala siyang pakialam. Tama, wala talaga siyang pakialam.

"Joelle, wait!" naglalakad na siya sa malawak na pool area nang marinig niya ang boses nito ngunit hindi siya lumingon. "Let me explain."

"Ayoko! 'gagawin ko sa explanation mo? Makakain ko ba yan?" sagot niya rito nang hndi pa rin ito nililingon. Mabuti na lang at walang ibang tao sa area dahil ipinareserve iyon ng Daddy niya kung hindi ay malamang na pinagtitinginan na sila.

"Joelle, wala lang iyong nakita mo. Nakilala lang nila ako dahil sa magazine na nag-feature sa akin last time. Hindi ko naman matanggihan nang magpa-picture sila because that would be rude." Paliwanag pa rin nito na parang hindi narinig ang sinabi niya.

"Wow, kelan ka pa naging celebrity na kailangan pangalagaan ang image?" hindi napigilang sagot niya.

"It's not that. I am just not used to being rude to anyone."

"Wow! Edi ikaw na ang mabait."

"Joelle..." naramdaman niya ang paghawak nito sa braso niya.

"'Wag mo nga akong hawakan!" malakas na nagpumiglas siya sa pagkakahawak nito. Huli na nang ma-realize niyang nasa pool area nga pala sila. Napalakas ang ginawa niya kaya naman nanlaki na lamang ang mga mata niya nang tuloy-tuloy na bumagsak si Ridge sa tubig. "H-hindi ko kasalanan! Ikaw kasi hinawakan mo ko." Kausap niya rito kahit na hindi pa ito umaahon sa tubig.

Nag-squat siya sa may gilid ng pool upang antayin ang pag-ahon nito ngunit ilang segundo na ang nakakalipas ay hindi pa rin niya nakikita ni buhok nito.

"Ridge!" tawag niya rito. "Umahon ka na riyan." Ngunit walang umahon o sumagot man lang. Nabahala na siya. Hindi kaya nabagok ito nang malaglag kaya naman hindi na nakaahon? Kung ganoon ay bakit hindi pa ito umaangat? Gaano ba kalalim ang pool na iyon?

"R-ridge naman eh! Huwag mo kong pag-trip-an, sasamain ka na talaga sa'kin." Pananakot niya. Nang wala pa ring sumagot ay tumalon na siya sa tubig upang hanapin ito. Hindi na rin siya pinatatahimik ng malakas na kabog ng dibdib niya. Paano nga kung may nangyaring masama rito nang dahil sa ginawa niya. Bakit ganoon? Pakiramdam niya naiiyak na siya. It was so unlike her. Pero ang bigat ng pakiramdam niya.

"Ridge! Don't you dare die on me!" sabi niya habang sinisiyasat ang pool. Napatili pa siya nang maramdaman niya ang paghawak sa beywang niya kasunod niyon ay ang pag-ahon ng kung sino sa harap niya.

"Got 'ya!" nakangiting sabi ni Ridge sa kanya.

Hindi siya agad nakapag-react. Relief came flooding in to her system. He was okay. Nothing happened to him! Ngunit kasabay din niyon ay ang hindi niya maipaliwanag na pakiramdam. Naramdaman din niya ang paglalandas ng luha mula sa mga mata niya. She can't remember the last time she sobbed. Pero ngayon ay ginagawa niya iyon sa harap nito. Only because she was so relieved that he was okay.

"B-bwisit ka!" sabi niya rito saka hinampas ang dibdib nito habang humihikbi pa rin.

"H-hey, I'm sorry. Did I scare you? I'm sorry, Joelle." Ramdam niya ang pagkabahala sa boses nito ngunit hindi niya maitigil ang paghikbi. Nababaliw na nga yata siya. Maya-maya ay naramdaman niya ang pagpalibot ng mga braso nito sa katawan niya. He gently tapped her back to calm her. "I'm sorry, Joelle. Tahan na. You're scaring me."

"I-ikaw pa ang natakot?" she said in between sobs. "A-alam mo ba ang pakiramdam ng mawala ang isang taong mahalaga sa'yo sa harap mo? A-at kasalanan mo pa! Akala mo nakakatuwa?"

She felt him stiffened. And that was when she realized what she said. Isang taong mahalaga sa'yo. Did she really say that to him? Napatigil siya sa paghikbi pagkatapos ay nagtangkang lumayo rito ngunit pinigilan siya ng braso nitong nakapulupot pa rin sa beywang niya. Nagtama ang mga tingin nila at naramdaman niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya.

What's with you, Joelle! Nakakahiya!

"K-kalimutan mo ang sinabi ko!" itinaas niya ang mga palad upang i-emphasize ang point niya. "It was just---" ngunit hindi na niya naituloy pa ang sinasabi niya dahil bumaba na ang mga labi nito sa mga labi niya.

Saglit na nanlaki ang mga mata niya at pilit na inisip ang dapat niyang gawin. Dapat ay itinutulak na niya itong palayo bago niya palirparin ang kamao rito kagaya nang unang beses na gawin nito iyon ngunit bakit parang nanghihina siya. Na parang ang tanging dahilan kaya siya nakatayo pa ay ang braso nitong nakasuporta sa likod niya.

She unconsciously placed her palms over his chest. Hindi niya alam ngunit iba ang epekto ng halik na iyon sa kanya. Na imbis na buhayin niyon ang pagka-amazona niya, pinapakalma niyon ang sistema niya maliban sa puso niyang lalabas na yata mula sa dibdib niya. The feeling was not familiar yet she was liking it. At hindi man niya alam kung paanong tumugon ay ginawa niya. Na parang igina-guide siya ng mga labi nito.

Nakalimutan niya ang lahat sa paligid niya kasunod ang pag-alingawngaw ng napag-usapan nila ng Kuya Brix niya sa isip niya. Ano na nga ang sinabi ng Kuya niya? Napabor daw ang ginawa ng mga ito para sa kanya. Kung tumitingin daw ba siya sa salamin nitong nakaraan. Ngayon naiintindihan na niya. She was happy alright. Happier that she had been before. And it was all because of this man who was kissing her at the moment.

She was raised by four men kaya naman hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya lately ngunit sa pagkakataong iyon ay parang alam na niya. The happiness she feels whenever Ridge was around. The erratic beating of her heart whenever he was this close. Hindi niya alam kung paano nitong nagawa iyon sa saglit na panahong nakasama niya ito, but the feeling was there. She was sure, she was already falling for Ridge Daniel Eliseo. Falling hard, to be precise.

Chương tiếp theo