webnovel

Hinala

Ang mga tao sa bayan ng Malaya at maging ang mga halimaw na nasa tuktok ng bundok ngayon ay natigilan sa eksenang ito.

Walang nakakaalam ng kahulugan sa likod ng kababalaghang ito.

Ngunit ang pinaka-naguluhan sa pangyayaring ito ay ang mga tao sa loob ng bayan. mula umpisa hanggang dulo ay parang hindi sila nakita ng mga halimaw at dinadaanan lamang sila ng mga ito kahit na sila ay ilang metro lang ang layo mula sa kanila.

Sa kanilang paningin ay tila parang nawala sila na parang bula!

Isa pa sa kinagulat ng kanilang mga puso ay ang kakaibang kaganapan na nangyari sa gitna ng bayan.

Nasaksihan ng kanilang mga mata ang pinaka kakaibang pangyayari na nangyari sa kanilang buhay!

Nakita nila ang paglapit ng mga halimaw sa butas at isang napakalaking suction ang agad na kumulong sa kanila sa lugar.

Sa sandaling iyon, kahit na ang leader ng mga halimaw na gustong tumakas ay hindi ito magawa.

Matapos dumaan sa formation kung nasaan ang butas, napunta ang mga halimaw sa isang napakalaking vortex.

Ang vortex na iyon ay lumulubog pababa nang walang tigil. Bagaman hindi masyadong mabilis ang bilis nito, hindi ito kayang kalabanin ng mga halimaw.

Sa lugar na iyon, pinapayagan lamang ng mga halimaw ang vortex na dalhin sila pababa!

Hindi nila alam kung saan ang pupuntahan ng vortex na iyon kaya hindi mapalagay ang mga halimaw kung ano ang kanilang gagawin.

Nakakarinig sila ng mga kakatwang tunog na nagmumula sa bottomless abyss sa kanilang mga paa.

Ang mga tunog na nagmumula dito ay tila tulad ng tunog ng pakikipaglaban, tunog ng mga dagundong, tunog ng mga tao, tunog ng mga hayop, at pati na rin ang tunog ng hangin.

Hindi matukoy ng mga tao sa bayan kung ano ang tunog na ito. Sa katunayan, mahina ang mga tunog kaya't hindi sila sigurado kung ito ay isang ilusyon o kung ito ay totoo.

Gayunpaman, may isang bagay silang natitiyak.

Ang mga halimaw ay nakakaramdam ng takot at hindi mapakali dahil dito!

Pilit nilang pinipigilan ang kanilang mga sarili na mahigop sa butas. Gayunpaman, tila ang kanilang estado ng pag-iisip ay naaapektuhan dahil hindi nila ito mapigilan.

Habang ang pakiramdam ng takot ay lumalakas, ang kumplikadong tunog ay nagsimulang tumunog sa tenga ng mga halimaw nang walang tigil.

Hindi na nila malaman kung ano ang tunog na iyon.

Ang nararamdaman lamang nila ay ang mga bagay ay nakakalito. Nang pumasok sa mga tenga nila ang tunog, nakaramdam sila ng panic habang pinipigilan nila ang kanilang emosyon. Pakiramdam nila ay malapit na silang mabaliw.

Kahit ang kanilang kamalayan ay nagiging malabo.

Doon napagtanto ng mga tao sa bayan na ang lugar na iyon ay mas mapanganib pa kaysa sa kanilang inaakala.

Ang panganib ng lugar na iyon ay hindi sa labas. Sa halip ay pumapasok ito sa katawan ng mga halimaw nang walang form kaya hindi nila inaasahan ang pag atake na ito.

Sinubukan ng mga halimaw ang kanilang makakaya upang ayusin ang estado ng kanilang pag-iisip para hindi sila maapektuhan ng tunog.

Sa kasamaang palad, wala itong silbi.

Kahit anong gawin nila, lahat ay walang silbi.

Ang tunog ay pumapasok pa rin sa mga tenga nila at ang kanilang kalagayan ay lalong lumalala.

Nadama nila ang kanilang buong katawan ay apektado ng isang uri ng espesyal na lakas. Kung magpapatuloy ito, wala silang ideya kung ano ang mangyayari.

Naramdaman ng mga halimaw na parang wala na silang magagawa kung hindi hintayin ang kanilang kamatayan!

"Ang lugar na ito ay talagang kamangha-mangha. kahit na ito ay mukhang simple kapag tiningnan mo sa labas, ang mga panganib ay talagang nagkukubli kahit saan" sabi ni Tango sa kanyang sarili.

Ang buong akala niya ay dito na sila mamamatay ngunit sa isang iglap lamang ay biglang nagbago ang lahat.

Hindi siya makapaniwala!

"Dati ay may narinig akong kwento, may isang grupo daw ang nakasaksi ng isang hindi kapani-paniwalang pangyayari. ang kwento sa akin ay nakita daw ng mga ito ang mga halimaw na nakatago sa loob ng bulubundukin at takot na takot dahil parang bigla daw nagalit ang mundo at may balak na sirain ang buong lugar"

"May isang halimaw daw ang gustong sakupin ang mundo at inutusan ang lahat ng halimaw na atakihin ang isang bayan. gayunpaman, bago pa nila maabot ng pag-atake ang bayan, nawala silang bigla sa manipis na hangin. napalunok silang lahat nang makita nilang biglang nilamon ng lupa ang mga halimaw"

"Nang makita nila iyon, ang karamihan sa kanila ay napasigaw sa paghanga sa kung gaano katindi ang pangyayaring iyon. dahil ang halimaw na umatake sa bayan ay hindi isang ordinaryong halimaw. Ito ay isang god-level monster"

"Matapos na hindi magtagumpay sa pag atake, ang god level monster na iyon ay nagplano na umalis. Gayunpaman, bago pa niya magawa iyon ay bigla siyang napasigaw ng malakas. pagkatapos ay biglang umulan ng dugo sa buong lugar at isa-isang nahulog ang mga halimaw mula sa langit"

"Hindi lamang sila nabigo sa pag atake, halos maubos rin ang mga ito"

"Matapos nilang masaksihan ang pangyayaring iyon, ang karamihan sa kanila ay natakot at kinilabutan"

"Bago pa man nila mapagtanto ang nangyayari, ang karamihan sa kanila ay hindi nakaramdam ng anumang puwersa. bukod pa dito, walang nakakita sa kanila na sinuman na umatake sa tuktok sa itaas"

"Ganun lang. nang walang anumang kadahilanan, bigla na lamang naubos ang mga halimaw.."

"Mayroong ganoong pangyayari?" Isang gulat na tingin ang lumitaw sa mga mata ni Coco.

Si Coco, na nakikinig lamang sa kanya sa tabi ay biglang napahigop ng malamig na hangin.

"Kakaiba talaga iyan ..."

Ang paglitaw ng mga kakaibang pangyayaring ito ay hindi na isang bagay na maaari niyang maipaliwanag .

Ngunit ng maisip niya ang kanyang master na si Ye Song, biglang naging malinaw kay Coco ang lahat.

Dapat ay imposible para sa ibang mga nilalang na gawin ang mga bagay na ito, ngunit si Ye Song ay naiiba.

Hindi lamang niya napasunod ang mga halimaw, kakaiba rin ang taglay na lakas nito base sa na-experience ni Coco sa pakikipaglaban niya kay Ye Song.

Mula doon, pinaghihinalaan ni Coco na ang kapangyarihan ni Ye Song ay malamang na hindi lamang naglalaman ng isang napakalakas na proteksiyon kundi mayroong isa pang uri ng kapangyarihan na naroroon.

Na mental block si author kaya inaayos ko muna isip ko. pasensya na. irregular muna ang release! salamat sa pag intindi!

yamceecreators' thoughts