webnovel

CHAPTER 9 – Ground Breaking

V1. CHAPTER 9 – Ground Breaking

ARIANNE'S POV

I love you, Arianne. Your hand is so soft Arianne. Your lips are soft too, Arianne... Arianne... Arianne... I love you. Please be my girlfriend. Arianne... Arianne...

"Arianne, Arianne!"

"WAAAAAAH!"

Agad sumakit ang ulo ko nang maramdaman ko itong humampas sa isang matigas na bagay.

"Ouch!"

What's with that dream?!

Nasa kalagitnaan ako ng isang nakakasuklam na panaginip nang bigla akong magising. Malalim ang naging paghangos ko noong ako ay magkamalay. Namulat ko mang bigla ang mga mata ko ay kusa rin itong bumabalik sa pagbasak dahil sa pamamaga na dulot ng pag-iyak ko. Sumabay pa ro'n ang nararamdaman kong pamimintig ng noo na dulot naman ng paguntugan namin ni Pristine.

"P-Pristine ga-gabi na ba't nang iistorbo ka pa?"

"Hindi mo ba narararamdaman? Lumabas muna tayo. Lumilindol," sabi niya. Her voice is calm but worry is evident on her face.

Pinagmasdan ko ang paligid at na-realize ko na totoo nga ang sinasabi ni Pristine kaya't gaya ng sabi niya ay lumabas na kami.

"Girls huwag kayong mag-panic. Kalmado kayong pumunta sa mga open grounds na ini-specify ng school," Pristine calmly instructed while we're walking our way out of the dorm.

♦♦♦

"Errr, what a morning," I uttered while walking in the academic building's hallway.

Dahil sa nangyaring paglindol kaninang madaling araw ay pinag-stay muna kaming lahat sa mga open grounds. Common yung mga earthquake disasters ngayon kaya't marami talagang nag-alala at natakot. Mabuti na nga lamang ayon sa balita ay walang mga casualties sa mga lugar na apektado.

"Errr, yeah, it's really good that no disastrous thing happened pero hindi 'yon dahilan para magkapasok ngayong araw!"

Lahat kami ngayon ay kulang sa tulog kaya sino ba namang makakapag-focus sa klase? Anyway, except for someone I know.

Sigh.

Napahugot na lamang ako ng hininga.

Maligaw man lang sana yung consideration para lahat kami masaya. Kahit yung mga teachers ay siguradong ganoon din naman yung nararamdaman.

Errr... This is so bad. I feel like a zombie.

"Rather, I already look like a zombie," saad ko matapos kong makita ang repleksyon ko sa pader na salamin na nadaanan ko.

"Ate Arianne! Ate Arianne!"

Napalingon ako sa direksyon kung saan nanggaling ang maliit na boses.

"Errr, bakit?"

"Eeek!" she reacted when I looked at her. Napansin ko ang pag-atras niya.

The girl in front of me talked in fear, "A-Ate Arianne may practice daw tayo mamaya sa club," she said while trying to look directly at my eyes.

Simula bata pa lang ako ay itong mga mata ko na ang laging napapansin. Medyo may pagkamalaki kasi ito. Ewan pero sabi nila, lalo na ng mga kakilala ni mama ay maganda raw ang mga mata ko. Ganoon din ang sabi nina Pristine at Bianca. Ito nga raw ang best asset ko basta 'wag lang daw ako titingin sa isang bagay ng seryoso.

Sa tuwing tumitingin daw kasi ako ng masinsinan ay naglalabas ng vibes ang mga mata ko na tila ba gusto nitong pumatay. Dahil dito ay napagkakamalan tuloy akong salbahe at nagkakaroon ng kaaway ng hindi ko namamalayan.

Itong hindi ko ma-control na ekspresyon ng mga mata ko ang isa sa dahilan kung bakit ako nabu-bully at sanhi kung bakit ako palipat-lipat ng school.

"Pati club activities walang patawad? Okay sige," walang gana kong tugon.

"Yey! See you po ate Arianne!" reaksiyon niya na tinanguan ko. Paalis na sana ako nang bigla na lamang siyang may ibulong sa'kin.

"Ano 'te, totoo po ba yung rumor na kumakalat ngayon?"

Rumor? Nagtataka kong nilingon ang lower year kong clubmate.

"Bali-balita kasi ngayon Ate Arianne na isa raw po sa inyong tatlo nila Miss Pristine at Ate Bianca yung GF ng isa sa Star Student ng NIA."

"Huh? Sa amin?" Nakakunot noo kong reaksyon, "Star student ng NIA? Sino?"

"Si Aldred Araun Cuzon Ate, yung gwapo na matalino tapos model pa."

"Ah?"

Napanganga na lang ako. Pagkarinig ko ng pangalang iyon ay biglang may isang tao na nag-struck sa memorya ko.

Your hand is so soft Arianne... Your lips are soft too, Arianne... I love you, Arianne… Please be my girlfriend, Arianne.

Napalagok ako.

Hindi kaya – hindi pwede – pero—

Bigla na lamang nakadama ako ng kaba.

"No way... I-Ibig sabihin may-may nakakita," I whispered to myself.

"May problema ba Ate?" she asked.

"Mukhang hindi po maganda pakiramdam mo ngayon, namumutla ka. Gusto mo samahan kita sa clinic?"

Napalingon ako sa kaniya. "Si-Sige," I responded after a few seconds of hesitation.

Habang naglalakad kami ay nakahawak ako sa clubmate ko. Nakadama kasi ako ng pagkahilo at pang-hihina ng binti at tuhod. Kapag hinayaan ko ang ilang saglit ay feeling ko ay magko-collapse ako.

"P-Pwede ko ba malaman kung si-sino yung nagkalat ng rumor?" tanong ko kasabay ang matinding pagkabog ng dibdib ko.

"Pasensya na ate pero hindi ko alam kung sino. Basta bigla na lang may topic sa community ng school site tungkol doon."

Bumigat ang pakiramdam ko nang ma-realize ko na ako ang bida sa rumor. Kung sino mang nakakita no'n ay hindi ko naman masisisi na gano'n yung iisipin. Kahit saang anggulo naman kasing tignan ay mapagkakamalang in relationship kami dahil sa kabwisetan na ginawa ng lalaking iyon.

Pero pwede naman munang magtanong eh!

I am such an idiot to forget him. Siguro kung naalala ko lang ka agad na siya pala yung feelingero na naka-chat ko ay hindi na aabot sa ganito.

♦♦♦

"Kainis! Bakit ba ayaw mong tumigil! That's! That's just a kiss! Hindi naman nabawasan yung pagkatao mo roon so please stop."

Paulit-ulit ko ng pinupunasan ang mga mata ko ngunit ayaw pa rin nitong tumigil sa pagluha. Kahit na dahan-dahang lumalabo ang paningin ko dahil sa mga nakaharang na likido ay pinanatili kong mabilis ang paglalakad ko upang walang makapansin sa'kin.

Maswerte ba ako dahil walang katao-tao? Kahit sa dorm namin ay wala si Mrs. Santos.

"I-I can't believe that... that happened to me."

Nanggagalaiti akong napakagat sa labi ko habang naiisip ko yung nangyari.

"Ginawa niya 'yon na parang inosente pa siya."

Alam kong namumugto pa ang mga mata ko kaya hindi muna ako pumasok sa kwarto kahit na nasa tapat lamang ako ng pinto nito. Sa pwesto ko ay rinig na rinig iyong ingay ni Pristine at ni Bianca.

"Pristine, yay! Kawaii! Ang cute mo! Try mo naman 'to bilis. Tapos eto saka 'to!"

"Hey, Bea! Ayoko na, kanina mo pa ko pinapasuot ng kung anu-ano!"

"Ang saya ah," I mumbled to myself.

Tinapik ko ng ilang ulit ang pisngi ko.

"Arianne, stop crying! Forget about that! First kiss? No, that's just a nonsensical kiss! It has no feelings... No feelings of love!"

Malalim akong humugot ng hininga bago ko buksan ang pintuan ng dorm room ko. Dahil sa katahimikan sa labas ay na-emphasize ang pag-click ng doorknob nang pihitin ko ito.

Naka-apak na ang isang tsinelas ko sa loob ng kwarto nang biglang parang magtigil ang paligid.

"Bea sto—"

Tons of cosplaying clothes, messed bed sheet, Pristine in her underwear and Bianca's broad smile welcomed my entrance.

"Aya, save me!" Pristine cried out as she ran beside me.

"Oh, Arianne nandyan ka na pala. Kanina ka pa namin hinihintay eh," Bianca greeted.

"Parang hindi naman. Mukhang naistorbo ko nga kayo," I replied blandly.

Ginala ko ang tingin ko sa paligid. Kagaya ng inaasahan ay ito nga ang nadatnan ko.

"Hoy Bianca baliw ka, sabi ko na nga ba... Ta's nagkalat ka pa dito."

Bianca laughed then stuck her tongue at me, "Pero ah... Look! Wala ng lagnat si Pristy! Sabi ko rin sayo."

Medyo napaisip ako.

"This and that?!" Biglang pumasok sa utak ko ang sinabi ni Bianca noong vacant.

"Are you serious? Ginawa mo ba talaga 'yon?" I looked at her then at Pristine.

Bianca just stared at me. It looks like she didn't get what I mean. So ibig sabihin wala siyang ginawang kalokohan. Napahinga ako ng maluwag. Naagaw na lamang ang atensyon ko ng biglang i-squeeze ni Pristine ang braso ko.

I looked at my side to see Pristine snake her arms around my body. She then tightened her hug at me.

"Aya," Pristine called.

"Yes? But, by the way ba't di ka kaya muna magdamit?" I suggested.

Pristine loosens her hug and then gave me a smile, "Okay pero..." Tinitigan niya akong maigi, "What happened? Your eyes... Aya umiyak ka ba?" she asked with her worried voice before reaching for my hands.

"Who made you cry? Are there any problems?" sunod-sunod ng tanong ni Pristine.

Iniiwas ko ang mukha ko. Umalis naman ka agad si Bianca sa kama ni Pristine at lumapit sa'kin.

"Oo nga no. Hoy! Sino umaway sayo a? 'Wag mo sabihing na-bully ka na naman?"

"Hi-Hindi," mabilis kong tugon.

I appreciate my friends' worries pero wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanila kung ano yung talagang nangyari at dahilan ng pag-iyak ko.

"Wala lang 'to. A-Ano, nauntog lang ako pagbaba ko ng jeep kanina," I explained.

Tumingin ako sa kanila at tumambad sa'kin ang kanilang flat na reaksyon. Sabay nila akong binigyan ng matalas na tingin habang pareho rin silang nakapameywang.

"I know you know that, that is the lamest excuse ever. Anyare nga?!" Bianca asked. Seryoso siya at dahil doon ay sumingkit pa ang singkit na niyang mga mata.

I didn't reply to Bianca. I looked at Pristine and saw her worried face.

Bumuga ako ng hininga.

"Ah ito na pala yung mga binili ko. Nandyan na rin yung cake mo saka magbihis ka na baka mabinat ka pa. Magbibihis na rin ako," I said to Pristine before turning my face to Bianca.

"Ikaw magku-curfew na bumalik ka na ng dorm mo kasama 'yang mga kalat mo."

Matagal nila akong tinitigan lang bago sila umimik.

"Sungit. Sige na magbihis na kayo habang naglilinis ako rito," saad ni Bianca saka umukit ang malapad na ngiti sa labi niya.

Naglinis si Bianca. Nagbihis si Pristine. Tumungo naman ako sa drawer ko para kumuha ng pajama at underwear. Habang kumikilos ako ay ramdam ko ang pag-usisa sa akin ng mga mata ng dalawa kong matalik na kaibigan.

"Uy," Pristine called which made me look at her.

"Mag-shower lang ako," paalam ko.

Pumasok ako ng bathroom. Gabi na at medyo malamig din ang panahon pero mas pinili kong hindi buksan ang heater. Kailanga ko kasi ito. I badly needed a cold shower right after what that guy did.

Habang tumatama sa mukha ko ang butil ng mga tubig ay na-realize ko kung gaano ako katanga. I am a trained martial arts student pero hindi ko man lang nadipensahan ang sarili ko at ang mas nakakainis pa ay may part ng pagkatao ko na tila ba hinayaan lang ang lalaking iyon sa gusto niya.

I reached for the shower head then tinutok ko 'to sa bibig ko. I placed my other hand on the shower valve then pumikit ako. Readying myself, I count one, two and three at halos malunod ako ng itodo ko ang buga ng shower.

"Arianne? Matutulog ka na ka agad? How about dinner?" Bianca asked pagkatapos kong mag-blower at nang tumungo na ako sa kama ko.

"Wala akong gana," I answered before laying myself on my bed. I was about to cover myself with my blanket when suddenly I realized something.

"Hoy Bianca! Ba't nandito ka pa pala? Doon ka sa dorm mo mag-dinner. Wala kaming budget para dyan sa mga alaga mo sa tiyan."

"Aba, Pristy sumusobra na 'yang kaibigan mo ah. Matulog ka na kung matutulog ka. Baka gusto mong maging pasa 'yang maga ng mata mo." Tumawa si Bianca. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"A-ya... A-no ba ka-sing pro-ble-ma?" Pakantang tanong ni Pristine. "Just by the look of my cake, I'm sure there's something big that happened... But if you don't want to tell it then fine. Just always remember that we're always here. Huhu, Aya!" she cried.

"Nubeyen Aya. Nandito pa naman din ako para maki-update sa boyfie mo... I mean sa soon to be boyfie mo tapos ganyan ka, sayang naman," saad naman ni Bianca habang ngumunguya. Nang dahil sa sinabi niya ay naalala ko ang kahapon at uminit ang ulo ko.

Boyfriend who? Yung feeler sa net? Yung-yung Aldred? Aldred... Aldred Araun Cuzon... What?!

♦♦♦

I love you Arianne

Para akong nabulunan.

"Ate, want to go to the washroom first?"

Umiling ako, "Nope. May naalala lang ako."

This is really bad. Ba't kasi kailangan pang ipagkalat? For sure na lalabas ka agad na ako 'yon at kahit na false rumor pa 'yon it doesn't change the fact na nag-kiss kami. And the worst case, mapapansin na naman ako at mapapag-usapan na pinaka-iniiwasan ko sa lahat.

"Kainis sino ba nagkalat no'n?" tanong ko habang papasok ng clinic. Pagkaapak na pagkaapak ko sa loob ay narinig ko ang pagtunog ng bell. Hudyat na simula na ng klase.

NO ONE'S POV

"So, what do you think Pristy? About the rumor... connected kaya 'yon sa nangyari kahapon kay Arianne?" tanong ni Bianca habang naglalakad sila ni Pristine patungo ng clinic.

Umabot ang lunchbreak ng hindi man lamang nakapasok sa kahit isang morning subjects si Arianne. Habang nagkakaro'n ng session sa first subject ay dumating ang isang freshman student sa class 3-A kung saan kabilang siya.

"Hindi natin alam, mas maigi kung hihintayin na lang natin siyang magsabi. Just give her some time... we are her friends so she will definitely tell it to us," pagsisiguro ni Pristine.

"Yeah right, worried lang talaga ako. Alam mo naman 'yon. Mukha lang ganoon pero sa totoo napaka-vulnerable," saad naman ni Bianca. Isang bahagyang ngiti ang nabuo sa labi niya.

Pagkadating ng clinic ay sinilip muna ni Bianca ang loob nito mula sa labas. Wala siyang nakitang tao kaya kumatok siya ngunit walang nagbukas ng pinto.

"Yoho! Arianne, galing takas klase ah. Sarap tulog?" tawag ni Bianca pagkapasok ng clinic. Hinanap niya si Arianne at agad tumungo sa kinahihigaan nito. "WOW! Nasa funeral parlor ba 'ko?" reaksiyon niya ng makita ang kaibigan.

Hindi na pinansin pa ni Arianne ang remark na narinig, sa halip ay itinuon niya ang atensyon sa pagkaing inabot ng kaibigan.

"Ah, thank you. Libre? Sino bumili?" isang pagod na ngiti ang pinawalan ni Arianne habang inaabot niya ang pagkain.

"Si Pristine. Ano libre ka pa?"

Agad bumagsak ang mukha ni Arianne, "Meh, magkano 'to?"

"P60, mahaba yung pila kaya P65," masiglang sagot ni Pristine.

Doon ay sabay na ring kinain nina Pristine at Bianca ang kanilang tanghalian.

ARIANNE'S POV

"But who would have thought na yung naka-chat mo pala is yung star student ng NIA," saad ni Pristine habang namimilog ang mga mata niya dahil sa pagkasurpresa.

"Yup! Yup! Gosh Arianne, ba't di mo sinabi sa akin na si Aldred pala 'yon. KYAAA! Grabe ang gwapo kaya niya. I've seen some of his pics in the internet and magazines… SUPER KAKOI!" Bianca exclaimed. Nakailang hampas pa siya sa'kin habang nagsasalita.

Nagkwento si Bianca ng tungkol kay Aldred pero hindi ko na 'yon inintindi. Habang nag-uusap sila ni Pristine ay di ko maiwasang mapadiin ng kutsara't tinidor sa kinakain ko.

"Anyway... hmmp, I cannot understand them, yung kung sino mang nagkalat ng rumor. Naging mag friends lang OL in relationship na ka agad? How lame, right Arianne?" Bianca added.

Napalingon ako sa kaniya at ngiwing natawa.

"Yeah? HAHA," I replied nervously.

Sumubo ako ng pagkain para mawalan ako ng dahilan na magsalita. Pristine bought me a relyenong isda, one of my favorites kaya kahit papaano ay napapagaan nito ang tensyon na nararamdaman ko. Susubo pa sana ako muli pero naagaw ni Pristine ang atensyon ko.

"We cannot do anything about it. That's what teenagers are like these days, a bunch of idiots who give embellished meanings to simple things. If I were given a chance to WHACK them all...I already did, "Pristine said right after sipping her yogurt juice. Natahimik kami ni Bianca dahil sa kaniya.

I don't know why, but a chill runs down my spine when words like that are being said by Pristine. Serious or not, my senses tell me that she will likely do it if she's really given the chance to.

"How terrible, don't you forget that you are one of those "Teenagers these days"?" Bianca quoted before turning her lips on the can of root beer she has. Pristine gave her a look.

"Yeah, but I'm one of those rare types. RARE TYPE," she emphasized.

Rare type indeed.

Napangisi ako.

The clinic was surrounded by silence after that small chat. We continue to eat our lunch, but I can't find myself eating it at ease anymore. The thought about what happened yesterday, what is happening today, and what will be going to happen tomorrow bugs me.

I looked at my friends and they noticed me.

"Arianne?" Pristine's worried eyes stared at me.

"A-ano... Pristine, Bianca... What if someone— kisses— someone sees— rumors..." parang tanga kong sabi.

"Huh? Arianne, I can't understand. Pardon?" Pristine requested.

Tinignan ko siya ng maigi bago si Bianca. Humugot ako ng malalim na hininga bago muling ibalik kay Pristine ang paningin ko.

"What if someone suddenly kisses you? Then someone saw it and she was the one who began to spread the rumor? What will I do?!" I asked while looking at them anxiously.

Pagkatapos ng mga tanong kong iyon ay nasaksihan ko ang pag-spit, squeeze at splurt ng parehong inumin nila Pristine at Bianca. Bakas na bakas ang pagkagulat sa kanilang mga mukha lalong lalo na kay Pristine. Agad ay nilapitan namin siya ni Bianca.

"OMG, Pristine! Please go back to your senses!" Bianca shouted while shaking the shocked Pristine's shoulders.

♦♦♦

Chương tiếp theo