webnovel

Chapter 15

KINABUKASAN, sabay sila Quillon at Arvic na bumaba ng hagdan para mag-agahan. Tahimik lamang ang dalawa ngunit tanging si Quillon lamang ang makikitaan ng pagkabalisa.

          Huminto saglit si Arvic at pinigilan ang braso ni Quillon upang mahinto ang alpha sa paglakad. "May masakit pa ba saiyo?" nag-aalalang tanong niya kay Quillon.

          Napatingin muna saglit si Quillon at nagbaba ng tingin bago sumagot "W-wala naman."

          Humarap si Arvic kay Quillon at tinitigan ang mukha nito bago nagsalita. "Don't tell me na iyong panaginip mo last night ang nagpapagulo sa isipan mo?" sabay haplos sa pisngi ng alpha.

          "N-no, i-i mean yes." utal na amin niya kay Arvic.

          "This time i'm trying my best Arvic to be true to you. No more lies as much as i... can."

          Sukat sa narinig, niyakap ni Arvic si Quillon. "Don't bother my alpha. It is just a dream i'm sure it's not gonna happen."

"I wish..." Quillon whisper.

          "Tara na? Sinabi sa akin ni Gethro mga paborito mo raw ang inihanda ngayon ni Ehla para sa breakfast. Kailangan mo makabawi ng lakas. Babawi ka pa sa akin" Arvic smile playfully and then winked.

          Napangiti naman si Quillon sa ginawang iyon ni Arvic.

PAGPASOK nila sa komedor amoy na amoy na ang mga putaheng inihanda ni Ehla para sa agahan.

          "Hmm, fried rice, eggs, sausages, slice tomatoes and dried fish?" kumuha si Arvic ng isa nito at inamoy. "Anong amoy ito?" lumukot ang mukha ni Arvic na tila nababahuan. "Mukhang 'di na sariwa wait papalitan ko kay Ehla ito." kukunin na sana ni Arvic ang tinutukoy na ulam ngunit pinigilan ito ni Quillon.

          "Hey, ilapag mo iyan sa lamesa. Tuyo ang tawag diyan from the Philippines. I love it specially sa breakfast." nangingiting turan ni Quillon.

          Nagtataka man ang hitsura ni Arvic tahimik naman siyang umupo.

          Umupo na rin si Quillon sa tabi ng kanyang omega at kinuha ang maliit na bell at pinatunog ito.

          Maya-maya'y lumabas ito dala ang tray na naglalaman ng fresh juices.

"Kamahalan" yumukod ito.

          "Where is my spicy vinegar?" nagtatakang tanong niya sa kanyang lota.

          "Nasa loob po kamahalan, kukunin ko na po." yumukod ito sabay talikod upang kunin pa ang ilang naiwan sa kusina.

          Pagkalapag ng hinihintay ni Quillon na sawsawan inumpisahan na niyang kumuha ng fried rice at sumandok. Inuna na muna niyang lagyan ang plato ni Arvic at pagkatapos noon ay kumuha ng tuyo at hinimayan.

          "Try this tuyo, i'm sure you're gonna love it." sabay lapag nito sa plato ni Arvic.

          "A-anong ilalagay ko na partner ng tuyo?" nag-aalinlangang tanong niya kay Quillon.

          "You can have those slice tomatoes or dip it here in spicy vinegar." sabay turo ni Quillon sa sawsawan.

"O-Okay." Arvic nodded.

          Kumuha ito ng isang piraso at sinamahan ng sliced tomato atsaka ipinatong sa sinangag pero napahinto siya ng pagsubo ng makita niyang nagkamay lamang si Quillon sa pagkain.

          Hindi maiwasan na mapatitig siya sa mukha ng alpha. "Habang tumatagal ng pagsasama nating dalawa ngayon ko nakikita ang mga simpleng bagay na ginagawa mo na kahit sino sa labas ay hindi alam. I promise na kahit anong mangyari, my alpha, no matter how hard the consequences to be with you, hinding-hindi kita susukuan. Kung noon kapwa ko ang kalaban ko sa pagmamahal, ngayon alam kong ako lang ngunit... Sitwasyon naman ang aking kakalabanin." napayuko si Arvic at pinipilit na itago ang lungkot sa mukha niya.

          "Hey, my love are you with me? "nagtatakang tanong ni Quillon kay Arvic.

          "O-of course my alpha." ngumiti siya ng tipid "Natigilan lang ako dahil sa unti-unti kong nakikita ang other side mo."

          "Ah, really? And what is it?" pinagpag nito ang kamay sa tapat ng plato at humarap kay Arvic.

          Namula namang bigla ang pisngi ni Arvic dahil sa ginawang iyon ni Quillon.

           "L-like ang paggamit mo ng kamay sa pagkain. Sinong mag-aakala na ang isang alphang katulad mo ay nagkakamay pala sa pagkain." nangingiting sagot ni Arvic kay Quillon.

          "Hmm really? Hindi naman talaga ako nagkakamay. Ngayon ko lang ginawa for a change. Besides, masarap naman pala talaga kapag KINAKAMAY ang KINAKAIN, right? Lalo na kung didilaan mo ng ganito." sabay dila sa daliri niya na may kanin pang nakadikit.

          Pinamulahan ng mukha si Arvic na siyang ikinangiti ni Quillon.

          "Eat or you want me to use my hand to feed you, my love?" nakakalokong tanong ni Quillon sa kanyang omega.

          "Puro ka kalokohan. Magkakamay na rin ako. Maghuhugas lang ako." sabay tayo nito at tumungo sa kusina.

          "Wash it properly para masarap dilaan later on." pahabol niya pa kay Arvic.

          "Naughty alpha!" sagot niya kay Quillon bago pumasok sa loob.

          Nangingiti na pinagpatuloy ni Quillon ang kanyang pagsubo nang biglang may dumating.

          "Hi, honey!" sabay yapos nito sa likuran ni Quillon.

          "What are you doing here Xyrix?" sumalubong ang mga kilay na tiningala ang babae.

          "Hey, don't you missed me? I came here to visit and check you." na mas lalong pinalupot ang mga braso nito sa leeg ng alpha.

        Samantala, sa labas naman ay may dumating na sasakyang lulan ang kakambal ni Quillon na si Archard at may dala ito ng ilang basket na prutas.

Sinalubong ito ni Gethro.

          "Sir Archard napadalaw po kayo." bati nito at tinawag si Ehla upang abutin ang mga basket na binigay ni Archard.

          "Si Quillon, how is he?"tanong nito habang inaayos ang polo na nagusot.

          "Recovering. Nasa dining area sila ngayon."

          Archard nodded at nagpatuloy na ito sa pagpasok sa loob.

        Pagbungad ni Archard ay kitang-kita niya ang    akmang paghahalik  ni Xyrix kay Quillon sa leeg ng biglang may tumikhim siya sa likuran ng mga ito.  

          "What a good scenery. Looks like you perfectly okay my brother!" nakangiting bati ni Archard kay Quillon.

          "Wow, just wow! Anong meron ngayong araw at sabay pa kayong dalawa na dumalaw?" si Arvic habang nakahalukipkip ang braso na nasa gilid nila Quillon ngayon.

          Sa gulat biglang inalis ni Quillon ang braso ni Xyrix sa kanyang leeg at tila namutla ang kulay ng makita niyang tumaas ang kilay ni Arvic habang nakatitig kay Xyrix na muling nakayakap  sa leeg ni Quillon.

         "It seems, busog na busog ka na Alpha Quillon dahil nagdi-dessert ka na ngayon. So hindi na pala ako kailangan dito aakyat na ako, KAMAHALAN." anito na may pang-uuyam at diin sa huling sinabi.

         "Arvic!" tawag ni Quillon ngunit  kahit sulyap man lang ay 'di ginawa ni Arvic.

          Samantala si Archard naman ay tila nang-aasar pang sumaludo sa kapatid at sinundan si Arvic na ngayon ay paakyat na ng hagdan.

         Tatayo na sana si Quillon ng pigilan siya ni Xyrix.

         "Don't you dare to push me again, Quillon. You know me very well, hindi ako basta bastang papatalo! You choose, kiss me or i will tell Arvic your secret!" panghahamon niya sa alpha.

"Enough!" mariing sigaw nito sa gammang si Xyrix.

        Bumuntong hininga si Quillon at pikit matang tinanggap ang mainit na halik ni Xyrix.

Samantala...

          "Arvic are you okay?" tanong ni Archard nang mahabol niya ito sa tapat ng Agony room.

          "Why are you here Archard? Bakit magkasama kayo ni Xyrix? What are you trying to do?" sunud-sunod na tanong niya kay Archard.

          "Hey, calm down!" sabay taas ng kamay ni Archard. "I just came here to visit my twin brother. And that Xyrix? The hell i care!"

          Bumuntong-hininga si Arvic na tila kinakalma ang sarili.

          "Arvic tell me, is there something going on between you and Quillon that i didn't know?" seryosong tanong nito kay Arvic.

         Sukat sa narinig bumaba ang tingin ni Arvic at tila naumid ang dila nito. Minabuti na lamang niyang talikuran  si Archard at huwag sagutin ang tanong nito.

          Bago pa man mabuksan ni Archard ang seradura napigilan agad ito ni Archard. "Arvic! Is there something between you and Quillon, seriously?" tila naiirita na nitong tanong kay Arvic.

          "What's happening between us is none of your business anymore Archard so if you will excuse me, lend me my privacy."

          "Hindi ka dapat nakikipag mabutihan sa kanya Arvic, hindi mo pa tuluyang kilala si Quillon. Masasaktan ka lang." tila nagbago ang tono ni Archard. Kitang-kita sa mga mata niya ang sinseridad.

          Bumaling ng harap si Arvic kay Archard at tila napipikon na ito. "At sino ang kilala ko ng lubusan, ikaw ba Archard? Hindi ba't kailan lang din kita nakilala? Hindi porke may nangyari sa ating dalawa may karapatan ka na magsalita ng ganyan sa akin as if you really care!"

          "I do! I do care about you Arvic because i love you!" sagot niya kay Arvic.

          May gulat man sa mukha ni Arvic matapos niyang marinig ang sinabi ni Archard. Mapait na ngumiti ito kay Archard. "Minsan na akong sinabihan ng ganyan before Archard at nang mahulog na ang loob ko doon ipinamukha sa akin kung hanggang saan lang ako. Ginawa lang akong panakip-butas. Kaya kung sa tingin mo mapapaniwala mo ako, huwag ako Archard dahil hindi ako maniniwala."

          "No, nagkakamali ka Arvic, what i've told you earlier is true. Ang sa akin lang sana bigyan mo ng puwang ang puso mo na tanggapin ako."aniya kay Arvic habang hawak niya ang mga kamay nito.

          "I'm sorry, si Quillon ang mahalaga sa akin sa mga oras na ito." sabay hila niya sa kanyang mga kamay.

          "Magagawa mo pa ba siyang mahalin kung malalaman mo ang totoo na siya ang pumatay sa mga magulang mo?" tanong ni Archard na hindi na nagawang pakinggan ni Arvic dahil sa tuluyan na itong pumasok sa loob ng Agony room.

Archard take a deep breath before he left."I swear Arvic gagawin ko ang lahat para malaman mo ang totoo. You must be thankful dahil mas nanaig ang feelings ko for you. In time pasasalamatan mo ako kung bakit ko ito ginagawa para saiyo."

Chương tiếp theo