"Ha ha ha ha ...ang kaluluwa ng babaeng ito ay magiging akin!", anang tinig na paulit-ulit na sumasabay sa ihip ng hangin.
Tinulungan naman ni Pau si Peter na makatayo.
" kilangan na nating umpisahan ang orasyon padre",sabi ni Pau na nakatingin sa kinarorounan ni Padre Arian.
Nawala na ang babaeng naghuhukay ng lupa. Inumpisahan narin ni padre Arian ang pagsindi ng mga kandila.
" tandaan ninyo, malakas sya wag tayong palilinlang!',madiin na sabi ni padre sa kanila.
Tumango naman ang dalawang lalaki.
"Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng spirito Santo, ang aming kaluluwa ay nararapat lang sa iyo oh aming panginoong Hesus!
Tanggapin mo ang kaluluwa ni Melissa Ocampo na nagmamakaawa sa inyong kapatawaran. Tanggapin nyo sya oh aming panginoon lamang sa lahat oh panginoong hesukristo!", madiing -bigkas ni padre sabay ang pagbendisyon ng lupa na kung saan inilibing ang bangkay ni Melissa.
Mas lumakas pa ang ulan at kumikidlat kasabay ang pabugso bugso ng ihip ng hangin.
May tinig na kapangi-pangilabot sabay ang malakas nitong mga tawa.
" walang makakapigil sakin !ha ha ha.. ", anitong mas lalong nakakahindik ang anyo ng demonyo. Paikot-ikot ang ulo nito at humahaba ang dila.
" panginoong Hesus iligtas mo po si Honey sa sanib ng demonyo..", dasal ni Peter na di narin maitatago ang Takot at pangamba sa nobya.
"Ayon sa mga nakita ko sa nakaraan ni Melissa, ang gustong kumuha sa kanya ay ang kanyang ina-inahan na ubod ng sama. Sya ang nagpapatay kay Melissa", kwento ni Pau sa kanila.
U-umpisahan na sana ni padre Arian ang pag orasyon nang biglang sinakyan ng demonyo si Pau. Wala itong saplot na pumatong sa natumba na si Pau. " alam ko gusto mo ito", anitong inaayod ang katawan at tumutulo ang maitim na laway kasama ang paghaba ng dila nitong pumulupot sa leeg ni Pau.
Inumpisahan naman nina Peter at padre Arian ang pag orasyon.
" sa ngalan ng Panginoong Hesus! Inuutusan kitang lumabas sa katawan ng babaeng yan!", sabay ang pag saboy nito ng holy water sa babaeng nakapatong sa ibabaw ng katawan ni Pau.
Tila namang nanghina ito at napaupo sa lupa. Agad namang hinubad ni Peter ang ang jacket nito at pinasuot sa kay honey.
Awang-awa sya sa mukha ng nobya. Puro pasa ang katawan at namumutok ang mga labi na may mga gasgas pa ang mga bisig nito.
Lumulahang nakatitig sa kanya si Honey. "Napapagod na ako hon..,natatakot ako,"nanghihinang sabi ni Honey sa kanya.
Niyakap sya ni Peter sabay tulo din mga luha nito. "Kaya natin to, lumaban ka hon..".
Muli nya itong niyakap ngunit Napasigaw siya sa sakit ng biglang kinagat nito ang kanang taenga nya.
Muling nanlilisik ang mga mata ni Honey at nagbago muli ang anyo nito na malademonyo ang mukha .
Dali-dali namang tinulungan ni Pau si Peter para hawakan nila si Honey na magkabilaan .
Mabilis naman iwinisik ni padre Arian ang holy water sa katawan ni Honey na pilit kumawala sa pagkakahawak ng dalawang lalaki.
"Hawakan nyong mabuti!",sigaw ni padre.
Nagdasal muli sya at may binasa syang salita ng dyos na nakasulat sa bibliya.
"Sa ngalan ng kataas-taasang Panginoong Yaweh! At sa ngalan ng anak na si Hesus! Lubayan mo ang katawang - lupa ng babaeng ito!", halos mag panting ang ugat sa leeg ni padre Arian habang nagsasalita.
" hon... Maawa kayo..nasasaktan ako..", hinaing ng nagmamakaawang mukha ni Honey.
"' wag nyo siyang bibitawan!", madiin na utos ni Padre.
" ikaw ay nanggaling sa dugo at laman ng anak ng dyos ni si Hesus! Umalis ka sa katawan ng babaeng yan! ", halos maubos ang holy water sa kakasaboy ni padre sa katawan ni Honey.
"Sa ngalan ni Hesus! At banal na angel sa kalangitan! Inuutusan kitang sabihin mo ang iyong pangalan!", ubod lakas na sigaw ni Padre Arian kasabay ang pag buhos ng holy water sa ulo ni Honey.
"Amarrahhh!!!", sigaw ng demonyong sumanib kay Honey.
Pagkasabi nito ay tila nauupos at pagkawala ng malay -tao ni Honey.
Tila namang kinain ng langit ang masamang spirito at kasabay nun ay lumiwanag ang langit at bumalik na sa mapayapa ang gabi. At natapos narin ang kababalaghan sa buhay ni Honey.
Kitang-kita ni Pau ang pagngite ng kaluluwang si Melissa. Alam nyang payapa na ang kaluluwa nito.
-END-
" kahit ano mang kasamaan ay matatalo parin ng kabutihan.
-belle