webnovel

CAN'T SAY NO

AIKKA's POV

"Spade, please lang..don't ruin my night. I'm trying to enjoy this party." sabi ko sa kanya.

"I know, hindi ko naman gustong sirain ang gabi mo eh"

Sigh. Ayan na naman siya.

"gusto ko lang na pakinggan mo ako this time" him.

Para matapos na, pagbibigyan ko siya ngayon.

Okay self....

Be calm.

"sige, ano iyon?" mahinang ask ko.

"about ito sa plan, you just need to pretend as my girlfriend para mahuli natin kung sino man iyong gumugulo sa Academy" him.

"Okay. Yun lang?" sabi ko para matapos na ang usapan.

But he looks amazed at parang hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko. Bahala siya. May pinag-uusapan pa kami ni Nathan eh. Masyado siyang istorbo!

"Really? okay lang sa iyong magpretend na gf ko?" him while smiling.

"hoy manyak, baka iba na naman ang iniisip mo huh? PRETEND lang di ba? in tagalog...magpanggap lang..okay? kaya anong nginingiti-ngiti mo dyan?" me.

Nakakairita talaga itong kumag na ito. Sarap batukan eh.

"wala...saka makamanyak ka naman. Bakit sinilipan ba kita?"

"grr! ewan!" nagsimula na akong maglakad.

Bwiset siya! Panira talaga siya ng araw!

"sabi mo iyon huh? may record ako, its a deal"

May padeal-deal pa ang payatot na iyon.

Hmp!

Bumalik na ako sa pwesto namin ni Nathan.

Uminom muna ako ng red juice saka ko ulit pinakalma ang aking sarili.

Inhale.

Exhale.

Inhale.

Exhale.

In.....hale_

"Ms. Aikka Montero, pwede ba kitang ligawan?" tapos someone from my back gave the 3 red roses.

Biglang bumilis ang tibok ng aking puso.

Nilingon ko kung sino ang nagbigay ng roses.

And its Nathan.

Tama, si Nathan!

Am I dreaming?

Is it really true na he's gonna court me?

O//////////O

Anong sasabihin ko?

Shocks!

"ah..I know na biglaan. Gusto ko lang kasing maging direkta, natatakot kasi akong baka mawalan ako ng pagkakataong tanungin ka ngayong gabi" ramdam ko ang kaba habang sinasabi niya iyon.

He's serious nga about it...and I'm so happy!

Someone popular like him, nagkagusto sa isang katulad ko.

Haba ng hair ko!

"Pero kung hindi ka pa naman handang magpaligaw..o_okay lang, naiintindihan naman kita. Kung hanggang friends lang muna, handa naman akong maghintay....kasi....naniniwala naman akong kapag gusto mo talaga ang isang tao, handa kang maghintay hanggang sa ibigay siya sa iyo. Para 'ring pangarap.....handa kang maghintay hanggang sa maabot mo iyon" him.

Okay, mas lalo niya akong pinakilig sa mga sinabi niya.

"so you mean, isa ako sa mga pangarap mo?"

NATHAN's POV

Nasabi ko na rin ang salitang iyon. Sa wakas!

Pero wala pa rin siyang reaksyon.

Kahit ano na ang mga sinabi ko sa kanya, nakatingin lang siya sa akin.

Nabigla nga ata talaga siya.

Paano ba ito?

"Pero kung hindi ka pa naman handang magpaligaw..o_okay lang, naiintindihan naman kita. Kung hanggang friends lang muna, handa naman akong maghintay....kasi....naniniwala naman akong kapag gusto mo talaga ang isang tao, handa kang maghintay hanggang sa ibigay siya sa iyo. Para 'ring pangarap.....handa kang maghintay hanggang sa maabot mo iyon" sabi ko.

Ayoko naman rin siyang ipressure eh at ayokong masira ang pagiging magkaibigan namin.

"so you mean, isa ako sa mga pangarap mo?"

Nang tanungin niya ako tungkol doon.

Gusto ko sana sabihin agad kung gaano katagal na akong nagpapantasya sa kanya.

Kaso, kailangan ko pa ring maging pormal.

Gusto kong siya mismo ang makapagsabi sa sarili niyang totoo ang mga sinasabi ko.

Ngumiti lang ako tapos inayos-ayos ko ang buhok niya.

"Actually, may ikukwento ako sa iyo Aikka"

Tumingin siya ng maigi sa akin at handa naman siyang makinig.

"May isang prinsesa na nakatira sa isang napakalaking palasyo. Maganda siya, matalino at hinahangaan ng mga taga-Nayon.

Maraming mga kalalakihan ang nagkakagusto sa kanya ngunit dahil sa mga kwento-kwentong ipinapakalat na hindi maganda tungkol sa prinsesa ay natakot ang mga prinsepe na manligaw sa kanya. Ngunit may isang binatang taga-karatig Nayon ang nangahas na magkagusto sa prinsesa kaya ginawa niya ang kanyang makakaya upang makapagserbisyo lang sa palasyo. Ninais niya na palaging makita ang prinsesa at binigyan siya ng pagkakataon na mangyari iyon...nakapasok nga siya sa palasyo. Lingid sa kaalaman ng prinsesa, lagi siyang pinagmamasdan ng binata, nakahiligan na rin niya ang mga bagay-bagay na kinahiligan din ng prinsesa. Natutuwa siya sa tuwing nakikita niyang masaya ang dalaga. Mabait naman talaga ang prinsesa't malapit ang loob niya sa mga bata. Dumating ang araw na naging magkaibigan ang binatang iyon at ang prinsesa. Sa abot ng makakaya ng binata'y pinapangiti siya nito. Hanggang sa dumating ang kaarawan ng prinsesa, at dahil mahalaga ang prinsesa sa buhay ng binata..lahat ng meroon siya ay ipinagpalit niya sa mamahaling porselas bilang regalo nito sa kaarawan niya."

"so nung pumunta ka sa bahay noon, alam mong birthday ko?" biglang tanong niya.

Matalino talaga siya. Alam niya agad na siya ang tinutukoy ko.

"Aikka, matagal na kitang.... gusto at... tama ka, alam kong birthday mo noon kaya ako nagpunta sa bahay nyo" utal ko pang sabi.

"kailan mo pa ako nagustuhan? saka bakit sa akin ka nagkagusto?"

"Aikka, hindi ka naman mahirap magustuhan... lahat ng katangian ng babae na gusto ng mga lalaki ay nasa iyo" sabi ko.

"talaga?" tapos bigla siyang ngumiti.

Papayag na kaya siyang ligawan ko siya?

""well.....okay...pumapayag akong ligawan mo ako"

"talaga?!!! yes!!!!"

Tapos biglang nagtinginan ang mga tao sa amin. Napalakas ata ang boses ko.

Grabe!

Pilit ko mang pigilan ang sayang nararamdaman ko ngayon pero hindi ko talaga mapigilan eh. Abot tenga talaga ang ngiti ko ngayong gabi.

"by the way, I just wanted to let you know na pinasaya mo ako noong birthday ko kaya sobrang thank you dahil pumunta ka"

Tae... kinilig ako bigla sa mga sinabi niya ah.

Parang gusto kong magtatalon-talon dito sa loob dahil sa nararamdaman ko.

Tss. Ano ba iyan...para tuloy akong bakla sa mga sinasabi ko ngayon.

"Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para pasayahin ka araw-araw"

"I'm gonna expect that from now on" she smiled.

(from jolly music, biglang nagpalit ng tugtog....isang napakamalumanay na tugtog)

Yinaya ko si Aikka para isayaw siya. Pumayag naman siya't sumabay kami sa mga students na nagsasayawan na rin sa gitna.

Iniyapos niya ang kanyang dalawang kamay sa may leeg ko. Dahan-dahan ko namang ihinawak ang dalawa kong kamay sa bewang niya. Masyado nang magkalapit ang aming mga mukha. Pinagmasdan ko ang napakaganda niyang mata, matangos na ilong at mapupulang niyang labi.

Napalunok tuloy ako bigla.

Nararamdaman ko ang mainit na hininga niya. At para bang may kuryenteng dumadaloy sa aking buong katawa't gustung-gusto ko ang pagkakayapos niya sa akin.

"Nathan....."

Nagfocus ulit ako sa kanya.

Ibinalik ko ang aking imahinasyon sa kasalukuyan.

"bakit Aikka?"

"si Jenna..."

Bigla siyang lumayo sa akin kaya nahinto ang pagsayaw namin.

"pinsan mo pala ang kasama mo ngayon huh?" nakaekis na kilay'ng sabi ni Jenna.

Hindi ito maganda.

"Jenna, please be calm." sabi ko.

"explain to me everything!" bigla siyang umalis.

Siguro, kailangan ko siyang makausap ngayon.

"Ah...Aikka, kakausapin ko lang siya saglit kung okay lang sa iyo" sabi ko.

Tumango siya kaya ibig sabihin na pumapayag siya. Sinundan ko si Jenna this time. Gusto kong ipaliwanang ang lahat para tigilan na rin nya ako.

Chương tiếp theo