"Ayaw mo?" umupo siya sofa.
"Gusto" agad na sabi ko.
Baka magbago pa ang isip eh.
"Hep! may maganda akong naisip, sasama kami ni Manong Mike!" sabi ni Kuya Edmundo na ayaw nang magpaawat.
"tama-tama! para mabantayan kita" tapos pinikpik ako ni Manong Mike sa balikat.
Hindi ko ito iniexpect ah.
Nauna na silang lumabas kaya sumunod na rin ako sa kanila.
"Ako na ang magdadrive" sabi ni Kuya Edmundo.
"Ano bang sasakyan natin? Cadillac Escalade ba o yung Lexus?" tanong ni Manong Mike.
"Ano ka ba, madami tayo, natural..itong Cadillac muna ang gagamitin natin"
Sumakay na si Aikka sa sasakyan. Umupo siya katabi ni Kuya Edmundo. Ang katabi ko naman ay si Manong Mike na kanina pa iba ang tingin sa akin. M_May nagawa ba akong hindi maganda?
"saan mo ba kami balak dalhin ijo?" biglang tanong ni Manong Mike sa akin.
Napalunok tuloy ako bigla.
"ah...eh, kung saan gusto ni Aikka" sabi ko na lang. Tae. ang awkward naman kapag katabi ko si Manong Mike.
"Since you will be the one who will treat us, I'll leave the decision to you." sabi naman ni Aikka.
"S_sigurado ka ba doon?" tanong ko.
Hindi na siya sumagot kaya siguro ang ibig sabihin nun ay "oo".
"Sige, sa Planet Games po tayo" sabi ko kay Kuya Edmundo
"huh? magaarcade kayo? seryoso? akala ko ba kakain tayo?"
"ah..eh...."
"hindi pa kaya kami nag-aalmusal, di ba Mike?" tanong niya kay Manong Mike kaya napatingin siya sa akin.
O_okay. Mas maganda kung kakain na nga lang kami.
"G_ganon po ba? sige po, ahm, kaso..."
Ang problema lang kasi....
Paano ko ba sasabihin na hindi kasya ang budget ko para sa apat na tao. Yung savings ko ay para lang sana sa aming dalawa ni Aikka eh. Mapipilitan ata akong sa mumurahing foodchains sila dalhin.
"kaso po ..."
Hindi ko kayang sabihin.
Siguro, tutulong na lang ako kay tita sa pagtitinda sa palengke para may extra income ako kasi sigurado akong magagastos ko ang para sa susunod na buwang allowance ko, ngayon.
"ah sa Fantastic Podium po tayo" sabi ko.
"talaga? not bad" ngumiti si Kuya Edmundo at nagsimula na siyang magmaneho.
Ilang minuto nang katahimikan....
"Doon na lang tayo sa Resto na malapit sa school, gusto kong pakinggan ang Syntax Band" biglang sabi ni Aikka.
Teka, ayaw niya ba sa mamahaling restaurant?
"pero ma'am....."
"just do what I say Kuya Edmundo"
Hindi na umimik si Kuya Edmundo. Sinunod na lang niya ang sinabi ni Aikka.
Mukhang wala ata sa mood si Aikka ngayon. Birthday na birthday pa naman niya.
Ilang minuto ulit ng katahimikan....
Tae. Ang awkward naman. Kailangan ko na talagang magsalita ngayon. Ano bang magandang topic?
Isip brad..
Isip..
Ah, alam ko na!
"ah Aikka, 'yung about pala sa design, may contact na ako para tulungan tayong magbrainstorm."
"Really? Good. Sino naman iyon?"
"Ipapakilala ko siya sa Monday, magkita tayo sa coffee shop pagkatapos ng classes natin"
"okay, make sure na hindi mo ako pag-aantayin doon sa wala"
"oo naman, huwag kang mag-alala"
.....
"We're here" sabi ni Kuya Edmundo na halatang hindi siya masaya. Eh anong magagawa namin? she's the boss.
Bumaba na kami at pinagbuksan ko ng pinto si Aikka.
"brad, huwag mong papabayaan si Aikka huh? doon lang kami sa dulo't may kakausapin lang kami" tinapik niya ang aking balikat at inaya niya si Manong Mike sa dulo kung saan may dalawang babae akong nakita na nakaupo lang sa may stool.
Nagthumbs up lang ako kay Kuya Edmundo ng lumingon siya ulit sa akin.
Sinamahan ko na rin si Aikka na maghanap ng pwedeng maupuan.
"Hey dude! anong ginagawa mo dito?" lumingon ako. Si Brent pala, kaschoolmate ko.
"ah, sinamahan ko lang si Aikka"
Tapos, nakita kong nakaupo na si Aikka sa gilid, na medyo malapit sa platform.
"Aikka?" tiningnan niya ang kinaroroonan ni Aikka.
"Oo, di ba magkaklase kayo?" sabi ko sa kanya.
"Oh yes..yes!, well, are you guys dating?"
Hindi pa. Pero parang lang. Inaassume ko lang na nagdedate kami.
"ah, hindi...." sinabi ko na lang kasi ayaw ko namang magsinungaling.
"okay? so, can I join you too?"
Join?
Seryoso ba siya?
"ah...tanungin mo si Ai_"
"It's okay bro!" tapos dali na niyang nilapitan si Aikka.
"Ms. Montero, you're here, ano naman ang nakain mo't naisipan mong pumunta dito?" hindi magandang pagkakasabi ni Brent habang dala ang glass of wine niya.
"matagal na akong nagpupunta dito, saka ano bang pake mo huh?"
Hindi na ito maganda.
"hay naku, andyan ka na naman...nagsusungit ka na naman. Kaya ang sarap mong asarin eh" pilyong ngumiti si Brent.
Iniinis niya ba si Aikka?
"Brent, huwag mong sirain ang araw ni Aikka ngayon please" awat ko na sa kanya.
"Oh, here is the boyfriend, I'm sorry bro" inakbayan niya ako.
"Brent, please" mahinang sabi ko sa kanya.
"I know, I know! Pero gusto ko lang itong sabihin sa iyo...Hindi kayo bagay ni Ms. Montero...marami namang iba dyan ah, why her?"
Nang-iinsulto ba siya?
Loko to ah.
"Shut up, walang kami okay. Masaya ka na?" sabi ni Aikka tapos tumingin ulit siya sa platform.
Walang kami. Aray...
Ang sakit naman pakinggan iyon. Sa bagay, tama naman siya.
"magandang umaga po sa inyong lahat!"
Napalingon kaming lahat sa may harapan, nagsimula na rin kasing magsilabasan ang mga miyembro ng Syntax Band, inaayos na rin nila ang mga instrumentong gagamitin nila sa pagtugtog.
"Ako po pala si Ivan, lead vocalist ng Syntax Band, maraming salamat po sa pagdayo ninyo ngayon dito sa Haven's Restobar, marami rin pong salamat sa walang sawang pagsuporta ninyo sa musika namin"
Iginala niya ang kanyang paningin sa mga audience.
"Alam kong hindi na bago sa inyo ang mga musikang inihahandog namin sa bawat pagpunta ninyo dito, but sana magustuhan ninyo ang kantang aawitin namin sa umagang ito"
Tapos napatingin siya bigla sa direksyon namin. Ikinaway naman ni Brent ang dala niyang glass of wine kaya napansin niya kami at si Aikka.
"May nakita akong isang magandang binibini dito sa gilid" bumaba siya sa platform habang dala ang wireless mic.
Nakita ko ang reaksiyon ni Aikka.
Teka, bakit parang ang saya niya ng lapitan siya nito?
"Hello Miss Beautiful, anong pangalan mo?"
"Ah...Aikka"
"matagal ka na bang nagpupunta rito?"
"hmmm..siguro twice a month"
"okay, did you already hear me sing?" ngiting tanong ni Ivan.
Tae. Interesado ata ang isang iyon kay Aikka ah.
"Yes, idol ka nga niya eh" singit naman ni Brent. Isa pa ito. Kapag hindi talaga ako nakapagpigil!
"oh wow! talaga? ikinagagalak ko iyong malaman Ms. Aikka"
"ah..w_wala iyon. Ang ganda kasi ng boses mo."
"thank you, ahm, may boyfriend ka na ba?"
Pake niya doon saka bakit niya iyon tinatanong? bawal siyang magpaligaw sa iba. Dadaan muna sila sa akin.
"hindi pa siya nagpapaligaw eh" singit ko sa usapan nila.Tapos, kinuha ko 'yung wine na iniinom ni Brent.
"Bro, ano ito? nagseselos ka ba?" nakangiting sabi ni Brent.
Nang marinig naman iyon nung lalaki, ibinaling niya ulit ang kanyang atensyon kay Aikka.
"ah, pasensya na. Are they you're suitors?" pabulong na tanong ni Ivan kay Aikka na rinig naman namin. Magsasalita na sana si Aikka pero tinawag na ito ng mga kasama niya.
"Ivan, okay na, nakaset na ang lahat! mamaya na iyan!"
"okay. Ms. Aikka, nice meeting you, sana mag-enjoy ka sa araw na ito" tapos umakyat na siya sa platform at nagsimula nang magperform. Buti naman! kasi sa totoo lang
nawawalan na ako nang ganang makinig sa kanta nila.
"So, ano? hindi kayo magoorder ng pagkain?" Brent.
Oo nga pala.
"Anong gusto mo Aikka?" tanong ko sa kanya, Muntik ko nang makalimutan na we're here to celebrate her birthday.
"Orange lemon lang ang sa akin"
"okay, magoorder na ako. Pupuntahan ko rin sila Kuya Edmundo at Manong Mike"
Tumayo na ako pumunta sa kinaroroonan nila Kuya Edmundo.
Kausap pa rin nila 'yung mga babae kanina.
"Oh, ba't mo iniwan si ma'am?" tanong ni Manong Mike.
"itatanong ko lang po kasi kung ano ang gusto ninyong iorder?"
"light lang na maiinom, alam mo na iyon" sabi naman ni Kuya Edmundo na parang ayaw maistorbo sa pakikipag-usap sa new found friend niya.
"okay po"
Nagorder na ako. Pagkatapos nun babalik na sana ako sa table, kaso I saw her smiling habang nakikinig sa kinakanta ng Syntax Band.
Kaya huminto muna ako at pinagmasdan siya.
Wala lang, gusto ko kasi siyang nakikitang masaya. Kahit minsan lang.
Thank you guys.....salamat po sa mga suporta! Mas naencourage po akong ipagpatuloy ang story. Maraming salamat po!