webnovel

Matalino Man Ang Matsing

Milky, okey ka lang?"

Tanong ni Eunice ng mapansing malalim ang iniisip nito.

Nasa may bintana ito nakatingin sa lugar kung saan gaganapin ang party. Inaayusan na ito ngayon.

Bukas na ang party at tumataas na rin ang tensyon sa paligid, isama pa ang stress ni Fidel na maya't maya nyang nakikita.

Naapektuhan na si AJ.

At ngayon nasa harap nya si Eunice tinatanong kung 'okey lang ba sya?', paano nya sasagutin ito, ayaw nyang magsinungaling dahil alam nyang mahirap magtago ng totoo nyang nararamdaman sa babaeng mahal nya.

Nang walang nadinig na sagot, nilapitan sya ni Eunice.

"Halika, maupo tayo!"

Sabi ni Eunice

Naupo sila sa sofa.

"Humiga ka rito!"

Tinapik ni Eunice ang mga binti nya para ihiga ni AJ ang ulo nya dito .... at sinunod naman ni AJ ang pinagagawa ni Eunice.

Masaya na syang maramdaman na malapit si Eunice sa kanya, kumakalma sya pag nasasamyo nya ang halimuyak nito.

Ngunit mas higit pa ang naramdaman nya ng dumapo ang mga daliri ni Eunice sa noo nya at unti unting masahihin ito. Gumaan ang pakiramdam ng ulo nya, unti unting nyang nakalimutan ang lahat ng iniisip nya.

Ngunit ngayon ay iba na ang iniisip nya sa tuwing nakikita nya ang mga labi nitong malambot at manipis na parang tinatawag sya na.

"Coffee..."

Hindi na napigilan ni AJ ang sarili, hinalikan nya si Eunice na ikinagulat ng huli.

Pero sandali lang pagkagulat iyon, sinagot din sya ni Eunice ng mainit na halik.

Hinayaan ng dalawa na maghari ang nagaalab nilang damdamin sa isa't isa. Wala na silang pakialam sa kung nasaan man sila, uhaw na uhaw na sila sa isa't isa.

Matagal ng handa si Eunice na ibigay ang buo nyang sarili kay AJ hinihintay nya lang ang nobyo. Kaya ngayon, saan man sila dalhin nito, handa na sya. Ramdam nyang napukaw nya ang pagkalalaki ni AJ medyo wild sya ngayon, parang may gusto itong marating at handa na syang samahan si AJ na abutin iyon.

Hangang sa ....

"Ehem!"

Biglang tumigil ang lahat at unti unti silang ibinalik sa realidad.

Biglang tayo si AJ sabay talikod inayos ang sarili pati ang damit.

Pati si Eunice ay nawala na rin sa direksyon ang suot na damit.

"Mommy!"

Nakasibangot ito.

Sabay ayos ni Eunice sa sarili.

"Ay lintek kang bata ka ikaw pa ang may ganang magalit! Subukan nyo kayang magsara ng pinto!

Pero sa susunod nyo na gawin iyon, tumigil muna kayo sa lampungan nyo dyan at dumating na sila Nanay Issay at Tatay Miggy, salubungin nyo!"

At lumabas na ng silid si Nichole.

'Hmp! Pasalamat nga siya hindi ang Daddy nya ang nagpunta dito!'

Inis na sabi ng isip ni Nichole. Gusto nyang kurutin sa singit ang anak pinigilan nya lang at andun si AJ.

Sa silid.

Napakamot si AJ.

"Mag quick shower lang ako!"

Sabi nya kay Eunice.

Sige dun lang ako sa silid ko!"

Namumulang sabi ni Eunice, hindi matingnan si AJ.

*****

Muling pinaimbestigahan ni Cong Mendes si Lemuel gaya ng payo sa kanya ni Leon.

Curious sya sa kung ano ang nakita ni Leon.

Pero, pareho pa rin ang resultang dumating.

Alam na nya ang tungkol sa kidnapping case ni Lemuel pero ngayon nya lang nalaman na si Eunice pala ang kinidnap nya.

Ngunit natitiyak nyang hindi ito ang nakita ni Leon.

Hindi dito sa Pilipinas pinagawa ni Ames ang DNA test, sa Australia. Kaya hindi ito basta basta mahahalukay ni Cong. Mendes at wala ring balak si Leon na ishare ang nalalaman nya.

Pero may pagdududa na sa isip ni Cong. Mendes na hindi nya maalis alis. May hindi tama, kung ano yun kailangan nyang malaman.

At naiinis na sya sa kakulangan ng impormasyong dumarating sa kanya.

"Isa lang ang paraan para makakuha ako ng impormasyon .... pipigain ko si Lemuel!"

Kaya si Lemuel, laking gulat ng bigla syang bitbitin ng mga tauhan ni Congressman at dalhin sa isang lumang kwadra ng kabayo.

"Bakit nyo ako dinala dito? Ano ba itong ginagawa nyo sa akin? Alam ba ito ni Congressman?"

Galit na sabi nya sa mga tauhan ni Congressman.

"Tumahimik ka dyan Tanda, si Congressman mismo ang nagutos sa amin!"

"Ano?"

Hindi makapaniwala si Lemuel.

"Oh, saan ka pupunta? Sinabi ng dito ka lang diba?"

"Hahanapin ko si Congressman at tatanungin ko sya!"

Sagot ni Lemuel.

"Huwag kang mangulit Tanda, manatili ka dyan at antayin mong dumating si Congressman!"

Singhal sabay tulak kay Lemuel.

Papalag pa sana ito pero tinutukan sya ng baril ng isa sa kanila.

Tahimik na naupo si Lemuel.

Makalipas ang isang oras, dumating si Congressman.

Pinaalis muna nya ang mga tao sa bahay nila bago nya hinarap si Lemuel.

"Congressman, ano ba 'to? Bakit nyo ako dinala dito?"

Tanong agad ni Lemuel

Tumayo pa ito at agad na lumapit kay Cong. Mendes pero hinarang ng isa sa mga tauhan nito.

"Dahil napipikon na ako, Lemuel! Masyado ng matagal ang binigay kong oras sa apo mong si Allan pero ni hindi man lang nya binigyan ng pansin lahat ng pagpaparamdam ko! Bakit?"

Tanong ni Congressman.

"Baka naman busy lang! Kung gusto mo puntahan natin! Natitiyak kong papansinin ka nun kapag nakita nya ako! Sinabi ko naman sa'yo pumunta na tayo ng hacienda eh!"

Sabi ni Lemuel.

"Papaano ka makakalapit dun, sobrang higpit na ng security ng buong Hacienda Remedios! Makapasok man tayo sa hacienda pero hindi sa mansyon! Wala ng pinapapasok sa loob ng mansyon naka kandado ito at sa darating na party na muling bubuksan!"

Simula kasi ng dumating si Issay at Miguel, apat na grupo na ang security.

Security ng mansyon, security ni Edmund, security ni Gene at security ni Miguel. At naka palibot sila sa buong mansyon.

Hindi inaasahan ni Cong. Mendes ang ganitong kahigpit na security.

'Sino ba ang bisita nila at napaka raming security?'

"Pero, paano kami magkikita ni Allan kung hindi tayo makakapasok ng mansyon?"

Tanong ni Lemuel.

May mga tao ako sa loob na binigyan ko na ng signal. Sila ang gagawa ng paraan para magkausap ko ang apo mo!"

Nakangising sabi ni Cong. Mendes.

Wala na syang choice, bukas na ang party pero hindi pa nya nahahawakan sa mga kamay nya si Aaron.

Samantala, sa mansyon.

Kasalukuyang nasa shower si AJ ng pasukin sya ng isa sa tauhan nya.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit ka pumasok?"

Tanong ng nabiglang si AJ na nasa shower pa, hubo't hubad.

"Pasensya na po Sir AJ pero kailangan naming gawin ito!"

Lalong nagulat si AJ ng makitang hindi ito nagiisa.

Kanina pa nagaantay ng pagkakataon ang mga ito na pasukin si AJ pero hindi sila nakakilos dahil biglang dumating si Eunice kaya nagantay sila.

Mabuti na lang at dumating si Nichole para sabihing may dumating na bisita, natigil tuloy ang ginagawa ng dalawa at lumabas na si Eunice.

Nakakita sila ng pagkakataon.

"Ano bang kailangan nyo sa akin at sino ang nagutos sa inyo? Hindi ba kayo natatakot?"

Tanong ni AJ sa dalawa.

Umalis na ito ng shower at hinarap ang dalawa.

"Sir, natatakot po pero .... pasensya na po, nakasalalay ang buhay ng pamilya namin kapag hindi namin ito ginawa!"

Ramdam ni AJ na napipilitan lang sila.

"Sir gusto ka lang naman nyang makausap yun lang po, tapos nun aalis na po kami!"

"At sino ba yang tinutukoy nyo?"

Dinayal na ng isa ang numero ni Cong. Mendes.

"Congressman, andito na po si Sir Aaron."

Agad na ibinigay nito ang cellphone kay AJ.

"Sino 'to at bakit gusto mo akong makausap?"

Tanong ni AJ.

"Dahil masyado kang isnabero! Ang gusto ko lang naman ay makipag kaibigan sa'yo!"

"Namimili ako ng kaibigan. Ayoko sa hindi marunong rumespeto sa karapatang pantao!"

Sagot ni AJ

"Ganun ba, pwes pipilitin kong baguhin ang pananaw mo. Narito sa poder ko ang Lolo lemuel mo!"

"Allan apo, ako 'to ang Lolo Lemuel, gusto kitang makita apo!"

Saglit nyang pinakausap si Lemuel para patunayang nasa poder nya ito.

"Hindi ko Lolo si lemuel, patay na ang dalawa kong lolo at hindi Allan ang pangalan ko!"

"Pwede ba Aaron o kung sino ka man, huwag na tayong maglokohan, alam kong huwag ka, hindi ikaw ang totoong anak ni Jaja. Mabait naman ako kaya gusto ko magkasundo tayo ...."

" .... hindi ko ipagkakalat na huwad ka at ipinangagako ko sa'yo ang kalayaan ng lolo mo!"

"Hahahaha! Nakakatawa ka! Wala akong pakialam sa sinasabi mo! Gaya ng sabi ko, hindi ko kaano ano yang taong nasa poder mo! Kung ayaw mong maniwala bakit hindi mo tanungin ang anak nyang si Lemuel na si Ms. Ames? Inaantay nya ang tawag mo!"

Sabi ni AJ.

Napaisip si Cong. Mendes.

'Bakit ako inaantay ni Ames, alam na kaya nyang nasa akin ang tatay nya?'

"Cong. Mendes, may kasabihan tayo, matalino man daw ang matsing napaglilinlangan din! Magsama kayo ni Lemuel sa kangkungan!"

At inoff na nya ang cellphone, hindi na nya ito gustong kausap.

Tapos ay itinapon nito ang cellphone sa inidoro at saka flinash na ikinagulat ng dalawa.

"Aba't .... "

Hindi makapaniwala si Cong. Mendes na binabaan sya ng cellphone ni AJ.

Muli nya itong idinayal pero hindi na nagri ring.

Sinubukan namang kunin ng isa ang cellphone at doon na nakakita ng pagkakataon si AJ. Sinipa nya ang isa at pinukpok nya ng vase na naroon ang isa saka sya tumakbo palabas ... hubo't hubad.

Chương tiếp theo