webnovel

Sino Yung Dumating

Sa main entrance dumaan si Nichole. Dirediretso ito at nilagpasan lang ang dalawang guard sa entrance.

"Mam! Mam! Sandali lang po!"

Habol ng isa sa kanila hanggang lobby.

Pero hindi huminto si Nichole sa paglakad, initsa na lang nya ang ID pass nya sa guard.

"Mam sandali lang po!"

Tawag ng guard.

Pero hindi sya pinansin ni Nichole, nasira na ang mood nya dahil sa babaeng yun.

"Anong ginagawa mo dito sa loob?"

Tanong ng Head of Security sa guard na humahabol kay Nichole.

Hanggang sa labas lang ang mga guard para magbantay ng mga pumapasok at ang security na personal na tauhan ni Edmund ang mga nasa loob. Hindi nila pinapayagan na pumasok ang mga guard sa loob hanggang labas lang sila.

"Sir, yun po kasing babae, dirediretso hindi huminto!"

Paliwanag ng guard.

"Diba nasa iyo na ang ID nya, bakit hinahabol mo pa? Bumalik ka na sa pwesto mo!"

Singhal ng Head of Security.

Pero hindi umalis sa pagkakatayo ang guard at ayaw pa rin alisin ang tingin kay Nichole.

Napikon na ang Head of Security.

"Martin, palabasin mo na nga itong guard na 'to, tapos tumawag ka sa agency nya at sabihin mong palitan na ito! Ayaw ko ng taong hindi marunong sumunod!"

Utos ng Head of Security sa isa sa mga subordinate nya saka tumalikod na ito at humabol kay Nichole na papunta ng elevator, hindi na pinansin ang pakiusap ng guard.

Kailangan nyang maghigpit at magingat, isa sya sa nakakaalam ng nangyaring pagkidnap kay Eunice.

Hindi naman maiwasan ang mga bulungan ng mga naroroon.

"Sino ba yun, bakit parang ang taray ng dating?"

"Ewan ko, basta ang alam ko may board meeting na nagaganap, baka duon yan pupunta!"

"Wala ba kayong napansin, kamukha nya si Ms. E, mas payat na version nga lang!"

"Oonga! Baka nanay ni Ms. E yun?"

"Akala ko ba si Ms. Nadine ang nanay ni Ms. E? May hawig din kasi yung dalawa!"

"So, kung si Ms. Nadine ang nanay ni Ms. E, sino nga yung dumating?"

Habang papuntang elevator, nadinig lahat ni Nichole ang mga bulung bulungan.

'Grabe nagbulungan pa nadinig ko rin naman!'

'Buti pa si Ate Nadine kilala nila! Mukhang kailangan ko naring dalasan ang pagpunta dito!'

"Mam pasensya na po! Ako na pong maghahatid sa inyo sa taas!"

Sabi ng Head ng Security na nakahabol sa kanya sa may elevator.

Natural na kilala nya si Nichole dahil nuon pa man alam nyang asawa ito ni Edmund.

Tahimik lang si Nichole. Nagtitimpi. Kaya hinayaan na lang nya itong alalayan sya paakyat.

"Mam Nichole, sya po si Janice ang secretary ni Sir Edmund!"

"Magandang araw po Mam Nichole, ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?"

'Sa kwento ni Earl, klasmeyt ni Eunice itong si Janice.'

'Mukhang magalang at mabait na bata.'

"Janice, saan ang meeting ng mga board of directors?"

"Duon po Mam, sasamahan ko po kayo!"

Sa loob ng meeting room.

Naroon si Edmund, si Eunice, si Nadine, si Dave at ang babaeng tinatawag ng guard kanina na Director Ruiz.

"Gusto ko lang malaman bakit hindi natin pwedeng pakialaman at kontrolin ang management ng Tulip Company! Hinahayaan natin silang basta na lang magdesisyon! Bakit?"

Tanong ng babae

Sasagot na sana si Edmund pero inunahan sya ni Eunice.

"Kasi, hindi naman pagaaari ng NicEd Corp ang Tulip Company. Fifteen percent lang ang share ng NicEd kaya ang desisyon making nasa presidente pa rin ng Tulip Company!"

Sagot ni Eunice.

'Wow, gumagaling na ang anak ko! Hehe!'

Feeling proud si Edmund ng mag paliwanag ang anak, parang gustong ipagsigawan na, 'ANAK KO 'TO!'.

"Akala ko ba kaya tayo nakipag tie up sa Tulip Company so we can control the company?"

Muling hirit ng babae.

"I don't remember na nakipag tie up ang NicEd sa Tulip, as I understand, nag invest lang ang NicEd Corp. sa Tulip Company para masubukan nila ang Gaming Company. Kaya nga 15% lang ang ang shares ng NicEd sa Tulip.

Sagot ni Eunice.

Naiinis na ang babae sa pagsagot sagot ni Eunice at mas lalo syang naiinis dahil tila pinanonood lang sya ni Edmund, Nadine at Dave.

'Hindi maari ito, marami ang lumalapit sa akin para makapasok sa Tulip Company. Kailangan kong magkaroon ng access dun!'

"Teka sandali, sino ka nga ba at bakit nandito ka?"

Tanong ng babae kay Eunice.

Napatingin sa kanya ang lahat ng naroon.

"Hindi mo ba narinig ng ipakilala sya kanina ni Dave?"

Tanong ni Nadine.

"Eh, Ms. Ruiz, sya po si Ms. Eunice ang representative ni Mam Nichole."

Sabi ni Dave.

Ito ang unang beses na umattend ng Directors meeting si Eunice dahil utos ng ama, may mahalaga kasi syang sasabihin.

"So, bakit sya nakikialam representative lang naman pala sya?"

Mataray na tanong ng babae.

Biglang bumukas ang pinto.

"Eh, ikaw? Who do you think you are?"

Tanong ni Nichole. Nadinig nya ang huling tanong nito.

Nagulat ang lahat sa biglang pagdating nya.

"Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok? Security! Ilabas nyo nga ang babaeng 'to!"

Sabi ng babae.

Pero walang pumasok na security ni isa.

"You all look surprise! Hehe!"

Sabi ni Nichole.

"Huwag mong sabihing nadaan ka lang?"

Sabi ni Nadine.

"Hindi, sinadya ko talagang magtungo dito. Dumarami na kasi ang mga umaaligid na surot at anay sa asawa ko, gusto ko silang tirisin!"

Sagot ni Nichole.

"Mom!"

Tumayo si Eunice at humalik sa ina.

"Mag ina kayo? Kung ganon.... "

Tanong ni Ms. Ruiz.

"Ako si Nichole ang pathetic na babaeng hindi marunong lumugar na hindi pinapasok ng security sa private elevator kanina.

Ang ipinagtataka ko lang .... private elevator yun, exclusive para sa mga Perdigoñez family pero paano ka nakasakay dun .... Director Ruiz?"

Narinig ng Head of Security ang sinabi ni Nichole kaya kumilos ito agad para matanggal ang nasabing security.

"Director Ruiz? Sinong Director? Huwag mong sabihing IKAW?"

Tanong ni Nadine.

"Mam Nichole, maupo na po kayo!"

Sabi ni Dave sabay turo sa tabi ni Edmund na ikinagulat ni Ms. Ruiz. Hindi nya kilala si Nichole at hindi nito alam na sya ang asawa ni Edmund.

Napahiya si Ms. Ruiz sa sinabi ni Nadine at nagngingitngit ito sa inis habang pinagmamasdan si Nichole papunta sa tabi ni Edmund.

Nagngingitngit sya dahil gusto nya, sya dapat ang nasa tabi ni Edmund pero hindi nya magawa makuha si Edmund dahil mailap ito at hindi nya makita ang kahinaan.

"For your information Bernadette, sya si Nichole ang ISA SA MAY ARI NG COMPANY na 'to at sya rin ang ASAWA NI EDMUND!"

Chương tiếp theo