webnovel

Magandang idea?

"Snacks? Anong ibig mong sabihin sa snacks?"

"Snacks! chichiria, biscuits, mamon, chocolates etc. snacks!"

Kinuha pa nito ang isang bar ng butter finger at kinain.

"Baka naman meron pang nakalagay dyan at front nya lang yan para hindi makita? Bakit naman nya isususi yang drawer kung snacks lang ang nakalagay?"

Inisa isa ng anino ang nakalagay at inilabas ang mga snacks, naghanap hanggang sa mailabas na nya lahat ng snacks na nakalagay sa drawer at lumantad ang isang bagay na natatago sa ikailaliman na parang sinadyang ilagay duon para walang sino man ang makakita.

"Oooh!"

"Bakit, ano yun? Anong nakita mo?"

Na excite sya ng madinig ang 'Oooh' ng kausap.

'Siguro eto na, eto na ang hinahanap namin na magpapayaman sa amin! Hehe!'

"Ano, nakita mo na ba?"

"Oo, nakita ko na! Hehe!"

At punong puno ng pagnanasa ang mga mata nito sa nakita.

"Sabi ko na! Yes! Tiba tiba tayo dito pag binenta natin yang nakita mong bagong games sa taong yun! Hehehe!"

Pero biglang tumahimik ang anino sa kabilang linya. Hindi nya tuloy maiwasang kabahan.

"Huy, anong nangyayari dyan bakit bigla kang tumahimik?!"

Nakaramdam sya ng pagdududa.

'Loko 'to baka gusto akong ungguyin, ah!'

"Pare, bakit ka natahimik dyan, may binabalak ka bang iba at gusto mo akong isahan? Baka nakakalimutan mong ako ang may contact sa taong yun!"

Paalala nya sa anino.

"Pasensya na Pre hindi ko lang kasi mapigilan eh, konti lang! Hehe!"

"At ano naman ang hindi mo mapigilan? Ang pagiging ganid mo?"

Inis na sya.

'Grabe 'tong taong ito, hindi pa nailalabas yung nakuha nya, pinagiisipan na akong isahan!'

'Sa susunod na raket ko hindi ko na ito isasama! Hmp!'

"Oo pare hindi ko mapigilan ang sarili ko, pasensya na! Sabi ko isa lang pero ... haay grabe! Nakakabaliw kasi!"

Sagot ng anino

Nalilito ang kausap nya, pilit iniintindi ang sinabi ng anino.

'Anong pinagsasabi nya? Di kaya...'

'Siguro sinubukan nyang buksan at laruin ang bagong games at ngayon naadik na sya, kaya nya nasabing nakakabaliw?'

"Bakit pare, ano ba yan bagong games at parang adik na adik ka na dyan?"

"CAKE!"

"HA???!!!"

***

Habang busy ang anino sa pagkain ng cake ni Eunice, wala syang kamalay malay na may nanonood sa ginagawa nya.

Si Edmund.

Matagal ng nabanggit ni Eunice sa ama na may pumapasok sa office nya. May photographic memory si Eunice kaya alam nya pag may naiba sa gamit nya, even an inch.

Kaya pinalagyan ito ni Edmund ng hidden camera na nakaharap sa table nya.

"Huli ka!"

Sabi ni Edmund ng makita ang mukha ng kumakain ng cake.

Hindi sya pamilyar sa mukha pero pamilyar sya sa uniform nito.

May nilagay din sya sa door ng office, sa loob at labas.

At marami pa sa nakapaligid.

Kaya kahit na magaling ang pumasok tulad ng taong ito na mukhang may alam sa blind spot ng mga security camera, hindi pa rin sila makakaligtas sa mga hidden camera na nagkalat sa buong office ni Eunice.

At pag may naaninag na tao itong hidden camera, nagpapadala ito ng notice sa phone nya.

"Oras na para maglinis ng kalat! Masyado na akong nagiging mabait sa mga bubwit na yan, dumarami na sila!

Pero, kailangan ko munang malaman kung sino ang mga nasa likod ng mga taong ito?"

Ang hindi alam ni Edmund hindi na nya kailangan lagyan ng sandamakmak na hidden camera ang paligid ng office ni Eunice dahil may built in camera ang monitor niya at naka program ito na mag record 24/7.

Kaya si Eunice kampante ngayon ang tulog, ewan ko lang bukas pag nalaman nyang may gumalaw sa laman ng favorite drawer nya.

***

Samantala.

Sa isang dako ng kamaynilaan, merong isang tao na inip na inip na. Kanina pa sya naghihintay ng tawag sa mga inutusan nya.

"Ano na ang nangyayari bakit wala pa silang updates? Mag aala una na!"

Sa sobrang inip nya, sya na ang tumawag.

"Ako 'to! Ano, nakuha nyo na ba?"

"Mam, pasensya na po pero wala po kaming nakuhang kahit ano tungkol sa bagong games, para nga pong hindi duon nagtatrabaho si Eunice. Ilang araw na po namin hinahalughog ang buong silid nya pero wala pa rin po kaming makita kahit clue man lang!"

Ang tinawagan nya ay ang night guard na naka duty ngayon sa building ng NicEd. Ito rin ang kausap ng anino na pumasok sa office ni Eunice at kumain ng pagkain nya. Nagbaon pa sya ng snickers at iniabot sa guard bago ito umuwi.

Nakaramdam sya ng inis.

'Hindi tama ito! Simula ng mag launch ang games nila naungusan na ang mga games ko! Lalo na ng maging partner nya ang NicEd!'

'Napakaswerte naman ng lintek na may ari ng 2lips Gaming Company na yan para mapunta sa anino ng isa sa pinakamalaking kompanya ng bansa?'

'Hindi! Hindi maari ito! Kailangan kong malaman kung ano ang mga ginagawa nila! Hindi ako makakapayag na maungusan nanaman nila!'

Sinubukan na rin nyang ihack ito nung bago pa lang pero hindi sya nagtagumpay lalo na ng mapunta sila sa NicEd, kaya sya nagpalagay ng mga espiya.

"Diba ang sabi mo kanina meron kang magandang balita na narinig mong pinaguusapan nila, tungkol sa bagong games, pero bakit iba ang sinasabi mo ngayon?"

"Yun po ang nadinig kong pinaguusapan nila pagkatapos makipagkita ng Sher IT kay Eunice."

"Ano nakipagkita ang Shere IT kay Eunice? Bakit?"

"Hindi ko po sure Mam, pero sa pagkakaintindi ko sa usapan nila parang naghahanap ng magaling na IT si Eunice!"

"Talaga, naghahanap sila ng IT Specialist? Bakit hindi ko ata nadinig yan?"

"Yun po ang nadinig ko Mam! Dipo ba IT din abg company nyo? Bakit hindi nyo po kaya itry na mag apply, mas magaling naman kayo dun sa Staff ng Shere IT!

Malay nyo matanggap kayo, mas maganda po yun diba? Mas makilala nyong mabuti ang bumubuo ng 2lips Gaming Company!"

Nangiti sya sa sinabi ng kausap.

"Bakit nga hindi! Magandang idea yan!"

Chương tiếp theo