webnovel

Ipangako Mo!

"Mr. Pancho Abellardo, isa lang naman ang gusto ko, ang makausap ang Papa ko!

Pwede ko ba syang makausap?"

Nakangiting tanong ni Ames.

Sa mga ipinakita ni Ames na listahan magdadalawang isip pa ba si Pancho na ipakausap ang Papa nya?

"Rod, tumawag ka nga sa bahay, papuntahin mo dito si Lemuel, gusto ko syang makausap!"

Sinunod naman agad ni Rod ang utos nya pero...

"Sir Pancho wala daw po sa compound si Sir Lemuel, lumabas daw po sabi ng security, magpapahangin lang daw po!"

'Magpapahangin? At saan naman pupunta yung matandang yun?'

Agad nitong kinuha ang phone para tawagan si Lemuel pero pinigilan sya ni Ames.

"Pwede bang huwag mong sabihin sa Papa na nandito ako, or else..."

Syempre naintindihan naman ni Pancho ang bagay na yun. Tumango ito at dinayal ang numero ni Lemuel.

"Oh, Gob ... este Congressman pala, Hehe! napatawag ka?"

Bati ni Lemuel sa kabilang linya.

Masaya ito dahil sa araw araw nyang pagsilip sa Little Manor, finally nagkaroon sya ng pagkakataon na muling makita ng harapan at mas malapit pa, si AJ.

"Lemuel nasan ka? Lumabas ka daw ng compound?"

"Pasensya Pre, medyo naiinip lang ako kaya naglakad lakad! Exercise na rin! Bakit me kailangan ka?"

"Wala naman, gusto lang sana kitang imbitahang mag lunch! Nasan ka ba? Ipasusundo kita!"

"Huwag na Pancho, pupunta na lang ako dyan, kaya ko pa namang magbyahe!"

Hindi na ito nagpasundo dahil ayaw nyang malaman nitong nanggagaling sya sa Little Manor at malayo ang lugar na iyon sa bahay ni Pancho.

Habang nakikipagusap si Pancho kay Lemuel, may natanggap namang mensahe si Ames galing kay Edmund.

[Nagpunta dito ang Papa mo ngayon lang at mukhang si AJ ang pakay nya]

~Edmund

[Salamat Edmund. Malapit na kaming magkausap.]

~Ames

*****

Sa Little Manor.

Naiirita si Edmund ng malaman nyang nakakalapit pala si Lemuel sa Little Manor.

"Hindi maari ito, kailangan magdagdag ng security!"

Pero ang mas kinababahala nya ay si AJ, batid nyang ito ang totoong pakay ni Lemuel hindi ang mga anak nya. Kaya nya ipinarating agad ang nangyari kay Ames.

Pero nagkaganunman hindi naman ito naging dahilan para masira ang masayang araw nila.

"Daddy Mommy, and of course bunso, Hehe!

May sasabihin po kami ni Milky!"

Magkaholding hands silang dalawa na tumayo sa harap ng tatlo.

Nangiti ang tatlo.

'Ano kayang sasabihin ng dalawang 'to bakit gusto pang present kaming tatlo?'

Tanong sa isip ni Edmund.

'Engage na kaya sila?'

Tanong sa isip ni Nicole.

'Buntis kaya si Ate?'

Tanong sa isip ni Earl.

"Ano ba yun, Eunice, AJ? Sinususpense nyo naman kami eh!"

"Kami na po ni Milky!"

Masayang sabi ni Eunice na may kilig ng makitang tiningnan sya ng malagkit ni AJ.

"What do you mean, KAYO NA?"

Tanong ni Edmund.

"I mean, sinagot ko na po si Milky, Daddy, boyfriend ko na po sya!"

Buong ngiting sabi ni Eunice na hindi inaalis ang tingin sa nobyo.

"KAYO NA? Akala ko ba matagal ng KAYO?"

Tanong ni Nicole.

"Mommy, kelan ko lang po sinagot si Milky!"

Ows! Dinga?"

"Totoo po yun!"

Pilit na kinukumbinsi ni Eunice ang ina.

"Eh kasi kung umasta kayo parang KAYO NA, malay ko bang hindi pa!"

Namula si Eunice.

"Haha! Si Ate Eunice namumula!"

"EARL!"

Naipikon na sya sa pangiinis ng Mommy at bunsong kapatid.

"Oh, bakit inaaway mo na naman ang kapatid mo, totoo namang namumula ka e!"

Sabi ni Nicole pero inakap nito ang anak at baka lalong mapikon.

Samantala, sinenyasan naman ni Edmund si AJ na sumunod sa kanya.

Kinabahan ang binata.

Mas minabuti ni Edmund na kausapin ng sarilinan si AJ. Iniwan nila ang magiina na nagkukulitan pa at dinala nya ito sa study room.

"AJ, maupo ka! We need to talk, Man to man!"

Napalunok si AJ.

'Ano kayang paguusapan namin ni Sir Edmund?'

"AJ, iho, kilala mo ba kung sino yung matandang lumapit sa inyo kanina?"

"Sir, kung hindi po ako nagkakamali, sya po ang lolo ni Jeremy!"

"Tama syanga! Sya din ang dahilan kung bakit ayaw ko kay Jeremy simula pa nuon!"

"Pwede ko po bang malaman kung bakit Sir?"

"Dahil hindi sya mabuting tao! Inilalagay nya ang lahat kahit pamilya nya sa kapahamakan dahil sa ambisyon nya! At ang nakakainis dun, sinusunod ni Jeremy lahat ng sabihin ng lolo nya sa kanya!

Ito ang dahilan kaya tinututulan ko from the start ang relasyon nila ng anak ko! Ayaw kong magkaroon ng ugnayan sa taong iyon!"

Nakahinga ng maluwag si AJ.

'Heeww! Buti na lang hindi kami related!'

"Pero Sir, di po ba father sya ni Ms. Ames?"

"So, kilala mo na pala si Ames?"

"Nagkausap na po kami ng minsang magkita kami sa coffee shop! Tita daw po sya ni Jeremy, yun po ang pakilala nya sa akin!"

"Mabuti naman kung ganun!"

'Mukhang kumilos na si Ames!'

Napansin ni AJ na may iniisip si Edmund.

'Marahil nagaalala sya para kay Coffee!'

"Sir Edmund, huwag po kayong magaalala, hindi ko po hahayaang makalapit syang muli kay Coffee!"

Napangiti si Edmund, ramdam nyang mahal na mahal ni AJ ang anak nya.

Pero, paano kung ....

"Salamat, iho, aasahan ko yan!"

"Sir, can I ask something"?"

"Ano yun, iho?"

"Sir, if ever po ba na hindi si Mr. Lemuel ang naging lolo ni Jeremy, papayag po ba kayo sa relasyon nila?"

"Hindi rin! I don't like Jeremy's attitude! Hindi sasaya sa kanya si Eunice!"

"Sir, paano po kung magkapalit kami ng sitwasyon ni Jeremy at ako ang naging apo ni Mr. Lemuel, matatanggap nyo po ba ako na maging manugang?"

Napabuntung hininga si Edmund.

"Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong mo pero tatapatin kita, hindi ko gustong maging parte ng pamilya ko si Lemuel Alvarez!"

Tumayo ito at kumuha ng maiinom, isa para sa kanya at isa para sa binata.

"Sige, inumin mo, konti lang naman yan, pampainit lang!"

Kitang kita ni Edmund na nasarapan ito sa ininom na wine.

"Yan ang wine na gawa ni Jaja ang Papa mo! Masarap ba?"

"Opo, Sir Edmund!"

Tuwang tuwa ito at ninanamnam pa ang wine. Nakalimutan nya tuloy ang pinaguusapan nila kanina.

"Gusto mo pa ba? You can have it!"

Alok ni Edmund.

"Pero Sir .... "

Nakaramdam ng hiya si AJ, konti pa lang ang nababawas sa wine.

"Sige na tanggapin mo, gift ko yan sa'yo! Sana kahit man lang sa wine na yan makilala mo ang Papa mo!"

"Salamat po Sir!"

Hindi alintana ng binata na ang wine na iniinom nya at binigay ni Edmund ay ang kahuli hulihang wine na ginawa ng ama nito bago sya namatay.

"AJ iho, sa susunod na lapitan ka at kausapin ng matandang si Lemuel, pwede bang sabihin mo agad sa akin?"

"Opo Sir!"

"Ipangako mo AJ!"

"Ipinapangako ko po Sir!"

Chương tiếp theo