webnovel

That Will Never Change

"Jhay, magusap nga tayo!"

Hinarang ni Kate si Jeremy sa daraanan nito.

"Wala tayong dapat pagusapan!"

Mariing sagot ni Jeremy.

Sinubukan nitong lagpasan si Kate pero muli syang naharangan nito.

"Meron, ang pinsan kong si Eunice!"

"Wala kang pakialam sa relasyon naming dalawa! Mahal ako ng pinsan mo so live with it!"

Inis na sagot ni Jaremy.

"Tama, mahal ka nga ng pinsan ko, pero ikaw, mahal mo ba sya? Alam ko naman na from the start you don't see Eunice as your girlfriend!"

"Things change! Bakit ba sa tono ng salita mo parang nagseselos ka?"

"Ano naman ang dapat kong ika selos? Hindi ang klase ng lalaking duwag ang pagaaksayahan ko ng panahon!

And YES things change! Pero ang pagiging duwag mo, that will never change!"

D

Nagbago ang mood ni Jeremy. Halatang nasaktan sa sinabi ni Kate.

Magkababata sila ni Kate, mas close silang dalawa kesa kay sila Jeremy at Eunice.

Bestfriend ang turingan nilang dalawa sa isa't isa, kaya ng biglang hindi nagparamdam si Jeremy sa kanila, sya ang mas nasaktan.

Hindi nya akalain na ng magkita sila ulit, total stranger na ang tingin ni Jeremy sa kanya.

Kilalang kilala sya ni Kate, alam nito ang weakness nya at ang lahat sa pagkatao nya! Wala syang maitatago dito.

"It's not my fault kung in love sa akin ang pinsan mo!"

"Yes it's not your fault! But it's your fault kung hindi mo susuklian ng same feeling ang pinsan ko! Don't hurt her Jeremy! Huwag mo syang paglaruan!"

"Hindi ko sya pinaglalaruan! Ginagawa ko ang lahat para mahalin si Eunice!"

"Pero ... bakit feeling ko, kulang pa?"

Tanong ni Kate.

Hindi nakasagot si Jeremy. Hindi nya rin alam kung bakit. Mahal nya si Eunice pero bakit iba ang pagmamahal na ibinibigay nito kesa sa pagmamahal na inaalay nya.

Apat na taon at kalahati ang tanda ni Jeremy kay Eunice, kaya simula pa pagkabata, kaya kung ituring nya ito ay katulad ng turing nya kay Elaine, nakakabatang kapatid.

"Kate, kilala mo ako, si Eunice lang ang babaeng binigyan ko ng ganitong atensyon! Hindi ko gustong nilalapitan ako ng mga babae hindi pa ba effort ito?"

"Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo? Ikaw lang ang makakasagot nyan kung masaya ka ba o hindi sa relasyon nyo!

Dahil Jeremy, batid ni Eunice kung masaya ka o hindi!"

"Bakit ba kayong lahat ganyan ang tingin sa akin? Pinagaaralan ko naman syang mahalin!"

"Jeremy, anong petsa na? Bakit hanggang ngayon pinagaaralan mo pa rin syang mahalin?"

Natahimik si Jeremy. Kahit anong paliwanag nya, hindi sya mananalo kay Kate.

"Tandaan mo ang sinasabi ko Jhay, huwag mong sasaktan ang pinsan ko!"

At umalis na ito, iniwan si Jeremy na inis na inis kay Kate.

Sa sobrang inis nya tinawagan nya si Bea.

"Hello, magkita tayo!"

"Teka Mr. Romantic, may klase ka remember? Ayokong maging bad influence sa'yo noh!"

Sagot ni Bea.

"I'm not in the mood na magaral, so please let's meet!"

"Okey, kita tayo, same place!"

At binaba na nito ang phone.

"Sige lang Jeremy, mabaliw ka sa alindog ko! Paliligayahin kita hangga't gusto mo!"

*****

Uwian.

Nagtataka si Eunice bakit wala pa si Jeremy.

"Asan na napunta yun? Usually naman andito na agad sya nagaabang!"

"Eunice, happy ka ba?"

Tanong ni Kate sa kanya.

"Saan ate?"

"Sa inyo ni Jeremy!"

Tiningnan ni Mel si Kate. Ilang araw na nya itong pinipigilan na kausapin si Eunice tungkol kay Jeremy.

"Oo naman ate, masaya ako dahil finally kami na ni Jeremy ko..."

"Pero ... ?"

"Anong pero, ate?"

"Nasa face mo kasi ang PERO, kaya natanong ko!"

Pinakikiramdaman ni Mel ang mag pinsan.

"Wala ito ate, nagtataka lang kasi ako, para kasing nagmamadali si Jeremy!"

"Anong nagmamadali? Bakit may nangyari na ba sa inyo?"

Sabat bigla ni Mel.

"Wala pa nuh! Grabesya! Ibig kong sabihin, parang gusto nya makasal na kami agad, ganun!"

"ANO? KASAL?!!!"

Sabay na tanong ng dalawa.

"Nag propose kasi sya sa akin nung isang araw!"

"Nagpropose? As in my singsing?"

"Yes, Beshy!"

"Asan ang singsing?"

"Isinoli ko! Pilit nyang inilagay sa finger ko kahit hindi ako nag YES, pero bago kami maghiwalay ng gabing iyon, isinoli ko! Bata pa ako nuh, marami pa akong gustong gawin sa life ko, kaya hindi ko tinanggap!"

"Haaaaaay!"

Sabay na sabi ng dalawa.

Natawa si Eunice sa sabay na aksyon ng dalawa.

'Bagay talaga ang dalawang ito sa isa't isa! Hehe!'

"Saka Ate Kate, Kuya Mel, gusto ko, kayo muna bago ako magpakasal!"

"Anong Kuya Mel ka dyan?! Grabe Sissy kinakilabutan ako sa KUYA! eeewwww!"

"Hahahaha!"

"Hey guys, ang saya nyo ah, anong nakakatawa?"

Tanong ni AJ na kadarating lang.

"Hi AJ Dude, andito ka na? Labasan nyo na?"

Everyday lagi na silang nagme meet ni AJ paglabas nito ng office. Malapit lang naman ito sa work kaya andun agad sya.

Pero ngayon lang nya nakita si Eunice na nasa tambayan. Hindi nya kasi ito naabutan dahil sinusundo na ni Jeremy.

MWF na ito kung pumasok sa office kaya dun na lang sila nagkikita.

"Hi Coffee ko!"

"Hello Milky ko! Na miss mo ba ako?"

"Syempre naman, miss you much! Hehe!"

Dito sila naabutan ni Jeremy. Kitang kita nya ang palitan ng salita nila Coffee at Milky.

Hindi nya nadidinig ang sinasabi nila pero, nakaramdam sya ng selos sa sweetness ng dalawa.

'Anong meron ang AJ na yan at madali nyang napapangiti si Eunice?'

'Pero kahit na ano pa ang sabihin nila, ako pa rin ang mahal ni Eunice at alam kong sapat na yun para maging akin sya!'

Chương tiếp theo