webnovel

Babawi Ako... Pangako!

Kung hindi lang talaga dahil sa anak nyang si Eunice hindi na nya kakausapin itong si Carl.

"Bakit, sino kaba at bakit na sa'yo ang mga anak ko?"

Tanong ni Carl.

"At anong gusto mong mangyari, manatili sa'yo ang mga anak mo e wala ka naman pakialam sa kanila!"

Sagot ni Edmund

"Hindi ba ang mahalaga lang naman sa'yo e yang paa mong putol!"

Napikon si Carl.

'Bwisit na'to nakakarami na!'

"Bakit ba? palibhasa hindi nangyari sa'yo ang nangyari sa akin..."

"So? Eh ano ngayon kung putol ang paa mo? Kala mo nakakaawa kang tingnan? Hindi noh!"

"Mas nakakaawa ang pamilya mo, kasi sila nagsusumikap mabuhay dahil walang kwenta ang tatay nila!"

Nanggigil na si Carl.

'Bakit ba sa tuwing magsasalita sya pinagdidiinan nyang wala akong silbi?'

"Bakit? Akala mo ba ginusto ko 'to?"

"Tama na yang drama mo! Wala akong oras para dyan! Kung gusto mong magmaktol dyan habang buhay dahil sa mga nangyari sa'yo, bahala ka sa buhay mo! Pero huwag mong masisisisi ang mga tao sa paligid mo lalo na ang Diyos sa mga maling desisyon mo!"

"Nasabi ko na ang gusto kong sabihin! Ipinaalam ko lang na nasa akin ang mga anak mo! At ako na rin ang bahala sa pagpapagamot sa asawa mo!"

"Ngayon nasa sa'yo na ang desisyon, kung gusto mong makita at makuha ulit ang asawa at mga anak mo!"

Umalis na si Edmund at iniwan si Carl na hindi pa rin alam ang gagawin.

"Kailangan kong mabawi ang asawa ko at mga anak ko sa lalaking yun!"

*****

Kinabukasan.

Maagang nagpaalam si Mel na uuwi ng bahay nila para kumuha ng mga gamit ng Mama nya at ng madala nya sa ospital.

Nagulat si Mel ng makitang andun ang ama, nakahiga sa sofa, tulog at mukhang nalasing kagabi.

Hindi nya muna pinansin ang ama, dirediretso ito sa silid at kumuha ng ilang pangangailangan ng ina tapos ang sa kanya at sa mga kapatid nya.

Nagluto pa ito at naglinis ng bahay bago naghandang umalis ng magising ang ama nitong si Carl.

"Mel, ikaw ba yan?"

"Opo Pa! May niluto na po ako para po may makain kayo! Kailangan ko na pong umalis para dalhin kay Mama itong gamit nya at pagkatapos po ay tutuloy ako para magtinda!"

"Teka anak, pwede ba tayong magusap?"

"Tungkol po saan Papa?"

"Ka... kamusta ang Mama mo?"

"Under observation daw po sabi ng duktor nya!"

Natahimik si Carl, gusto nyang kausapin ang anak pero nahihiya sya, hindi nya alam ang sasabihin nya.

Napansin ni Mel ang pananahimik ng ama kaya nagpaalam na ito.

"Pasensya na po Papa pero kailangan ko na pong umalis, nagaantay na po sa akin si Mama, baka po gutom na yun!"

"Okey sige anak, pakisabi sa Mama mo pupunta ako dun mamaya mayang konti pagka ligo ko!"

"Sige po!"

At umalis na ito at nagtungo sa ospital.

"Ate, Reah salamat sa pagbabantay kay Mama! Etong lugaw niluto ko para sa'yo!"

"Okey lang ako dito Mel. Huwag mo akong alalahanin, hindi ko iiwan ang Mama mo! Gawin mo na ang dapat mong gawin! Alam kong busy ka sa maraming bagay!"

Salamat po ng marami Ate Reah! Ang totoo nyan gusto ko kasing buksan ang tindahan, sayang kasi ang kita saka kailangan kong kumita para kay Mama!"

"Uuung! uuunnggg!"

Nadinig nila ang pag ungol ni Carla. Nadinig nya ang sinabi ni Mel at mukhang hindi ito sang ayon. Nagaalala syang baka pabayaan ng anak ang sarili nya. Masyado kasing workaholic ito.

"Huwag po kayong magaalala Mama, maghihinay hinay po ako!"

"Huwag kang magalala Mam Carla at titingnan tingnan ko ang mga anak mo."

Wala na si Mel at nasa tindahan na ng dumating si Carl sa ospital.

Galit na galit si Carla ng makita ang asawa.

"Sir, pasensya na po, pero sino po kayo? Kayo po ba ang asawa nya?"

"Medyo delikado po kasi sa pasyente ang tumaas ang bp nya kaya pwede po bang..."

Pero hindi sya pinansin ni Carl. dumiretso ito sa higaan at hinawakan ang kamay ng asawa.

"Carla, alam kong galit ka sa akin! Patawarin mo sana ako! Pangako kong babawi ako sa'yo, sa inyo ng mga anak mo!"

"Ipinapangako kong ibang Carl na ang makikita mo mula ngayon!"

Pero lalong nagalit si Carla. Ayaw nyang makita ang asawa nyang ito ngayon.

"Sir, pasensya na pero kailangan nyo na pong umalis!"

Hinawakan nito ang bewang ni Carl at unti unti nyang dinala palabas ng silid at duon nya kinausap.

"Sir, intindihin nyo naman po ang pasyente! Hindi po makakabuti na makita nya kayo sa ngayon!"

"Ako ang asawa nya! Kailangan nya ako ngayon!"

"Pero makita lang po kayo nya ay tumataas ang bp nya! Buti pa umalis muna kayo at saka na lang bumalik dahil baka pag nakita nya kayo ng matagal atakihin na naman sya! Gusto nyo ba yun?"

Napaisip si Carl.

"Sige, naintindihan ko! Babalik na lang ako ulit!"

Bago sya umalis ay sinilip muna nya ang asawa.

"Carla, mahal ko, babawi ako .... Pangako!"

At umuwi na ito ng bahay. Wala na syang mapuntahan kaya umuwi na lang sya.

Sa bahay habang abala sya sa kakaisip kung papaano sya makakabawi, naisipan nyang kamustahin ang mga naging kaibigan nya at mga naging katrabaho at isa dun ang sumagot.

Si Rico.

"Pare, kamusta? Nabalitaan ko ang nangyari sa'yo! Antagal na kitang hinahanap! Magkita naman tayo!"

"Pare, hindi ako makalabas e!"

Nahihiyang sabi ni Carl.

"Saan ka ba nakatira at ako na ang pupunta dyan?"

Nahihiya man si Carl pero gusto nya ng kausap sa mga oras na ito kaya sinabi nya kung saan sya nakatira.

Bagay na ipagpapasalamat ni Carl at ginawa nya.

Chương tiếp theo