webnovel

Worries

"Edmund, Hon, kailangan nating mag usap!"

Sambit ni Nicole sa asawa ng nakahiga na sila sa kama.

"Tungkol ba saan, Hon? Gusto mo rin ba ng baby?"

Nakangiti nitong tanong.

"Ikaw puro ka kalokohan! Seryoso ako!"

"Seryoso din naman ako!"

"Hon, hindi ako nagbibiro! Tungkol ito sa anak mong si Eunice!"

"Bakit, anong problema ng baby ko?!"

Napataas ang kilay ni Nicole.

"Hon, hindi na baby si Eunice! Kaya payagan mo na syang maging date ni Jeremy sa grad ball!"

Sumeryoso ang mukha ni Edmund.

"Ayoko!"

"Hon, hindi mo ba napapansin, nagiging wild na si Eunice lately! Masyadong syang apektado sa mga nangyayari!"

"Emotionally stress ang anak mo at ayokong dumating ang time na hindi na nya makontrol ang sarili nya at pati tayo hindi na rin natin sya makontrol!"

"Bakit mo iniisip yan, Nicole? Mabait na bata si Eunice, alam mo yan! Saka anong kinalalaman nito sa hindi ko pag payag maging date sya ni Jeremy?!"

Hindi nya talaga maintindihan kung bakit kinakailangan mag date ang dalawa. Hindi sila bagay sa paningin ni Edmund.

"Malapit ng umalis si Jeremy at alam kong gusto ni Eunice magkaroon sila ng special moment! Hindi mo ba pwedeng pagbigyan yun kahit ilang oras lang?"

Tugon ni Nicole.

Tahimik lang si Edmund.

"Hon ano bang problema, andun din ako! Andun din si Reah at iba pa nyang shadow guards! So anong ipinagaalala mo?"

Pangungulit ni Nicole.

"Kilala na ni Eunice ang bodyguard nya?"

"Matalino ang anak mo, sa tingin mo hindi sya makakahalata?"

"Kaya sige na Hon payagan mo na sya, please!"

Ayaw pa rin ni Edmund.

"Bata pa si Eunice, Nicole! Hindi ako papayag na maligawan sya lalo na ng mga lalaking bano katulad ni Jeremy!"

Tumayo ito at lumabas na ng silid.

After that nagpatuloy ang araw araw na buhay nilang pamilya. Hindi na muling binanggit ni Nicole sa asawa ang hiling nya pero nahahalata ng mga bata na tila may tampuhan ang mga magulang nila.

"Earl, napapansin mo ba? Parang ang cold nila Mommy at Daddy sa isa't isa lately! Bakit kaya?!"

Tanong ni Eunice sa kapatid.

Tumango si Earl.

"Ate Eunice, may ginawa ka bang bad things lately?!"

"Huh? Anong sinasabi mo dyan?"

Nagtatakang tanong ni Eunice.

"Eh kasi Ate, pag nag aaway sila, madalas dahil sa may ginawa kang bad!"

Napaisip si Eunice.

'Totoo ba 'tong sinasabi ni Earl, ako ang dahilan ng tampuhan nila Mom and Dad?'

Nakaramdam tuloy sya ng guilt at inisip ang mga pinagagawa nya nitong mga nagdaang araw.

"Sissy bakit ganyan ka wala ka parating gana? May sakit ka ba o na bobored ka na naman?"

Tanong ni Mel kay Eunice ng minsan dadalaw sila kay Kate.

"Wala Beshy, I'm just not feeling well!"

"Ano bang iniisip mo? Okey na naman si Kate myLabz! Lalabas na nga sya eh!"

"Siguro si Jeremy my friend ang iniisip mo anoh?"

Panunukso nito sa kaibigan.

"Medyo!"

Aminado syang bukod sa guilty feeling, isa si Jeremy sa dahilan ng mabigat nyang pakiramdam. Palapit na ng palapit ang ang pag alis ni Jeremy.

Kahit Daddy ni Eunice, napapansin din sya at madalas napapagalitan dahil wala ang concentration nito pag nag te training sila.

Pero hindi sya umiimik, hindi nagrereklamo kahit pagalitan sya ng pagalitan ng Daddy nya.

Ayaw nyang magsalita at ayaw nyang makipagusap. Ito ang kinatatakutan ni Nicole.

Ano ang gagawin nya?

*****

Nakalabas na ng presinto si Sir Mon at natatakot ang pamilya ni Miles para sa kanya.

"Miles, mula ngayon huwag ka ng lumabas ng bahay! Much better kung magbakasyon ka muna sa malayo! Baka gumanti sa'yo ang hayup na teacher na yun!"

"Daddy ayoko po! Hindi po ako natatakot sa kanya!"

"Miles naman! Makinig ka naman sa akin!"

"Dad ayoko pong mabuhay sa takot! Kahit na lumayo po ako madali pa rin po akong masusundan nun!"

May katwiran ang anak nya kaya hindi na sya nakipagtalo.

'Kailangan ko na bang isagawa ang plano ko para maiganti ang anak ko?!'

Pero kahit na nakapagpyansa si Sir Mon, patuloy pa rin ang pagdating ng mga nagrereklamo sa kanya.

Gaya ng pinangako ni Jaime, kakalkalin nya ang baho ng teacher na 'to! Kaya isa isang naglabasan ang mga nabiktima nya.

Tatlo ang nagsalita at lumapit sa kinauukulan. Dalawa ang dating estudyante ng Ames Academy at ang isa graduate na.

Traumatic ang nangyari sa mga bata at walang magawa ang mga magulang kaya inilipat nila ng school ang mga ito para hindi na makita pa si Sir Mon.

Natutuwa sila na may naglabas ng baho ni Sir Mon kaya lumantad na rin sila.

Pero iba ang statement ng tatlong bata sa statement ni Miles, kaya naguumpisa tuloy silang magduda.

Una ay tungkol sa wine na may drugs, pangalawa ang dahilan kaya sila nagpunta dun. Sa project.

Lalo tuloy lumalakas ang hinala nila na may kinalalaman ang teacher na ito sa pagka wala ni Yna at lalong lumalabo naman ang reklamo ni Miles.

Chương tiếp theo