webnovel

'SYA!

"Salamat!"

Tugon ni JR kay Reah.

Sabay kuha ng camera na iniabot ni Reah sa kanya.

Maliit na camera lang ito na ginagamit nyang pang spy. Sya mismo ang gumawa nito at lagi nyang bitbit in case of emergency.

"Wala yun!"

"Asan na yung teacher?"

Tanong ni Reah

"Ayun, natataranta!"

"Hehe!"

"Sigurado ka bang hindi na lalapitan nun si Ms. Kate?"

"Pagkatapos nyang malaman kung sino ang Lolo ni Ms. Kate, takot lang nun na lumapit pa!"

"Yung bag?"

"Na turn over ko na sa mga pulis pagkatapos kong ma check!"

"Ano sa palagay mo ang dahilan bakit interersado yung mga bata na isolve ang kaso?"

"Siguro dahil hindi sila naniniwala na naglayas yung nawawalang bata!"

"Sana lang makinig na sila kay Mam Nicole at wala akong tiwala sa teacher na yun! Isipin mo, inaangkin nya ang bag na hindi kanya!"

"Bantayan mong mabuti si Ms. Eunice at masama din ang pakiramdam ko dyan sa teacher na yan!"

"Mahigpit nga na pinababantayan sa akin ngayon ni Mam Nicole ang anak nya! Nagaalala daw sya!"

"Ang instruction nga sa 'kin ni Mam ay sundan ko si Ms. Eunice ng malapitan, kahit sa loob ng CR!"

"Hindi kaya makahalata na sa'yo si Ms. Eunice?"

"Malamang!"

Samantala, hinahanap naman ni Sir Mon ang babaeng security kanina, si Reah.

"Ang sabi nung Lady Guard, sya ang magdadala ng bag ni Yna sa akin, bakit hindi ko na sya makita? At saka bakit biglang andaming pulis sa bodega? Anong nangyari dun pag alis ko?!"

Hinanap nito sa buong school si Reah maliban sa security room.

Natanaw nya si Mang Johnny kaya nagtanong ito.

"Mang Johnny, nakita nyo ba yung Lady Guard kanina?"

"Sino pong Lady Guard?".

"Yung naiwan sa mga bata kanina sa bodega!"

"Bakit po Sir, ano pong kailangan nyo sa kanya?"

"Sabi nya isusunod nya sa akin ang bag ko pero ngayon hindi ko makita!"

"Ahh, Sir si Reah po yung Lady Guard na tinutukoy nyo at madalas po iyon sa canteen tumatambay o di kaya ay nasa Security room!"

Umalis na ito at agad nagtungo sa canteen. Nang hindi makita duon ang hinahanap, sa Security room naman nagtungo.

'Ano bang klaseng security ang mga ito at laging nakatambay!'

Pag dating nya sa Security room hindi nya maiwasan na hindi makaramdam ng inis sa sarili.

'Kanina lang nagmamadali akong tumakas mula dito, yun pala babalik din ako!'

Pagpasok nya ng Security room agad nyang nilibot ang mga mata.

Ngayon lang nya napansin na malaki ang pinagbago nito.

'Mukhang nagsisimula ng baguhin ni Prinicipal Cole ang school!'

'Ano kayang masasabi ni Gob. dito? Wala na lahat ang mga taong ginawa nyang security guard!'

"Sir, ano pong kailangan nyo at bumalik kayo dito sa Security?"

Napataas ang kilay ni Sir Mon sa pagbati sa kanya ng isang guard.

"Hinahanap ko si Reah! Nandito ba sya?"

May pinindot itong isang buton

"Reah, may naghahanap sa'yo!"

Agad naman lumabas si Reah sa isang silid, nagtataka kung sino ang naghahanap sa kanya.

At ng makitang si Sir Mon, nagsalubong ang kilay nito.

"Bakit po Sir?"

'Bakit ba pakiramdam ko ang aangas ng mga security guard ng school ngayon?'

"Lady Guard, diba sabi mo sa akin kanina isusunod mo ang bag ko, nasaan na?"

"Aling pong bag, yung violet na may design na flowers at stars sa harap at may palawit na love charm?"

'Lintek na guard na 'to diniscribe pa yung bag!'

"O..oo yun na nga! Asan na? Ibigay mo na sa akin!"

Hiyang hiya syang aminin matapos idescribe yung bag.

"Wala po sa akin, iniwan ko sa bodega!"

"Bakit mo iniwan, akala ko ba dadalhin mo sa akin?!"

"Kasi sabi ng mga pulis iwanan ko!"

'Naloko na! Anong gagawin ko ngayon?'

"Bakit ba may mga pulis dun?"

"Hindi ko pa po alam ang buong kwento, basta ang sabi sa amin huwag daw kaming lalapit dun sa lugar! Bawal daw po!"

Sumasakit na ang ulo ni Sir Mon.

'Kailangan kong makaalis dito lalo na at nasa mga pulis na ang bag ni Yna! Baka makahalata sila na may kinalalaman ako sa pagkawala nya!'

Nagmamadali itong bumalik sa faculty, kinuha ang mga importanteng gamit nya at saka nagmamadaling umalis patungong sasakyan nya.

'Kailangan kong makalayo dito para makapagisip ako ng tama!'

Habang nag dadrive palabas ng gate, napansin nya sila Mel, Kate at Eunice sa may bench nagkukulitan. May nakalagay ng brace sa braso ni Eunice.

'Kung hindi lang sa mga batang ito naligpit ko sana ng maayos ang mga kalat ko! Hmp!'

Inis na inis nyang pinaharurot ang kotse nya ng biglang may humarang sa daraanan nya.

"SYA!"

"Sya ang demonyong bumaboy sa akin!"

Chương tiếp theo