webnovel

Palawit

"Dito tayo mag start!"

Sagot ni Kate kay Mel.

Kinabahan si Mel.

Kilalang terror na teacher si Sir Mon, masungit ito at laging naninita kahit na maliliit na bagay.

"I agree!"

Dugtong naman ni Eunice sa sinabi ni Kate.

"Teka, Teka, Teka! Paano nyo naman naisip na may kinalalaman si Sir Mon? Malay nyo naman na classmates nya lang ang pinuntahan ni Yna!"

"Beshy wala ng classes, tapos na ang finals, kaya ang gumagawa lang ng project e yung naghahabol ng grades!"

"So you mean, bagsak si Yna, hindi lang sa final exams kundi sa final grades nya?!"

"Yap Melabs! At yan ang reason kaya naging suspect yung tatlong teacher, bagsak sya sa tatlong subject. Math, Science at Filipino!"

"Grabe naman itong si Yna pati Filipino binabagsak!"

"At yan din ang pinakamababang grade, 70!"

"Hala, paano nya hahabulin yun?"

"And according sa police report pumayag daw magbigay ng project si Sir Ferdi at Mam Lina pero hindi si Sir Mon!

Kaya naisip nilang may posibilidad na naglayas nga ito dahil daw sa takot na malaman ng parents nya na bagsak sya!"

"Ate Kate, kaya pa bang habulin ng project yung 70 na grade?"

"Pwede kung mag sa summer class sya, pero project? Depende siguro sa teacher!"

"Kaya lang hindi tinatanggap dito sa Ames ang summer class passer kaya tyak lilipat sya ng school!"

"Teka Labs, wait a minute! Di ba sabi mo hindi nagbigay ng project si Terror Mon, so may possibility na sa ibang teacher sya nagpunta!"

"Kasi Melabs, ang bahay ni Sir Ferdi at Mam Lina ay malapit lang sa house ni Yna, pwedeng lakarin! Pwede ding mag trycicle pero sabi ng trycicle driver, nagpahatid daw si Yna sa may kanto, sa terminal ng tricycle! Hindi naman duon ang direction ng house nila Sir Ferdi at Mam Lina!"

"Saka Beshy sila Teacher Ferdi at Teacher Lina, binigay na sa kanya agad ang project na gagawin nya at baka inuumpisahan na nya ito, pero sabi ni Teacher Mon hindi sya nag bigay ng project kaya mas may possibility na nagpunta sya sa house ni Sir Mon para pakiusapan ito!"

"Sister Kate, Labs, bakit mo ba ako tinitingnan ng ganya ha?!"

Tanong ni Mel ng mapansing iba ang ngiti ni Kate habang tinitingnan sya.

"Ang cute mo kasi pagmasdan Melabs!"

"Hahaha!"

May maliit kasi na sinag na tumatama sa kaliwang mata ni Mel na hindi nila alam kung saan nagmumula.

Sinusubukan nya itong iwasan at natutuwa si Kate na pagmasdan sya sa ginagawa nito.

'Loko 'tong si Kate my Labs na ko conscious tuloy ako'

Napansin din ito ni Eunice kaya hinanap nya ang pinagmumulan habang nag eenjoy naman si Kate sa cute na reaction ni Mel.

Tumayo si Eunice at nilapitan ang kumikinang na bagay na tila isang palawit pero mataas ito hindi nya maabot.

"Beshy hayaan mo na lang yan, maliit lang naman!"

"Papaano nagkaroon ng mga ganyang palawit dito sa bodega?"

Curious na tanong ni Eunice.

"Dito rin kasi nilalagay ni Mang Johnny ang mga napupulot nyang bagay!"

Sagot ni Kate na hindi inaalis ang tingin kay Melabs nya.

Kumuha ng matutungtungan si Eunice para maabot ang palawit.

At ng maabot pilit hanatak pero mukhang naka kawit ito sa isang malaking bagay kaya hindi nya makuha sa hatak, nakasiksik kasing mabuti.

"Sissy, magiingat ka!"

Saka lang nilingon ni Kate ang ginagawa ng pinsan.

"Bakit ba pilit mong kinukuha yang palawit na yan, Eunie?"

"I don't know Ate, insitinct or something!"

At dahil hindi nila mapigilan na si Eunice sa ginagawa nya, tumayo na rin ang dalawa at tinulungan sya.

Nang matanggal ang mga nakaharang na bagay, saka nito biglang hinatak ang palawit at nahulog si Eunice.

Blag!

"Sissy!"

"Cuz!"

Agad nilang nilapitan ito at ibinangon.

"Nasaktan ka ba?"

Nagaalang tanong ni Kate.

"Jusko naman Sissy, ano ba yang palawit na yan at buwis buhay ka dyan, hindi mo mabitawan?!"

Nang makaupo saka naalala ni Eunice ang hawak nyang palawit at kung saan ito naka kabit.

Sa isang bag.

Pinagmasdan nyang mabuti ang bag.

"Parang pamilyar sa akin ang bag na ito?"

Kinabahan sya ng makilala nya kung sino ang may ari ng bag.

"Bakit Sissy, kanino itong bag?"

"Kay Yna!"

"HA?!"

Agad itong kinuha ni Kate para buksan.

"Sigurado ka Sissy?"

"Oo, yan yung hinampas nya sa akin nung magaway kami, last month!"

"Kay Yna nga itong bag, andito pati ID nya! Baka sa kanya din ang CP na ito!"

Sabi ni Kate.

"Paano naman napunta ang bag na yan dito?"

Tanong ni Mel.

"Eunie, ito lang bang palawit ang nahawakan mo?"

"Pati yung pinagkakapitan ng palawit! Bakit Ate?"

"Kailangan nating sabihin ito kay Tita Ninang! Kinakabahan ako!"

"Agad nitong kinuha ang cellphone at dinial ang number ni Nicole.

Pero nagulat sila ng biglang bumukas ang pinto ng bodega.

"ANONG GINAGAWA NYO DITO?!"

Chương tiếp theo