webnovel

Evidence

"LIAR!!!"

Galit na sigaw ni Eunice.

Tumayo pa ito at nanggigil sa galit na tinuro si Mamang Guard.

Nagulat ang lahat sa biglang pagtayo at pagsigaw ni Eunice.

Mukhang kanina pa ito nagtitimpi sa galit at hindi na makontrol ang sarili kaya biglang sumambulat.

"Nagmakaawa po ako sa inyo na tulungan nyo kami ng Ate Kate ko pero hindi nyo po ako pinakinggan! Mas pinili nyo pong paniwalaan si Miles kahit hindi nyo alam ang totoo!"

"Wala ka talagang planong tulungan kami ng Ate ko diba?!"

"Nagdudugo ang ulo nya kaya ayaw kong bitawan!

Pero anong ginawa mo? Imbis na tulungan sya pwersahan nyo akong hinatak papalayo sa kanya kaya nabitawan ko ang ulo nya at muling tumama sa bakal!"

"At ikaw Miles sa tingin mo makakatakas ka sa patuloy mong pagsisinungaling at pag gawa ng kwento? Sa tingin mo ba tanga ang mga pulis para hindi nila malaman ang ginawa mo?"

"Tandaan mo ito Miles, pagbabayaran mo ang lahat ng ginawa mo sa Ate Kate ko! Wala kang kasing sama!"

"And Mrs. Bernardino, hindi nyo po kilala ang parents ko, kaya huwag nyo po silang HUSGAHAN!"

"Bakit hindi nyo na lang pagkaabalahan na kilalaning mabuti ang anak nyong si Miles instead na busy kayo sa panghuhusga sa parents ko!"

"Aba't...."

Nanggigil si Mildred.

Wala pang nagsalita sa kanya ng ganito lalo na sa isang batang paslit.

"TIGIL!"

Sigaw ni Chief.

"Magsitigil kayo!"

Huminto naman ang lahat.

"Mrs. Bernardino, this is the last time that I'll be warning you, sa susunod palalabasin ko na kayo ng silid ko!"

"Bakit ako lang eh sya ang sumisigaw!"

"Pwede naman kaming umuwi na ng anak ko dahil hindi naman kami inimbitahan talaga dito! Hindi ba Chief?"

Sabi ni Nicole.

'Ngayon ko lang nakita si Eunice na nagwala ng ganito! Mukhang sobra syang naapektuhan sa nangyari sa Ate Kate nya!'

'Mas makakabuting umalis na kami dito!'

"Anak mo sya?"

Sabay taas ng kilay ni Mildred na parang sinusukat ang pagkatao ni

Nicole.

Pero hindi nya pinansin si Mildred, wala sya sa mood na patulan ito.

"Chief pasensya na pero, pwede na po ba kaming umalis? Menor de edad pa itong anak ko at gabi na po!"

"Kung meron po kayong katanungan, puntahan nyo na lang po sya sa bahay or sa school!"

"Mam, bago kayo umuwi, may isa lang po akong tanong?"

"Ano po yun Chief?"

"Bakit po Ate Kate ang tawag ng anak nyo sa biktima?"

"Dahil magpinsan po sila Chief! Kapatid ko ang Mommy ni Kate!"

"Mayroon pa po ba kayong tanong Chief?"

"Wala na po Mam, makakaalis na po kayo! Dadalaw na lang po kami kung may iba pang tanong?"

"Teka Chief, bakit mo sila paalisin, hindi nyo ba nadinig ang sinabi ng Guard?! Sya ang tunay na salarin kaya marapat lang na ipakulong nyo yan! Ang mga ganyang bata na bastos at walang galang sa matanda ay dapat pinarurusahan para matuto!"

Pero hindi nya sya pinansin ni Nicole nagpaalam na ito kay Ames at Elsa saka umalis bitbit ang anak.

"Mrs. Bernardino, hindi rin ba kayo nakikinig! Mismong yung biktima ang nagsabi na si Miles ang may gawa sa kanya nun!"

"Pero paano kung nagdidiliryo na yung biktima kaya namali sya ng tingin?"

"Huwag po kayong magaalala Mrs. Bernardino at pinaiimbestigahan ko na para makasiguro kami kung ano talaga ang nangyari!"

"Pero bago po yun kailangan po namin gumawa ng report, ano bang complete name mo Miles?"

***

Pag alis nila Nicole sa presinto saka naman dumating si Jeremy kasama ang imbestigador.

Si Miles na kanina pa nananahimik ay biglang nataranta ng maramdaman ang presence ni Jeremy.

At napansin siya ng Mommy nya pero ang pinagtataka ni Mildred ay hindi man lang binibigyan pansin ni Jeremy si Miles na para bang hindi nya ito nakikita.

"Tita Ames, Mama, nakuha ko na po ang mga evidence at ibinigay ko na po sa kanila!"

"Chief maghahain din po ako ng formal complain laban kay Maria Leonilda Bernardino!

Kasama ko na po ang abogado ko para sya na ang magasikaso tungkol dito!"

Tapos ay nagpaalam na sila at naiwan na lang ang magina.

Hindi makapaniwala si Mildred. Tila nanikip ang dibdib nya.

'Jusko ano na naman ito? Hindi pa tapos ang isa meron na naman!'

Matapos ibigay ang ebidensya, ipinakita ni Chief kay Mildred at Miles ang isang video.

"Hindi ba ikaw ito?"

"Po?"

Hindi makatingin ng diretso si Miles. Natataranta.

"Bakit mo nilusob si Kate?"

"Hindi po! Hindi ko po alam! Hindi ko po maalala!"

"Hindi mo maalala, na lumusob ka sa kanya? Kanina lang nangyari ito ah!"

"Oh baka naman ayaw mo lang alalahanin para matakasan mo ang kasalanan mo?"

"... na ikaw talaga ang gumulpi kay Kate dahil sinaktan ka nya nung sinabunutan mo sya! In short, gumanti ka!"

"Hindi! Hindiiiii!"

Humahagulgol na si Miles.

"Teka, hindi naman sapat na ebidensya yan ah!"

Pagtatanggol ni Mildred

"Tama Mrs. Bernardino, pero itong susunod na video panoorin nyo!"

Pagkatapos, mapanuod ang video nanghina si Mildred at si Miles.

Dumating naman ang abogado ni Kate para maghain din ng formal complain.

Tila nanikip ang dibdib ni Mildred.

'Napakalaking kahihiyan nito! Paano pag nalaman ng mga ka sister ko sa simbahan?'

'Jusko nakakahiya!'

Chương tiếp theo