webnovel

TIMBA (BASED ON A TRUE STORY)

Ang susunod na mababasa niyo ay hango sa mga tunay na pangyayari. Kung maaari ay magdasal muna bago mo simulang basahin ito. Ang mga pangalan at lugar ay sadyang aking iibahin upang hindi makagulo sa mga pribadong buhay ng mga nagbahagi sa 'kin. Salamat and Enjoy!

HINDI niya na matandaan ang mga nangyari ang tanging alam niya lang ay pupunta siya sa banyo upang mag-CR. Ngunit may natira pa ring alaala sa kanyang nakaraan at iyon ay ang pangayayaring kanyang nakita sa TIMBA!

Ang pangalan ko ay Jackie. Hindi ko alam pero feeling ko ay may kakaiba sa aking sarili. Pakiramdam ko'y nakikita ko ang mga hindi pangkaraniwang mga bagay-bagay na hindi nakikita ng mga ordinaryong tao. Nagsimula ito noong tumungtong akong ng kolehiyo hindi ko na gaanong matandaan kung anong pangalan ng unibersidad na pinapasukan ko, ang alam ko lang ay doon nangyari ang nakakapangilabot na karanasan ko.

****

"Okay, so ito ang building ninyo. Katabi lang ninyo ang building ng Midwifery." Paalala ng isa sa mga faculty.

Kanina pa ako nababagot dito. Mga ilang oras kasing walang hinto ang pag-oorientayson sa 'min.Alam ko naman na para ito sa ikabubuti namin. Pero, mukhang sinasayang nila ang pera ng aming mga magulang dahil sa katagalan. Dapat nga, eh magsisimula na ang klase para naman mapaghandaan ko ang Prelim na Pagsusulit.

"Maari na kayong bumalik sa inyong mga klase," ani niya.

Bigla ko nalang dinampot ang bag ko sa may gilid ng mga maliliit na mga puno. Narinig yata nila ang suhestiyon ko kaya na-konsensiya na rin sila.

Pagkarating namin sa aming building ay namangha ako sa laki nito. Madami-dami rin ang mga teknolohiya na aking nakita. Mukhang mag-eenjoy ako sa pagiging Computer Science ko!

Habang binubusog ko ang aking mga mata ay mayroon akong napansin na isang anino. Hindi ko gaano nakita pero nakakasigurado ako na lalaki 'yon dahil sa maigsi nitong buhok. Hindi ko nalang ito pinansin dahil alam kung guni-guni ko lang iyon.

Matapos ang ilang oras ay sa wakas nalibot din namin ang aming departamento. Tama nga si Mama na maganda ang papasukan kong paaralan. Bukod sa marami akong matututunan ay malapit pa ito sa aming tirahan.

Nang pumasok na kami ng aming klasrum ay pansin ko ang kabado ng iba kong mga katabi. Walang tigil ang pagpunas ng mga pawis na walang tigil sa pagdaloy sa kanyang mukha.

"Ate, ayos ka lang ba?" Naisipan kung tanungin siya. Dahil kanina ko pa siya napapansing hindi mapakali sa kanyang upuan.

Isang iling lamang ang kaniyang itinugon. Nagsimula nang bumuo ng mga ideya ang aking utak. Isa sa mga personalidad ko ang alamin kung bakit ang mga tao ay hindi mapakali o 'di kaya'y hindi lang ako sana'y na makita ang mga taong naiirita.

Hindi ko alam ngunit bigla nalang nanindig ang aking balahibo matapos siyang bumulong s'akin, "Nakikita mo rin sila 'di ba?" malamig na parang galing sa hukay niyang sinabi.

Napaatras ako ng upuan at sinubukang lumipat nang mauupuan. Subalit, bagupaman ako makalipat ay agad niyang hinawakan ang aking kamay. Pilit ko siyang nilalabanan ngunit malakas siya. Ang alam ko'y isa rin siyang babae pero sa lakas na pinapakita niya ay pakiramdam ko ay hindi siya isang mortal na tao.

Nanlaki ang aking mga mata matapos siyang mag-iba ng anyo. Isang babaeng wasak ang mukha, kitang-kita ang kumikislot na mga insekto at mga uod sa kabila niyang mukha. Halatang naagnas na ang kaniyang sariwang mukha dahil unti-unti na nagsisihulugan ang mga sariwang balat sa kaniyang naturang mukha.

"Nasaan na ang anak ko! Ilabas mo siya!" Hindi ko alam kung anong pinagsasabi niya. Nararamdaman ko na ang pagpatak ng kanyang sariwang dugo sa aking mukha. Pilit akong pumipikit ngunit may kung anong enerhiya ang pumipigil sa 'kin.

"AHHHHHHHH!!!!" sumigaw ako nang ubod ng lakas dahilan upang bumangon ako na halatang hinahabol ko ang hininga.

Bigla nalang natuon ang aking atensiyon sa'ming professor. "Ms. Jackie, are you alright? Bakit bigla bigla kana lang sumisigaw diyan nang walang dahilan?" tanong niya.

"Sir, eh… ahmm… kasi iyong katabi ko." Pautal-utal kong sabi.

"Katabi? Ms. Jackie, I don't even need your jokes on my discussions? If you're not interested with my discussion you can go, the door is open." Pag-iingles niya sa'kin.

Ang alam ko ay may babae akong katabi kanina? Lumabas nalang ako ng aming klasrum upang hindi na ako mas lalong mapahiya sa harap ng aking mga kamag-aral.

Paglabas ko ay nakaramdam ako nang pananakit ng aking tiyan. Hindi na ako bumalik sa aming departamento dahil alam kong sisigawan na naman ako ng Ingleserong Professor namin. Mabuti nalang ay malapit ang departamento ng Midewifery kaya doon na lamang ako nag-banyo. Tutal, hindi nila sinasarado iyon.

Nagsitayuan ang aking balahibo matapos kung malaman na hindi gumagana ang switchan ng ilaw. PILIT KUNG NILALABANAN ANG DILIM! Kailangan ko na ring bilisan dahil mag-gagabi na rin.

Nakaramdam ako ng ginhawa matapos kong mailabas ang aking galit sa trono. Nang i-flush ko na ay ayaw magalabas ng tubig. May sira yata itong inidoro nila? Tanong ko sa isip ko.

Naghanap ako ng timba upang pangkuha ng tubig. Ilang beses akong naghanap sa mga Cr ng babae at lalaki ngunit wala akong mahanap.

Habang nagiisip ako nang solusyon upang mabuhasan ang ginamit kong kubeta ay nakarinig ako ng isang iyak. Habang patagal ito nang patagal ay naulinigan ko kung ano iyong umiiyak. ISANG SANGGOL!

Agad akong lumapit sa isang pintuan na matagal nang hindi binubuksan dahil sa kalawang nitong pihitan. Alam kong dito nanggaggaling ang iyak na iyon.

Pakiramdam ko'y mabibiyak ang aking puso matapos kung makumpirma na sanggol nga ang kanina pang umiiyak. Nasa timba ito na puno ng dugo. Sa tansya ko ay kakasilang lang ito dahil sa hindi pa natatanggal ang tali sa kanyang pusod.

Agad ko itong binuhat upang ma-idala sa malapit na hospital.

Sinong walang awa ang gumawa nito sa walang kalaban-laban na sanggol na ito? Nagtataka kung tanong sa isip ko.

Habang naglalakad ako ay bigla nalang akong nagtaka kung bakit biglang gumaan ang hawak kung sanggol. Nakaramdam ako nang kilabot matapos kong mapagalamang isang kalansay na lang ang hawak ko. Dahil doon ay bigla nalang nandilim ang aking paningin at tuluyan nahimatay.

"Miss!!"

"Miss!!!!"

Isang tinig ang pilit bumabangon sa 'kin. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata upang mas klaro ko siyang makita. Si Manong Cardo pala, ang janitor ng aming unibersidad. Nasa klinika pala ako.

"Anong nangyari sa iyo, Ineng? Nakita nalang kitang walang malay sa daanan ng Midewifery Building."

Pilit kung inaalala ang nangyari ngunit bakit bigla ko nalang nakalimutan ang lahat? Matapos nang ilang minuto ay nahimasmasan na rin ako. Dahan-dahan akong umupo at sumandal sa aking unan.

Kwenento ko ang lahat nang nangyari. Wala akong pakialam kung hindi siya maniniwala, basta gusto ko lang may pagsasabihan nang aking naging karanasan.

Hindi ako makapaniwala na naniwala si Mang Cardo at nagkwento rin siya na may isang estudyante na Midewifery na nagpatiwakal dahil hindi matanggap ng kanyang pamilya na buntis siya.

Ngayon alam ko na kung bakit nagpakita ang babaeng iyon. Nagsitayuan muli ang aking balahibo sa katawan matapos bumulong si Mang Cardo sa aking taenga.

"Hindi lang iyan ang misteryo ng unibersidad na ito."

"Marami… marami pa."

Umaalingawngaw ang salitang iyon sa'king isipan.

Chương tiếp theo