webnovel

Chapter 7(Pagkadiskubre)

Halos hindi maiwasan ni alleen na isipin ang mga sinabi ni lola ara kanina.Hindi na niya sinabi sa ina na dumaan siya sa bahay ng kaibigan dahil baka magalit na naman ito.Ayaw kasi nang mama nila na pumupunta sa kung saan saan pagkatapos ng school nila dahil gusto nitong dumiretso sila sa bahay.

Abala siya sa paghahanda ng kanilang hapunan dahil ang mama niya ay nasa taas ng mansion at may inaayos ito roon. Naghihiwa siya ng gulay na lulutuin niya.Ang kapatid naman niyang si susie ay nasa labas at nagsisiga ng mga dahon ng mangga kasama ang kuya dos nila.Habang abala sa ginagawa ay pasayaw sayaw pa siya. Ngunit Ilang minuto lamang ay napatigil siya ng marinig ang pagtili ng ina sa mula sa taas ng mansyon.Nagulat siya at mabilis na binitawan ang kutsilyo, hindi pinansin ang pagtama nito sa hiniwa na mga gulay na tuluyang natapon sa sahig.Hindi niya alintana ang pagod dahil sa pagtakbo niya upang puntahan ang ina.

"mama!!?mama;"?!nag aalalang sigaw niya ng tumahimik ang paligid.

"mama!! mama!!"mas bumilis ang kalabog ng dibdib niya ng hindi ito sumasagot.

"mama !!muli niyang sigaw ngunit wala pa rin siyang naririnig.Nagpatuloy siya sa pag akyat upang hanapin ang ina.Mas lalo pang tumindi ang kanyang kaba ng maalala nag sinabi ng matanda."mag iingat kayo!! nagsisimula na sila."iyon ang paulit ulit na pumapasok sa utak niya."mama!!muling tawag niya rito at inisa isa ang bawat kwarto na naroon.Ngunit wala ang ina sa kahit isang kwarto doon.NAisip niyang baka wala doon ang ina, kaya bumalik siya upang bumaba.'Ngunit bago pa man siya tuluyang makababa ng hagdan ay may mga paa siyang nakita mula sa nakaawang na pinto sa pinakadulong bahagi ng mansiyon.Naiisip niyang baka naroon ang ina at baka may masamang nangyari dito kaya mabilis siyang bumalik upang puntahan ang naturang kwarto.

"mama, nandiyan ka ba?"nag aalalang tanong niya habang unti unting tinutulak ang pintuan.Umingit ang pintuan tanda na matagal na itong hindi nabubuksan dahil sa kinakalawang na mga tornilyo nito.

"mama?"dahan dahan siyang pumasok ngunit walang kahit anong bakas ang nandoon na nanggaling doon ang kanyang ina.Sa tingin ng nga niya ay wala pang pumapasok doon dahil sa itsura ng paligid, halos puno mg alikabok at sapot ng gagamba ang naturang kwarto.Napakalaki niyon at maari pa ngang gawing tatlong kwarto iyon kung tutuusin.Nagpatuloy siya sa paglalakad habang hinahawi ang mga sapot na nakaharang.Dahan dahan at walang tunog ang mga lakad niya na parang natatakot ihakbang ang mga paa.

Sa kabilang bahagi ay may mga nakabitin na mga kadena at lubid na tila ba sinadya iyon upang ibitin ang sino man sa kwarto na yon.

May nakita siyang mga itak, at samurai na kung titignang mabuti ay matagal na ito doon.

Mas lumapit pa siya sa may estante kung saan maraming nakalagay na libro.Mga makakapal na libro na parang halos panahon pa yata ng hapon.Sa kanang bahagi nito ay may mga garapon na di gaanong kalakihan na may lamang kung ano na di niya maintindihan.

Hinawi niya ang mga dumi nito upang mas lalo niyang makita ang laman sa loob.

Ngunit ganun na lamang ang takot niya mg mapagtanto ang laman.

"mata!"nginig ang boses na bulalas niya.Bahagya siyang napaatras at muntik nang mabangga sa isang garapon na may lamang.."Diyos ko po!!naiusal niya nang makita ang isang fetus doon.maputla na ito sa loob ng garapon dahil sa tagal na siguro nito sa pagkakababad sa alcohol.Tatakbo na sana siya palabas ng bigla niyang mapansin ang isang malaking libro na nakapatong sa isang antique na mesa kaya dahan dahan na naman siyang lumapit rito.Animo'y may sariling isip ang kanyang mga paa na kahit ayaw niya ay tuloy parin ito sa paghakbang.

Nasa harapan na siya ng isang makapal na libro na may nakaukit na trianggulo ma may mata sa gitna.Kunot ang noong binuksan niya ang bawat pahina ng libro, ganun na lamang ang takot niya ng makita ang unang pahina nito.

Isang patak ng dugo"totoong patak ng dugo ang nakikita niya.Muli niyang binuksan ang iba pang pahina, at ganun na lamang ang pagtataka niya kung bakit ganun ang nakalagay sa libro.

Larawan ng isang puno ma may umaagos na dugo sa ugat nito, isang balon na halos maraming mga bangkay na nakalagay, muli ay ganun din ang sa kabila, isang mag anak ang mga duguan, mga bata, matanda at kung ano ano pang nakakatakot na itsura ng mga tao doon.

may nakabigti at napakunot noo siya ng mapansin ang isang larawan, isang babae na nakahawak sa leeg nito at nasaksak sa bibig ang isang tela.Hindi niya mapagtanto kung ano ba iyon dahil medyo madilim ang larawan na iyon.Napansin niya ang nakasulat sa ibaba ng larawan,"august 13 1990".

Muli ay inulit niya ang unang pahina dahil halos pare pareho ang buwan at petsa na nakalagay ngunit taon taon iyon.Halos paulit ulit lamang ang buwan at pangyayari, ngunit mas ikinagimbal niya dahil ang pinakahuling pahina ay blanko ngunit may nakasulat sa ibaba nang taong ito na "agosto 13,2018..

ang aming muling paghahari."

sa sobrang takot ay nabitawan niya ang libro..

"anong ibig sabihin ng mga ito,.?.naitanong niya sa sarili,dahil walang larawan ang nakalagay sa huling pahina kundi ang katagang iyon."sino ang maghahari?"bakit may ganito!?"nagtatakang tanong niya sa sarili.. Maraming mga bagay ang sumagi sa isip niya, at muling naalala ang unang larawan sa unang pahina.

nanginginig ang mga kamay na muling binuklat ang libro upang tukuyin ang ang larawan.

"bakit dugo ang andito at hindi tubig"?pagtatakang tanong niya dahil natukoy niya na ang punong nara na may dumadaloy na tubig sa dulong bahagi ng mansion ay hindi tubig kundi dugo ang nasa larawan.

"teka!! ba..bakit ganito!?hindi mapigilang maibulalas niya sa sarili.Naguguluhan siya sa mga pangyayari.

Nanginginig ang mga kamay na ibinalik niya ang libro, ngunit hindi sinasadyang mabuksan niya ito sa isang pahina, mas lalo siyang nagimbal sa nakitang larawan.Hindi niya iyon napansin kanina dahil mas abala siya sa pagtukoy sa mga naunang larawan.

"Diyos ko po, totoo ba ito?"hindi ba ako nananaginip?"nahihingal na tanong niya habang pinagmamasdan ang larawan.Hindi siya maaring magkamali, ang larawan na nakikita niya ay ang multo ng batang babae na laging napgpapakita sa kanya.

"Anong klaseng libro ito?!"halos hindi siya makapaniwala sa mga nakikita niya.Nangingilabot siya sa mga larawang nakapaskil sa libro.Hindi niya maipaliwanag ang takot niya.

Bigla siyang kinabahan sa maaring mangyari sa kanila ng pamilya niya.

Mabilis niyang binitawan ang libro at mabilis na tumakbo palabas ng kwartong iyon.Hindi na niya nakita pa ang pagsara ng pintuan at ang pahayag doon na hindi maaring pumasok sa kwartong iyon.Sa sobrang bilis ng kanyang takbo ay hindi niya napansin ang kanyang ina kaya bumangga siya rito.

"Ano ba alleen?!!"pasigaw na sita sa kanya ng ina dahil sa malakas na pagkakaumpog niya rito.

"saan ka ba gali'ng? At bakit andito ka sa loob ng mansion?diba pinapaluto kita ng hapunan natin"pangagalaiti nito sa kanya.

"sorry ma, pero narinig ko kasi kanina na tumili kayo.."kaya umakyat po ako at baka may nangyaring masama saiyo."bakas sa mukha niya ang pag aalala.

"anong umakyat, ano bang pinagsasabi mo,.. at papaano ako titili eh kakagaling ko nga lang sa labas".Ngayon pa lang ako aakyat sa taas ng mansion" Kunot noong sagot nito sa kanya.

"ho?!! eh papaano po nangyari iyon, eh nakita ko nga po kanina ng pumasok kayo sa loob ng mansion."Giit niya habang inaalala ang puntong nakita ang ina kanina.

Nangunguha siya ng mga gulay sa labas kanina ng makita ang pag pasok ng ina sa mansion.Tinanong pa nga niya ito kung tama na ba ang mga gulay na iyon para sa kanilang hapunan ngunit hindi siya nito pinansin."

"mam,umalis na ho tayo dito!!"hindi niya napigilan ang sarili na sabihin iyon lalo nang mapagtanto niyang pinaglaruan siya ng kanyang paningin kanina.

"ano ba ang pinagsasabi mo'ng bata ka!"nagdadrugs ka ba?!"galit nitong tanong sa kanya.

"ma, hindi ho.. maniwala kayo sa akin ma,mapapahamak po tayo kung hindi po tayo aalis!"kulamg na lang ay sapilitan niyang ipaiintindi iyon sa ina.

"ano bang pinagsasabi mo!"

"ma, nakita ko ho.. ang mga larawan, ang mga nakita ko sa larawan ay nangyayari na ma,.. please maniwala po kayo.."kulang na lamang na mag lumuhod siya sa harapan ng ina para mapaniwala ito.Hindi na tumuloy sa taas ng mansion ang kanyang ina at ipagpabukas na lamang daw nito ang paglalagay ng mga kurtina sa bawat bintana ng mansion.Lumabas sila at nagtungo sa kanilang tinitirhan.

Pinaupo siya ng ina sa upuan at saka binigyan siya ng tubig.Sa unang pagkakataon ay nakita niya ang pag aalala sa mukha ng ina,hindi niya kasi iyon nakikita dahil palagi lamang itong galit sa kanya.Hindi niya alam kung ang pagiging boyish ba niya ang ikinaiinis nito sa kanya.

"uminom ka nga muna ng tubig"!mahinahong wika nito at saka iniaabot sa kanya ang baso.Napansin nito ang nagkalat na mga hiniwang gulay sa ilalim ng mesa ngunit hindi na ito nagsalita.

Maya maya pa ay muli siyang nagsalita.

"ma, umalis na tayo dito..parang awa niyo na po.. mapapahamak tayong lahat ma..ang nangyayari na pagkamatay sa puno ng nara kung saan nandoon ang ginawang tapayan ni papa.. ang nangyari kay mang kanor mama,, hindi lamang po iyon.. maniwala naman po kayo."halos maghestirikal siya harapan nito upang mapaniwala lamang ang ina.

Maya maya pa ay pumasok na ang kanilang ama, kasunod nito ang dalawang kapatid.

"Anong nangyayari dito?!"nagtatakang tanong ni mang carlitos nang maabutan siya sa ganoong sitwasyon.

"Iyan tanungin mo yang anak mo."inginuso siya nito na nakaupo sa isang gilid.

"Nakasalubong ko iyan palabas ng mansiyon at ganyan na ang itsura niyan, namumutla..,"sumbong nito sa ama.

"eh, bakit anong ginawa mo taas, eh dito kita pinapaluto sa kusina kanina..'!pagalit sa kanya nang ama."

"Papa, umalis na po tayo dito please.."!!muli ay bulalas niya.

"oh siya yan, kanina pa yan nagsasabi ng umalis na tayo dito, hindi ko maintindihan iyang anak mo at kung bakit nagkakaganyan!"sabat ng kanyang ina na siyang nagpatuloy sa pagluluto niya.

Habang ang dalawang kapatid ay nakikinig lamang.

"papa, nakita ko po.. iyong mga namatay na nakita ko.. iyong bata papa,, iyong nangtari kay mang kanor at sa iba pang namatay nakita ko papa'".mangiyak ngiyak na sumbong niya sa ama.

"tingnan mo itong si alleen, nagiging adik na naman at kung ano anong pinagsasabi!'natatawang singit ng kuya niya.Ngunit hindi pinansin ang sinabi nito at bagkus ay nagpatuloy siya.

"Malapit na ang ika isandaan at isang taong anibersaryo ng mansion papa,ang marami na namang mga buhay na mawawala kapag hindi pa tayo umalis dito at hindi pa ninyo isinara ang bukal sa punong nara."Nakita niya ang pagkalito sa mukha ng kanyang ama.Ito na ang humarap sa kanya dahil abala ang kanyang ina.

"at saan mo ba nakuha ang mga yan,"!?sa wakas ay naitanong nito.

"sa libro sa taas papa,, doon sa hindi natin pinapasok na kwarto, doon ko nakita ang mga iyon.. nasa larawan papa ang lahat ng nangyari.."giit niya sa mga ito.. Ngunit wala man lamang siyang nakitang reaksiyon ng mga magulang at mga kapatid.

,

Chương tiếp theo