webnovel

Chapter 3(BACK TO SCHOOL)

Makalipas ang isang buwan at balik eskwela na ang magkakapatid.Gaya nag naipangako ng pamilya ng mga De saavedra ito ang sumalo ng kanilang mga gastusin sa eskwela.Simula sa mga gamit nila.Hindi niya alam kung bakit ganun na lamang ang tulong na ibinibigay ng mga De saavedra sa kanilang pamilya.Napakasaya ng kanyang ama dahil mas makakapag ipon ito para sa kanila at ang mga amo na ang sumalo sa lahat ng kanilang gastusin.Ang ate Carolina niya ay nasa siyudad na ito nag aral, at doon na lamang nag boboard.Samantalang ang kuya Dos niya any nasa kabilang bayan lamang ito.Siya naman ay nasa kabilang baranggay naman malapit sa kanilang bagong tirahan.Kinakabahan pa nga siya dahil iniisip ni Alleen na pagsusungitan siya ng mga bagong kaklase at alam ng mga ito na transfer sila sa bayan na iyon.Isinabay sila ng kuya dos niya pagpasok nang eskwela upang hindi na sila kailangan sumakay ng iba.

Nahihiya at kinakabahan siya kaya nanatili siyang tahimik sa isang upuan at pinagmamasdan na lamang ang mga estudyanteng dumaraan.Ngunit isang babae ang nakaagaw ng kanyang atensiyon,maganda ito at parang lalapit eto sA kanya.

"hi"nakangiting bati nito ng makalapit.

"hello, nakangiting kaway niya rito.

"transferee? "tanong nito.

."oo..timing sagot niya sa dalagitang kaharap.Tantiya niya kaidaran lang din niya ito.

"Im anafie"inilahad ang kamay pagkasabi nito.

"alleen."sabay lahad din ng kamay at nagshakehands sila.

"wow huh!!""pareho "A" panimula ng pangalan natin.Palagay ko magkakasundo tayo."nangingiting wika nito.

Maging siya ay napangiti na din.Kita niya ang pagiging palakaibigan ng dalagita at pagiging vocal nito sa kanya.Animo'y napawi ang lahat ng kanyang agam-agam habang kausap ang bagong kaibigan sa school nila.Ang kanina'y pakiramdam niya na mga matang nakatingin at sumusunod sa kanya ay napawi lahat ng iyon sapagka't nabaling ang kanyang atensyon sa kanyang bagong kaibigan.Natigil lamang ang kanilang pag usap ng dumating ang kanilang guro.Isa isa silang ipinakilala ng mga ito.Subalit nang siya na ang tatayo sa harapan upang magpakilala ay ganun na lamang ang panlalaki' ng kanyang mga mata sa nakita.Halos hindi siya matinag nang mapagtanto kung sino ang nasa dulong likod ng upuan.Nakita niya ang seryusong mukha ng batang babae na tila ba nakatitig sa kanya na animo'y may sasabihin.Pinilit niyang pakalmahin ang sarili dahil ayaw niyang maging tampulan ng tukso sa unang araw niya sa eskwela.Ikinurap kurap niya ang mga mata upang maiwaglit ang kanyang nakikita,.

"Miss Monreal it's your turn."wika ng kanyang guro na si miss buenaventura.Buti na lamang at nagsalita ito, dahil kung hindi baka tuluyan siyang nalamon mg kanyang takot.

"okay ka lang"? tinapik naman siya ni anafie na nakahalata sa kanyang panginginig.Tanging tango lamang ang kanyang itinugon rito.

"huwag kang kabahan.."dagdag pa ng bagong kaibigan na tila pinapalakas ang kanyang loob dahil sa pag aakalang kinakabahan siya dahil sa bagong pakikisalamuha sa mga bagong kaklase.

Ngunit ang totoo ay ang pagpapakita ng batang babae sa kanya.Tanging naisip niya na baka may nais iparating sa kanya ang batang babae gaya ng napapanood niya sa telebisyon.Pero ang nakikita niya kasi sa palabas ay ang duguang mukha ng mga nagpapakita, samantalang siya ay walang bakas ng dugo ang nakikita sa mukha ng bata.Nakatitig lamang ito sa kanya na tila ba kay layo ng naiisip,iyong animo'y nakatingin ngunit tagos naman sa kanya o wala sa kanya ang totoong sintro ng tingin nito.Huminga siya ng malalim upang magsimulang magpakilala, Ipinakilala niya ang kanyang sarili sa mga bagong kaklase,at gaya ng ibang eskwelahan naroon din ang mga mapang asar at makukulit na mga kaklase.Tahimik na lamang siyang naupo at nakinig sa bawat subject teacher nila na pumapasok sa kanilang kwarto hanggang matapos ang maghapong iyon.

"Alleen!!"Alleen!!Papalabas na si alleen ng kanilang eskwelahan ng marinig ang pagtawag ng kanyang pangalan mula sa kung saan.Bahagya siyang tumigil upang lingunin ang tumatawag.

Si anafie iyon, tumatakbo ito upang abutan siya.

"kanina pa kita hinahanap,andito ka na pala.."humihingal na wika nito ng makalapit sa kanya.

"oo,, pasensiya kana di kasi kita nakita kanina eh,kaya nauna na ako.. diko pa naman kasi alam ang pasikot sikot sa school natin".Nahihiyang pag amin nita rito.

"Naku, ganun ba?eh, di sana sinabi mo para masamahan kita."..

"naku, hindi na.. nakakahiya naman sayo.. gagawin pa kitang guide."

"naku wala yun.. di ba nga friends na tayo.. " nangingiting sabi nito sabay tapik sa braso niya.Gusto niyang mailang rito, hindi naman kasi siya yung tepikal na tibo na talagang mabilis ma atract sa isang babae, siya yung naaatract sa isang lalake pwedi din sa babae dahil alam naman niya ang kanyang hangganan dahil iyon ang laging pinapaalala ng kanyang ama.

'"sabay na tayo pauwi?""untag sa kanya ni anafie.

"aa..oo.. pwedi naman,..pero baka malayo kayo sa tinitirhan namin."sagot niya rito..

"bakit san ba kayo nakatira?"tanong nito sa kanya ng makita sa mukha niya ang pag aalangan.

"sa Hacienda De Saavedra.." tipid niyang sagot saka nagpatuloy sa paglalakad.

"huh?!!bulalas nito na ikinalingon niya.

"bakit parang nagulat ka yata?!"

"ah,eh kasi."nanlalaki ang matang sagot nito.

"Bakit?"tingnan mo ito, parang nakakita ng multo.. pagbibiro niya sa kaibigan dahil sa nakita niyang reaksyon nito.

"iyon talaga nga eh, sigurado kayo na sa hacienda de Saavedra kayo nakatira?'di makapaniwalang tanong nito sa kanya.

"oo nga, bakit ba ano ba ang meron? nangingiti niyang tanog rito.

"iyong mansiyon sa gitna ng gubat?"ulit nitong tanong na hindi pinansin ang kanyang sinabi.

"oo nga, bakit ba? anong meron?" naiinis na siya rito at ang dami pang pasikot sikot at hindi na lamang sabihin ang problema.

"alleen, hindi sa tinatakot ko kayo huh, pero ayon kasi sa kwento ng lola ko, madami daw kababalaghan ang nangyayari diyan sa mansion ng De Saavedra?!!"Animo'y natatakot pa itong magsabi sa kanya.

At dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan ay bigla siyang kinabahan, at muli niyang naalala ang batang babae na nakikita niya ngunit hindi naman nakakatakot ang hitsura nito.Ngunit mas minabuti niyang tanungin pa ito sa mga nalalaman nito tungkol sa mansion na tinitirhan nila.

"Bakit, ano bang mga kababalaghan ang nagpapakita sa mansiyon?"tanong niya.

"Ayun kasi sa lola ko, napakasama daw ng ugali ng may ari ng mansion at hacienda De saavedra",panimula nito habang tinatahak nila ang daanan papuntang sakayan ng tricycle

"Noong nabubuhay pa kasi si Don Temoteo at Doña Anselma ay walang nakakadaan sa Hacienda na yan at talagang papatayin bata man o matanda".Napakasama ng Don,Dahil kahit noong panahon ng tag init at naubusan ng tubig ang mga poso at water wheel ng mga taga rito ay hindi talaga pumayag ang Don na magbahagi ng kanyang tubig sa mamamayan, sa halip pinasara niya ang kanyang patubigan at ibininta sa mga tao na wala na ngang kakayahan ang kanilang tubig."

"Sa panahon kasi na iyon ay sila lamang ang may pinakamasaganang patubigan dahil nga nas loob sila ng kagubatan.Ngunit dahil sa pagkaganid ng mag asawa, marami ang nagtangka na looban sila at ni'y isa ay walang nagtagumpay at hindi na nakabalik pa.'"Nagulat siya sa rebelasyon ng kaibigan, at hindi niya akalain na ganun pala katindi ang pinagdaanan ng mansion na pinapangalagaan nila ngayon.Hindo siya makapaniwala sa mga narinig, at iyon ang pumapasok sa isip niya hanggang sa makauwi siya.Hindi na nga niya halos maintindhan ang iba pang kwento ng kaibigan niya dahil na rin sa ingay ng kanilang sinasakyan,dagdag pa ang kaba at takot na naramdaman niya dahil sa mga narinig na kwento mula kay anafie.Hanggang sa makarating siya sa kanilang tinitirhan ay tila wala pa siya sa huwisyo na pasalampak na naupo sa kanilang lumang sofa.Iniisip niya ang mga lugar na sinasabi ni anafie kanina, gaya ng puno raw na may umaagos na tubig, mayroon din balon na kahit ilang buwan man ang pananatili ng tag inut ay hindi ito natutuyo.Isa daw ito sa mga naging mitsa ng buhay ng mga taon nagnais lamang na makakuha ng tubig na maiinom ng kanilang pamilya na ipinagdamot ng mayayamang mag asawa.Bigla siyang napatayo ng may dumampi sa kanyang mukha na isang malamig na bagay.kinapa niya ang kanyang mukha kung saan kani kanina lang ay may kung anong pwersa na umuugoy sa kanya.BIGLa na lamang ay napaupo siya at sa isang iglap lang ay nakarating siya sa isang lugar na hindi pamilyar sa kanya.Parang hinahatak siya mg hangin at nakikita niya ang isang napakagandang paligid.Maraming masasayang tao,mga bata at matatanda.Bakas sa mukha nito ang saya.. Ngunit saglit lamang iyon dahil kasabay noon ay ang malakas na lagabong ng isang bagay na nahulog mula sa kung saan.

Mabilis siyang mapaigtad ng mapagtantong an nanay niya pala ay nakauwi na.. May dala itong bilao na puno ng gulay at iyon siguro ang ibinagsak kanina dahil mukha nga itong mabigat.Nagpasalamat siya at panaginip lang pala iyon.Di niya namalayang nakatulog pala siya dahil s asobrang pagod kanina.Maya maya pa ay narinig niya ang kapatid na si Susie, kasunod nito ang kuya dos niya kaya tuluyan nawala ang kanyang antok at pagkalito sa mga nakita kanina na parang totoo talaga.

Inutusan na kasi siya ng ina na gawan sila ng meryenda na agad naman niyang ginawa.Alam niyang pagod ang ina dahil sa paghaharvest nito ng mga gulay na pwedi nitong ibinta sa kalapit baranggay.Nakapagtanim na kasi ang mga magulang niya noong nakaraang buwan mg mga gulay at root crops na pwedi nitong pagkakitaan.

Chương tiếp theo