Isang araw pa lamang ang nakakalipas para sa pamilya monreal at halos hindi na magkaugaga sina mang carlitos at aleng valleen sa paghahanda para sa kanilang bagong tirahan.Ang mga anak naman nilang si Dos at carolina ay nasa kanilang mga kwarto naman upang mag ayos ng kani kanilang mga kagamitan.Si susie naman ay nilalaro ang alaga nitong si Bunnie na isang kuneho.Isinama talaga ito ng mag anak dahil regalo ito ng ninong ni susie noong ikawalong birthday nito.Samantalang si alleen naman ay nasa kusina at tumutulong sa kanyang nanay sa pag aasikaso ng kanilang hapunan.Isa kasi sa mga hilig ng dalagita ay ang pagluluto, bagamat si Carolina ang panganay ay hindi maikakailang mas magaling at mas mahilig sa gawaing bahay si alleen.Ito ang dahilan kung ba't mas paborito ni mang Carlitos ang boyish na anak keysa sa iba nitong mga anak.Mas naasahan niya kasi ang dalagita sa mga gawaing bukid at bahay keysa mga panganay nito.
"Alleen,kuhaan mo nga ako ng siling pansigang sa labas, may nakita ako roon kanina na panigang na tanim malamang ng dating katiwala rito."Marahang utos ng kanyang ina na agad naman niyang sinunod.
"saan ho banda mama?"muling baling niya rito ng maalalang hindi niya pala alam kung saan banda nakatanim ang naturang panigang.
"Nasa likod bahay,.. sa may gilid ng puno ng malaking nara, may garden doon..."saka bahagya nitong itinuro ang bahaging kinatatayuan ng puno.
"bilisan mo at malapit ng maluto ang aking sinisigang, at nang makakain na tayo." pahabol pa nito.
"opo."aniya,saka mabilis na sinunod ang utos ng ina.
Hindi alintana ang oras kung saan magtatakipsilim na at hindi niya pansin ang paligid.
Mabilis niyang narating ang maliit na garden na maraming tanim na sili,kamatis at iba pang gulay na maaring magamit sa pagluluto.
Nakaramdam siya ng excitement sa isiping maaari din pala siyang makapagtanim ng kung anong halaman na gusto niya.Habang nakatayo ay pinagmamasdan niya ang mga halamang hitik na sa mga hinog na bunga,at kakaiba talaga ang datung sa kanya sa tuwing nakakakita siya ng ganun kagandang halamanan o pananim.
Napangiti siya sa sarili, naisip niyang bukas na bukas din ay maari siyang magbungkal ng lupa at magsimula magtanim gaya ng ginagawa niya noon sa bulacan habang wala pang pasok. Nasa huling buwan na kasi iyon ng bakasyon at sunod buwan ay pasukan na.
Narinig niya ang tawag ng ina kaya mabilis siyang tumalima at kumuha ng siling panigang at mabilis na tumakbo pabalik.
Hindi na niya napansin pa ang mga matang kanina pa nakamasid sa kanya.
"Bakit ba ang tagal mo!!""Naiinis na wika ng kanyang ina nang makabalik siya sa loob ng bahay.
"sorry ma, tiningnan ko pa kasi ang mga halaman at napakaganda po nila." nangingiting sagot niya.
"Iyan ang mahirap sayo eh, kung ano ang inutos sayo iyon na lang ang gawin mo hindi iyong kung ano ano pa ang pinagpapansin mo.!!"Naiiritang sita nito sa kanya.
Iyon ang minsan ikinatatampo niya sa ina, hindi niya alam kung kaylan ba siya magiging mabuting anak para rito, lahat naman yata sinusunod niya, pero iwan ba niya at ganun na lamang ang bigat ng loob nito sa kanya. Iyong kay liit na bagay ay papalakihin nito o di kaya papagalitan siya.
Samantalang sa mga kapatid niya na wala namang inatupag kundi mag celphone o di kaya magbangayan ay wala lang para rito.Minsan naisip niyang anak ba talaga siya ng nanay niya at bakit ganito ang trato nito sa kanya.Gusto niya umiyak ngunit mas pinili niyang manahimik na lamang upang hindi na humaba pa ang usapan.
"Hala!!tawagin mo na ang mga kapatid mo at maghahapunan na tayo para makapagpahinga ng maaga,tawagin mo na rin ang tatay mo.".Muling utos nito sa kanya.
Iwan ba niya, pwedi naman itong tumawag, talagang uutusan pa talaga siya nito para puntahan ang mga kapatid niya.Pero gaya ng dati hindi siya nagrereklamo,sinusunod ang bawat utos ng ina.
Matapos ang kanilang hapunan ay maaga silang nagpahinga dahil lahat sila ay pagod sa mahabang byahe nila.Habang nakahiga ay napapaisip siya,hindi pa kasi siya dinadalaw ng antok,samantalang ang mga kapatid niya ay mahimbing na ang mga tulog ng mga ito.Nasa kabilang kwarto lamang ang kaniyang kuya Dos, samantalang silang tatlong babae ay nasa iisang kwarto na may kanya kanyang higaan.Malaki ang kanilang kwarto na talagang pinasadya para sa isang malaking pamilya, na animo'y alam ng nagpagawa noon na marami sila.
Si susie ay mahimbing na natutulog habang nakatagilid ito paharap sa kanya, ang ate Carolina naman niya ay nasa taas ng kanyang higaan.Hindi kasi ito malikot matulog kaya ito ang nasa taas.Habang pinagmamasdan ang natutulog na kapatid ay bigla siyang napasigaw ng malakas sa nakita niya.
"ano ba!!ang sarap na ng tulog ng tao ang ingay ingay pa!!" galit na sita ng kanyang ate Carolina ng magulat din ito sa pagsigaw niya.
Halos nanginginig siya sa matinding takot,ang kapatid naman niyang si susie ay nagising din.
"ate bakit?!"inosenteng tanong nito sa kanya.
"a'a'...huhhh.. ehhm. ano kasi nanaginip kasi ako.." halos utal niyang sagot rito.Hindi niya sinabi ang totoo sa mga ito dahil ayaw niyang matakot ang mga kapatid niya at ayaw niya ding mapagalitan ng mga magulang niya dahil sigurado siyang hindi siya papaniwalaan ng mga ito.
Nagtalukbong siya ng kumot ibang ibsan ang takot na nararamdaman niya,.
"matulog na nga kayo!.. baka may sumigaw pa huh!"" naiinis na wika ng ate nila.
"saka ikaw alleen bawas bawasan mo nga iyang pag iinom mo ng kape at kahit sa pagtulog nenerbiyos ka pa!!""ti-tibo tibo, duwag naman pala.ibinaba pa nito ang ulo upang makita siya sa baba habang nakabusangot ito.
"pati kami idadamay mo pa!".dagdag pa nito saka muling nahiga ulit.
Hindi na lamang siya umimik at sa halip ay ipinikit niya ang kanyang mga mata.Ngunit talagang bumabalik balikbsa isip niya ang nakita niya kanina.
Habang tinititigan niya kanina si Susie na mahimbing na natutulog ay bigla na lamang ito ngumiti sa kanya saka biglang dumilat ang namumulang mga mata.Ngunit ang nakakapagtaka kung bakit biglang naging mukha ng bata na nakita niya kanina sa daanan at sa mansion ang nakita niya.Ngumiti pa ito sa kanya.. hindi niya alam kung pagod lang ba o guni guni ang kanyang ang dahilan ng kanyang nakikita, pero alam niyang hindi.. dahil ang mukha ng bata kanina ay siya pa rin ang nakita niya kani kanina lang.
Pinilit niyang iwaglit sa isip ang nakita niya,at nagtagumpay naman siya dahil nga nakatulog siya.
Ngunit bandang alas tres ng madaling araw ay nakarinig siya ng animo'y mga paa na may hinihilang mabigat na bagay.
Dahan dahan siyang nagmulat at saka kinusot kusot ang mga mata upang maibsan ang Hapdi nito.Pinakinggan niya ulit ang naririnig kanina saka tiningnan ang mga kapaTid na mahimbing pa rin ang mga tulog.
"PANAGINIP NA NAMAN SIGURO YUN"naibulong niya sa sarili saka muling pumikit, ngunit mas lalong lumakas ang mga yapak ng mga paa na animo'y nasa loob lamang ng kwarto nila.Parang may hila hila itong isang malaking kadena base na din sa bawat lakad nito na tila nahihirapan sa paghakbang dahil sa isang mabigat na bagay."
"Jesus name!!""jesus name!""paulit ulit niyang bulong habang pinipilit ipikit ang mga mata na animo'y natatakot sa maaaring tumambad sa kanyang harapan.
Ayaw naman niyang sumigaw at baka maisturbo ang tulog nang mga magulang at kapatid niya at mapagalitan na naman siya.
Nakaramdam siya ng malamig na hangin na dumampi sa talampakan niya kaya dali dali niyang inayos ang kumot upang hindi maramdaman ang ang malamig na hangin ngunit nanatiling nakapikit ng mahigpit ang kanyang mga mata.Natatakot siyang sa pagdilat niya ay nasa harapan na niya ang naririnig niyang mga yapak.Nanalangin siya ng taimtim upang mawala ang mga masasamang elemento sa paligid.Mabuti na lamang at narinig na niya ang tilaok ng mga manok hudyat na umaga na.Maya maya pa ay narinig na niya ang kanyang mga magulang na nag uusap sa kabilang kwarto.Ugali na kasi ng mga magulang nila na tuwing alas singko ng umaga ay uusap ito tungkol sa mga plano ng mga ito at iyon ay di niya alam kung bakit kailangan ganoong oras dapat pag usapan ang mga problema at planong mga ito.
Medyo nawala na ang takot niya dahil umaga na.Kaya sinubukan niya uli pumikit upang matulog uli..
Alas syete na nang magising siya uli at wala na ang kanyang mga kapatid sa loob ng kanilang kwarto.Mabilis siyang bumangon upang mag ayos ng sarili at lumabas ng kwarto nila.Niligpit na muna niya ang kanilang higaan,ito pa ang problema niya sa dalawa niya kapatid na kahit mauna o di kaya'y mahuli man ito sa pagbangon sa umaga ay siya pa rin naman ang nagliligpit ng hinigaan mg mga ito.Para lang din itong mga kuhol kung makaiwan ng kanilang bahayan.Matapos niyang magligpit ay lumabas na siya ng kwarto saka dumiretso sa kusina.Memoryado na niya ang kanyang mga gagawin, mauna o mahuli man siya sa pag gising siya pa din ang magsasaing.Tahimik na ang paligid, alam niyang nasa kabilang bahagi ng lupa ng mga de saavedra ang mga magulang niya dahil narinig niya ang mga ito na mag gagapas ng damo upang makapagsimula na ang mga ito mapakapagtanim.
nagtimpla siya ng kanyang kape, habang nagpapainit ng tubig.Bigla na lamang siyang napatigil ng may marinig na sitsit mula sa labas ng bintana.Sinilip niya ang pinangagalingan ng sitsit ngunit wala siyang nakita.Bigla na naman siyang kinabahan, habang patuloy ang pagsitsit sa kanya at bigla niya pang maitapon ang mainit na tubig ng magulat sa pagsulpot ni Susie sa pintuan.
"kanina ka pa ba diyan.. naiinis na tanong niya sa kapatid.
"Hindi ah,,.. kakarating ko pa nga lang eh"nahahapong sagot nito habang dumiretso sa ref at kumuha ng tubig.
"eh sino nagsisitsit saakin kanina?"kunot noong tanong niya rito.
"aba, iwan ko sayo.. kakarating ko lang kaya.."sagot nito sa muling lumabas.Naiwan naman siyang nagtataka.Imposible kasi na ang kapatid niya ang mag sisit sit sa kanya eh galing sa bintana ang naturang tunog at hindi sa pintuan.
"sa sunod bawas bawasan mo na ang pagkakape ate.. "!!natatawang biro nito sa kanya na sumilip sa bintana kung saan siya nakatingin.Hindi na lamang siya umimik.Nagtataka kasi siya kung bakit siya lamang amg nakakakita at nakakarinig sa mga tunog o lalo na iyong bata sa mansion at sa daan.Pakiramdam niya siya lamang ang gustong takutin ng mga ito o baka naman masyado na kasi siyang nagpapaniwala sa mga kwento kwentong katatakutan.Samantalang ang mga kapatid niya ay wala namang reklamo sa bago nilang tirahan, ang sasarap din ng tulog ng mga ito samantalang siya hirap matulog at ang dami pang nakikita.Hindi niya alam kung ano pa ba ang dapat niyang gawin upang mas mapabuti at mawala na ang mga nakikita niya na hindi naman nakikita ng kanyang pamilya.