Maaari nating sabihin na ang pagkakaroon ng sinasabing 'third eye' ay biyaya mula sa nasa itaas. Pero iba ang depinisyon ukol rito ng isang estudyanteng babae na si Carolina Alcober. Para sa kanya ay isa itong sumpa. Isang sumpa na habang buhay niyang dadalhin at hindi na niya matatakasan pa. Saan siya dadalhin ng kanyang kapalaran? Kung patuloy niyang nakikita ang mga kaluluwa ng mga taong may malalim at mas kahindik-hindik na dahilan ang pagkamatay, mahigit isan-daang taon na ang nakararaan?
Mabilis ang aking paglalakad sa kalye na aking dinaraanan. Nakakainis man ang tingin ng bawat tao na aking madaraanan ay wala akong pakialam. Mas lalo ko lamang nilakasan ang volume ng aking cellphone para lumakas ang tunog ng dalawang earphones na nakakabit sa aking tainga. Pero sa kabila noon ay nakikita pa rin ang bawat pagbuka ng bibig nila.
Paulit-ulit lang naman sila ng sinasabi. Na kesyo baliw at may saltik daw ako. Kasalanan ko ba na higit pa sa kanila ang nakikita ng mga mata ko? Hindi ako duling---at mas lalong hindi ako baliw. Oo nga't nakakakita ako ang espirito ng mga taong pumanaw na pero alam ko sa sarili ko na hindi iyon likha ng imahinasyon ko. Totoo. Totoo ang sinasabi ko.
My Lola Lelia kept on making me believe that this is a gift----that I am gifted. Pero hindi ko ito magawang paniwalaan. Dahil para sa isang katulad ko na may ganitong kakayahan, hindi ako natutuwa. I never think of this shit as a gift. Instead, I made myself believed that this is a curse.
Katulad na lamang ng dalawang batang babae na kanina pa nakasunod sa akin magmula ng makalabas ako sa aming tahanan. Na para bang binabantayan nila akong lumabas at makuha ang kanilang pakay. Alam ko namang hindi sila tao dahil sa aura na binigay nila sa akin ng makasalamuha ko sila kanina.
Marurumi ang kanilang mga damit at may bahid pa ang mga ito ng dugo. Halos mawarak na ang kanilang mga shorts at hindi ko alam kung bakit. May sapin naman sila sa paa pero napakarumi din nito. Ngunit ang mas nakaagaw ng pansin ko ay ang maliit na apoy sa kanilang dibdib na nagpapahiwatig ng isang bagay.
'undying souls'
Sila ang mga unang taong nanirahan dito Lañana City. Pero hindi namin sila matatawag na ninuno sapagkat hindi naman kami nangggaling sa kanilang angkan. Kumbaga, kami ay mga taong galing sa ibang angkan mula sa mga kalapit na probinsya ng Lañana at napiling manirahan at magsimula ng bagong buhay sa isang lungsod na wala ni isang tao. Puno ng mga gusali at kumpletong kagamitan, mga naggagandahang bahay at hangin na walang polusyon pero wala ka raw makikita dito noon na bagay na may buhay. Hindi daw naman ganoon ang Lañana noon. Sadyang bigla na lamang raw nawala ang mga tao dito ng sumapit ang taon ng 1826. At kung bakit?----Walang nakakaalam.
Sinabi ko noon na patay na ang mga ninuno ng Lañana dahil nakikita ko ang mga kaluluwa nila pero walang naniwala sa akin. Napagkamalan pa akong baliw dahil sa mga sinabi ko. Nagalit sa akin ang mga matatanda dahil gumagawa daw ako ng kwento. Hindi ko na raw ginalang ang mga tunay na may-ari ng lupang kinatatayuan ko. Hays. Ewan ko ba sa kanila. Kung ayawa nilang maniwala, e di wag!
"Ayy!" Napasigaw ako ng biglang may malamig na kamay na humawak sa braso ko. Nakalimutan ko ang dalawang bata na nakasunod sa akin kaya naman mas pinagtinginan pa ako ng mga tao.
Tanginis naman.
""""
Disclaimer: This is a Work of Fiction… This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Plagiarism is the "wrongful appropriation" and "stealing and publication" of another author's "language, thoughts, ideas, or expressions" and the representation of them as one's own original work. Plagiarism is considered academic dishonesty and a breach of journalistic ethics.