webnovel

Chapter 2

II

| Hug |

Nagising ako dahil sa isang katok. Pinalipas ko muna ang ilang segundo bago magsalita. Gusto ko pang matulog, give me some minutes please.

"Come in."

When the door open, I saw the smile of Nanay Emma. Ayos ng pampagood vibes ah, nakakawala ng antok.

"Malilate kana for breakfast kaya ginising na kita. Bangon na dyan anak kasi nakahanda na ang agahan."

She sat beside me. Inalis nya ang kumot sa katawan ko. Then pinitik nya ang noo ko. Napapitlag lang ako, hindi naman kasi masakit. Ginagawa nya 'yon para daw magising ang diwa ko ng tuluyan. I think its effective naman.

"Give me some minutes Nay. Mag-aayos lang po ako then bababa na rin."

Tumayo sya para hilahin ako sa pagbangon. Shocks! Ayaw nya akong pagbigyan, di na naman sya naniniwala sa sinabi ko. That's my Nanay, she knows when I'm lying. Sa ganitong usapan, di ko sya maloloko.

"Alam kong tatagal yang hinihingi mong ilang minuto. Hala, pasok sa banyo."

Tinulak-tulak nya ako papasok ng banyo. Hindi rin naman ako makapalag kasi malakas pa din naman sya sakin at ayoko naman syang suwayin sa gusto nya. Kung may dapat akong sundin sa lahat ng tao dito sa bahay, si Nanay Emma yon.

"Mag-aayos na po Nay."

"Oorasan kita, limang minuto."

"Opo"

Lumabas na si Nanay Emma para hayaan akong ayusin ang sarili ko. Tinignan ko ang sarili sa salamin tsaka nagpakawala ng isang malalim na paghinga. Nandito na ako eh, wala na nga talaga akong choice kundi mag-ayos na.

Paglabas ko nakaayos na ang higaan ko. Oh? Malamang si Nay Emma nag-ayos, mabilis talaga sya mag-ayos. Minsan kasi ayaw nya ng magulo lalo na sa kalat, ayaw na ayaw nya.

"Di ba Nay fiesta sa inyo ngayon?"

Kumakain kami ng almusal with Nanay Emma and other maids. Madalas kaming ganito lalo na pag wala sila Mama at Papa. Kasi pag nandito mga 'yon walang mangangahas na sumalo sa pagkain.

"Yes Nak, bakit?"

"Di ka po ba uuwi?"

"Fiesta lang naman yon nak. Ang importante sakin ang maasikaso kita dito at ang bahay."

"Matagal pa naman balik nila Papa diba? Punta tayo Nay. Please!"

Matagal-tagal na sigurong hindi nakakauwi si Nanay Emma sa kanila dahil mas gusto nyang manatili dito. Why not ngayon kami umuwi diba? Tutal fiesta naman, makapagsaya naman. Mahilig din talaga ako sa mga pista kaya di ko papalampasin ang fiesta ng Quezon.

"Sigurado ka ba dyan nak? Malayo yon eh."

"May sasakyan naman tayo Nay."

"Sige. Ikaw bahala, kung gusto mo talaga eh bakit kita pipigilan?"

"Wahhh. Thanks Nay."

Pagkatapos kumain naghanda na kaming lahat sa pagbyahe papuntang Quezon. Halos apat na oras rin daw ang layo kaya dapat maghanda na kami agad. Wala naman akong maraming dala, sakto lang for few days na mananatili kami kila Nay Emma. Pagbaba ay sinalubong ako ni Ate Maya. Sa itsura nya alam kong may sasabihin sya sakin.

"Bunso may tao sa labas hinahanap ka."

"Sino daw po?"

"John daw ang pangalan pero di ko sya kilala bunso eh."

Ang agad pumasok sa isip ko ay si John na nameet ko sa bar noong isang araw. Bakit naman sya pupunta dito? Tsaka di ko naman sa kanya sinabi ang adress ko. Pano nya nalaman?

"John?"

"Yes bunso. May kilala ka bang John?"

"Not sure Ate."

Sinundan ako ni Ate Maya sa paglabas para tignan ang taong naghahanap sakin. Pagdating ng gate, isang bulto ng lalaki ang natagpuan naming nakatalikod at may kinakausap sa cellphone. Ibinaba nya ang kanyang cp at humarap samin.

Natulala ako nang makumpirmang sya nga ang John na iniisip ko kanina. Bakit sya nasa harap ng bahay ko? Nakakagulat pero masaya ako na nandito sya. I can't believe he's here.

"Ahmf. Ate Maya, papasok na sa sasakyan yong mga gamit natin. Kausapin ko lang 'to."

"Sige bunso."

Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Magkahalong tuwa at pananabik ang pakiramdam ko ngayon. Tuwa dahil nandito sya sa harap ko, totoong John. Pananabik dahil makakausap ko sya ngayon ng matino.

"May lakad kayo?"

"Oo eh. Pano mo nga pala nalaman bahay ko?"

"Mommy told me your place."

Ugh! Naaalala kong naikwento ko nga pala sa mommy nya ang tungkol sa lugar ko. Bakit di ko naaalala yon kanina? Ikikwento daw kasi nya ako kay John paggising nito. Ibig sabihin, naaalala nya ako?

"Ahh oo nga pala. Naikwento ko nga pala sa kanya."

"She told me na puntahan kita to formally give my gratitude para sa paghatid mo sakin sa bahay. Salamat."

"Wala 'yon."

Binuksan nya ang pinto ng kanyang kotse at may kinuha sya. Flowers with chocolates. Inabot nya ito sakin na tinanggap ko naman agad. Walang eme-eme, grab agad.

"Hindi ko alam yong gusto mo kaya ito nalang binili ko. For you."

"Naku nag-abala ka pa. Salamat!"

"San nga pala punta nyo?"

"Sa Quezon, makikifiesta kila Nanay Emma. Gusto mo sumama?"

Natawa sya tsaka nagkamot ng ulo. Eh, nag-aalinlangan sya. Okay lang naman sakin na di sya sumama pero mas maganda siguro kung sumama sya.

"Tawagan ko lang si Mama, magpapaalam ako."

"Sige lang."

May idinial sya sa cellphone nya. Mama na sya siguro yon.

"Kausapin ko lang ah?"

Tumango lang ako. Lumayo sya ng bahagya para kausapin ng maayos ang mommy nya. Maya-maya lang ay bumalik sya sakin, iniabot ang cellphone nya. Eh?

"Kausapin ka daw ni Mama."

Hindi handa kong tinanggap ang cp at inilagay sa tenga para makausap ang nasa kabilang linya.

"Hello po."

"Archie ikaw na ba to?"

"Yes po."

"Okay! Nagpaalam sakin si John na sasama sya sa inyo."

"Opo. Okay lang po bang isama sya?"

"Ofcourse. Basta iingatan mo ang anak ko ah?"

"Opo. 3 days lang naman po kami doon."

"Sige. Mag-iingat kayo sa byahe. Ill hang-up na kasi may meeting pa ako. Bye"

"Bye po."

Naputol na ang kabilang linya kaya ibinalik ko na kay John ang cellphone. Ganun lang yon? Lakas ko naman kaagad sa mommy nya para pumayag nang ganun kadali.

"Anong sabi?"

"Pumayag sya na sumama samin."

"Really?"

"Bakit?"

"Mahigpit yon pagdating sa byaheng malalayo."

"Ganun? Eh ang mahalaga pinayagan ka."

Pumasok muna kami sa bahay para uminom ng gamot. Buti nalang mayroon kaming stock ng gamot para sa sakit ng ulo. Bigla daw sumakit, baka dahil sa init ng panahon.

"Kotse ko nalang ang gagamitin natin."

"Ikaw bahala. Sabihan ko nalang sila Nanay Emma."

Agad naming pinuntahan sila Kuya Garry para ipaalam na kay John na ako sasabay. Dahil hindi naman alam ni John ang daan, nakasunod lang kami sa sasakyan nila Kuya Garry.

Hapon na nang makarating kami sa Lucena City kung saan nakatira si Nanay Emma. Anong ginawa ko buong byahe? Nakatingin sa labas, umiidlip at nagtutulog-tulugan.

Why? Naiilang ako at walang masabi dahil kasama ko si John.Hindi rin naman sya nag-insist makipag-usap kaya napakaboring ng naging byahe namin.

Malaki ang bahay ni Nanay Emma kasi tinulungan ko syang mapagawa ito. At syempre hindi iyon mangyayari without the help of my parents. Naging suportado naman sila sa naisip kong plano, hindi na kasi bago samin si Nanay Emma sa amin. Why not helping her sa ganitong bagay.

Syempre I have my own room here sabi ni Nanay Emma. Pinasadya nya daw ito sakaling may bisita syang dumating at dito matutulog.

"Wala nang ibang kwartong pedeng matulugan itong si John anak, pede bang sa kwarto mo na sya matulog?" pakiusap sakin ni Nanay Emma.

Shocks! Magsasama kami sa iisang kwarto? Super awkward nito panigurado. Kawawa naman ang isang ito kung aayaw ako. San sya matutulog? Kaya ayoko ng mag-inarte pa.

"Sure Nay." Walang kasiguraduhan kong pagpayag.

"Oh John, narinig mo? Pumayag na syang doon ka sa kwarto nya."

"Salamat po." pagsagot ni John kay Nanay Emma.

Nakasunod sya sakin pagpasok ng kwarto. Hindi ko sya pinapansin dahil naiilang pa rin ako sa presensya nya. Bakit kasi ang gwapo nya? Nakakainis!

"Okay lang ba talaga sayong dito ako sa kwarto mo matulog? Pwede naman ako sa sofa nalang."

Hinarap ko sya to clarify my decision. Gusto ko din naman sya na dito matulog dahil wala na ngang ibang matutulugan. Ako nagyaya sa kanya dito kaya ayokong mag-inarteng ayaw ko sya kasama dahil ang totoo'y gustong-gusto ko.

"Okay lang. Remember, ako nagyaya sayo dito kaya dapat may maayos kang matutulugan."

Kasya naman ang dalawang tao sa kama. Pedeng-pede kami magtabi, kasyang-kasya kaming dalawa. Malaki pa nga ang space eh, pede pang pantatluhan kung medyo payat ang ang pangatlo.

"Okay. Salamat Archie."

"Naku wala 'yon. Ako dapat magpasalamat dahil sumama ka dito. Dyan mo nalang ilagay mga gamit mo."

"Sige."

Sabay-sabay ba kaming kumain sa labas. Gusto sana ni Nanay Emma na magluto pero pinigilan ko na dahil alam kong pare-pareho kaming pagod sa byahe. Magpapahinga nalang siguro kaming lahat pagkatapos kumain. Bukas ang opisyal na pagsisimula ng pista dito sa Lucena. Napagkasunduan naming kumain sa Buddys, isa sa sikat na kainan dito sa loob ng SM.

"Kami na oorder Nay."

Nagpresenta ako para umorder. Hinila ko si John para samahan ako, walang hiya-hiya ngayon dahil kailangan ko ng kasama.

"Anong gusto mo?"

"Kahit ano nalang. Ikaw bahala,"

Dahil sa sinabi nya, parehas kami ng order. Ang paboritong kainin nila Nanay Emma ang inorder ko para sa kanila. Tiyak lahat kami ngayon ay mabubusog sa mga inorder ko.

"Tagal nyo Nak ah. Baka dinamihan mo na naman ang order."

Naupo na kami ni John matapos umorder. Magkatabi kami dahil may kanya-kanyang katabi naman yong iba. Napangisi na lamang ako sa sinabi ni Nanay Emma.

"Hindi naman Nay. Tsaka madami naman tayo ah, tiyak mauubos natin lahat 'yon."

"Ang inalala ko lang ay baka diet ang mga ito. Masasayang ang pagkain."

Pagtukoy ng ilan sa mga kasamahan namin, mga dalaga pa kasi ang ilan kaya gusto magpasexy, ayaw magpataba. Palibhasa mga pihikan sa lalaki, ang tataas ng standards. Daig pa ang mayaman kung makapagset ng tipong lalaki na gugustuhin. Tsk!

"Hindi naman Nay Emma. Walang diet-diet ngayon, mga gutom kami."

Sabi Ate Jaya, ang pinakabata sa lahat. Sinundan nya iyon ng nakakatawang tawa. Napatawa kaming lahat sa tawa nya kahit pa hindi sya nagbibiro. Yong expression nya kasi talagang matatawa ka ng wala sa oras.

Nasundan pa iyon ng sunod-sunod na kwentuhan na hindi mawala-wala ang biruan kaya napuno kami ng ingay sa kakatawa. Nakakahiya man sa ibang customer pero deadma na dahil wala rin naman silang pakialam, di naman nila kami kilala.

"Nagdrawing ang anak ng unggoy. Dumating ang Tatay sabay puri sino yan anak ang galing mo talagang gumuhit mana ka sakin ah."

Banat ulit ni Ate Jaya para magjoke.

"Oh tapos?" sabi ni Ate Maya.

"Ikaw 'to Pa eh. HAHAHAHA."

Di pa man natatapos ang sinasabi ay tawang-tawa na sya sa joke nya. Kami naman ay di rin mapigilan ang tumawa. Sumasakit na ang tiyan ko kakatawa.

"Aray."

Si John ang nagreklamo. Halaka! Di ko namamalayang si John na pala ang pinaghahampas ko. Mapanakit kasi talaga ako pag tawang-tawa. Siya nga pala ang katabi ko.

"Halaka sorry. Nacarried away lang ako."

"Okay lang. Sakit ah."

Hinimas-himas ko yong parteng pinagpapalo ko para naman mabawasan ang sakit. Alam kong masakit talaga ako manghampas kaya ramdam ako ang nararamdaman niya.

"Ang galing mo palang humimas."

Kita ko ang mapanuksong ngiti sa kanyang mukha. Agad ko namang itinigil ang ginagawa tsaka inilayo ang aking kamay sa kanya. Bwesit! Nag-init bigla ang aking mukha sa sinabi nyang iyon.

"Ang epal mo ah. Wag ka ngang ano dyan."

"Wag ano? Namumula ka."

Nang-aasar na sya ngayon pero andun padin ang mapanuksong ngiti nya. Pakiramdam ko mas lalo akong namula. Shit nakakahiya.

"Tumigil ka nga John. Di nakakatuwa."

Umakto akong nagagalit na. Tsaka ko rin napansing lahat sila ay nakatingin saming dalawa ni John. Pak! Gusto ko nalang lumubog sa kinauupuan ko ngayon. Sobrang nakakahiya, grabe. Ngumisi nalang ako tsaka nag-isip ng sasabihin nang mabanaag kong paparating na ang inorder naming pagkain.

"Kain na tayo. Andyan na ang pagkain."

Pilit kong iniiwasan ang mga tingin nila sakin. Mas lalo lang akong nahihiya. Inabala ko ang sarili sa pagkain. Tahimik lang ako dahil sa kahihiyan. Baka anong isipin nila Nanay Emma samin ni John, kainis.

Wala naman dapat akong alalahanin dahil wala naman 'yon samin. Alam ko kasing di maiwasang mag-isip o manghinala sa nakita nila. Ayaw kong bigyan nila ng malisya 'yon pero bahala na kung ano man ang iniisip nila.

Wala kaming ginagawang masama!

Wala nga ba? Bahala na nga. Hanggang sa matapos akong kumain, di ako umimik o nakisali sa usapan nila. Hanggang ngayon nahihiya pa rin ako sa mga tingin nila sakin.

"May gusto pa ba kayong gawin?"

Tsaka lang ako nagkaroon ng lakas ng loob magsalita matapos kumain ng lahat. Baka lang naman kasi nasa loob naman kami ng SM. Nagtinginan lang silang lahat, naghihintay kung sino ang sasagot.

"Uwi nalang muna siguro tayo nak. Alam kong pagod ang bawat isa sa byahe. Mabuti na iyong makapagpahinga para may energy tayo bukas."

Si Nanay Emma na ang sumagot. Nagustuhan ko ang kanyang naging sagot. Sang-ayon ako, ewan ko lang sa iba. Gusto ko na nga ring humilata at matulog na lang muna.

"Okay ba 'yon sa inyo?"

Kanya-kanyang tango naman ang naging sagot nilang lahat sa tanong ko. Umuwi kami dahil iyon ang gusto ng lahat. Mabuti na sigurong makapag-ipon kami ng enerhiya para bukas dahil tiyak na maghapon kaming magsasaya sa pista.

Pagdating sa bahay ay dumiretso ako sa kusina para uminom ng pineapple juice. Hindi ko alam na sumunod pala sakin si Nanay Emma. Bakit kaya? Bigla naman akong kinabahan sa itsura nya, ang seryoso kasi eh.

"Bakit Nay?"

"Pede ba nating pag-usapan ang tungkol sa inyo ni John?"

"Sige po Nay."

"Gaano na kayo katagal magkakilala?"

"Bago palang Nay. Nung nagbar ako, hinatid ko sya kasi lasing na."

"Close na agad kayo?"

"Hindi naman po masyado Nay."

"Ganun ba? Bakit mo sya sinama dito?"

"Wala lang po. Nagpaalam naman po ako sa Mommy nya at pumayag naman po."

"Bait ng Mommy nya ah para payagan agad ang anak nya na sumama satin."

"May problema po ba kay John Nay?"

Hindi agad si Nanay Emma nakasagot sakin. Tila nag-isip pa ito ng sasabihin. Alam kong nahalata nya kami kanina ni John sa restaurant. Alam kong nag-aalala sya para sakin.

"Wala naman anak. Ang gusto ko lang iparating ay mag-iingat ka sa pagkakatiwalaan. Kilala kita. Alam kong marupok ka."

Lah si Nanay Emma talaga oh. Di naman masyado. Pinapahalata naman nyang ang bilis ko mafall.

"Nay naman. Close lang kami ni John pero di ko po sya gusto."

"Kahit na. Mag-iingat ka pa din baka mamaya saktan ka lang nyan."

Pumunta ako sa likod ni Nanay para maglambing. Niyakap ko sya patalikod tsaka ipinatong ang ulo sa balikat nya.

"Thank you Nay pero promise po hindi po ako magpapadala sa bugso ng damdamin."

"Siguraduhin mo lang baka ako pa maunang bumugbog sa kanya pag nagkataon."

"Harsh naman Nay. Di naman po siguro ganun si John."

Kumalas si Nanay Emma sa pagkakayakap ko sa kanya. Hinarap nya ako at hinawakan ang mga kamay.

"Gamitin mo ang isip mo bago puso ang pairalin. Hala, umakyat kana para magpahinga."

"You too Nay."

"Maya-maya ako, may pupuntahan lang ako saglit."

"Sige po Nay. Ingat po."

"Okay Nak. Salamat."

Ngiti ang iniwan ko kay Nanay Emma. Paglabas ko ng kusina ay nakita ko si John. Kanina pa ba sya dito? Kinabahan ako bigla baka narinig nya ang usapan namin ni Nanay Emma. Shit! Sana lang talaga hindi.

"Hello John. Kanina kapa ba nandito?"

"Hindi. Kakalabas ko lang ng CR. Bakit?"

"W-wala naman. Sige una na ako sa taas. Sumunod kana lang."

"Alright. Iinom lang akong tubig sa kusina."

"Okay."

Pagpasok ng kwarto ay napabuga ako ng malakas. Woo buti nalang. Kala ko talaga kanina pa sya doon at nakikinig samin ni Nanay Emma, hindi naman pala. Kung nagkataon, baka ano pang isipin nya.

Nakahiga na ako nang pumasok ng kwarto si John. Hindi sya mapakali. Problema nya? Maya-maya pa'y kinuha nya ang folding bed at tangkang ilalatag ito sa sahig na katabi ng kamang hinihigaan ko pero pinigilan ko sya.

"Teka anong ginagawa mo?"

Hawak nya ang folding bed. Hindi nya mailatag kasi ayoko. Magtatabi kami kung kinakailangan huwag lang syang matulog sa lapag.

"Maglalatag? Kasi magpapahinga na din ako."

"Sa tingin mo papayag ako na dyan ka?"

"Maybe?"

"Hindi. Dito ka sa tabi ko matutulog. Ang laki-laki pa ng space oh."

"Sure ka?"

"Oo."

Bigla akong nagsisi sa naging desisyon ko nang bigla syang ngumisi sakin. Pak! Agad nyang ibinalik ang folding bed sa pinagkuhaan nya nito. Agad syang nahiga sa tabi ko nang maiayos nya ng balik ang folding bed.

"Tabi talaga tayo?"

Parang bata sya ngayon, parang tanga. Hindi ko alam kung nang-iinis sya o ewan. Parang ewan eh. Di ko sya matignan nang deretso dahil sa ngiting nyang mapanukso. Ewan ko kung ganung ngiti talaga ang pinapakita nya o yon lang talaga pagkakabasa ko sa kanya.

Kinikilabutan ako. Parang gusto ko nalang matulog sa kwarto ni Nanay Emma. Bigla akong nakaramdam ng matinding pagkailang dahil sa presensya ni John.

"Wag kang makulit. Magpahinga na tayo."

"Sige. Sabi mo eh."

Di ko na sya inimik. Tumahimik din naman sya bigla. Bale nakatalikod ako sa kanya kaya hindi ko alam kung natutulog na ba sya o hindi pa. Matutulog na ako my gash.

Nakapikit na ako pero di pa rin makatulog. Ang tahimik na ng paligid. Baka nga tulog na sya. Check ko nga. Paglingon ay laking gulat ko nang makitang dilat pa ang mga mata nya.

"Oh gising ka pa?"

Natameme ako bigla sa itsura nya. Ang gwapo nya lalo sa malapitan. Harot ko my gash! Hindi pwede ito baka marape ko sya ng wala sa oras. Ay naku ang halay na ng mga iniisip ko ngayon.

"Hindi ako makatulog. Ikaw, bakit gising ka pa? Kala ko tulog kana."

"May iniisip lang kaya di makatulog."

Naku hindi nga agad nakakatulog kung may iniisip ka. Tulad ko, di makatulog dahil may kung anong iniisip wala namang kwenta. Alam nyo 'yon? May maisip lang. Eh di ko kasi maiwasang mag-isip sa sitwasyon namin ngayon kaya ganito ang nararamdaman ko, naiilang. Super!

"Bukas mo na isipin 'yon. Matulog kana."

Tumalikod akong muli para pilitin ang sariling matulog kahit alam kong hindi agad-agad makakatulog. Ngayon ko lang naisip kung bakit ko nga ba sya sinama dito. Hindi ko din alam. Parang biglang may sumapi sakin para akitin syang sumama samin.

Takte! Ang dami kong palusot. Eme lang. Parang ganun lang, bigla ay niyaya ko sya. Tila ba nawalan ako ng iniisip bigla tapos niyaya ko na agad sya na sumama. Gets? Hahaha.

"Iniisip kasi kita."

O-M-G! What? Wait, di ko maabsorb. Buffering! Loading... Iniisip nya ako. What? Why?

"Bakit ako?"

Nanatili akong nakatalikod sa kanya kahit gusto ko na syang harapin. Remember self, huwag marupok. Bigla kong naalala ang sinabi ni Nanay Emma sakin. Marupok ako. Huwag ngayon, di ako ready.

"Bakit sa lahat ng tao sayo magaan ang loob ko?"

"Kasi tinulungan kita? Matulog na tayo please. Gusto ko nang magpahinga."

Ako na 'yong gumawa ng way para maiwasan ang topic. Baka kung saan pa humantong, I'm not ready talaga. Baka mamaya maheart attack ako sa gulat, di kinaya ganun.

Maya-maya pa'y bigla kong naramdaman ang pagyakap nya sakin. Labis ko iyong ikinabigla. What is he doing? Papatayin nya ata ako sa ginagawa nya. Papalag na sana ako nang magsalita sya.

"Please do me a favor, let's stay like this for tonight. Let me hug you."

Di na ako pumalag at hinayaan syang yakapin ako. Nasa ganoong posisyon kami (nakayakap sya sakin habang nakatalikod ako) nang bigla akong dalawin ng antok. Hindi ko alam kung normal ba o sadyang inantok ako dahil sa pagkakayakap nya sakin. Tuluyan na akong nakatulog dahil sa yakap nya. Aminin ko man o hindi alam ko sa sarili kong natulog akong kinikilig.

Chương tiếp theo