webnovel

Chapter Two Hundred Two

"Mama please," pagmamakaawa ko sa kanya. Umaasa ako na maaabot ko ang puso niya at pang-unawa.

"Pack your things, Samantha," malamig na utos ni Mama. "Nakahanda akong kalimutan ang lahat ng nangyaring ito, sumama ka lang. I will call my assistant para ihanda ang flight natin mamaya. Tatawagan ko na rin ang mga magulang ni Jared para pabilisan ang kasal ninyong dalawa. Legal age na kayo."

Ipipilit parin nila sa akin ang kasal. Lumapit ako kay Mama at nagmakaawa.

"Mama please, ayoko! Ayokong magpakasal sa kanya! Please Mama!"

Galit na hinablot ni Mama ang braso ko. "It's best if we leave now." Hinila ako ni Mama palabas ng bahay.

"No!!" Tumingin ako kay Timothy. "Timothy!"

Agad na lumapit sa akin si Timothy para hilahin ako pabalik sa kanya. Mahigpit akong yumakap sa kanya. Mahigpit rin ang hawak sa akin ni Timothy.

"With all due respect Ma'am, I will not let you take her away from me like this. Don't force her to do something she clearly doesn't want to do," mahinahon na sabi ni Timothy kay Mama.

"Did you hear what this boy just said to me, Cris?" tanong ni Mama kay Papa na puno ng sarcasm bago muling bumalik ang tingin niya kay Timothy. "Do not patronize me, young man! My daughter is too good for you! If you truly love her, you will stay far away from her. Do not associate yourself with my daughter anymore!"

Wala akong magawa kundi ang panoorin silang mag-usap. Patindi nang patindi ang takot na nararamdaman ko.

"I perfectly understand your reason as to why you didn't want her to be with me. If I were in your place, I would also feel and do the same thing. I agree, she's too good for me but I love your daughter very much and I won't stop loving her for that one reason. I will do everything just to be with her, be worthy of her. If she asks for the moon, I would give it to her."

"You don't love her! You are clearly obsessed with her!" pagbibigay diin ni Mama sa nakikita niya. "You bring nothing but trouble to my daughter. Haven't you done enough?"

Napayuko ako at napapikit nang mariin. Napatingin ako sa nanginginig kong mga kamay. Hindi ko magawang huminahon. Ang hirap huminga. Ang sikip ng dibdib ko. Ayokong sumama kay Mama… pero ayokong nakikita silang ganito ni Timothy. Mahal ko sila pareho.

"I love your daughter. I also want what's best for her. If she asks me to leave her side, I will do it even if it kills me. But she's also in love with me and for that, I am forever grateful." Mahigpit na hinawakan ni Timothy ang isang kamay ko. "I love her and that is why I would like to take this opportunity to ask for your daughter's hand in marriage," mahinahon at matatag na sabi ni Timothy.

Tila tumigil ang oras nang mga sandali na 'yon. Natigilan kaming lahat. Maging sina Mama at Papa ay bakas ang pagkagulat sa mga mukha. Napatakip ako sa bibig ko. Hinihingi ni Timothy ang kamay ko.

"Timothy." Tuluyan nang tumulo ang luha ko.

Hindi ako makapaniwala sa lumabas sa bibig ni Timothy. Humihingi siya ng pahintulot sa mga magulang ko. Paninindigan ni Timothy ang pagmamahal niya para sa akin. Hindi niya ako isusuko katulad ng pangako niya na hindi na siya aalis pa sa tabi ko.

"No!" malamig na sagot ni Mama matapos mawala ang shock sa mga narinig niya. "Absolutely not! I cannot accept this!"

"Mama." Nakagat ko ang labi ko nang tignan niya ako ng matalim.

"Just who do you think you are?! You think you are that high and mighty na papayag ako sa gusto mo dahil lang sa hiningi mo?! Sa paanong paraan mo balak buhayin ang anak ko?! As far as I know, hindi ka tumutulong sa kompanya ninyo. Sa tingin ninyo ba, madaling mabuhay sa mundong ito?!"

"Mama, hwag ninyong pagsalitaan ng ganyan si Timothy!" sagot ko.

"You're defending him, Samantha?! May balak kang pakasalan ang lalaking yan? You are clearly not thinking straight! Where is my daughter who graduated with the highest honor? Sayang lahat ng pinag-aralan mo kung hindi mo makita kung bakit basura ang lalaking ipinagtatanggol mo!"

"Hindi basura si Timothy Mama." Lumunok ako para mawala ang bikig sa lalamunan ko. "Alam ninyo ba, na mali ang intindi ko sa konsepto ng pagmamahal noon. Palagi kayong wala ni Papa at busy sa trabaho. Kaya naman lumaki ako na nakatanim sa isip na kailangan kong maging perpekto para mapansin ninyo. Ang akala ko kapag nasa pinakatuktok na ako, mamahalin ako ng mga taong gusto ko. Nakakatawa lang na minahal niya ako kahit na ang laking kong tanga sa harap niya noon. Na kahit ano'ng sama pa ng ugali ko pinili parin niya akong mahalin. Ipinaintindi niya sa akin na pwede rin pala akong mahalin kahit na wala akong gawin." Pinunasan ko ang basa kong pisngi. "Minahal niya ako Mama, bilang ako. Minahal niya ako hindi dahil matalino ako o kahit na ano pa man na meron ako. Minahal niya ako sa kabila ng mga pagpapahirap ko sa kanya. Mahal niya ako Mama at masaya ako kapag kasama ko siya dahil mahal ko rin siya. Mama, please, hayaan ninyong mahalin ko siya."

Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata ni Mama nang marinig ang mga sinabi ko. Bakas naman ang lungkot sa mukha ni Papa.

"Sa tingin mo hindi ka namin mahal ng Papa mo Samantha?" nanghihina na tanong ni Mama sa akin. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig. "Iniisip mo na hindi ka namin mahal, Samantha? At ang lalaking yan lang ang nagmamahal sa'yo?"

"Kung mahal ninyo ako, mas pipiliin ninyo ako kaysa sa mga negosyo ninyo. Hindi ninyo ako ituturing na isang malaking investment sa kompanya—"

Isang sampal ang sinagot sa akin ni Mama. "How could you say such things?! Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman namin ng Papa mo sa tuwing hindi ka namin nakakasama. Pero lahat iyon, kailangan naming tiisin! Ginawa namin ng Papa mo ang lahat para maibigay sa'yo ang isang magandang buhay na handa mong itapon para sa lalaking yan!" puno ng galit at hinanakit na sabi ni Mama na nakapagpabigat nang sobra sa nararamdaman ko. "Para lang sa lalaking 'yan kaya mo kami nagagawang sagutin nang ganito! Dahil lang sa lalaking yan, Samantha! You have a good future ahead of you, do not throw it away!" mariin niyang sabi.

Naramdaman ko nalang na mahigpit akong hinawakan ni Timothy at inilayo. Itinago niya ako sa likod niya para protektahan.

"Mommy!" Mula sa kusina ay hindi napigilan ng mga kaibigan ko ang pagtakbo ni Angelo palapit sa amin. Maging sila ay hindi rin alam ang gagawin. Umiyak ang kapatid ko dala marahil ng takot sa nakita at narinig.

Hindi ko magawang tignan ang mga magulang ko. Nanginginig lang ako na umiiyak habang nakatago sa likod ni Timothy. Hindi ko na kaya pang harapin sina Mama at Papa. Alam kong nagiging selfish ako ngayon. Hindi ko dapat piliin si Timothy over them. Pero hindi ko kayang iwan si Timothy. Hirap na hirap na rin ako. Hindi na kaya ng puso ko ang sakit. Malapit na itong sumabog.

"NO! I don't like you!" narinig ko ang boses ni Angelo. "I want Mommy!! Mommy!!!"

"Angelo," malamig na tawag ni Mama.

"NOOO!!! You bully!! You hurt my Mommy!!!"

"Selene," mababa ang tono na sabi ni Papa. "Ako na."

Iyon ang unang beses na narinig ko ang boses ni Papa simula nang dumating sila ni Mama. Nanatili siyang tahimik kanina.

"WAAAAAAAHHH!! WAAAAAAAAAAAAAHHH!!" narinig kong iyak ni Angelo na mas nakapag-paiyak sa akin.

Chương tiếp theo