webnovel

Chapter One Hundred Ninety-Four

TUNOG ng isang nabasag na vase ang narinig ng mga kawaksi mula sa loob ng opisina ng mansion. Mabilis silang nagsilayuan mula roon.

"Selene." Niyakap ni Crisostomo Perez ang namumutlang asawa.

"W-what do you mean she's gone?" tanong ng asawa niya.

Dumoble ang sakit na nararamdaman ni Crisostomo nang makita ang nagmamakaawang mga mata ng kanyang asawa. Umiling siya sa asawa at mahigpit itong niyakap.

"Oh God! My baby! No! Samantha!" iyak ng asawa niya. "My baby! My daughter!"

Hindi man sila naging pinakamabuting magulang para kay Samantha, mahal naman nila ito. Ginagawa nilang mag-asawa ang lahat para maging maganda ang kinabukasan ng anak nila.

Ngayon, nagsisisi siya kung bakit mas pinaglaanan niya ng atensyon ang negosyo kaysa sa anak nila. Bilang isang magulang, hindi nila nakikita ang pagkakamali nila. Ang alam lamang nila na makabubuti sa anak nila ang ginagawa nila. Hindi nila naisip kung ano ba talaga ang kailangan ng anak nila. At ngayong naunawaan na nila iyon pareho, huli na. Wala nang oras pa. Naubusan na sila nito bago pa man nila maibigay sa kanilang anak.

Lubos ang pagsisisi nilang mag-asawa sa nangyari. Kung sana lang ay mabibigyan sila nang ikalawang pagkakataon... Kung kaya lang sana nilang bilhin ang oras. Handa silang ubusin ang lahat ng kayamanan ng pamilya nila maibalik lang ang oras na nawala sa kanila. Kung kaya lang nilang ibalik ito. Kung pwede lang.

***

"Ang apo ko!" sigaw ng Lola ni Samantha mula sa loob ng silid.

Mas lalong napayuko ang mga tao sa labas ng morgue. Walang tigil ang iyak ng mga kaibigang babae ng dalaga. Nananatili namang tahimik ang mga lalaki.

"Nasaan ang apo ko?! Nasaan si Milagrosa?!"

Nagulat ang mga nakarinig ng sigaw na 'yon. Hindi nila maintindihan kung ano ang nangyayari sa loob.

"Ano'ng ibig ninyong sabihin na hindi ninyo alam?! Nasaan ang katawan ng apo ko?!"

Sukat sa narinig ay pumasok si JG sa loob ng morgue. Nakasunod sa kanya ang ilang myembro ng gang pati na rin ang mga kaibigang babae ni Samantha.

"Ano po'ng problema?" tanong ni JG na kunot noong lumapit sa mag-asawa.

"Nawawala ang katawan ng apo namin," mahinahong sagot ng Lolo ni Samantha.

"Nasaan ang apo ko?! Bakit wala siya?! Saan ninyo siya dinala?!" tanong ng Lola sa lalaking nagbabantay kanina sa morgue.

Napakamot ito sa ulo. Hindi nito alam kung ano ang nangyayari. Sigurado siya na nandito lamang ang katawan kanina. May iba kayang kumuha nito? Tinignan ni JG ang higaan na metal. Walang katawan doon. Nakasayad pa sa sahig ang puting kumot.

Halos tumigil ang tibok ng puso niya. Maaari kaya? Nagmamadaling lumabas siya ng morgue upang hanapin ang dalaga.

"Nasan si Sammy?" tanong ni Michie na tumigil na sa pag-iyak.

"Baka naman..." hindi maituloy ni Maggie ang sasabihin.

Tumakbo naman si Audrey papunta kay Red na nananatiling nakaupo sa labas. "KUYA!!" Niyugyog niya ang balikat nito "Si Samantha! Nawawala siya!"

***

Miracle Samantha Perez

Ugh. Ang sakit-sakit ng ulo ko. Minulat ko ang mga mata ko at tinanggal ang nakataklob sa'kin na kumot. Ano ba yan? Hindi naman ako ganito magkumot ah. Para naman akong patay nito.

Ang sakit-sakit ng likod ko. Bakit ang tigas ng higaan ko? Hindi man lang ako inilipat sa kama, yung malambot! At ang sakit ng dibdib ko. Ang sikip ng pakiramdam ko. Nahihirapan akong makahinga.

Teka. Umikot ang tingin ko sa paligid. Nasaan ako?! May bigla akong naalala. Yung mga chinese! Hideout kaya nila 'to? Hala!

Napatingin ako sa damit ko. Medyo basa pa pero patuyo na. Ang lamig-lamig. Niyakap ko yung kumot.

"Aaachoo!!" Mabilis kong binitawan ang kumot.

Yuck! Bakit ang weird ng amoy? Amoy… amoy gamot! Kinamot ko ang buong katawan ko. Ang kati-kati! Dahil siguro 'to sa swimming pool. Sinasabi ko na nga ba, hindi safe doon eh. Buti buhay pa ako! Pero ano naman kaya 'tong napasukan ko? Kinulong naman nila ako dito. Bakit ba ako palaging nakikidnap? Pero okay lang, atleast buhay pa ako. Hmm. May tatlong pinto ang silid. Ang weird lang, para kasing laboratory tapos parang.. mukha syang.. hindi ko matandaan kung saan ko nakita ang ganitong silid eh. Nakakita na ako ng ganito sa mga movies eh.

Ugh. Mas lalong sumasakit ang ulo ko. Tumayo ako mula sa metal na higaan. Ang weird naman.

Nawawala yung isa kong sapatos pagtingin ko sa paa ko. Hinanap ko sa paligid yung sapatos ko na nawawala pero hindi ko makita. Sayang naman, limited edition pa naman 'yon. Binili ko pa 'yon sa Paris, eh.

'EXIT'

Kumutitap ang mga mata ko sa aking nabasa. Bakit kaya may sign doon sa pinto? Bakit naman ako ikukulong ng mga dumukot sa akin tapos doon pa ako nilagay sa kwarto na may exit?

Tumingin ako sa kabilang pinto. Parang may naririnig akong papalapit. Mabilis akong lumapit pinto na may sign na exit. Himala! Bukas ang pinto nang subukan ko! Nakangiti akong lumabas. Nagpipigil akong tumawa. Haha!

Malamig ang hangin. Nasa driveway ako. Isang malawak na space na daanan ng mga sasakyan. Tumakbo ako nang mabilis palayo. Nang medyo nakalayo ako, kaagad akong natawa. Nakalaya ako! Hahaha! Ang fail nila!

Tumakbo ako nang tumakbo nang hindi pinapansin ang mga nasa paligid ko. Kailangan ko lang talagang tumakbo nang mabilis baka abutan pa ako ng mga kidnappers ko.

Umabot ako sa kalsada. Gusto ko sanang pumara ng taxi kaso wala naman akong pambayad.

Naglakad nalang ako nang naglakad. Sa paglalakad ko at paliko-liko, nakarating rin ako sa pamilyar na lugar.

Malapit na akong makakarating sa bahay namin ng Crazy Trios. Nagugutom na ako. Ano kayang oras na? Habang naglalakad ako sa kalsada parang may naisip ako pero mabilis din na nawala. Parang may nakalimutan ako. Parang mahalaga ang nakalimutan ko. Ah, di bale na nga. Baka kapag nakakain ako, maalala ko ulit.

Lalala~

Nakatakas ako sa mga chinese na 'yun! Ang bulok naman nila. Hindi nila alam nakatakas na ako! Ang galing ko talaga! Itatago lang din nila ako, sa may exit pa! Hahaha! Ang bulok nilang mga kidnappers!

Sayang lang ang effort nila! Sumisipol ako at nagskip-skip pa habang papasok ng bahay namin. Patay ang ilaw. Wala ang Crazy Trios?

May narinig akong ingay. Tumutunog na naman pala ang tyan ko. Gutom na ako. Kinuha ko yung susi ng bahay mula sa ilalim ng doormat. Mabuti nalang dito iniiwan ni Michie ang susi niya. Makakalimutin kasi siya at mawalain ng gamit.

Binuksan ko na ang pinto ng bahay. In-on ko na rin ang ilaw. Nagmamadali akong pumunta sa kusina at nagkalkal ng makakain.

Nakita ko yung carbonara sa lamesa. Bakit nila iniwan sa lamesa yung pagkain?

Ginamit ko ang tinidor at sumubo ako. YUCK! Tumakbo ako sa lababo para iluwa yung nakain ko. Panis na! Bakit kasi hindi nila inilagay sa refrigerator?! Sayang yung niluto ko! Gutom pa naman ako!

Ano nalang ang kakainin ko?! Nakita ko yung saging sa lamesa. Saging! Kumuha ako ng isa at binalatan. Agad ko yung isinubo at nginuya. Kumuha rin ako ng tubig ko mula sa ref. Bakit kasi walang pagkain dito sa bahay? Di sila nag-grocery? Nakalimutan ba nila?

Dahil gutom parin ako, kumain lang ako nang kumain ng saging. Mauubos ko yata lahat ng saging dito sa mesa. Baka naman masira ang tyan ko.

Nagkalkal ako ng iba pang makakain sa mga cabinet sa kusina. Nakita ko ang box ng granola bars na palaging kinakain ni Maggie. Kinuha ko iyon kaagad. Kinuha ko rin ang nakatagong chocolates na snickers sa pinakadulo ng refrigerator, kay Michie siguro. Lahat ng nakulimbat kong pagkain ay nilagay ko sa lamesa sa kusina. Inumpisahan kong kainin lahat.

Ilang minuto na akong tahimik na kumakain nang may ingay akong narinig sa labas ng bahay. Napatigil ako sandali sa pagnguya nang marinig kong bumukas 'yung pinto.

Nakarinig ako ng mga yabag ng nagtatakbuhang paa. Maya-maya lang ay nakita ko na sina Maggie, Michie at China. Lahat sila naka-nganga habang nakatingin sakin. Galit ba sila dahil pinakialamanan ko ang pagkain nila?

Naku! Hala lagot! Naubos ko nga pala yung saging. Gamit pa naman nila yun pangtanggal ng eyebags nila.

Chương tiếp theo